Boses yun ni...
Nagulat si Avery at dali dali itong bumangon mula sa kaniyang kama at agad itong lumabas.
Nang makita ni Ren si Avery agad itong tumakbo patungo kay Avery at lumuhod sa harapan niya.
"Avery! Bakit? Bakit ka nakikipaghiwalay sa akin? Mahal na mahal kita!" Humahagolgol na sigaw ni Ren.
Nagulat si Avery sa ginawa ni Ren. Napatingin ito sa palagid at nakita ang gulat na gulat na Mukha ng kanilang mga kapitbahay. Kitang-kita rin sina Mark at Ivan. Higit sa lahat makikita ang hindi makapaniwalang mukha ni Sharon na siyang nanay ni Ren sa kaniyang nakikitang ginagawa ng kaniyang anak.
Habang napapaisip at nahihiya si Avery lumapit si Maricar sa kaniya at tinapik ang likod nito.
"Anak, mukhang malaking eskandalo ito. Papasokin mo na muna si Ren" Seryosong sabi ni Maricar.
Ng makita ni Sharon na pinapasok ang kaniyang anak agad rin itong nagmadaling pumasok.
Isinara ni Naning at Maricar ang pintuan at mga bintana.
"Avery matagal ko ng napapansin na may pagtingin ka sa anak ko at hindi ko akalaing kayo na!" Galit na sabi ni Sharon
"Hoy Sharon! Huwag ka ngang assuming! Sa gwapo ng anak ko, tingin mo ba magugustohan niya yang anak mo?" Sagot naman ni Maricar.
"Hoy Maricar! Hindi kailangan ng anak ko yang anak mong tamad! anong gwapo hindi pa yan nakalahati sa anak kong lalake!" Banat naman ni Sharon.
"Ang kapal mo rin eh no! Anong hindi nakalahati! tignan mo nga yang anak mo, halos mabaliw na para lang mahalin ng anak ko!" Matapang namang sinabi ni Maricar.
"Ma! Aling Sharo! Huwag na nga kayong magtalo, Oo jowa ko si Ren at umabot kami ng isang buwan, malapot na nga po kaming mag dalawang buwan eh, kaso hindi umabot!" Medyo galit na sabi ni Avery.
"Oh kita mo, yang anak mo ang nabaliw sa anak ko!" Hirit ni Sharo.
magsasalita na sana si Maricar ngunit naunahan siya ni Avery.
"Aling Sharon, Paumanhin na ho ha, pero ni minsan hindi ho ako nabaliw sa anak ninyo, at wala na ho kami ni Ren nakipaghiwalay na po ako kagabi" Mahinahon na sinabi ni Avery.
"Oh yun naman pala eh, ano pang iniiyak iyak mo jan na babae ka?! pinapahiya mo lang ako" Galit na sabi ni Sharon kay Ren.
"Pero bakit? Bakit ka nakikipaghiwalay sa akin?" Humahagulgul na tanong ni Ren.
"May iba na akong mahal, si Princess" Sinabi ito ni Avery ng napakalakas.
"HAHAHAHA, Kita mo, anong nababaliw yang anak ko sa anak mo? Pinalitan ng isang araw! HAHAHA" tawang tawa na sinabi ni Maricar.
Hinila ni Sharon si Ren palabas ng bahay nila Avery. umuwi ang mga ito ng naka yoko ang kanilang mga ulo.
Buwak! Buwak! Buwak!
"Hoy Ren, napapadalas na yang pagsuka mo ha! Umamin ka nga sa akin, buntis ka ba?!" Seryosong tanong ni Sharon kay Ren!
Hindi naka imik si Ren dahil kagabi lamang ay nag pregnancy test ito at lumabas na siya ay buntis. Gulat na Gulat si Ren sa mga oras na iyon kaya naman ay nagchat siya sa kaniyang mga tropa at ito ay nakipag inoman kaya naman ay hindi niya gad nasagot ang chat ni Avery kagabi.
"Hindi po ma, hang over lang to!" Sagot ni Ren.
"Ano nakipag inoman ka na naman? hindi ba't sinabi ko sayo na huwag ka ng iinom!" Galit na galit na sabi ni Sharon.
"Ma! bakit ikaw ba? palagi kong sinasabi sayo na itigil mo na ang paginom pero ni minsan ba sinunod mo?! hindi naman diba?" Humahagolgol na sagot ni Ren.
Nagulat si Sharon sa inasta ni Ren.
"Anak! alam mo naman eh, umiinom ako para matakas ang mga problema natin, umiinom ako para makalimutan ang mapuot na nangyari sa akin." Sahot ni Sharon kay Ren.
"Sa tingin mo ba Ma! Iinom ako ng walang dahilan? Sisyesta ako habang alam kong naghihirap tayo dalawa sa buhay Ma?! Ma! May mga problema rin ang anak mo! huhuhuhu!" Humahagol ko na Sigaw ni Ren
Lumapit si Sharon kay Ren at kaniya itong niyakap at sinabi niya ang mga katagang "Anak" at napaiyak na rin ito.
...
"Avery, sa tingin mo ba tama yung ginawa mo kay Ren? Sa kalalake mong tao niloloko mo yung babae tapos pinalitan mo sa loob lang ng isang araw? Ha!" Galit na galit na sinabi ni Maricar.
"Ma! Kagigiaing ko lang oh. Pwede bang Good Morning na muna ang sabihin mo sa akin, maappreciate ko pa!" Naiiritang sagot ni Avery.
"At Ma! Sa tingin mo ba magagawa ko yun? Kilala mo ako ma anak mo ako! kung malinis ang konsensiya mo, malinis rin ang Konsensiya ko!" Dagdag pa ni Avery.
"Oh, yun naman pala eh, ano ba kasi ang nagyayari?" Tanong ni Maricar
"Ma! Hindi dapat sakin manggaling, tanongin mo yung malanding babaeng yun!" Galit na sagot ni Avery sabay pumasok siya sa kaniyang kwarto.
Tumayo sa harap ng salamin si Avery at kinausap ang kaniyang sarili. Ang hirap din eh no, kung hindi mo pwedeng sabihin yung totoong nangyari. Sira na yung tao pero kapag nalaman nila ang katotohanan mas masisira pa ito. Minsan kailangan din talaga nating mag sakripisyo para sa ikabubuti ng iba kahit ikasira natin, pero minsan inaabuso nila ito. Kaya importante na alam mo kung paano pahalagahan ang sarili mo at alam mo ang limitasyon mo. Sabi nga nila "Love Yourself First Before Others.
...
PAKERS
Mark: Hoy tol @Avery Samuels ano ba nangyari?
Ivan: Kaya nga tol bakit nagwawala si Ren?
Jacko: Balitaan mo naman kami tol
Seph: Lah seen ka na lang ba jan tol?
Mark: Baka stress pa ang pare natin palipasin muna natin
Ivan: Haha balita ko may bagong gal daw tong pambato natin eh kaya nakipaghiwalay
Jacko: Hoy tol kayo pala ni Ren di mo man lang kami ininform
Mark: Kaya nga, eh di hindi sana namin nagawa yun!
Mark unsent a message
Mark nabasa ko yun, anong nagawa?
Mark: Wala tol, na wrong send lang
Ivan: Labas ako jan
Seph: Ano yan Mark akala ko tahimik ka lang
Jacko: Nako Wrong send pa nga
Astig din tong mga to eh no, sari sariling hugas kamay hahaha, ako makakamove on ako sa ginawa ninyo kay Ren kasi hindi ko naman na siya jowa, pero yung ala ala nandoon pa din, pero kapag yan pumutok na chismis, tiyaka kayo magsihugas ng mga kamay. Sabi ni Avery sa kaniyang isip.
Lumipas ang isang buwan na tahimik ang buhay ng lahat.
Pakers
Mark: Good Luck sa atin bukas mga tol
Jacko: OG for the win!
Ivan: Lezzgo
Seph: Sheeshable
Ibigay natin ang best natin mga tol!