"Ma Sabihin mo kay Mark, ichat na lang ako. Wala ako sa Mood ngayon" Sagot ni Avery
"Tol importante to. Nakita mo na ba yung post ng SK Candon City? May Mobile Legends tournament tol, at mag eentry tayo tol, ikaw ang magiging mage namin tol" Masayang sabi ni Mark sa laban ng kwarto ni Avery.
"Sige tol, Chat, Chat na lang" Sagot ni Avery
"Sige tol alis na ako"
"Thank You po tita, nakausap ko na po si Avery. Mukhang mainit po ulo eh." Sabi ni Mark kay Maricar habang palabas ng bahay nila Avery.
"Kain ka muna iho, bago ka umalis." Sagot naman ni Maricar habang inaayos ang mga pagkain sa kanilang hapag kainan.
"Ay hindi na po tita, hinihintay rin po ako ni mama" Sagot naman ni Mark.
"Sige iho, mag-iingat ka, ika musta mo nalang ako kay Marites at salamat din pala sa pag bisita ha at mag iingat ka" Mahinahong sabi ni Maricar habang inihahatid si Mark sa labas ng kanilang bahay
"Sige po tita, Maraming salamat po"
"Oh nakauwi ka na pala mahal, saktong sakto ang paguwi mo nakahanda na ang pagkain" Mahinhing sabi ni Maricar kay Naning sabay halik sa pisngi nito.
Humalik rin si Naning sa pisngi ni Maricar at agad itong pumasok ng bahay. Umupo ito sa sofa at binuksan ang telebisyon.
Mula Apari hanggang hulo, saan ka man ay hali na kayo, isang-libo't isang tuwa buong bansa...
"Avery, Meron na ang tatay mo kain na tayo" Malakas na sabi ni Maricar.
Umupo na si maricar at si Naning sa hapagkainan ngunit nagtataka sila dahil hindi pa lumalabas ng kaniyang kwarto si Avery.
"Avery, kain na" Malakas namang tawag ni Naning
...
...
...
lumipas na ang limang minuto ngunit hindi pa lumalabas si Avery sa kaniyang kwarto.
"Mukhang naka earphones nanaman habang nag lalaro ng ML itong batang ito, puntahan mo nga at tawagin ko Mahal" Nakangiting sabi ni Maricar kay Naning
Agad namang tumayo si Naning mula sa kaniyang kinauupuan at pinuntahan si Avery sa kaniyang kuwarto.
Napakamot na lang ng ulo si Naning noong nakita niyang Nakatulog si Avery.
Mukhang nag puyat na naman sa kakalaro ng ML tong batang to.
"Nakatulog pala mahal eh, kaya hindi sumasagot, mukhang napuyat nanaman kagabi yan sa kakalaro ng ML" Nakangiting sabi ni Naning kay Maricar.
"Ano? eh ang agang natulog yan kagabi eh. Sabi nga niya sa akin mag gygym daw sila mamayang Alas tres, kaya humihingi ng 200" Nagtatakang sabi ni Maricar habang sumusubo ng pagkain
"Hindi pa ba gumigising yan mula kanina?" Tanong ni Naning.
"Nagising na kanina, lumabas pa nga sila ni Ivan eh, pero noong bumalik biglang naging malungkot" Sagot ni Maricar
Nasobrahan ko ba yung pansesermon ko sa kaniya kanina? Parang Normal na sermon lang naman yung ginawa ko ha. Sanay na sanay na yun. Nagtatakang tanong ni Maricar sa kaniyang isip.
Natapos ng kumain ang mag asawa. lumipas ang oras at gabi na ng nagising si Avery.
"Anak ng, nakatulog pala ako" Sabi ni Avery sa kaniyang isip
Dinampot niya ang kaniyang telepono sa kaniyang kama at nagulat ito noong nakita ang oras.
"Oh sh*t 9:00pm na!!"
Nakita rin niyang may 15 miss calls sa kaniyang telepono halo halong Miss Calls mula kina Ivan at Mark.
Binuksan nito ang kaniyang Messenger at may mga Miss Call rin dito ang kaniyang mga kaibigan, binuksan niya ang mensahe ni Mark na nagsasabing magkita kita raw sila sa store nila Seph sa alas syete ng Gabi para pag usapan ang kanilang line up sa tournament.
"Mukhang napasobra ang tulog ko ah, masakit pa ang loob ko kay Seph pero hindi ako pwedeng hindi sumipot, baka makahalata ang mga siraulong iyon" Paguusap ni Avery sa kaniyang isip.
Markie
Tol nan jan pa ba kayo?
Uy tol buti gising ka na
Oo tol nandito pa kami habol ka tol
Sige tol, Bihis lang ako 5 mins
Agad agad na tumayo si Avery sa kaniyang kama at itoy ay nag ayos.
Mabilisang naglakad ito at noong dumating siya sa bahay nila seph nagulat ito sa kaniyang mga narinig.
"Tol nalaman na ni Avery yung ginawa natin kay Ren"
"Ano tol? Paano?"
"Gumagawa ako ng letter kay Princess tol nong dumating sila nito ni Ivan" Galit na sabi ni Seph habang itinuturo si Ivan.
"Bat ako? Kaya pala bigla kayong hindi nag imikan kanina" Sagot ni Ivan ni Ivan.
"Tol anong letter yan, ang outdated mo naman, may messenger tol oh, may instagram, may twitter pa! bat kasi may nalalaman ka pang letter, letter! Alam niya bang hindi lang ikaw nakagalaw tol?" Tanong ni Jacko
"Hindi Tol" Sagot ni Seph
"Yun ang importante" Sagot naman ni Mark.
"Hoy tahan na kayo sa usapang yan, diba sabi mo Mark papunta na si Avery dito? Baka nan diyan na yan at nakikinig sa atin" Kinakabahang sabi ni Ivan.
Nagtinginina ang mga makakaibigan at napatingin sa kanilang paligid. Ngunit wala silang nakitang Avery.
"Kahit kailan talaga napaka nerbyoso mo Ivan, para namang hindi ka nag enjoy noon ah!" Tumatawa at pabirong sabi ni Jacko
"Hoy Seph ano ulit yung sinasabi mo sa akin kanina? Jowa na ni Avery si Ren bago pa nangyari yung sakuna?" Seryosong Tanong ni Jacko.
"T*ng In* Jaks, sabi ko sayo atin lang yun eh, matabil talag bibig mo eh no!" Galit na sabi ni Seph
"Totoo nga pre?" Sabay na tanong ni Mark at Ivan kay Seph.
"Uy teka lang tol, isa isa lang, mahina kalaban, Oo nga, isang buwan na silang magkasintahan noon tol" Nahihiyang sabi ni Seph.
"Anak ng! Seph, bakit hindi mo sinabi agad? Bakit hindi niyo sinabi agad sa amin? eh di sana hindi natin nagawa yun!" Nagsisising sabi ni Ivan.
"Tol sabi kasi sa akin ni Avery, secret muna daw kasi alam mo naman matalik na magkaaway si Aling Maricar at si Aling Sharon. At tiyaka napag usapan daw nila ni Ren na magiging lihim muna yung relasyon nila" Takot na sabi ni Seph
"Teka tol, sabi mo nalaman ni Avery yung tungkol doon sa letter naginagawa mo? Huwag mong sabihing hiwalay na kayo ni Princess?" Seryosong tanong ni Mark.
Napayuko si Seph at kitangkita ang kalungkotan sa kaniyang mukha.
"So, wala na ngang kayo? tol?" Pahabol na tanong ni Jacko.
Tumungo si Seph at napaluha na lamang ito.
"Anak ng, bakit anong nangyari sa inyo?" Tanong ni Jacko
"Nalaman niya yung ginawa natin kay Ren. May nagpadala ng video sa kaniya!" Umiiyak na sagot ni jacko
"ANO? MAY VIDEO?" Gulat na Gulat at sabay na tanong ng tatlo.