webnovel

5

" BUNTIS ako," kinakabahang sambit ni Maritoni kay Kyle.

Namilog ang mata ng lalaki na tila hindi makapaniwala sa narinig. Hindi kaagad ito nakaimik.

" Hindi ka na nakaimik diyan? Panlalakihan mo na lang ba ako ng mata?" wika pa niya sa naiinis na boses.

" Are you sure,babe?" paniniguro naman ng nobyo.

" Oo,two weeks na akong delay kaya nag PT na ako at positive ang result," aniya pa na kinakabahan pa rin.

Hindi niya kasi nagugustuhan ang expression ng mukha ng nobyo. Natatakot siya na baka iwasan at hindi siya panagutan nito. Baka bigla rin nitong itanong kung siya ba talaga ang Ama ng batang dinadala niya,pag nagkataon ay hahampasin niya talaga ito sa ulo!

" So,ano na? Ano ng plano mo?" pangungulit pa niya na halos pigil ang paghinga sa maaaring isagot ng nobyo.

" What do you think? Ano bang gusto mo?" tanong ng lalaki.

" Bakit ako tinatanong mo? Eh,ikaw ang lalaki?"

Sa totoo lang ay inis na siya sa mga sinasagot nito.

" Sorry babe, ah.Nabigla lang kasi ako at hindi makapaniwala na magiging Daddy na pala ako," sagot nito na bahagyang ngumiti. " We're only 18 and we're not graduated yet,so-"

" So, ganun lang iyon? Hindi mo ako pananagutan,iiwan mo ako ganun?"naiiyak na niyang tanong sa nobyo.

" Ofcourse not! Ano bang sinasabi mo? I'm just asking you what to do,i'm not saying na iiwan kita," agad nama'ng paliwanag ng lalaki.

" Eh,bakit kasi ako ang tinatanong mo,ikaw nga 'yung lalaki, eh!" mangiyak-ngiyak niyang tinuran.

Tuluyan na nga siyang napaiyak sa sitwasyon nila. Bata pa sila at hindi pa nga graduate ng college. Lito rin siya ng mga oras na iyon,natatakot siya. Paano niya 'yun ipapaalam sa mga magulang niya? Tiyak na magagalit ang mga iyon at pauuwiin siya. Na ayaw naman niyang mangyari dahil ayaw niyang malayo kay Kyle.

Niyakap siya ng lalaki. " Will you stop crying, Babe? I will not leaving you,okay? Mahal kita Maritoni,hindi kita iiwan sa ganitong sitwasyon lalo pa at magkaka baby na tayo," pang- aalo ng lalaki.

Humarap siya sa nobyo. "Nakakainis ka, eh! Pa-suspense ka pa kung sumagot diyan," aniya pa at hinampas pa sa braso ang nobyo.

Pinahid naman ng lalaki ang luha sa pisngi niya.

" Okay,stop crying na pumapangit ka, eh. Saka baka makasama pa 'yan sa magiging baby natin."

" Ano ng plano mo?"muli niyang tanong sa lalaki.

" Actually,i really dont have any idea." Bakas sa mukha nito ang pagkalito.

Nag- isip ulit ito at muling nagsalita. "Okay,ganito na lang muna, babe. Kung gusto mo,magsama na lang muna tayo. 'Yun lang ang naiisip ko sa ngayon."

" Magsasama tayo,Babe?" hindi makapaniwalang tanong niya.

" Oo, 'yun lang ang tanging naiisip ko sa ganitong sitwasyon,what do you think?"

Yumakap siya sa nobyo. Masayang-masaya siya at nakahinga na rin ng maluwag dahil nakakasiguro na siyang mahal talaga siya ng lalaki.

" Okay na okay sa akin, babe!" masaya niya'ng sabi. Kumalas siya sa pagkakayakap at bahagyang natigilan.

" Kaso, paano ang parents mo,okay lang kaya sa kanila? tanong pa niya.

" I will tell them, don't worry. Magiging masaya pa sila dahil magkakaapo na sila," nakangiting sagot ng nobyo.

" Sure ka ba riyan? Baka magalit sila," nag-aalala niyang tugon.

" Magugulat ofcourse,it's a normal reaction,syempre they are my parents. But i'm sure,matatanggap din nila."

" Sabi mo iyan, ah?" paniniguro pa niya.

Tila nabunutan siya ng tinik ng mga oras na iyon. Ang totoo ay ilang araw niya na din iyon iniinda. Nag-aalala kasi siya sa magiging reaksyon ng lalaki ngunit ngayon ay panatag na siya.

Agad namang kumalat sa buong campus ang kalagayan niya.

" Iba talaga pag sikat 'no?Konting kibot kumakalat agad," natatawa niyang sabi.

" At proud ka pa talaga, ha?" taas ang kilay na sagot naman ni Carol.

" And why not? This is Kyle's baby."

" You don't understand! You're too young for that. Paano na ang school mo? Hindi ka nag-iisip eh!"inis na sagot ni Carol.

" Bakit ba kasi nagpabuntis ka?Puwede namang boyfriend lang muna,no touch ganern," sabi naman ni Jona.

" Andito na 'to,support na lang kayo mga, sis. Hayaan niyo gagawin ko kayong mga ninang."

" Ay, baliw talaga, oh! Okay, no comment na nga lang ako." Si Carol na huminga pa ng malalim na tila pinipigil ang inis.

" You are in a serious situation,but then nagagawa mo pang magbiro? By the way, na sabi mo na ba iyan sa mga parents mo?" tanong naman ni Jona.

" Hindi pa. Saka ko na lang sasabihin. Sa ngayon,masaya ako kasi pananagutan ako ni Kyle. Ilang gabi ko rin 'tong pinoproblema,ah."

Hindi na nakaimik ang dalawa, napailing na lang ang mga ito. Iba't-ibang komento man ang naririnig niya sa mga tao ay wala siyang pakialam. Proud parin siya. Kumpyansa siyang hindi masisira ang buhay niya dahil pananagutan naman siya ng nobyo. Si Kyle na kilalang mayaman, may katiyakan na ang magiging kinabukasan niya. Ngunit ang malaking tanong sa isip niya,tanggapin nga kaya siya ng mga magulang ng binata?

Kabado siya nang araw na iyon. Ang araw na ipapakilala siya ng nobyo sa mga magulang nito. Alam na ng mga ito ang kasakukuyan nilang sitwaston kaya naman halos hindi siya makahinga sa sobrang kaba.

Namangha pa siya sa mala palasyong bahay na tinitirhan ni Kyle. Napakayaman talaga ng mga ito. Lalo na nang makapasok sila sa loob mismo. Halatang mamahalin ang mga furniture na galing pa yata sa ibang bansa. Malayong-malayo sa payak nilang tirahan sa Samar. Naisip niya na napakaswerte niya at siya ang piniling mahalin ni Kyle.

" Babe,kinakabahan ako," tanging nasambit niya.

" Relax Babe,it's okay! Tatawagin ko lang sila,stay here," pagpapaalam ng binata.

Iniwanan siya ng nobyo para puntahan ang mga magulang nito. Muli niyang iginala ang paningin sa kabuuan ng bahay. Napapangiti siya sa sobrang paghanga.

Hindi pa rin ako makapaniwalang dito ako titira! Napakaswerte ko talaga,iba talaga ang beauty mo, Toni!

Natigil siya sa pag-iisip ng mapansing pababa ng hagdan ang mga magulang ni Kyle. Agad siyang napayuko,pakiramdam niya ay lalagnatin siya sa sobrang kaba.

Hindi siya makatingin ng direcho sa Mommy ng nobyo ng nasa harapan niya na ito. Pakiramdam niya ay sinusuri siya nito mula ulo hanggang paa. Bahagya niyang inangat ang ulo para magbigay galang. Istrikto ang itsura ng mommy ni Kyle. Kahit my katandaan na ay hindi pa rin maitatago ang kagandahan at pagiging sopistikada. Maging ang Daddy nito ay bagamat may katandaan na ay nananatiling matipuno at guwapo na minana naman ng binata.

" Good evening po," panimula niyang bati sa dalawa.

" Good evening din, iha. Kumusta ka naman?" tanong naman ni Mr. Guevarra.

" Okay lang po," aniya pa.

" Okay,nabanggit na sa amin ni Kyle ang sitwasyon niyo. And we are really shock ofcourse. But we don't have a choice,nandiyan na 'yan eh.So, Kyle ask our opinion and ask his plans. At sabi nga niya nag decide na kayong magsama,so-" biglang naputol ang sasabihin pa sana. Dahil biglang nagsalita si Mrs. Guevarra.

" That i totally disagree!" maawtoridad na sabi ni Mrs. Guevarra. Napatingin naman agad siya sa matanda.

" You are too young, oh, God! How could you?" hindi na nito naituloy ang sasabihin pa sana. Hinilot-hilot pa nito ang sentido.

" Honey,relax napag-usapan na natin ito kagabi hindi ba?"sabi naman ni Mr. Guevarra.

" I just can't accept na mag-aasawa na ang unico iho natin. Ni hindi pa nga sila graduate ng college. At ikaw, iha?Sino ba mga parents mo hindi ka man lang ba nila naturuan?" tanong nito na nandidilat pa ang mga mata.

Hindi siya agad nakaimik,napatingin lang siya kay Kyle na tila nagpapasaklolo,ngunit yumuko lang ang nobyo.

" Answer me,iha! Where is your parents?I want to talk to them first!"giit pa rin ng matanda.

" Um,maam kasi-w-wala po sila rito," kinakabahan niyang sagot.

" What do you mean wala?!" kunot ang noong tanong nito.

" Nasa Samar po sila!" mabilis niyang sagot dahil natataranta na talaga siya sa katarayan ng matanda. Naiinis siya kay Kyle dahil hinahayaan lang siya nito. " Ang totoo po niyan kasi,nagboboard lang po ako,nasa province po sila," dagdag pa niya.

" So, your saying na hindi ko talaga sila makakausap?" paniniyak pa ng matanda. Lalong nanlaki ang mata.

" Oh,i'm not wonder kung bakit nangyari sa inyo 'to.No parents to guide, huh?How could they allow that? Babae ka pa naman,what kind of parents are they?!" sabi pa nito na tila nanunuya.

Gusto niya na talagang maiyak sa mga oras na iyon. Buong akala niya ay pag- uusapan nila ang gagawing plano para sa pagsasama nila. Nagkamali siya,dinala lang pala siya ni Kyle doon para gawing buntunan ng sisi. Gusto niya ng kumaripas ng takbo dahil sa kahihiyan.

" Mom,enough i think it's too much!" sa wakas ay nagsalita ang nobyo. Napatingin siya dito,tumango naman ito sa kaniya na tila sinasabing magiging okay lang lahat. Saved by the bell, 'ika nga.

" Honey,maupo ka nga muna,'yung presyon mo." Si Mr

Guevarra na inalalayan pa ang asawa para maupo. " Yaya! Bigyan mo ng tubig ang Maam mo,"utos pa nito sa namataang katulong.

" Mom,we're here to make plans not blaming us. Please,nandito na ito,we need your support. Mom Dad please?" pakiusap pa ni Kyle.

" Anyway, tama ang anak mo.Wala na tayong magagawa. We,as his parents we have to accept. Ang dapat nating pag-usapan ay ang pagsasama ng dalawa,since nakapagdecide naman na cla," paliwanag ni Mr. Guevarra.

Hindi na umimik ang mommy ni Kyle,ngunit halata pa rin sa kilos nito ang pagkadisgusto sa plano nila ng nobyo. Nakahinga siya ng maluwag dahil doon.

Napagpasyahan na nga nila ang pagsasama nila ni Kyle. Doon muna sila pansamantala titira sa mansion nito. Ngunit nangako naman ang mga ito na hindi yun panghabambuhy. Ayon sa mga ito,kailangan nilang bumukod at panindigan ang ginawa nilang kamalian. Na pabor naman sa kaniya dahil ayaw niya ring makasama ng matagal ang masungit na si Mrs. Guevarra. Kahit pala ganoon ang nangyari ay nasa kaniya pa rin ang huling halakhak. Ngunit hindi niya naiwasan na sumbatan ang lalaki dahil sa ginawa nitong pananahimik na sa huli naman ay pinagtanggol siya.

" Ano bang gusto mong gawin ko awayin si Mommy?Remember it's our fault,normal reaction lang iyon ng mga parents," pagtatanggol nito sa sarili.

" Eh,bakit ganon? Parang ako lang ang sinisisi niya? Pareho naman nating ginawa 'to, ah?Nakakainis!"reklamo pa niya.

" Akala mo lang 'yun! Alam mo bang kulang nalang sakalin niya ako sa galit nung araw na sinabi ko sa kanila iyon? Sinabon din ako ni Mommy akala mo ba?"

" Weh? Totoo ba iyan?Baka sinasabi mo lang iyan para hindi na ako mainis sa'yo?" paniniyak niya.

" Hmm. Parang ganoon na nga," nakangiting tugon nito. " At syempre bawal ang mainis,alalahanin mo si baby," sabay haplos nito sa tiyan niya.

" Sus, palagi mong dinadahilan si baby. Pero ang totoo,nakakatakot ang mommy mo ang sungit!"

" Ganoon naman talaga ang mga mommy, ah?Syempre they're only concern to our future. Mabait 'yun si Mommy pag nakilala mo, medyo maanghang lang magsalita."

" Ano'ng medyo? Talagang ganun siya ,parang si nanay ang daming sinasabi," inis pa niyang sabi.

" Okay, enough it's over. Ang importante naayos na natin ang problema. Siya nga pala itutuloy mo pa ba ang study mo or you will stop?"

" Itutuloy ko muna. Hindi pa naman malaki 'tong tiyan ko, eh. Saka paano yan?Pag nag stop ako,e 'di makakasama ko na ang mommy mo?"

" No. Palagi silang nagta-travel ni Daddy for business purposes. Actually this month aalis na naman sila."

" Hmm..ayos iyon."

Good! Masosolo ko ang bahay,magbubuhay reyna ako!

Mabilis namang kumalat sa buong campus ang pangyayaring iyon. At dahil doon nakarating iyon sa Dean na naging dahilan ng pagkakatawag sa kaniya nito.

" Ms. Ocampo, masyado nang kalat ang balita sa pagbubuntis mo. At dahil doon,nasisira ang image ng university. Remember,this is an exclusive school! Ano nalang ang sasabihin ng mga tao? Na mga cheap ang mga students dito? At ang mga teacher walang ginagawa to discipline the students? I'm sorry to say this Ms. Ocampo,we have to expell you,immadiately! Because we will not tolerate that kind of mistake!"

Hindi na nagawa pang umimik ni Maritoni. Hindi naman kasi kawalan sa kaniya ang mapatalsik sa unibersidad na iyon.

" Grabe!Dire-direcho magsalita,hindi man lang ako pinasingit,kainis!" bulong niya. Kasalukuyang nasa bench siya ng school at hinihintay si Kyle.