webnovel

CHAPTER 24

YUL

"Mr. Dela Vega, please look at the camera!" One of the photographers shouted. Nalilito na ako kung saang camera ba talaga titingin habang nakatayo sa photowall dahil sa dami ng mga kumukuha ng litrato.

Stella wrapped her arm around my waist. Walang tigil kami sa pagngiti sa bawat kislap ng mga kamerang tumatama sa amin. As what I expected, my girlfriend is gaining more attention than other female guests.

"Mr. Dela Vega yung ka-date niyo ba ngayon ay siyang model ng bagong beauty cream niyo?" a reporter asked me.

"No she's not. She's an special friend for years," tipid na sagot ko. Me and my girlfriend agreed to be more low-key about our relationship lalong-lalo na sa mga media. Our families have both names in business world and being cautious to social media and press people is necessary. We both have reputation to protect na pwedeng sirain anumang oras ng media kapag nagkamali kami ng salita o galaw.

Tumingin ako sa paligid matapos pagbigyan ng ilang sandali ang mga kumukuha ng litrato. I also had brief interviews about the product. I hold hands with my date who looks stunning in her long red gown. She's not extravagantly dressed but she looks seductively classy in her smokey eye makeup, red pouty lips and hair with curls and sexy waves. Our event is being held at Marco Polo Hotel. Nagsisimula pa lang ang party at nagsisipagdatingan pa ang mga bisita pero tuwang-tuwa na ako sa aking nakikita. Marami nang mga VIPs na dumarating. Socialites and celebrities are present too. Karamihan sa mga bisita ay galing pa sa Manila and they come here just for the event.

Inikot namin ni Stella ang kabuuan ng function hall to meet and greet the guests. Almost everyone congratulated me for the launching. Ilang minuto rin akong nakipaghalubilo sa iba't ibang umpukan ng mga negosyante. I even happened to meet celebrities I wasn't familiar of.

Usherettes guide us to our table which is located in front of the stage. Hinila ko ang silyang uupuan ni Stella. Muli akong tumingin sa paligid bago maupo. I'm seeing Gina and Lorraine busy assisting guests to their tables. Napatingin sa akin si Lorraine at sinenyasan ko siyang lumapit.

"Where's Jewel?" I asked her.

"Sir di pa po sila dumarating ni Sir Luigi."

Saka ko lang naalala na nagpaalam nga pala sa akin si Luigi na gagawing partner niya si Jewel ngayon at pumayag naman ako. Ako pa mismo ang nag-utos sa aking sekretarya na pagbigyan ang kahilingan ng aking pinsan. Nakita ko ang dalawang bakanteng upuang kasama namin sa mesa. Pangalan nilang dalawa ang nakasulat doon.

"Sir mag-aassist lang po ako ng mga bisita. Kung may kailangan kayo, tawagin niyo na lang ulit ako."

"Okay."

May lumapit sa aming waiter at binigyan kami ni Stella ng tig-isang basong champagne.

"Cheers to your new product,Love," Stella said.

"Cheers and thank you for being with me tonight."

She sipped a champagne at pagkuway tumawa siya nang marahan. "I can still taste last nights wine. Parang hindi ko na kayang uminom ulit sa tindi ng naranasan kong hang over kanina."

"Masakit pa rin ba ang ulo mo?" nag-aalalang tanong ko.

She shook her head smiling. "Okay na ako. Malaki yung naitulong ng pagbababad natin sa pool kanina. Same as last night, I had so much fun this morning."

"Me too. It was a huge help to ease my tension for this party."

"Do you still have to worry about it? Ngayon pa lang ay masasabi ko nang successful ang event."

"I hope so. I'm still a little nervous about our presentation. Sana makapagbigay kami ng magandang impact sa mga distributors."

"Kayang-kaya mo yan. Ikaw pa. I won't say this because I'm your girlfriend but I've been also into a lot of business events and conferences, masasabi kong isa ka sa mga CEO na napakaeffective magsalita."

I looked at her with appreciation. This is the moment I've been always looking forward. Yung makakasama ko na siya lagi sa mga importanteng gatherings and will be my inspiration for the rest of my life.

"Huh? They're here," biglang ngiti niya habang nakatingin sa ibang direksiyon.

Sinundan ko ang mga mata niya and I see Jewel and Luigi entering the function hall. Tahimik ko silang pinagmasdan habang nililitratuhan sa photowall. She's all smiles while holding his arm.

"Isn't she beautiful?" ani Stella.

I didn't give comment but responded with quick smile.

"I hired a famoust stylist here in Cebu to help Jewel. Look at her now she's almost unrecognizable. She was in panic earlier after you said she'd be Luigi's date so I helped her," she explained proudly.

Uminom ako ng champagne. I wanted to focus my attention to my date but still couldn't help myself not to look at the newly arrived pair. Binati ni Luigi ang mga kakilala niya. Men are staring at his partner as they pass them. Pati mga nakakausap niya ay mas madalas nakatingin sa kasama niya.

I cleared my throat as they approached us. Mas umayos ako ng upo. I take another sip in the champagne glass.

"Good evening sir," she greeted. "Sorry ngayon lang kami, nabali po kasi ang takong ng sapatos ko kaya napabili pa kami ni Sir Luigi ng wala sa oras."

"Really? Naku buti na lang pala nangyari yun bago kayo makarating dito," Stella said.

"Oho. Hiyang- hiya nga ako kay Sir Luigi kasi naabala ko siya pati sa pagpili."

Luigi chortled. "I had fun. It felt like I'm helping a modern cinderella find her pair of glass slippers," he kidded.

I gave Jewel a quick glance from top to bottom. She wears a light pink lace sleeveless gown with low neckline revealing a little more of her flesh and some cleavage. Her hair is in updo style with braids that look like a headband. Her makeup emphasizes her bright round eyes na mas lalong lumutang dahil sa contact lens.

Luigi pulled the chair for her. She sits right in front of me. Lumapit ako sa tenga ni Stella. "Why did the stylist make her wear that revealing dress?" I whispered in dismay.

"Are you serious? The neckline is slightly lower but it's not that revealing. She looks gorgeous, come on,"she whispered back.

"It is revealing,"giit ko.

"There something wrong with your eyes," she answered laughing. She looked at my cousin. "Luigi what can you say about your date tonight?"

"I'm out of words. All I know, all men here wish they were me. Except your boyfriend of course since he got one lovely partner too."

I'm a little disappointed with him. If he cares about her date, why allow her to wear something too sexy. Her face is enough to draw other men's attention, why add more reason for them to look at her?

Nagsimula ang programa at tumayo ako para sa aking opening remarks. I welcome everyone and make a little introduction about our product. Everyone listens intently except for one person who keeps looking at a paper. Her lips are moving same time with mine. Everytime I look at her, her mouth is guiding me what to say next. To avoid distraction, I decided not to look at her again but rather in the eyes of those who are listening sincerely.

Pagbalik ko sa mesa, Stella congratulated me. "I told you, you'll do well."

"Akala ko sir di niyo pinag-aralan ang speech niyo," Jewel commented.

"I told you not to underestimate me at higit sa lahat hindi ko kailangan ng human kodigo."

Natameme siya sa sinabi ko. Patay malisya niyang dinampot ang papel sa mesa, pasimpleng ginusot ito at inilagay sa pouch.

Luigi delivered speech too. Pag-akyat pa lang niya ay pumapalakpak na ang kanyang kasama.

"Most of you might not know me pero apo rin ho ako ni Chairman. Kahiya-hiya man pero aaminin kong pansamanta ho kasi akong hindi pinopronta ng pamilya ko dahil napakatigas ng ulo ko..." he began his speech with a humurous line kaya naman nakuha niya agad ang interest makinig ng mga bisita. Pinakilala niya ang sarili bilang director at head ng beauty product department. Nagulat ako nang sa kalagitnaan ng kanyang pananalita ay doon na rin ginawa ang presentation ng bagong produkto. I wasn't expecting him to do the presentation, buong akala ko ay ang mga magagaling na miyembro ng team niya ang gagawa nito. And surprisingly, he made an impressive presentation. It was well delivered and the details were properly explained. He ended the speech with " my heart was once entangled in chaos but when the right person came, I finally found the happiness that could tame my wild heart. Let my heart be an example of your skin, if you find the right product for you, your skin will be happy too. And that right product is none other than CGC beauty cream..."

Everyone applauded as he ended his speech. Maging ako ay napapalakpak din. For the longest time, I feel proud of him again. Malakas rin ang palakpak ni Jewel but obviously she's clueless that the closing statement has something to do with her.

JEWEL

A plate of instagramable steak dish served in front of me. Napapalunok na tinitigan ko ito. Nag-aalangan akong kainin. Nakokonsensiya akong kumain nang masarap habang ang mga kapwa ko sekretarya ay abala sa pagsisilbi sa mga bisita.

"Why are you not eating?" puna ni Sir Luigi. Kinuha niya ang plato ko. He sliced the steak into pieces and returned the plate in front of me. "Kumain ka na," malumanay na sabi niya.

Tumingin muna ako kay Sir Yul. Para bang nakaprogram na lagi ang sarili ko na manghingi muna ng approval niya especially on how to respond to his cousin's actions towards me. Simpleng tinanguan niya ako na tila nag-uutos din na kumain na ako. Saka ko lang dinampot ang kobyertos. I chew the steak while being attentive to him. Hinahanda ko ang sarili sa magiging utos niya anumang oras. I'm still confused whether to act as guest or his secretary tonight.

After the sumptous meal, poeple began mingling around. Bumubuntot- buntot lang ako kay Sir Luigi pero maya't mayang napapatingin kay Sir Yul. He also looked at me once in a while and my brows move everytime it happens, yung nagtatanong ang mga mata ko kung meron ba siyang gustong sabihin pero blangko lang naman lagi ang kanyang reaksiyon.

Uminom ako nang kaunti sa bitbit kong champagne glass. I'm doing my best to socialize with people from the so called high society. Ayokong mapahiya si Sir Luigi nang dahil sa akin lalo na't nagagalak ang mga bisitang makilala siya dahil sa magandang speech at presentation na ginawa niya. But if I have a choice, I'd rather mingle with Gina and Lorraine for the rest of the night.

Tumingin ako sa paligid upang usisain kung ano na ang ginagawa ng mga kasamahan ko. Nag-iinom at nakikipagumpukan na rin sila kasama ang mga local CGC employees. Nahagip ng mga mata ko ang isang dalagang may matalim na tingin sa akin. I ignored her but when I looked at her again, she's still glaring at me. Sino kaya siya? Baka naman isa sa mga naging flings ni Sir Luigi and maybe she's thinking I'm his new girlfriend.

Nginitian ko siya pero nanatiling matalim ang tingin niya sa akin. I am not intimidated though dahil alam kong wala akong ginagawang mali. Sir Luigi transfers to another group and I take the chance to excuse myself for a moment.

"Sir Luigi pwede bang puntahan ko muna sina Lorraine sandali?"

"Sure."

"Thank you."

Natanaw pa lang akong papalapit ng aking mga katrabaho ay natuwa na sila. "Grabe ang ganda mo ngayon muntik ka na naming di makilala ni Gina kanina. Akala namin kung sino na namang bagong celebrity na kadate ni Sir Luigi," pahayag ni Lorraine.

"Salamat sa tulong ni Ma'am Stella. Kundi dahil sa kanya baka napahiya na si Sir Luigi na ako ang kapartner niya. Pasensiya na kayo ha hindi ko na kayo natulungan sa pag-aasikaso dito," saad ko.

"Naku okay lang yan gurl. Alam ko namang hindi ikaw ang nagdecide niyan. For sure may approval din ni Sir Yul. Buti nga pumapayag na siya ibig sabihin ay mukhang nagkakaayos na nga silang magpinsan."

"Oo nga eh kaya hindi na rin ako tumanggi. By the way Lorraine, do you happen to know that lady..." Lumingon ako sa kinaroroonan nang babaeng kakaiba makatingin ngunit wala na siya doon. "Do you know that lady in yellow gown who's sitting there a moment ago?" Tinuro ko ang mesang kinaroroonan ng babae kanina. "She seems to be in her early twenties."

"Ah si Mam Savannah." Lumapit siya sa aking tenga. "Kapatid yun ni Mr. Lee, yung nasibak na subcontractor ng CGC," bulong niya.

Namilog ang aking mga mata sa aking nalaman. "Si Savannah? Yung dalagang yun, si Savannah na yun?" bulalas ko.

"Yes. Do you know her?" taka niya.

" Ah-ah no...n-ngayon ko lang siya nakita," pagdi-deny ko. The fact that I know the Lees still remains a secret from my co-workers.

Hirap akong maniwala na ang batang dating nasa elementary pa lamang ay dalagang-dalaga na. Siya ang tahimik na bunso ng mga Lee na madalas nakaupo lang sa sulok pag may mga pagtitipon pero kapag nakikita ako ay saka lamang sumisigla at nagiging malikot. "Why is she one of the guests?" usisa ko pa rin.

"She owns cosmetic and beauty stores. She's one of CGC beauty products distributors," sagot ni Lorraine.

"Ah okay." Lumaki siya sa negosyanteng pamilya kaya di na ako nagtaka kung sa batang edad ay may mga sarili na rin siyang negosyo. "Sige Lorraine balik na ako kina Sir Luigi."

"Okay enjoy the rest of the night."

"Kayo rin," ngiti ko.

Nagtungo muna ako sa restroom bago bumalik kina Sir Luigi. Nagretouch ako nang kaunti at sinamantala rin ang pagkakataon na tawagan si mommy.

"O kumusta ang party? Maayos ba ang pagkakasuot mo sa gown ko? Nagandahan ba ang mga kasamahan mo?" sunod-sunod niyang tanong.

"M-Maganda naman daw po." Napapalunok akong tumingin sa salamin. Di ko kayang sabihin sa kanya ang totoo na hindi iyon ang sinuot ko. Pinaghirapan niya pa namang dalhin ang damit sa mananahi upang iparepair at padagdagan ng accents. Di ko naman kasi matanggihan si Ma'am Stella at yung stylist niya. Baka sabihing ako na yung tinutulungan ako pa ang umaarte. In fairness naman sa kanila, napakagandan naman talaga ng gown na pinasuot nila sa akin kaya nga ingat na ingat ako dahil tiyak na mamahalin rin ito.

"Kumain ka na ba mommy baka nagpapalipas kayo ng gutom?" nag-aalalang tanong ko.

"Tapos na heto't namamalantsa na nga ako ng mga pang-opisina mo."

Naalala ko bigla ang sinabi sa akin ni Sir Yul. "Mommy pagbalik ko, turuan niyo na nga ho akong mamalantsa."

"Ba't bigla-bigla mo namang naisipan yan? Ito na nga lang isa sa mga pinagkakaabalahan ko sa bahay, aagawin mo pa."

"Mommy sabi ko ho turuan niyo lang ako, wala naman akong sinabi na ako na ang gagawa. Napagsabihan kasi ako ng boss ko dahil pinaplantsa niya ako kahapon tapos di ko nagawa nang tama. Ang tanda ko na raw di pa ako marunong ng mga simpleng gawaing bahay," may halong pagsusumbong na wika ko.

"Naku baka isipin niya rin na wala akong silbing nanay at di kita naturuan nang maayos. Pero teka lang pati ba naman pamamalantsa ay trabaho mo pa rin ba?"

"Isang beses lang naman ho kasi wala siyang ibang mautusan pero malay niyo baka maulit at least wala na siyang maipipintas kung..." natigilan ako nang may nagbukas ng pinto. Nagulat ako nang makitang si Savannah ito. "Sige mommy tawag na lang ho ulit ako. Bye."

"Bye. Yung danggit huwag mong kalimutang bilhin diyan ha."

"Oho. Bye," nagmamadaling ibinaba ko ang telepono.

Savannah remains standing beside the sink. She's holding a glass of wine. Is she okay? Bakit pati sa loob ng restroom ay may dala siyang inumin?

Kunway nasurpresa ako nang mamukhaan siya. "S-Savannah? Is that you? Oh my! Long time no see! I can't believe you're a full grown lady now," masigla at nakangiting wika ko.

She smirked and raised her eyebrow. Inilapag niya sa sink ang baso at tumingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Huwag kang umarte na para bang close tayo," mataray na salita niya.

Nawala ang aking mga ngiti.

"So this who you become after your family went bankcrupt?" she continued. "Naging isa ka nang dakilang gold digger. Now I understand why my brother was ousted in CGC dahil kinakalantari mo pala ang apo ng may-ari. I can imagine kung anong mga paninira ang ginawa mo sa kanya."

Natawa ako sa sinabi niya. "Wala akong kinalaman sa pagkakatanggal ng kapatid mo. Siguro kinarma lang talaga siya sa mga kasamaan niya. Isa pa wala kaming relasyon ng sinasabi mong apo ng may-ari."

"Ah oo nga pala. Hindi nga pala marunong makipagrelasyon nang seryoso ang isang Luigi Dela Vega. So it means you're just his fuck buddy at the moment."

"How can you be so rude? Wala ka man lang bang natitirang kahit kaunting respeto sa akin? Baka nakakalimutan mong dati ay ate ang tawag mo sa akin. I sincerely treated you like a younger sister when you're still a child," dismayadong salita ko.

"Why would I respect you? Binibigay lang yun sa mga karespe-respetong tao." She picked up the glass and made few steps closer to me. Nagulat ako nang bigla niya akong sinabuyan ng alak sa dibdib. Nanlaki ang akong mga mata. My dress! What have she done to my dress? Patay ako kina Ma'am Stella nito!

"Ano bang problema mo Savannah?" mataas na ang tonong wika ko.

"You are my problem! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong pagpapahiya sa pamilya ko nang talikuran mo ang kasal niyo ni kuya! Tapos ngayon naman ay sinisira mo ang negosyo niya dahil sa kalandian mo! Ano? Ginagamit mo na naman yang magandang mukha mo kuno pero ubod naman ng sama ng ugali mo!"

Di makapaniwalang ngumisi ako. "Ako pa ngayon ang masama ang ugali? I don't care if you won't forgive me. Ipapaalam ko lang sayo na kung meron mang kailangan manghingi ng tawad yun ay ang pamilya mo at kapatid mo. Sila ang may kagagawan kung bakit nabankrupt at namatay ang tatay ko!"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata but I can't completely get angry with her. Naalala ko pa rin kasi ang batang minsang naging malapit sa akin. It was such a disappointment na nahawa rin pala siya sa ugali ng ilang kapamilya niya.

Binalak kong lumabas na nang banyo pero bigla niya akong sinabunutan. Pinaghahampas at pinagkakalmot niya ako.

"Aray! Savannah tumigil ka! Ano ba!" I tried to stop her hands pero determinado siya sa pananakit na ginagawa niya. Mukhang walang bakak tumigil hangga't hindi nakukuntento kahit anong pakiusap ang gawin ko.

Di na ako nakapagtimpi. Sinampal ko siya nang ubod ng lakas. Huminto siya at gulat na gulat ang hitsura. "You want more? Sige papatulan na kita. Kaya-kaya kitang saktan nang mas matindi kung yan ang gusto mo!" banta ko.

Pinanlakihan niya ako nang mga mata. Nakonsensiya ako nang makita ang namumulang bakas ng aking palad sa kanya pisngi. Humawak siya sa kanyang mukha.

"I'm not done yet. Wait for more. Ilalabas ko lahat ng mga pinakatago-tago mong baho para ipamukha sa Dela Vegang kumakampi sayo ngayon kung gaano ka kababang uri ng babae. I'll make sure na itatapon ka rin niyang basura gaya ng iba!"

Ngumisi ako. "Nakukulangan ka pa rin ba sa baho ng pamilya mo kaya mangangalkal ka pa ng baho ng iba?" sarkastikong sagot ko.

Matalim na tumingin siya sa akin bago lumabas ng pintuan nang sapo-sapo pa rin ng palad ang pisngi.

Huminga ako nang ubod nang lalim. What had just happened? Buti na lang walang ibang tao sa banyo kundi baka naeskandalo na ang event. Mabuti na lang din na yung nasa labas ng function hall na banyo ang pinuntahan ko.

Payapang tumingin ako sa salamin. Napangiwi ako nang makita ang aking hitsura. Ang gulo ng buhok ko at halata ang mga kalmot ko sa braso at mukha. Kitang-kita rin ang mantsa ng wine sa aking damit. Paano pa ako makakabalik nito sa party? Inilugay ko muna ang aking buhok bago simpleng itinali na lamang ito. Ramdam ko ang sakit sa aking anit dahil sa lakas ng pagkakasabunot sa akin. Humahapdi rin ang mga kalmot ko sa katawan.

Dismayadong-dismayado ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa ito sa akin ni Savannah. Buong akala ko pa naman noon ay siya lang ang magiging kakampi ko sa pamilya ng mga Lee.

Ano kaya ang sasabihin ko kina sir? Mas mabuti sigurong bumalik na lang ako sa villa nang walang paalam. Bahala na mamaya kung anong paliwanag ang masabi ko.

Maingat akong lumabas ng banyo. Sinikap kong maglakad nang natural kahit nanginginig pa ang mga tuhod ko. Hindi na ako babalik ng function hall. Didiretso na ako sa hotel lobby at labasan. I'll just get a cab to the nearest street kung saan walang gaanong makakapansin sa hitsura ko.

"Jewel where have you been?"

Natigilan ako nang makita si Sir Yul. Mabilis siyang lumalapit sa akin. Hindi ko malaman ang gagawin. Tatalikod ba ako o magkukunwaring hindi ko siya napansin? Pinili kong gawin yung huli. Dire-diretso lang akong naglakad. Pero wala ring nangyari dahil naabutan niya ako at pinigilan ang aking braso.

"Kanina pa kita hinahanap..." Mukhang magagalit na sana siya pero napansin niya agad ang hitsura ko at kumunot ang kanyang noo. "Anong nangyari sayo?"

Nahihiyang ngumiti ako. "Sir p-pwede po bang umuwi na ako sa villa? N-Natapunan ko kasi ng wine yung damit ko?"

"You did that to yourself? Pati rin ba sa mga kalmot mo, ikaw din ang gumawa? And what happened to your hair?"

"Ah... sir ano po kasi... k-kanina. Natisod ako sa CR nabangga ko yung isang nakadisplay na halaman dun. Tumama sa mga braso at mukha ko yung mga maliliit na sanga nito."

"Sinong nakaaway mo?" matigas na salita niya.

Napakagat ako sa labi. Ang hirap talagang magsinungaling sa kanya. "M-May lasing lang ho akong nakasabay sa banyo t-tapos medyo nagkasagutan kami hanggang sa di nakapagpigil ng gali yung tao."

"Was it the sister of Mr. Lee. I saw her heading out of the restroom earlier."

Walang nagawang tumango ako nang daha-dahan.

His jaws clenches. He quickly turned his back at halatang may kokomprontahin. Mabilis ko siyang pinigilan. Mahigpit akong humawak sa braso niya.

"Sir! Sir huwag na ho nating palakihin ang nangyari. Savannah is a good person. Malapit ho sa akin yun nung bata pa. Siguro na brainwash lang kaya nagkaroon ng galit sa akin. Please sir..."nakikiusap na tono ko.

Tumigil siya at muling humarap sa akin. Huminga siya nang malalim at unti-unting kumalma ang kanyang mukha. "Are you sure you want to keep quiet about this?"

"Y-Yes."

He took off his coat and put it on my shoulder. Napahawak ako nang mahigpit sa coat. I covered my stained dress with it. I want to refuse his generousity but I'm longing for a companion and someone to talk to at this moment. My heart is filled with different emotions and I know he's the only one who can understand what I truly feel dahil siya lang ang pwede kong pagsabihan ng katotohanan.

Pagdating namin sa sasakyan niya ay unti-unting nangibabaw ang takot at lungkot sa aking dibdib. Natatakot ako sa banta ni Savannah at nalulungkot na malamang hanggang ngayon ay meron pa rin palang nagtatanim ng galit sa akin. Sinisikap ko namang maging isang mabuting tao pero bakit meron pa ring ganitong nangyayari sa akin?

"Love, Jewel had a minor accident. Ihahatid ko lang sandali sa villa. I'll be back at the party soon. Sorry kung hindi agad ako nakapagpaalam sayo... I can't disturb Luigi. He's busy mingling with important people. Tonight is a good chance for him to earn their trust.... Thank you babalik agad ako."

Mas lalong bumigat ang dibdib ko matapos makipag-usap sa telepono ng aking kasama. Until when are we going to lie to the people around us? And though he assured me that everything will be fine until the end of annulment pero bakit sa mga sandaling ito ay pakiramdam ko hindi yun mangyayari?...I'm having a bad feeling that everything will no longer be okay.