webnovel

Mae' The Wicked Slayer

Kyu_Velasquez · 现代言情
分數不夠
11 Chs

KABANATA 8

"Nagsisisi na akong pinagbigyan pa kita!"bulalas ni Bradley ng nasa tuktok na sila ng roller coaster habang bahagyang magsisimula ng rumagaas ng takbo.

"Tumahimik ka na nga para ka namang hindi lalaki niyan maenjoy to sigurado"

"Kahit na wala pa akong natatandaan alam ko sa sarli ko na takot ako sa heig-ahhh!!!"hindi na natuloy ni Bradley ang sasabihin ng simula ng tumakbo ang ride na sinasakyan nila.

Wala sa sariling tumitili si Bradley na parang batang nahuhulog sa ilalim ng bangin habang kasalukuyan namang humihiyaw si Shennah na magkahalong excitement and fear na halos kabaliktaran ng huli.

Hindi magkamayaw sa paghagod si Shennah sa likod ni Bradley na hindi parin tumitigil sa pag suka sa isang sulok ng kabuuan ng parke.

"Ok ka lang?"habang patuloy parin ang paghagod sa likod ng binata ng akmang wala ng lalabas pa sa lalamunan na pati bituka pa siguro ay nailabas na ay saka lang siya binalingan.

Kunot-noong binalingan siya ni Bradley na tumalim pa ang pagkakatitig ng malamang ngising-ngisi siya na nakatitig sa binata.

"Mukang masaya ka pa na naghihirap ako dito"may pagtatampo pa sa boses nito.

Sumeryoso ang mukha ni Shennah saka nagsalita.

"I'm sorry"hinging paumanhin niya.

"What is it?"anito.

"Ang alin?"

"Bakit ka ngumingisi kanina?"

"Uhm..wala naalala ko lang yung first date natin...ganyan na ganyan ang hitsura mo nun matapos yung ride"nangingising saad niya.

"What?so hindi ito ang unang beses na natry ko ang roller coaster"

"Ganun na nga"mariing tugon niya.

"No way! ni hindi nga ako nagagawi dito kase ayoko ng rides pano mo ako napapayag?"

"Obvious ba?masyado kang inlove sakin nun kaya kita napapayag,atsaka nanliligaw ka pa sakin nun kaya wala kang choice kundi sundin ang gusto ko"saka abot langit ang ngiting pinakawalan niya.

"Oh..ano na naman ang ngiting yan?"

"Kase halatang inlove ka pa sakin kaya napapayag uli kita"wika niya.

"Hay..yeah, tuloy parang nagsisisi na ako.."

"Nagsisising ano?"galit niyang tanong rito.

"Na niligawan pa kita"

Sinikmuraan niya ito saka marahas at kunot-noong tinanong"At bakit?"

Nangingilipit pa itong sumagot sa kanya"Dahil alam ko nang una pa lang..under na ako sayo"

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Shennah pagkarinig ng huling sinabi sa kanya ng binata.

"At dahil sa sinabi mo may libre kang Ice Cream sakin"saka dali-daling itinuro ang mamang abala sa paglalagay ng sorbetes sa Ice Cream cone habang iniaabot sa mga bumibili.

"Yun lang?"pagrereklamo naman ng binata.

Kunot-noong binalingan ni Shennah si Bradley.

"At may lakas loob ka pang magreklamo diyan..samantalang ikaw na nga itong linilibre."

"Aba! dapat lang,masakit na nga sa kalooban ko na tanggaping under ako eh"

"O siya, bakit ano ba gusto mong kainin?"

"Ikaw"anito.

"Ano?Kailan ka pa naging aswang?"

"Hindi! what I mean is yung mga -saka ngumuso at tinuro ang ibaba ng ilong niya-ang gusto kong matikman"saka nakangiting kinidatan pa siya ng loko.

"Sobra ka na!natikman mo na yan kanina ah"

"Nabitin ako eh"nakangisi paring nakatitig sa kanya.

Isang malalim na hininga muna ang pinkawalan ni Shennah.

"Hmp-ang baho!"pangangantiyaw ni Bradley dahil sa pagbuga niya ng hininga.Tinapik lang niya ang balikat nito habang tawang-tawang nakatitig sa kanya

.

"Kung mabaho ede wala na yung kiss"pang-iisnob niya rito.

"Oy hindi pwede..ang bango bango nga oh"saka inilapit pa ang ilong nito malapit sa baba niya para bahagyang maamoy iyon.

Hindi paman nailaayo ng binata ang ulo mula sa pagkakalapit kay Shennah ay nahawakan na nito ang batok niya upang bahagyang maitulak at mariing siniilan ng halik.

But the kissed now is more tastier and delicious..it was more sweeter than a taste of Ice Cream and delightful than a twekish delight.

Abot seventh heaven ang ngiting pinakawalan ng dalawa nang mga nakaawang na labi.

"Ang lakas ng loob mong sabihing ang baho ng hininga ko samantalang ikaw itong pumakawala ng mga suka kanina..kadiri ka Daddy!"saka lang siya tinalikuran ng dalaga.

Kagaya kanina ay mulat paring sinundan na lamang ng tingin ni Bradley habang papalayo ang dalaga sa kanya ngunit mas maluwag ang ngiting pinakawalan niya sa mga labi ngayon at dahil yon sa tinawag sa kanya ni Shennah...the word "daddy"seemed to be a beautiful word na paulit-ulit na nageecho sa pandinig niya.

Kasalukuyan naman silang naglalakad habang patuloy ang paglasa sa Mini-Ice Cream gamit ang kanilang dila,ngunit nasa kabuuan parin sila ng amusement park nang mapahinto sila sa gawing kanan nila at nakita ang mga nagkukumpulang tao.Napapangiwing nagkatitigan lamang sila.

"Anong meron dun?"pag-uusisa ni Bradley na animo'y ang sarili ang kausap.

Nagkibit-balikat lamang si Shennah habang tinutungo ang mga nagkakagulong tao.

Naghihiyawan pa ito ng makalapit sila.

Saka lamang napagtanto ni Shennah na Archery Game pala iyon matapos makalusot sa mga nakaharang na tao.

Napansin niya ang pagsunod ni Bradley ng hawakan nito ang balikat niya saka siya nagtaas ng tingin.

"Panda Bear stuff! ..ang laki nga naman ng pandang yun"sabad ni Bradley na ang tinutukoy ay ang premyong makukuha kung sakaling makatirada sa 10 points target ang magbabalak na sumubok ng Archery.

"Halika na"pagyayaya ni Bradley sa kanya

Akmang tatalikod na si Shennah ng marinig ang impit na pag-iyak ng isang batang babae na nasa pitong taong gulang na..nilingon niya ang batang humihikbi parin,maging si Bradley ay napahinto rin.

Pinipilit ng batang babae ang Papa nitong napapakunot-noo na dahil sa kaiiyak ng bata,pilit na kinukulit ang Amang makuha ang Panda Bear sa Price Port ng premyo,mukang mahihirapang gawin ng Ama ang gusto ng anak dahil wala naman ni isang maglalakas loob makakuha ng Ten points sa pag asinta sa Archery Board.

Hindi niya lubos mapigilan ang sariling makadama ng simpatya para sa Ama at sa anak nito.

Binalingan niya si Bradley na may pagtatanong sa mga matang nakatitig sa kanya.

"Anong iniisip mo?"

Hindi na nagawang sumagot ni Shennah ng tumalikod na siya at pumihit patungong Ticket Holder at nakipagpalitan na ng One-Hundred pesos, saka tinungo naman ang host ng naturang Game at ibinigay ang dalang Archery Ticket,pagkatapos ibigay ay saka naman siya inabutan ng Bow at Arrow pagkakuwan ay pumwesto na siya sa Archer Position.

Isang malakas na hiyawan ang pumakawala sa mga nanonood sabay ang pag cheer at palakpakan para sa babaeng nakapuwesto na ngayon sa Archer Stall,habang tulalang nakamasid lang si Bradley sa kinatatayuan..wala siyang kaide-ideya kung marunong ba ito sa sport na iyon lalo pa't alam niyang nagkaroon siya ng Amnesia kaya hindi maaalis sa kanya ang kawalan ng kamalayan tungkol sa mga kakayahan at kayang gawin ni Shennah.

Ngunit hindi rin maikukubli sa kanyang matuwa sa dalaga sa kaalamang ginagawa niya iyon hindi para magpasikat sa kanya o kanino man kundi para sa batang babae na pumapalyahaw sa pag-iyak dahil lang sa kagustuhang makuha ang Panda Bear na premyo ng naturang laro.

Muling dumagundong ang hiyawan at palakpakan ng mga nanonood ng akmang pumosisyon ito hudyat para sa paghanda ng pagtira, maging si Bradley ay nakipalakpak narin para sa pagbibigay suporta sa kanyang "nobya".

Ngunit hindi parin maaalis kay Bradley ang kabahan para sa magiging resulta ng pagtira ni Shennah bagama't malakas ang paniniwala niyang kayang kaya iyon ng dalaga lalo pa't para sa kaalaman ng lahat ay isang tira lamang ang mangyayari para magawa ang pag-asinta na lalong ikinababahala ni Bradley.

Pinihit na ni Shennah sa paghila ng Arrow sa hawak na Bow pero bago niya nagawang pakawalan iyon ay lumingon muna siya sa gawing kaliwa niya upang masilayan si Bradley,nakangiting nakatitig ito sa kanya bagama't halata ang pag-aalala sa mukha ay nagthumbs-up pa ito sa kanya at pagtango ang tanging naging tugon niya.

Walang kurap na nanonood ang lahat maging si Bradley ng pakawalan na ni Shennah ang hawak na palaso.. sa isang iglap sapol sa maliit at maitim na bilog na nasa gitna ng Archery Board tumama ang palaso..Isang dagundong na hiyawan ulit at palakpakan ang kumawala mula sa mga nanonood ngayon may mga nagsisipagtalunan pa..at wala sa sarling nakikihiyaw at nakikitalon na pala si Bradley habang panay ang pagsabi ng "yes! yes!" habang panay at walang kurap na nakatitig sa magiliw na ngiting nakasilay kay Shennah.

Nakita rin niya ang paglapit at pakikikamay ng lalaking host sa dalaga pagkatapos ay iniabot ang malaking Teaddy Bear na Panda walang anuma't tinakbo niya ang limang metrong pagitan nila upang yakapin ang nobyang kinahuhumalingan niya.

"Ang galing mo! akalain mo yun!"tuwang-tuwang saad ni Bradley habang mahigpit parin ang pagkakayakap sa dalaga.

"Daddy! baka masuffocate na ako sa higpit ng pagkakayakap mo!"saka lamang siya pinakawalan ng binata.

"I'm sorry,I'm just proud of you"isang masilay na ngiting saad niya habang nginitian lang din naman siya ng dalaga.

"Oh! yung bata!"bungad naman ni Shennah sa pag-aalalang para sa batang babae pala ang premyong napanalunan nila.

Saka lamang sila naglakad patungo sa direksyon ng mag Ama.

"Uhm sir!"tawag ni Shennah sa lalaki na akmang tatalikod na para umalis.

Nagtatakang nag-angat lang ito ng tingin maging ang batang babaeng anak nito.

"Uhm yes?"tanong ng lalaki.

"Uhm can I talk to your child Sir?"mariing paghingi niya ng permiso.Tumango lang ang butihing Ama habang iniyuko naman niya ang ulo upang balingan ang batang namumula pa ang mga mata dahil sa pag-iyak.

"Hi big girl! I'm ate Shennah and I have something for you"isang masuyong ngiti ang pinakawalan niya sa batang babae habang inilabas ang malaking laruang uso sa likuran niya at iniabot iyon sa bata.

Isang abot langit na ngiti ang sumilay sa mukha ng bata ng tanggapin ang Teaddy Bear na panda.

"Your giving this to me?"

"Yes! It's all yours now"matamang tugon niya.

"But you won this!"

"B'coz she won that exactly just for you little girl"sabad naman ni Bradley na nasa likuran nila.

"Thank's po!a-ate Shennah!"

"Your welcome"na bahagya pang ginulo ang buhok ng bata.

"Thank you Miss Shennah and-" habang iniaabot pa ang kamay sa kanila.

"Bradley Sir"tugon niya saka tinaggap ang kamay nitong nakalahad.

"Mr.Bradley,thank you again!"Isang ngiti at tango na lamang ang kanilang naging tugon rito saka suminyas nang umalis.