NAPAPIKIT siya ng maramdaman ang mahigpit na yakap ni Kyle. Napakasarap sa pakiramdam ang makulong muli sa bisig ng dating asawa, ang malapad na dibdib nito na masarap sandalan.
" Ayusin natin ang pamilya natin," bulong pa nito sa kaniyang tenga.
Hindi niya makuha ang ibig sabihin ng lalaki. Gusto nito na ayusin muli ang kanilang pamilya pati kaya relasyon nila bilang dating mag-asawa ay kasali sa gusto nitong ayusin?
Ramdam niya ang malakas na pagkabog ng dibdib ngunit hindi siya sigurado kung sa kaniya ba o kay Kyle dahil masyadong magkadikit ang dibdib nila sa isa't-isa. Matagal din sila sa ganoong posisyon, wala siyang ibang naririnig kundi ang kabog ng dibdib niya at ang paghinga nila. Pakiramdam niya ay huminto ang oras ng mga sandaling iyon.
Ngunit maya-maya lang ay naputol ang pantasya niya ng maramdaman ang pagbukas ng pinto kung saan sila nakapuwesto. Iniluwa nun si Darlene na nagulat pa nang mabungaran sila. Tila sila mga naestatwa habang titig na titig sa isa't-isa. May bitbit itong bilao na natatakpan ng foil ang ibabaw na hindi niya malaman kung anong klaseng pagkain ang dala nito.
" A-anong ginagawa niyo rito sa pinto? tanong ni Darlene ng makabawi sa pagkabigla.
Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa.
" Hindi pala nagsasama,ah! Sinungaling talaga!" sigaw ng isip niya.
Tinapunan niya ng matalim na tingin si Kyle na nabigla rin sa biglaang pagsulpot ng babae.
" I have to go, bye!" aniya at bahagya pang binangga si Kyle.
Habang nasa elevator siya ay natatawa na lang siya ng pagak dahil sa inis. Lalo na ng maalala na pumasok nga pala sa kaniyang isip ang sinabi ni Kyle at umasa siyang gusto nitong ayusin ang pamilya pati na rin ang relasyon nila.
" Baliw ka talaga, Toni! Paano mo naisip 'yun?" nanlalaki ang mga matang tanong niya sa sarili. "Nayakap ka lang ng kaunti nagpantasya ka na?! Pinakitaan ka lang ng malapad na dibdib kagat labi ka na agad?Aba marupok?Feeling mo together again na agad kayo?!"
Muli siyang natawa ng pagak sa naisip ngunit maya-maya ay lumarawan ang lungkot ng maisip ang anak na ngayon ay tila hindi na siya nakikilala.
Kaya niyang tanggapin ang pagtataksil ng dating asawa ngunit ang paglimot ng anak sa kaniya ay tila ikasisira ng kaniyang katinuan. Hindi na tuloy siya makapaghintay ng ilang buwan pa para makita ang anak, ang kaniyang bebe girl!
Madaling araw na siya ng makarating ng bahay. Nadatnan niya ang Ina sa sala na naghihintay pala sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
" Ano ka ba naman, Toni? Bakit hindi ka man lang nagsabi na hindi ka makakauwi? Kanina pa ko tumatawag sa'yo, bakit 'di mo sinasagot?" sermon ng Ina sa kaniya.
Hindi nga pala niya nagawang magpaalam dito dahil sa kasabikan na puntahan si Kyle at makausap ang anak. Agad siyang lumapit sa Ina at yumakap. Bumalong ang luha sa kaniyang mga mata.
" Naku bata ka, ano bang nangyayari sa'yo,ha?" anang matanda sa nag-aalalang boses.
Hindi siya umimik, nagpatuloy lang siya sa pagluha habang yakap ang Ina.
" Sige na, ikwento mo na, ano bang nangyari?"anito habang hinahaplos ang kaniyang likod.
Ito na siguro ang oras para ikwento sa Ina na nagkita na sila ni Kyle. Kailangan nitong malaman na malapit na silang magkita ng apo nito.
" Inay, sorry po kung ngayon ko lang sasabihin sa inyo. Nagkita na po kami ni Kyle," aniya na kumalas sa pagkakayakap.
" Siyanga? Kailan pa? Kaya ka ba umiiyak, sinaktan ka ba niya anak?"
Sunod-sunod siyang napailing. Kahit kailan ay hindi niya na iiyakan ang katulad ni Kyle na walang ibang alam gawin kundi ang magsinungaling.
" Aksidente lang po ang pagkikita namin," aniya na naupo na sa sofa.
Agad na sumunod ang Ina sa kaniya at umupo sa tabi niya.
" Siya po kasi ang kinuha naming engineer para sa gagawin namin resto."
" A-ang apo ko nakita mo ba? Nasaan siya, bakit 'di mo kasama?"
" Nakausap ko po sa cellphone," matamlay niyang sagot. " Inay hindi niya na ako kilala, ayaw na sa'kin ng anak ko, 'Nay!" parang batang sumbong niya.
Muli siyang napaluha dahil doon, muli niyang naramdaman ang takot at panghihina dahil sa nangyari.
" Ano bang sinasabi mo na ayaw na sa'yo? Hindi totoo yan,anak kasi ikaw ang nanay niya, ikaw ang nagluwal sa kaniya," pang-aalo sa kaniya ng Ina.
" Pero, 'Nay hindi niya ko kinakausap, kahit nagpakilala ako hindi niya pa rin ako pinansin!"
" Anak, matagal kayong hindi nagkita ng anak mo, natural lang na ganun ang reaksyon niya."
" Galit siya sa'kin,alam ko 'yun. Nararamdaman ko kung paano niya ko tignan," nanghihina niyang sambit.
" Hayy naku, kumalma ka nga ano? Ang mahalaga sa ngayon pag usapan niyo ng lalaking iyon kung ano ang plano niyo sa bata,payag na ba siya na sa'yo na muna ang apo ko?"
" Okay lang po sa kaniya, Inay." Pinahid niya ang luha sa mga mata.
" Mabuti naman. Ngayon pag nasa atin na ang anak mo, saka ka bumawi. Hindi naman natin siya masisisi kung ganon ang reaksyon ng anak mo, intindihin na lang natin siya, ang mahalaga makakasama na natin siya."
Malamang ay tama ang Nanay niya. Nabigla lang siguro ang anak nang makita siya kaya ganoon ang reaksyon. Hindi naging maganda ang pinagdaanan nito na kung saan nakaranas pa ng pambubully sa school na pinapasukan, kaya malamang ay may epekto pa sa isip nito ang mga nangyari lalo na sa kanilang pamilya. Nangako siya sa sarili na gagawin niyang masaya ang buhay ng anak hanggang sa makalimutan na nito ng tuluyan ang mapait na nakaraan.
**
"ANO bang ginagawa mo dito, Darlene?" aniya.
Hindi niya naitago ang pagkairita sa kaniyang boses. Nababahala kasi siya dahil malamang iniisip na naman ni Maritoni na nagsinungaling siya tungkol sa pagsasama nila ni Darlene. Maski naman siya ay nagulat sa biglaang pagsulpot ng dalaga.
" Hindi ko rin alam,eh. Basta na lang ako dinala ng mga paa ko papunta dito, may dahilan naman pala!"
Naramdaman niya ang pagiging sarkastiko ng babae kahit itago pa nito.
" Kinausap niya lang ang anak namin, pauwi na siya nang dumating ka."
Nilingon ng babae ang pinto at napakagat ng labi. Malamlam ang mga mata nito na kababakasan ng lungkot
" Ihahatid mo ba sana siya?"
Napalingon din siya sa pinto kung saan naalala niya ang ginawa sa dating asawa. Hindi niya napigilan ang mapangiti, bakit nga ba niya niyakap ito?
" What's wrong?" untag sa kaniya ng babae.
" Um, ihahatid ko siya sa pinto," tumatangong sagot niya.
Napansin niya ang matiim na pagtitig sa kaniya ng nobya na tila sinusuri kung nagsasabi ba siya ng totoo.
" Wala na kayong ibang ginawa?"
Sinipat nito ang suot niya, naka robe nga lang pala siya. Malamang ay iniisip nitong may iba silang ginawa dahil sa suot niya.
" Wala kaming ginawa, okay? Uminom lang kami ng kape."
Napansin pa niya ang pagtitig nito sa mga labi niya na ikinailang niya. Maya-maya ay tumayo ito. Bitbit ang bilao na naglalaman ng iba't-ibang seafoods at sisig na pusit, saktong pampulutan. Binuksan nito ang ref at kumuha ng ilang bote ng alak.
" Hey, anong ginagawa mo? Iinom ka pa ba? It's already midnight," aniya at sinundan ang babae.
" Saglit lang 'to, Hon, samahan mo na ako!"
Hindi niya maintindihan ang kinikilos nito dahil hindi naman ito sanay uminom ng alak. Napapangiwi pa ito sa tuwing tutungga sa bote. Hinayaan niya na lang ang babae at matamang pinagmasdan.
" Hmm. Ang sarap nito, Hon, try this!" anito na sinubuan pa siya ng sisig.
" After that, umuwi ka na,ah? Ihahatid na lang kita."
" What do you think of Maritoni?" sa halip ay tanong nito.
" What do you mean?" kunot-noong tanong niya.
" Malaki na ang pinagbago niya, she's well educated now and she's very pretty!"anito na namumula na ang mga mata palibhasa ay hindi sanay uminom kaya mabilis ang epekto ng alak.
" What do you want me to say?"
Alam niyang may epekto na ang alak sa dalaga kaya nagiging maingat siya sa pagsagot.
" Should i have to worry about you and Maritoni?" anito na titig na titig sa kaniyang mga mata. Nababanaag niya ang selos sa mga mata nito.
" Wala kang dapat ipag-alala tungkol sa'min," mabilis niyang tugon.
Ayaw niyang makita sa ganoong kalagayan ang babae kaya kahit hindi siya sigurado sa nararamdaman para sa dating asawa ay sinigurado niyang wala itong dapat ipag-alala.
Matamis naman itong ngumiti at lumapit sa kaniya. Pumulupot ito sa kaniyang leeg at hinalikan siya sa labi. Mapusok ang bawat halik nito na halos hindi na siya makahinga. Naramdaman pa niya ang paghaplos nito sa kaniyang dibdib na hindi niya namalayan ay natanggal na pala nito ang tali ng suot niyang robe.
" Hey, enough!" aniya nang kumalas siya sa pagkakayakap.
" Why? I just want to make love to you!"
Pinigilan niya ang kamay ng babae na kung saan-saan na nakakarating.
" I said stop!" Mariin niyang wika.
Tila natauhan naman si Darlene at tinigil ang ginagawa. Namumula ang pisngi nito sa hiya.
" Ihahatid na kita."
Hindi sumagot ang babae at muling bumalik sa lamesa at muling tinungga ang bote ng alak. Tahimik lang siyang naghintay dito hanggang sa ito na mismo ang tumayo at pumasok sa kaniyang kuwarto para humiga. Wala na siyang nagawa kundi ang panoorin ito.
Sa tagal ng relasyon nila ni Darlene ay hindi ito ang unang beses na nagparamdam ito ng kagustuhan na may mangyari sa kanila. Sa twing nagpaparamdam ito, tinatanggihan niya hindi sa ayaw niya kundi paulit-ulit niya lang naaala ang gabi na nahuli sila ni Maritoni dahilan kaya nasira ang pamilya nila at kung bakit nagdusa ang anak na si Angel.
Nagpasya na lang siyang sa sala matulog. Habang nakapikit siya ay muli niyang naalala ang mgandang mukha ng dating asawa.Ang mga ngiti nito na nagpapabilis ng tibok ng kaniyang puso,ang mga labing tila nanunukso na muli niyang mahalikan at ang magandang katawan na tila sumisira sa kaniyang katinuan. Bigla siyang napamulat sa naisip at pinagpawisan ng malapot.
" Shit! This is crazy!" naiiling niyang sambit matapos ay nilamukos ang mukha.