webnovel

Lunaire Academy: Wizards and Witches Saga

MIRA LUNA CRESCENCIA is a simple lady na nag-aaral sa Heather University. Nagbago ang kaniyang buhay nang makilala niya ang wizard-warlock na si Loki na may misyon sa mundo ng mga tao and it is because she has a magical power katulad ni Loki na isang wizard-warlock, siya naman ay isang witch. She was dragged by Loki to a hidden academy in a city of another world called Lunaire city upang mahasa pa ang kapangyarihan na mayroon siya.But, the real journey will start there and the rest of the story is history. NOTE: No part of this novel may be copy, reproduced or transmitted in any forms by any means. Please respect the author. PLAGIARISM is a Crime

Shiani_chii · 奇幻言情
分數不夠
33 Chs

Squad Formation

Pinagkulumutan namin ang nababalisang si Lucia habang tumayo na rin ang ibang mga professors mula sa kanilang kinauupuan saka seryosong tumingin sa direksyon ni Lucia.

"It's over, Lucia. Wala ka ng mapupuntahan. Aminin mo na rin na ikaw ang nakabasag ng vase sa labas ng opisina ni Mrs. Clementine. That time nakikinig ka sa amin para makakalap ng impormasyon. I sensed that it was you. At dahil rin sa'yo, kaya kumalat sa buong academy na si Mira ang anak ng former queen," Rincewind stated as he pull his grimoire out of his left palm.

Tinanggal naman ni Loki ang crooked glasses niya saka isinilid ang kaniyang salamin sa bulsa ng kaniyang blazer na suot-suot ko ngayon. Napabaling ang atensiyon ko sa maamo niyang mukha na ngayon ay seryoso na. Nakuha pa niyang kumindat sa akin bago hinarap si Lucia. Huwag ka ng magpa-cute, cute ka na. Gusto kong tumili dahil sa kilig pero hindi puwede. I need to maintain my composure. Tumungo ako saka muling tumunghay at deretsong tumingin kay Lucia. Matagal ko na itong hinala simula nang makita namin siya ni Loki sa mini park. Iba ang naramdaman kong magical aura sa Lucia na nakilala ko noon sa hallway ng dormitory kaysa sa Lucia ngayon, kaya naglakas-loob akong magtanong sa traydor, "But one thing is certain, and I'm sure, the moment I saw you at the mini park, you're not Lucia. Who are you?"

"The evidence was crystal clear Mira, anong sinasabi mo na hindi siya si Lucia?!" bulalas na sumabad si Gwen. Ginatungan naman ni Margaux ang aking hinala, "But I think, Mira was right. You're not Lucia de Sienna."

Hindi umiimik si Lucia, saka narinig namin ang marahan niyang pagtawa. Marahan, hanggang sa nauwi ito sa walang humpay na paghalakhak. Maihahambing mo si Lucia ngayon sa isang baliw na pakalat-kalat sa kalye hanggang sa itinigil niya ang paghalakhak at matalim kaming tiningnan. She now possessed a fucking bloodshot eyes. What the?! Anong klaseng nilalang siya. May malalaking itim na skeletal wings ang tumubo mula sa kaniyang upper back at nag-iba ang kaniyang hitsura. She was a monster—no a demon. Lumipad siya palayo sa amin kaya napahiyaw ang ibang Lunaireians. Tumigil naman ang demonyong nagpanggap bilang si Lucia sa itaas saka sumugod papalapit sa amin. Papunta ang direksyon niya sa akin. Shit! Ayoko pa mamatay dito. Mira, think, think. Narinig kong isinigaw ng mga professors ang pangalan ko saka sila gumamit ng offensive magics upang buntalan ang demonyo na ako ang "target", ngunit hindi ito tumalab bagkus mas lalong lumakas pa ang demonyo. Lumingon ito sa kinaroroonan ng mga professors saka gumawa ito ng malaking shadow ball at ibinatok ito sa kanila. Lalong nataranta ang lahat at nagsigawan ng tinamaan ng malaking shadow ball ang mga professors. Thank goodness, may nakasalo ng pagtira ng demonyo. The shadow ball vanished instantly in a striking blow. Nagulat kami nang makita kung sino ang gumawa noon. It was Byron Siegried, along with Dorothy Hellis and Leona Blaise.

"Everyone, please use your magic to defeat this filthy demon. We're wizards, kaya natin siyang patumbahin!" paghihimok ni Leona sa mga Lunaireians. Extrinsic motivation. Nakatulong naman ang paghihimok niya kaya ginamit nila ang kanilang magic saka pinatamaan ng walang patid ang kalaban habang nagpapalabas ang demonyo ng matinding dark shadow magic bilang defense mechanism nito. Gayundin ang ginawa ng mga kasama namin, tinulungan nila ang mga Lunaireians, Council at professors na puksain ang kalaban, saka narinig ko na lamang ang malakas na atungal ng demonyo.

Sa ginawang pag-atungal ng demonyo, napapikit ako dahil nanunuot ang nakakarindi niyang daing sa mga tainga ko. Napa-iktad ako sa sakit, ngunit hindi ko alam ang dahilan. Lunair grimoire, please lumabas ka. I need to use my magic. Napapikit na lamang ako saka naramdaman ko na kusang lumabas ang Lunar Grimoire ko. May kung anong pumasok na ideya mula sa utak ko, tila mga keywords na kailangan ko i-chant para makapagpalabas ng powerful magic. Lunar Magic. Moonlight. Imprison. Marahas kong iminulat ang aking mga mata saka ibinulalas ang mga ideya na nasa utak ko, "Lunar Magic, Moonlight Imprisonment!"

Deretsong nai-record sa aking grimoire ang spell na binanggit ko, saka nakita ko na lamang na may mga "moonlight swords" ang sumaksak sa demonyo dahilan para ma-paralyze ito. Hindi pa naman siya patay dahil naririnig ko ang pagtibok ng kaniyang pulso, and that's weird. Sinamantala ni Loki at Rincewind ang pagkakataon kaya ginamit nila ang kanilang grimoire. I heard the both of them casted a solar magic using their grimoire.

"Solar Magic, Flares of Heat!"

"Solar Magic, Sunray's Roar!"

It was a direct attack. Nasunog ang buong katawan ng demonyo saka nalaglag ito ng tuluyan sa flooring ng convention hall. Ngunit, matibay pa rin ang sistema niya. Humihinga pa rin siya! Akmang gagamit si Stella ng magic for the finishing blow, ngunit mahigpit na hinawakan ni Byron ang braso ni Stella para pigilan siya. Ang bilis, hindi ko siya nakita na naglakad palapit kay Stella. Byron motioned toward the demon, then he kneeled down and gripped the demon's head and whispered something. Mukhang may binubulong na incantation si Byron. Matapos litanyahan ni Byron ang demonyo, mayroong namumuong papel sa kaniyang kaliwang palad saka binitawan ang ulo ng demonyo. The demon's body wiggled after Byron released his gripped from its head then, its body started to decay.

"It's over." matipid na sinaad ni Byron.

Ang takot at tapang na naramdaman namin lahat ay napalitan ng ligaya. We started cheering. Tumakbo ako papalapit kina Loki at Rincewind habang nangigingig pa ang buong kalamnan ko saka niyakap ko sila ng mahigpit. I felt relieved as I embraced them. Actually, their body froze and I perceived it. Kaya, mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanila. Tighly, but warmly. Naulinigan kong bumuntong-hininga silang dalawa saka niyakap din nila ako ng mahigpit. Nagulat kaming tatlo ng sumigaw si Calum, "Guys, nag-grouphug silang tatlo, tara sirain natin ang moment nila!"

Pinalibutan kami ng mga Lunaireians na may ngiting nakaguhit sa kanilang mga labi saka nila kami niyakap. Their embraces made me overjoy and it filled me with warmness. Ang sarap sa pakiramdam. Sana ganitong katibay ang samahan namin lahat.

Matapos ang engkwentro namin sa demonyo na nagpanggap bilang Lucia, nagtulungan kaming lahat upang kumpuniin ang mga nasira sa loob ng convention hall. After fixing and tidying up the hall, Mrs. Clementine asked us to stay while the rest of the students were being sent back by the professors to their quarters. Wala munang klase dahil sa mga nangyari ngayon, bagkus isinama kaming mga "involved" last night ni Mrs. Clementine sa conference house, kasama ang Council at si Prof. Irvin. With just a snap of Mrs. Clementine's fngers, nakarating na kami sa loob ng conference house. "Convenient talaga ang teleportation spell, pero mas convenient pa rin ang magic ni Luccas." I thought to myself. Mrs. Clementine commanded us to take our seats, and we did her order.

"Hindi ko inaasahan na isang shape-shifter at demonyo pa ang makakaharap natin ngayon. Hindi ko agad ito na-sense. Matanda na nga talaga ako." saad ni Mrs. Clementine at bumuntong-hininga. Sumagot naman si Prof. Irvin sa kaniya, "Kahit ako rin."

Sumabad ang academy's doctor na si Margaux sa kanila, "But, this lady did." itinuro ako ni Margaux. Hindi ko namalayan na kasama pala namin sila sa conference house maging si Gwen. Pineke ko na lamang ang ngiti ko. Ayoko kasing makatanggap ng papuri, kung pupurihin nila ako dahil sa ginawa ko. It's just that, I hate being the center of attraction.

"You're right Margaux. No doubt, she's the future heiess and princess of Lunaire. Manang-mana siya sa yumaong reyna." Byron replied to Margaux.

I just bowed and fidgeted my fingers. Nahimigan ko na tumikhim si Mrs. Clementine, "I think that's enough for now. Dederetsahin ko na kayo. Kaya ko kayo tinipon ngayon, gusto kong gumawa tayo ng isang formation para matukoy kung saan nagtatago ang mga kalaban."

Byron smiled in a cool way then he exclaimed, "But, I already did that!" ipinakita niya ang parchment scroll na hawak niya, "Heto ang mapa kung saan matatagpuan ang kuta ni Morgana. Sinamantala kong kuhanan ng impormasyon ang demonyo kanina. Nakita ko rin sa kaniyang memorya na nasa kuta rin nila ang tunay na Lucia de Sienna, kasama pa ang ibang nawawala."

"So, we need to form a squad to retrieve these students." Dorothy responded.

Mrs. Clementine answered her, "Exactly," tumigil saglit si Mrs. Clementine saka ibinaling ang tingin kay Byron, "Hindi ako magaling sa planning and strategy, kaya ikaw na ang bahala Byron."

Mahinang pumalatak si Byron na tila nag-iisip, "Okay lang sa akin. Siguro kung bubuo ako ng squad, kukunin ko na lang ang coven kung nasaan si Loki at Rincewind. Isabit ko na rin itong mga 'to," itinuro niya sina Von Marcus at ang iba pa na walang imik at nakatulala sa kaniya. Byron chuckled as he exclaimed, "Ako ng bahala para mahanap kung saan nagtatago si Morgana. Kalimutan na natin ang mga nangyari ngayon at magparty-party tayo!" I sighed inwardly. Mukhang may bagong isip-bata kaming makakasama. Hinampas-hampas ni Leona ang conference table kaya nakuha nito ang atensiyon namin, "Oo nga pala Mrs. Clementine, tomorrow is the 25th of May and it is the founding anniversary of the academy. Ano ang magiging plano ninyo para bukas?"

Halatang nagulat si Mrs. Clementine sa sinabi ni Leona, at mukhang wala ito sa kaniyang plan of activities dahil tumitikhim-tikhim pa ito habang nag-iisip. I saw Mrs. Clementine sighed and shrugged, "Actually, nakalimutan ko na ang bagay na 'yan. Sa tingin ko nagsisimula na nga akong mag-ulyanin." marahan siyang tumawa saka pabalang siyang sinagot ni Prof. Irvin, "Aminin mo na talagang wala 'yan sa plano mo."

Nagsisimula na naman silang dalawa. Parang lovebirds 'tong matatandang 'to. Dorothy caught our eyes when she raised her right hand, "Siguro, magkaroon na lang tayo bukas ng night party. Parang 'yong ginagawa sa mundo ng mga tao. I forgot the term."

Nakangiti akong sumagot kay Dorothy, "Socialization night po yata ang sinasabi ninyo."

"Yes, Socialization night nga." nakangiti rin nitong sagot sa akin, "Maayos naman ang sagot niya sa akin, pero bakit iba ang approach niya kay Loure? Baka may dalaw." I thought then I shrugged.

"I like that Dorothy, Mira. Sige for tomorrow, at exactly six o' clock, let's have this night party. Council members, kayo na rin siguro ang bahala since kayo ang nakaisip nito. Silver Moons, Night Shadows, Twilight Flame and Radiant Heart, please cooperate with them. Ipapaalam ko na rin ito sa ibang professors. Intiendes?"

"Yes, Mrs. Clementine!" We exclaimed excitedly.

Bahagya akong kinilig at na-excite dahil magkakaroon ng night party bukas. Matapos ang nakakapagod na araw ngayon, bukas mage-enjoy naman kami. Ano kaya ang isusuot ko bukas? Sana maging maayos ang party bukas para makapag-unwind naman kaming lahat. I thought again as I smiled genuinely.

Binasag ni Byron ang excitement namin habang nakangisi, "Pero pagkatapos ng party na 'yan, let's have a special training."