YUL
Nakaupo lamang ako habang tinititigan sa mesa ang resume ni Jewel. Her last words keep playing in my head. I sensed her sincerity. I noticed in her eyes, in the way she talked and in her body gestures that she changed a lot. I guess hard time turned her into a better person.
Ang totoo ay wala na akong malalim na sama ng loob sa kanya. Sampung taon na yun at marami nang nangyari sa buhay ko. Pero ang marinig mula mismo sa bibig niya na humihingi siya ng tawad ay may hatid pa ring napakalaking kaginhawaan sa aking dibdib.
Too bad she doesn't hear what I have to say. I want to tell her she's forgiven. I'm glad to meet her again this time as a matured person. Ang totoo ay matagal ko na rin siyang binalak hanapin since I need her presence to annul our marriage. Now that our fate crossed again, marahil ay senyales ito na dapat ko nang gawin ang bagay na dapat ay matagal ko nang ginawa.
"Sir Yul." Sumilip si Nora sa aking pintuan.
"Are you done with the interviews?" tanong ko sabay gilid sa resume ni Jewel.
"Yes sir. Tumawag po pala si Mr. Kitamura. He's apologizing because he can't make it to the lunch meeting. Nadelay ang dating ng eroplano niya at ngayon ay nasa airport pa siya. Tinatanong niya ho kung okay lang na dito na lang daw siya pumunta at kung anong time daw pwede."
"Meron ba akong available time this afternoon?"
"Yes sir. You're free between 3 to 4pm."
"Then set the meeting here at 3:10pm."
"Okay sir tatawagan ko na po siya.... Konnichi wa Mr. Katamura. Daijobo datte. Jimusho meeting wa sanji juppun des. Hai wakarismashita. Domo arigatogozaimasu." Nora looked at me. "Okay na po sir."
I nodded.
"Sir kumusta pala yung interview niyo kay Ms. Gaviola?" she asked with excitement.
"She didn't pass," diretsong sagot ko sabay bigay sa kanya ng resume.
"Ho?! Naku sabi ko na nga ba kaya pala mukhang malungkot siya nang lumabas ng opisina niyo. Sayang naman siya pa naman ang paborito ko sa lahat ng mga aplikante."
"You can't hire her," madiing sabi ko.
"Okay sir," matamlay na tugon niya.
Kumunot ang noo ko nang biglang pumasok ang pinsan kong si Luigi sa aking opisina. My mood is always ruined every time I see the face of this happy go lucky person. Ang pinsan kong nangangarap agawin ang posisyon ko pero ginagawa lang namang pasyalan ang opisina. Masyado lang sipsip ang mommy niya sa lolo kaya nabigyan pa rin ng posisyon at sariling opisina sa CGC.
"What brought you here?" seryosong tanong ko.
"Oh naiinis ka naman pinsan! Relax hindi ikaw ang sinadya ko dito. Andito ako dahil kay Nora."
"Bakit po Sir Luigi?" taka ng aking sekretarya.
He grinned naughtily. "May nakasabay ako kanina sa elevator na sobrang gandang babae. Is she one of the applicants?"
Kinutuban agad ako.
Napatingin sa akin si Nora. "Ah-eh ano pong hitsura?"
"Maputi, mga 5'4" ang tangkad hanggang balikat ang buhok at naka suit na itim. Matangos ang ilong. Kamukha ng crush na crush kong si Lily Collins."
"S-Sino pong Lily Collins?" patay malisyang tanong ni Nora.
"Teka ipapakita ko ang picture.... eto! This one! She's Lily Collins."
"Ah si Ms. Gaviola. Aplikante nga po siya. May hawig nga sila. Parehas sila ng mata at lips."
"Yes! What a great day is it!" napapakuyom ng kamao na wika ni Luigi. "Give me her resume. I'm hiring her right now!"
Ibibigay na sana ni Nora ang papel pero tumayo ako at inagaw yun. "You can't hire her," I said firmly.
"Why?" he gaped.
"B-Because I already hired her. She'll be appointed in my office."
Namilog ang mga mata ni Nora. "Talaga Sir Yul!"
Luigi looked at me in disbelief. "Nagbibiro ka ba? Kelan ka pa kumuha ng magandang secretary?"
"Nora likes her a lot. So I had no choice but to give in to her request," mabilisang pag-iisip ko ng katwiran.
"Thank you sir. Hindi ko iniexpect na irereconsider niyo rin pala ang desisyon ko."
Maangas na ngumiwi ang aking pinsan. "Let's see what Stella has to say pag nakita siya. Pasasaan ba at sa opisina ko rin ang bagsak ng sekretarya na yan." Napipikong lumabas siya ng pintuan.
Napapabuntong-hiningang bumalik ako sa aking desk. I'm regretting what I said. But knowing my cousin, she'll hire her no matter what, kahit alukin niya pa ng mas mataas na sweldo. If Jewel has to work in this company, it's better to work closer to me where I can monitor her movements. Baka anumang oras ay masabi niya ang tungkol sa nakaraan. Walang sinumang pwedeng makaalam sa sekreto namin. Ayokong masira ang relasyon namin ni Stella dahil dito.
JEWEL
"Oh ba't mukhang naghahanap ka na naman ng ibang job opening?" puna ni Mommy habang abala akong naglalaptop sa kinakainan naming mesa. Nakamask na siya at handa nang matulog. Even in the midst of our poverty, my mother never losses her vanity. Inaalagaan niya pa rin ang katawan at hitsura niya. Madalas ay napapagkamalan kaming magkapatid lamang. She's 51 but she looks ten years younger than her age.
"The more job applications the merrier," I answered with smile. I am such in a good mood now, pakiramdamko ay matutulog akong nakangiti.
"Kumusta yung interview mo kanina?"
I wrinkled my nose and shook my head. "Imposible ho akong makuha dun."
"Dahil na naman ba sa hindi ka graduate ng college? Napakamaseselan ng mga kumpanya na yan akala mo naman lahat ng graduate ay matitino kung magtrabaho!"
"Mom it's not because of my educational background," I rolled my eyes.
"Ah pumalpak ka sa interview."
"Wala namang problema sa interview ko. Actually yun na nga ata ang pinakamagandang interview na nangyari sa buhay ko,"ngiti ko.
"Eh kung ganun anong rason at di ka matatanggap," biglang tinanggal niya ang mask.
"Basta mommy alam kong hindi ako matatanggap dun. Hindi niyo na kailangang malaman pa ang rason. Huwag na kayong madisappoint at maghahanap na lang ng mas maganda pang trabaho."
"Sayang. Ang laki pa naman sana ng sweldo dun."
"Hayaan niyo na. Sa umpisa pa lang naman ay alam ko nang impossible akong makapasok sa CGC. I only wanted to try my luck kaya ako nag-apply." I shrugged.
"Parang may kakaiba sayo ngayon. Good mood ka pa rin kahit alam mong hindi ka tanggap."
"From now on I decided to be always positive. God has better plans and they will come one at a time."
"Hay kelan ka kaya suswertehen. Sige na matutulog na ako. Huwag mong kakalimutang patayin ang ilaw." She crawled in bed then put back her mask.
"Goodnight mom."
"Goodnight."
Muli akong nagseryoso sa paghahanap ng maaaplayan. Nililista ko ang mga trabahong mas mataas ang chance na matanggap ako kahit hindi kagandahan ang mga offer na salary. Walang kapaguran ang aking kamay sa pagsusulat.
"Jewel.... yung phone mo kanina pa m-may tumatawag..." ungol ni Mommy.
Mabilis na dinampot ko ang nakavibrate kong cellphone bago pa mainis si mommy. Sensitive siya kahit sa maliliit na ingay pag natutulog. Numero lang ang lumalabas sa screen. Sino kaya ito? Bibihira akong makatanggap ng tawag ng ganitong oras.
"Hello good evening this is Jewel Gaviola speaking," mahinang sagot ko. Medyo pinormalan ko pa rin baka sakaling may human resources na nago-overtime.
Ilang segundong wala akong natanggap na sagot. "Hello?" Tumaas ang aking kilay. Baka scam na tawag ito. "Hello?"
"H-Hello Jewel..." It's a man's voice.
"Yes hello. Who's this please?"
"It's me Yul, I mean Ulysses."
Hindi ako nakaimik. I wanted to pinch myself if my ears aren't deceiving me. Siya ba talaga ang kausap ko sa kabilang linya?
"Jewel are you there?" tanong niya matapos ang matagal-tagal kong pagkakatulala.
"Ah y-yes?"
"Are you home?" he asked.
"Y-Yes."
"Pwede ba tayong magkita at mag-usap sandali?"
"W-When?"
"Right now. I'm in front of your building."
Bigla akong nataranta. Totoo ba talaga ang sinasabi niya?
"I'll wait for you in the car."
"O-Okay."
Agad-agad akong tumayo at nagtungo sa pintuan.
"Saan ka pupunta?" ungol ni Mommy.
"Sa seven-eleven ho. May bibilhin lang."
"Mag-ingat ka. Gabi na."
"Yes mi. Tulog na kayo."
We're in third floor of a ten-floor building. Hindi na ako nag elevator. Nagmamadaling bumaba ako ng hagdan. Nakakahiyang paghintayin ang CEO ng CGC.
Pagdating sa baba ay nakita ko agad ang nakahazard na itim na BMW. The window in front rolled down and I saw Ulysses in driver's seat. Kumaway siya sa akin.
Kahit hinihingal pa ay tumugon ako ng ngiti. Walang pag-aalinlangang lumapit ako sa sasakyan pero paglaon ay unti-unting bumagal ang mga hakbang ko nang maalala ang aking hitsura. Nakalimutan kong naka maluwang na t-shirt at pajama pants nga lang pala ako. Magulo rin ang nakatali kung buhok. Di bale na mas nakakahiya kung pinaghintay ko siya nang matagal.
I entered his car and sat on passenger's seat.
"H-Hi," nahihiyang bati ko. "P-Paano mo nalamang dito ako nakatira."
"Our company has your resume."
"Ah oo nga pala," sabay napakamot ako ng ulo dahilan para mas lalong gumulo ang buhok ko. I wonder what he has to say. Baka andito siya dahil hindi ko siya nabigyan ng chance na magsalita pa kanina. Siguro susumbatan niya pa ako. But I'm ready kahit masasakit na salita pa ang marinig ko tutal deserve ko naman talaga lahat yun.
"Pasensiya ka na kung naistorbo kita. I'm here because you didn't give me a chance to reply about what you said earlier."
Sabi ko na nga ba andito siya dahil dun. Huminga ako nang ubod ng lalim at nag-ipon ng lakas ng loob. Sana kayanin ko lahat ng sasabihin niya.
He sighed and looked me in the eyes.
Okay. Nakahanda na ang dibdib ko. Tatanggapin ko ang lahat then after this tapos na. Complete closure and smooth moving on na.
"Jewel I'm here to let you know that... I have forgiven you a long time ago. You don't have to feel bad about it anymore."
Napanganga ako. Biglang nagningning ang aking mga mata at napangiti ako hanggang tenga. "Talaga ba?"
"Yes."
"Salamat. Salamat talaga Ulysses." Kung wala lang ako sa loob ng sasakyan baka nagtatalon na ako sa tuwa.
"But I'm also here to tell you important things."
"Ano yun?" Meron pa bang mas importante kesa sa pagpapatawad niya?
"I told you am in a relationship with the woman I love for more than three years now...."
I'm happy for him but I guess it has nothing to do with me and we're not close so he doesn't need to share his personal life.
"I'm planning to marry her pero para magawa ko yun ay kailangan munang ma-annul ang kasal natin. I am requesting for your cooperation on this matter, Jewel."
Napanganga ako. Nawala ang aking ngiti. Kumunot ang aking noo at litong-litong tiningnan ko siya.
"A-Annul? Why are we going to get an annulment? Our marriage were voided right after it happened. Matagal ng inayos ni Daddy yun," naguguluhang pahayag ko.
He opened the glove compartment. Inabot niya sa akin ang isang papel at binuksan ang ilaw.
Nanlalaki ang mga matang binasa ko ang papel. It's an authenticated marriage certificate .
"Kanina ko lang kinuha yan," he remarked.
Di makapaniwalang binasa ko nang paulit-ulit ang nakasulat sa papel. My very own name Jewel Jacinto Gaviola and Ulysses Saavedra Dela Vega is stated as married couple!
It means all this time I am a married woman! And the man sitting beside me now is my husband?!!!