webnovel

Love To The Destiny

May mga taong darating na akala mo sya na pero hindi papala. Maniniwala ka ba kung ex mo yun ang magiging destiny mo? O may dadating pa Kung sakaling bumalik siya mamahalin mo pa ba sya? ABANGAN...... Please support me Thank you!!! READ NOW!

zyrean_zhao18 · 现代言情
分數不夠
87 Chs

70 John got shot because he save me

Nakarating kami sa abandonado na lugar. Sobrang laki at nakakatakot. Bago kami bumaba. May kinalkal si Ramos sa kotse nya.

Baril ang bagay na iyun, Paper spray, Lighter, at kung ano-anong bagay na pwede nga namang panglaban.

" Celine.....I will give this to you " nilagay nya sa aking kamay ang dalwang paper spray.

" Magaling na yung handa sa mangyayari. Kapag tayo ay pumasok sa lugar na yan " napatingin ako sa paper spray. May dinadial ito sa telephono.

" Sino ang tinatawagan mo? " tanong ko sa kanya. Pamaya ay nagring ang telephone ko. Si John?

" Pulis, Kailangan natin ng bantay sa kanila. Pansamantala " tumango ako. Sinagot ko ang tawag ni John.

" H-Hello? " tumikhim ito.

" Nakita ko ang kotse nyo. Sinundan ko kayo. Anong ginagawa nyo? " sinilip ko ang likuran namin. Kotse nga nya iyun. Pero nasa patagong lugar.

" Amm.....Pwede wag ka nang mang-ialam. Mapapahamak ka lang. Umuwi kana...." pinatay ko na ang tawag. Bumaba ako ng kotse. Naghawak kamay kami ni Jake papasok.

Amoy kanal ang dinadaanan namin. Ang samento ay basa. Puro tangke ang nasa loob. May bakal ring puro gabok. Hindi ko napansin nakaboots pala ako.

' Welcome.....MARRISE CELINE SMITH! AT KAY JAKE FRANCIS PADILLO! WELCOME SA RAMOS HALL! ' Wala kaming makita kung sino ang nagsasalita pero sigurado ako na si Ramos yun.

Biglang may nagtalonan na mga lalaki. May sumakal sa aking likod. Samantala naman nilalaban ni Jake ang mga lalake. Naalala ko champion ako sa taekwondo. Gamitin ko kaya rito.

(kick) Sinipa ko bayag nya. (punch) Sinuntok ko ang leeg nya. Namiss ko ang taekwondo. Nagflying kick ako para matumba sya. At yun (boogsh) Nagtalsik sa ilalim ng kanal.

Naghawak kamay kami ni Jake.

' Wow! Galing! Ang sarap manuod ng action marathon! ' habang pumapalakpak. Nakakainis talaga yang si Ramos.

" Hindi mo nasabi....magaling ka pa lang magtaekwondo " bulong sa akin ni Jake. Kinagat pa ang tenga ko.

" Syempre ako pa ! " (shoes walking) (clapping) si Ramos. Nakita ko ulit ang mukha nya. Ibang-iba sya. Kakaiba na ang pananamit nya.

" Wow! Impressive! " mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kamay. May mga naglabasan na babae. Mga nakalingerie ito. Nakakalaswang tingnan.

" Paghiwalayin ang dalwang yan " nagbitaw kami ng kamay ni Jake. Hawak sya ng malalakas na lalake. Nakatitig ako kay Ramos.

" Celine! Long time no see " napatingin ako kay Jake. Panay ang alpas nito duon. Pero hindi sya bitawan. Napabaling ang mata ko Kay Ramos.

" Itali nyo ang kamay nito. Saka kumuha kayo ng upuan. Nangangalay na ang prinsesa ko eh" nagagalit ako sa mga sinasabi nya. Pagkatali sa akin ng mahigpit. Napasigaw ako ng masakit. Padaskol akong pinaupo. Hinawakan ni Ramos ang baba ko. Tapos binitawan iyun ng patapon.

" Sige! alpasin ninyo yan " Sina Ella ba ang tinutukoy nito? Nakita ko si Ella. Napaiyak ako. Tatakbo sana ito sa akin pero pinigilan ito.

" Sige malaya na ang dalwang ito. Ang mahalaga itong dalwang lovebirds. Ipasok na ninyo yan sa Van " inaalis ko ang tali sa kamay ko. Pero hindi maalis.

" Celine....Tinupad ko ang sinabi ko. Kapag pumunta kana dito papakawalan ko sila. Papahirapan pa ba natin ang sarili natin. Ikaw lang naman ang kailangan ko. Ikaw lang....." dumura ako sa sahig. At tiningnan sya ng galit.

" Kahit kailan hindi ako papayag na maging tayo! Dahil hindi ako pumapatol sa isang Demonyo!!!! " sinampal ako nito.

" Sige! Ipasok na ninyo iyan sa dapat kalagyan nyan! " inaalis ko ang tali sa kamay ko. Si Jake itinutulak ng mga tauhan ni Ramos kung saan. Pinaamoy sa kanya ang isang panyo na may pampatulog. Na Kita ko na tulog na ito. Napapikit ako ng mariin.

" Pano ba yan? Celine.....Sasama ka sa akin. Sa ayaw o sa gusto mo! " inalis ng mga tauhan nito ang tali sa kamay ko.

" Ayaw ko! Kahit kailan hindi ako sasama sayo! Bwiset ka!!!! " sinampal ako nito. Sobrang sakit. Napaiyak ako.

" BAGO MO ISAMA SYA! PATAYIN MO MUNA AKO! " napalingon ako. Si J-John?

Bigla itong may kinuha sa bulsa. Nakatapat iyun sa akin. Pumutok ang baril. Akala ko tumama iyun sa akin. Pero si John ang tinamaan. Yakap nya pala ako. Hinawakan ko ang mukha nya.

" John? " biglang may lumabas sa bibig nito na dugo. Nagpatakan ang luha ko. Niyakap ko ito ng mahigpit.

" JOHN!!!!!!!!!!! " umiiyak ako. Hawak ko ang buhok nito.

" Hindi pwede....Hinde....Hindi ka pwedeng mamatay! " Biglang may mga pulis na dumating. Hinuli si Ramos.

" Hinuhuli ka namin. Sa kasong pagpatay kay John Castillo, isa pa sa pagdukot kay Miss Ella saka sa kanyang boyfriend pati narin Kay John Francis Padillo. Saka sa paggulo sa buhay ni Miss Celine Smith. May oras kang magpaliwanag sa prisinto. Sa iyong ginawang pagkakasala " tatakbo pa si Ramos pero natadjakan ang paa nito. Walanghiya ka talaga! Mabubulok ka ng habang buhay! Kailanman hinding-hindi Kita mapapatawad! Shit! Ramos!

Dumating na ang ambulansya. Nilagayan sya ng oxygen. Sumakay ako. Hinawakan ko ang kamay nya. Ayaw kong bitawan hindi ko kaya.

Nakarating kami sa operating room.

" Miss bawal po kayong pumasok! Magintay po kayo sa labas " Hindi ako mapakali. Nagsidatingan sina Ella. Umupo ako.

" Nung makalaya kami sa kamay ni Ramos. Sinamantala naming tumawag ng Pulis " niyakap ko si Ella.

" Thank you bess " Humagohol ako. Pano si Jake? Nasan sya? Kumalas ako.

" Si Jake? Nasan? " hindi agad makasagot ito.

" Nakacomfine sya. Sabi ng mga nakakita. Tatakas sana si Jake kaso nabaril sya sa katawan " napaiyak nanaman ako. Bakit lahat ng taong Mahal ko nasasaktan? Sa tuwing babalik ako sa lugar na ito. Palagi nalang may problema jusko...

" Celine? " napatayo ako sa upuan. Si kuya Henry?

" Kuya? " nagyakapan kami. Hinalikan nya ako sa buhok. Tumunghay ako sa kanya. Pinunasan nya ang luha ko.

" Wag kang umiyak. Magiging maayos din ang lahat " tumango ako. At niyakap ulit ito.

Biglang lumabas ang doctor.

" Don't worry about the patient. It's not necessary horrible. Mabilis lang naalis ang bala sa kanyang katawan. If he wake up. It's okay. You can recharge him already " nakahinga ako ng maluwag. Hayyy.

" Thanks doc " umupo na ulit ako. Hayyy. Kamusta naman kaya si Jake?

©Love To The Destiny