JEWEL
Hatinggabi na pero ngayon pa lang ako nakarating ng bahay. Past 10 na ako nakaalis sa opisina dahil nag-overtime kami nina Lorraine sa pag-aayos ng mga flyers para sa event sa MOA. Umulan pa kaya natraffic din ako.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Mommy.
Diretso ako sa damitan upang magpalit ng pambahay. "Hindi pa," matamlay na sagot ko.
Nagmadali siya sa paghahain. "Ayan kumain ka na. Ang hilig mo magpalipas ng gutom."
Pagkabihis, bagsak ang katawang nahiga ako sa kama. "Wala ho akong gana. Gusto ko nang matulog."
"Magtigil ka Jewel! Bumangon ka diyan! Magkakasakit ka sa ginagawa mo! Kaya naman pala malaki ang sweldo sa trabaho mong yan dahil hindi na makatao ang trato sayo. Halos araw-araw na lang ay gabing-gabi ka na kung umuuwi. Kelan lang umuwi ka nang may bukol tapos ngayon ay hitsurang ka na namang magcocollapse sa pagod! Malapit ko na ngang makalimutan yang mukha mo dahil hindi na kita halos nakikita. Uuwi ka nang gabing-gabi tapos papasok ka nang maaga!" Hinila niya ako sa paa. "Hoy bumangon ka sabi diyan!"
"Oo na." Gusto nang pumikit ng mga mata ko pero ramdam ko rin ang pagkalam ng aking sikmura. Tamad na tamad na tumayo ako. Bago maupo sa lamesa ay may dinukot muna ako sa aking bag. Inabot ko sa kanya ang isang sobre.
"Ano to?"
"Sahod ko ho kasama na diyan ang overtime fee."
Sumilay ang malaking ngiti sa kanyang mukha. May kakaibang kislap ang mga matang inusisa ang loob ng sobre. "Naku ang dami nito ah!"
Ibinigay ko rin ang paper bag na may lamang isang dosenang sabon. "Eto ho pasalubong ko sa inyo."
"Ang dami naman!"tuwang-tuwang saad niya. "Sobra-sobra ito sa akin. Pwede ko bang ibenta ang iba nito sa mga amiga ko? Gusto rin kasi nila ang sabon ng CGC."
"Kayo ho ang bahala."
Hinila niya ang aking upuan at nilagyan ng kanin ang pinggan. "Halika maupo ka na. Kumain kang mabuti para may lakas ka diyan sa trabaho mo." Ubod nang lumanay ang kanyang boses. "Baka ma-disappoint ang boss mo kapag naging sakitin ka."
Sumubo ako. "Mommy masanay na ho kayo sa trabaho ko. Huwag na kayong nakukunsumi lagi kung late ako umuuwi. Sa totoo lang hindi naman ho kami obligadong mag-overtime lagi kaso sa dami ng trabaho parang pag-umuwi ako nang maaga ay napakawalang konsiderasyon kong kasamahan. Nakakaguilty sa part ko yun."
"Oo naman anak. Alam ko yun. Kaya nga ang gusto ko ay aalagaan mong mabuti yang katawan mo para lagi kang masigla sa trabaho. Huwag kang lalamya-lamya gaya nung umuwi kang may bukol."
Naalala ko tuloy kung bakit ako nagkabukol. "Mi may balita ka ba tungkol kina Jonjie Lee?"
"Wala na. Alam mo namang simula nang maghirap tayo ay nawala na rin ako sa sirkulasyon ng mga kaibigan kong nagbabalita sa akin tungkol sa buhay-buhay ng ating mga kakilala. Pero ang huling dinig ko ay mas lalong lumakas pa ang negosyo nila. Bakit mo naman biglaang naitanong?"
"Nakita ko kasi siya minsan sa CGC. Alam niyo ho bang subcontractor pala siya ng kumpanya?"
Natahimik si Mommy. I noticed her sudden uneasiness.
"Mi may problema ho ba?"
Pumwesto siya ng upo sa aking tabi. Seryosong tumitig sa akin nang nakalukot ang noo. "Anak avoid him at all cost. Sasabihin ko na sayo ang totoo tungkol sa pamilya nila. Hindi mo lang alam kung gaano nila tayo kinamuhian nung umatras kami sa kasal niyo ni Jonjie Lee. Pinull-out nila ang mga invesments nila sa atin at sinaraan din si Daddy mo sa ibang mga negosyante. Isa-isang nagsipag-alisan ang mga kliyente natin until your Dad suffered in huge depression."
Sabi ko na nga ba't tama ang hinala ko. When I was in America my parents told me a different story. Sabi nila ay maluwag na tinanggap ng pamilya ng mga Lee ang nangyari at wala akong dapat ipag-alala. They lied so I can have peace of mind living abroad.
"Huwag kayong mag-alala mommy kahit pa makita ko ulit siya ay hindi ako papayag na apihin o bastus-bastusin niya. Kakarmahin din sila balang araw. Dilat ang mga mata ng Diyos kahit sa mayayaman."
"Naku huwag na natin siyang pag-usapan at mukhang mas lalo kang nawawalan ng ganang kumain. Matagal na yun kaya sana naman tapos na rin sa kanila yun." Muling bumalik ang kanyang mga ngiti. "Oo nga pala magogrocery ako bukas. Anong mga gusto mong ulam?Saka gusto mo bang ibili rin kita ng bagong damit para hindi puro pinaglumaan ko naman yang mga isinusuot mo," excited na uling sabi niya.
"Mommy magtabi ka muna ng pambayad natin kay Mrs. Choi. Ang sobra ay ipamili mo ng mga kailangan dito sa bahay. Huwag niyo munang isipin ang mga luho na yan at tirhan niyo na lang ako ng kaunting allowance hanggang sa susunod na pay day."
"Ikaw naman. Hindi naman malaking luho yung ibili ka ng damit. Ano ba naman yung magkaroon ka ng konting kunswelo kapalit ng mga pagpapapagod mo," dismayadang ika niya.
"Ang makapagbayad tayo sa utang ay napakalaking kunswelo na ho sa akin," sagot ko.
Her lips twitched. "Kelan ka ba magkakaroon ng kaunting arte man lang diyan sa katawan mo? Hindi naman kita pinalaki ng ganyan. Trinato ka namin ng Daddy mo ng parang prinsesa noon pero bakit ngayon ay wala ka man lang kahilig-hilig sa mga mararangyang bagay?"
I didn't reply and finished my food. Sometimes, I still pity my Mom. She hasn't totally accepted yet the reality of our situation. Na spoiled kasi siya masyado ni Daddy. Our glitters already turned into dusts so why must I seek for something that isn't there anymore?
We heard a ring from my bag.
"Baka yung boss mo tumatawag!" Mabilis na kinuha ni Mommy ang cellphone ko. "O sagutin mo na dali!" abot niya nito sa akin.
Si Ma'am Stella ang tumatawag. Hinayaan ko lang hanggang matapos ang ring.
"Ba't di mo sinagot? Baka magalit sayo yang boss mo!"
"Mi, it's my boss girlfriend."
"Kahit na mas nakakataas pa rin siya sayo."
"Hayaan niyo na maiintindihan niya rin dahil anong oras na eh. Sasabihin ko na lang ho sa kanya bukas na tulog na ako."
Ma'am Stella and me has gotten closer since the day we met at Lux Club. Yung naputol naming pagkukuwentuhan noon ay naging tuloy-tuloy na. I'm glad that I gain her trust but it has a tiring side. Minsan hindi ko masakyan yung trip niya na inaalam lagi ang mga ginagawa ni Sir Yul sa loob ng isang araw. She really loves hearing good things about him. It's like a regular dose of reminding her how perfect her boyfriend is. I just don't get it. Eh kung ako naman ang girlfriend ni Sir Yul sapat na yung alam ko sa sarili ko kung gaano kaperpekto at kagwapo yung boyfriend ko. Bakit kailangan ko pang marinig na may sabihing maganda lagi ang ibang tao tungkol sa kanya? Hay anyway sabi nga may kanya-kanyang personality bawat tao kaya intindihin na lang natin ang bawat isa as long as wala namang ginagawang mali.
YUL
I'm giving to Nora the proposal contract of an Indian company planning to import our cooking oil. "Please review it and highlight the important points. I need it in an hour."
Napakurap ang aking kausap. "Pero may meeting kayo in fifteen minutes dito sa office niyo?"
"So?" I shrugged.
"Sinong mag-aassist sa inyo at magsusulat ng minutes?"
"Ask Jewel to do it."
Tumutol agad ang kanyang mukha. "But Jewel hasn't done it before, if you want I can ask Joanna to do it."
"Kaya nga dapat si Jewel ang gumawa para matuto na siya. Isa pa it's just an ordinary meeting with a subcontractor. Call Jewel now," pagmamatigas ko.
"Sige po." Lumabas siya ng aking silid. Wala pang isang minuto, nasa harapan ko na si Jewel.
"Tawag niyo daw po ako sir?" she said with a lively smile.
Patay malisyang tiningnan ko ang noo niya. Wala ng bukol pero may bakas pa rin nang kaunting pasa.
Tumikhim ako. "Ikaw ang kasama ko sa meeting ngayon."
"Ho?!" Nanlaki ang kanyang mga mata. "Sir teka lang magpapaturo lang ako nang mabilisan kay Joanna at Lorraine." Tarantang lumabas siya. Natanaw kong kinausap niya nga agad si Lorraine. I can't help not to laugh at her panicking reaction. Mistulang estudyanteng binigyan ng surprise quiz.
Dumating ang aking mga kameeting and I let them sit at the sofa. Joanna entered to serve coffee.
"Call Jewel now we're starting," utos ko sabay tingin sa relos. Maiksi lang ang inilaan kong oras para sa meeting na to.
Pumasok ang pinapatawag kong sekretarya subalit sa pintuan pa lang ay napahinto siya. Mukhang nagulat nang makita ang aking mga bisita, tila nakakita ng multo. Tumalikod siya at muling lumabas. I thought she'd walk out but she only composed herself outside. Nang muling pumasok ay nakangiti na nang natural.
"Take a seat," I gestured to the vacant chair between me and the CEO of Lee Con Enterprise.
"She's Jewel my new secretary. Jewel this is Mr. Jonjie Lee the CEO of Lee Con Enterprise and this is his Assistant Leon Ong."
"Good afternoon po sa inyo." Though she didn't offer a handshake, Mr. Lee grabbed her hand and shook it with his two hands. Medyo matagal niyang hinawakan ang kamay habang nakapako ang mga mata sa mukha ng aking secretary.
I cleared my throat.
He dropped her hand and gave his attention to me.
"I called you to discuss the recent negative reviews of costumers. Padami ng padami ang mga natatanggap naming complain sa pumapangit na kalidad ng mga lalagyan ng cooking oils. Maninipis na daw, mabilis mabutas at masira.Nagsagawa ako ng quality checks, most of the containers are still in good qualities pero may mga iilan-ilang nahahalo na nagpapatotoo sa mga reviews ng kostumer. What happened I want to hear your explanation?" I demanded.
"Sir Yul matagal na ho ako nanghihingi ng kaunting dagdag sa presyo ng mga containers sa accounting niyo pero iniignore lang nila ang request ko. Buti kayo na mismo ang nanghingi ng meeting sa amin ngayon. We can't help not to ask for price increase dahil tumaas na rin talaga ang production cost namin. Dahil hindi naman mapagbigyan ng CGC ang pakiusap namin, wala kaming magawa kundi babaan ang kalidad ng ilang porsyento ng mga lalagyan para ma-accommodate namin ang presyong binabayad niyo."
"Magkano ang hinihingi niyong dagdag?"seryosong tanong ko.
"5 peso para sa isang litro, 3piso sa 500 ml." He gives me a paper. "Yan ho ang breakdown ng presyo sa bawat container."
I take a look at the paper. Although I'm reading, I can sense the discomfort of my secretary. Hindi mapakali sa kanyang pwesto habang si Mr. Lee ay maya't mayang napapatingin sa kanya nang nakangisi.
"I have yet to make a further study about this price increase. For now I request you to stop manufacturing low qualities containers and still adjust to our agreed price without sacrificing the quality. Kapag itinuloy niyo pa rin ang ginagawa niyo baka maghanap ako ng ibang subcontractor."
Our serious discussion continues pero kahit gaano ito kaseryoso ay hindi nakakalampas sa mga mata ko na panaka-nakang hinahawakan ni Mr. Lee ang aking sekretarya. "Isulat mo yun Jewel." Dinig kong bulong niya sabay hawak sa hita ni Jewel. She quickly moved her legs to the other side.
Kumunot ang aking noo. Kanina paako nadi-distract. I sense something between the two of them. Sumagi sa isip ko na minsan nga palang naitanong ni Jewel kung kilala ko si Mr. Lee. Yun din ang oras na pamali-mali siya.
"Excuse me but would you mind me asking if you know each other?" di nakatiis na tanong ko sa kanilang dalawa.
Mr. Lee faced me with wide grin. "Yes Sir Yul. I know her well. Jewel was my fiancee ten years ago. Hindi lang natuloy ang kasal dahil biglaan siyang nangibang bansa." He looked at her. "Hindi ba Jewel?" sabay haplos sa buhok nito.
She swallowed hard and gave me a meaningful look with terror in her eyes. She nodded to confirm his revelation.
Saglit akong di nakagalaw sa aking nalaman. Nang maproseso ng utak ko ay napangisi ako. I rub my thumb to my lower lip. Tumitig ako kay Mr. Lee hanggang sa unti-unting sinamaan ko siya ng tingin. So he's the culprit! Ang puno't dulo kung bakit kami ikinasal ni Jewel!