webnovel

Chapter 21

"I'm sorry! Kasalanan ko dahil nagsinungaling ako sa'yo. Hindi ako nagsabi ng totoo. But I didn't cheat!"

Sinundan pa talaga niya ako. Saglit akong natigil sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

"Believe me, I didn't cheat."

Yeah, I know you didn't cheat.

Pero mababago pa ba natin ang mga nangyari? Our marriage was annuled now. At isa pa may mahal ka na ding iba.

Hindi ko alam kung para saan ang usapan na ito. Gusto ba niya ng closure?

Pinirmahan niya ang annulment namin. That is the closure.

Huminga ako ng malalim at mabilis na pinunasan ang tumakas na luha.

Muli akong humakbang at muli ding napatigil nang magsalita ulit siya.

"Diyan ka naman magaling, e. Sa halip na makipag-usap, lagi ka na lang umiiwas, tumatakas at lumalayo."

"What do you want me to do, huh?!" Nilingon ko siya.

"Fight for me..." nanghihina niyang sagot.

"How? Paano kita ipaglalaban kung sa huli ako naman pala ang talo. Kung siya ang piliin mo. Gusto ko lang namang ibangon ang sarili ko dahil nasagad na ako, lahat ng pagmamahal binuhos ko noon sa'yo. I am not an ideal girlfriend, Kian. Hindi ako sexy gaya ng mga naging ex mo. Hindi ako maganda. Kaya nga hindi ako gusto ng mga tao para sa'yo, di ba?"

Iyon ang paniniwala ko nang hindi ko pa nalalaman ang totoong nangyari. Pero masisisi ba ako kung ginawa ko iyon? Oo, mahal na mahal ko siya at asawa ko siya. Pero napikot lang naman talaga siya. Napilitan siyang pakasalan ako dahil nag-insist ang mga magulang ko.

Noong bago pa lang kami naisip ko na na darating ang panahon na matatapos din ang lahat sa amin. Nangyari nga ang kinakatakot ko. He lied. At nagkamali din ako ng akala.

Hinayaan niya akong mag-isip. He know my insecurities, but he didn't even explain.

"Bata pa lang tayo, ikaw na ang pinili kong makasama habang buhay, Moo..."

Nag-iwas ako ng tingin. Ang sarap pakinggan. Pero hindi naman na ako ang only one niya ngayon. May nobya na siyang bago.

"Nagsisi ka ba na pina-annul mo ang kasal natin? Nagsisi ka ba na iniwan ako?" he asked with a hopeful and pleading voice.

Taimtim ko siyang tinignan. "Nagsisi ka ba?" naiiyak niyang tanong.

I closed my eyes and let my tears fall. Pagmulat ko ng mga mata ay sinalubong ko ang umaasa niyang mga mata.

Tumango ako. "Oo! Nang marinig ko ang paliwanag ni Jewel. Nagsisi ako kung bakit kita iniwan na lang ng basta-basta. Kaya nga ako nandito ngayon."

He look shock but after some seconds he manage to smile.

"Mahal mo pa ba ako?" tanong niya. Nag-iwas na naman ako ng tingin. Ayaw ko ng makagulo pa sa buhay niya ngayon. Hindi ako sumagot.

"Mahal na mahal kita, Moo..." nanghihina niyang sambit. Hilam ng mga luha ang kaniyang mga mata.

"Kung mahal mo ako, bakit hindi mo ako hinanap o sinundan man lang? Kung mahal mo talaga ako bakit mo pinirmahan ang annulment paper?!" naiinis kong sigaw sa pagmumukha niya.

Napakunot ang kaniyang noo. Saglit siyang nag-isip.

"Lumuhod ako sa harapan ng mga magulang mo. Nagmakaawa ako para sabihin nila kung nasaan ka, pero sinabi nila na hayaan muna kita. I did. Kahit na... Kahit na kada araw na lumilipas ay labis akong nangungulila sa'yo." Garalgal ang kaniyang boses at ang mga mata'y pulang-pula.

"We are still married. Hindi tayo maghihiwalay at kahit sa next life pa natin, sisiguraduhin kong tayo pa din."

Paanong nangyari? Ang sabi ni Mama, pinirmahan niya.

Bumuntong hininga siya. "Ang plano ko lang talaga noon ay maging girlfriend kita bago tayo magtapos ng college para walang dahilan na maghiwalay ang landas natin. Ganoon ako ka-obsess sa'yo na nagawa kitang i-blackmail."

Napangiwi ako sa sinabi niya.

"It was also a blessings that your parents learned about it. Dahil kung hindi, hindi kita magiging asawa. Hindi nila igigiit na pakasalan kita. Wala akong pagsisisi sa nangyari. I'm even grateful of what happened. Kahit na naging padalos-dalos ako, nagbunga iyon ng maganda. Iyon ang pagpapakasal sa'yo," aniya habang masuyong nakatingin sa akin.

"Sa araw na pinirmahan natin ang marriage contract natin, iyon ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Ang babaeng pinapangarap ko naging asawa ko." Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. May dumaan na sakit sa kaniyang mga mata.

"...Dahil sa pagkakamali ko pinilit ako ng magulang mo na pirmahan ang annulment papers. Hindi pa ako nahihibang para iproseso ang annulment. I love being your husband. At wala akong ibang gustong makasama sa habang buhay kundi ikaw lang. Mula noon hanggang ngayon hindi iyon nagbago."

Hindi ako agad nakapagsalita sa sinabi niya. Sa haba ng sinabi niya, pilit ko iyon pinoproseso sa aking utak.

Isa sa dahilan ng pag-uwi ko ay ang pagtatayo ko ng business at para na rin sa kaniya kung sakaling may aasahan pa ako sa amin. Gusto kong ayusin namin kung puwede pa ngang ayusin.

Pero nalaman-laman ko na pinirmahan niya ang annulment papers. Kaso hindi ko naman tinanong kung naproseso nga iyon, marahil kinuha niya ang drafts at sinabi na sila na ang magproseso. Kagabi naman nalaman ko na may nobya na siya at magpapakasal. Hindi ba niya alam na nasaktan na naman ako dahil doon?

Tapos ngayon sasabihin niyang mahal niya ako at hindi pa kami hiwalay. Sa mga sinabi niya, imbes na maging masaya ako, nainis lang ako lalo.

"Cheater!" sigaw ko sa pagmumukha niya. "You didn't cheat with Jewel years ago, but you're cheating on me while I'm away!"

Hindi siya nakapagsalita. Nagkamot siya ng batok at tumingin sa ibang banda. Ngayon ko lang naalala na may mga kasama pala kami.

"Wala akong girlfriend. We just—"

Naintindihan ko agad ang ibig niyang sabihin. Pinagseselos ako ganu'n ba? Nagsinungaling na naman siya sa akin!

Matalim ko siyang tinignan.

"Sorry..."

"I hate you!" sigaw ko at nagmamadali nang pumasok sa loob ng kuwarto.

Nagpupuyos ang damdamin ko sa nalaman ko. Damn! Nakakainis siya! Isama na din ang mga kaibigan kong pinagkaisahan ako. Magsama-sama sila.

Itutulog ko na lang ang inis ko. Mabuti at hindi naman na niya ako sinundan pa dahil wala naman siyang mapapala sa akin. Hindi ko siya kakausapin habang hindi pa humuhupa ang galit ko sa kaniya.

Kinaumagahan alas-otso na ako nagising. Sigurado akong wala na si Macy dahil papasok na siya sa trabaho.

Naligo na muna ako at nagbihis. Nagsuot ako ng cropped polo at skirt. May mga importante akong lalakarin ngayong araw.

'Pag maaga akong makauwi aasikasuhin ko naman ang paggawa ng business page sa social media, para sa online orders at promotion. If everything went well the following days mag-po-post na din ako ng job hiring para sa magiging tao.

Sa weekend, uuwi siguro ako sa bahay ng mga magulang ko para makasama ko sila lalong-lalo na si Brent.

Kumain na muna ako sa restaurant na nasa baba lang ng building bago pumara ng taxi.

Alas-dos ng hapon natapos ang lakad ko. Maaga pa kaysa sa inaasahan ko. Ngayon pa lang din ako manananghalian kaya kakain na muna ako sa mall sa malapit bago ako umuwi.

Napalatak ako ng maka-recieve na naman ako ng text mula kay Kian. Hindi registered ang number niya pero alam na alam ko na siya ang nag-text kahit hindi siya magpakilala.

"Moo... Where are you?"

"Magkita tayo, Moo."

"Wala ka sa condo? Tell me your whereabouts. Puntahan kita, Moo."

"Moo."

"Galit ka pa ba? Sorry na, Moo." May puppy eyes pa.

Ewan ko sa'yo. Puro ka Moo. Nagiging baka ka na.

Nagtipa ako ng mensahe.

"Mall." Iyan lang ang sagot ko. Bahala siyang mag-isip kung saang mall ako ng Pilipinas naroon.

Sa fastfood ako kumain. Nakakalahati ko na ang kinakain ko nang dumating si Kian at basta na lang naupo sa upuan sa harapan.

Ang galing namang manghula.

Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagkain kahit pa nakakailang dahil kumakain ako at siya nanonood lang.

"Wala ka ng pupuntahan?" tanong niya. Umiling lang ako.

"Manood tayo ng sine."

Umiling lang ako dahil pagkatapos kong kumain ay uuwi na ako para makapagpahinga dahil sumasakit ang ulo ko. Gagawa din ako ng social media account ko.

"Okay. Uuwi ka na ba? Mag-take out na lang tayo ng pagkain tapos mag-movie marathon tayo," aniya.

"Nakakahiya kay Macy, plano mo pa talagang tumambay doon. Nakikituloy na nga lang ako," sagot ko sa naiiritang tono.

"E, di du'n ka na lang sa bahay natin umuwi kasi," nakangusong suhestyon niya.

Malamig at tamad na tamad ko siyang tinignan.

Hinuli naman niya ang kamay ko. Hinawakan niya ito at bahagya pang pinisil. Tinitigan niya ako ng may pagmamakaawa.

"Puwede bang bati na tayo? I'm sorry for lying. Sorry kung nasaktan kita. Sorry sa lahat ng nagawa ko."

Bumuntong hininga ako.

"Come home to me. Please, take me back," nagmamakaawang sabi niya.