WHEN she push-open the door, Brendon was lying in bed and soundly sleeping. Lumapit siya sa kama nito at kinumutan ang anak. Tinitigan niya ang maamong mukha ng anak at umangat ang kamay niya sabay haplos sa pisngi nito.
Mababaw lamang ang tulog nito kaya't nagasing agad ito ng maramdaman ang presensya ng ina.
"Mmm...Mommy, you're here!" nakahiga pa rin ito sa kama ngunit nagising na.
"Oo, dumaan ako sa kwarto mo kasi sabi ng Lola mo maghapon kana halos nakababad sa computer," aniya.
"Kanina po iyon dahil may tinatapos lang akong bagong software at lesson activities na binigay ng online teacher ko," bumangon na ito at umupo sa kama.
Tumabi si Ivana rito. "It's not good to stay longer in front of your computer. You are still young, and your siblings wanted to play with you,"
"I know Mommy. Di ko kasi masabayan ang mga trip na laro ng mga kapatid ko, pambata!" maktol nito.
Kinabig ni Ivana ang anak sabay halik sa pisngi nito, "Bata ka pa rin naman, kuya kana nga lang. Kailangan mong makisabay doon sa dalawa mong kapatid. They needed your guidance,"
Tila nag-isip muna ito bago muling nagsalita, "Okay, I will try to adjust for the sake of my two little siblings,"
Biglang naalala ni Ivana na marunong ito sa technical navigation kaya't sinubukan niyang magbukas ng paksa tungkol sa gumugulo sa isipan niya, "Anak, pwede bang magtanong?"
Tiningnan siya nito at bakas sa mga mata nito ang pagtataka, "Hmm...what is it?"
"Can you check the CCTV footage at those Villa's in front of our house?" aniya.
"Are you asking me to breach the security program of those CCTV? Bakit?" naguguluhang tanong nito.
"Umm...kanina kasi parang pakiramdam ko may nagmamatyag sa mga galaw ko. Hindi lang ako, pati ang Mommy La mo. Pareho kami ng kutob," Ivana said.
"May sumusunod sa inyo? Inisip mo na baka isa sa mga kalaban ni Dad?"
Tumango si Ivana, "Sa totoo lang di pa ako kampante para sa kaligtasan natin lahat kahit nakakulong na si Simon. Parating may kaba sa dibdib ko, di ko pa lang nasabi sa Daddy niyo dahil alam kong marami rin siyang inaasikaso, saka baka mali rin ako ng hinala,"
"Let's find out! Wala naman masama kung alamin natin. Halika Mommy, check natin," bumaba na ito sa kama at mabilis na lumapit at umupo sa harapan ng computer.
Sumunod si Ivana rito at umupo sa tabi nito. Ilang saglit lang nagawa na nitong i-hack ang CCTV camera sa mga katapat na Villas sa harapan ng bahay nila. Maya't-maya pa may nagpa-play na ang footage ng mga oras na bumaba ng kotse si Shantal. Sa ilang iglap lang may nahagip sila, kislap ng liwanag na tumama sa mga braso ni Shantal na siya namang paglingon nito sa paligid. Ang pinanggalingan ng liwanag na dalawang beses kumislap ay ang konting awang na bintana sa katapat na Villa ng bahay nila.
Brendon zoomed in the exact footage. Kitang-kita nilang mag-ina ang lens ng camera na sumilip mula sa bintana na siyang kumuha ng larawan kay Shantal. Gimbal na napatitig sa screen ng computer si Ivana. Naging sanhi ito ng malakas na kaba ng dibdib niya dahil tanging camera lens lamang ang nakikitang sumungaw sa bintanang bahagyang nakabukas.
"Your fear and doubt was right, Mom! Pero hindi niyo dapat banggitin ito kay Mommy La, alam mo namang sobra makareact iyon. Dapat kay Daddy Brielle natin sabihin at lumipat agad tayo ng bahay. Hindi tayo ligtas rito dahil di natin alam kung sino ang gumawa nito. Nakakulong si Simon Yun, imposibleng makagalaw siya ng ganito, kahit ang mga tauhan niya, tiyak kong pinagbabawalan silang dumalaw kay Simon sa kulungan," Brendon said.
Sunud-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ni Ivana. Nag-aalala siya sa kaligtasan nilang mag-anak. "Anak, pwedeng bang i-monitor mo ang kabilang bahay kung may makukuha ba tayong imahe ng kung sinuman ang tumutuloy dyan. Sabi kasi ng gwardya wala raw tao sa kabila,"
"Okay! Don't worry, and I will try my best! For now, I will save this short clip na nakuha natin. Mamayang gabi sasabihin natin kay Daddy. He needs to be aware, so he can provide us additional security personnel,"
"Sige. Turn off your computer, and let's go downstairs. Makipaglaro ka doon sa dalawa mong kapatid,"
Tumalima ito at sumama sa kanya pababa pagkatapos i-shutdown ang computer.
Nasa loob na sila ng kitchen at kasalukuyang naghahanda ng pagkain para sa dinner. Napansin ni Shantal ang biglang pananahimik ni Ivana.
"Anak, okay ka lang ba? Mukhang wala kang gana ngayon. Kung pagod ka ako nalang maghahanda nito lahat, kaya ko naman," anito.
"Umm..I---I-- I just thought something about the event next week, Mommy," pagsisinungaling niya.
Tinapik ni Shantal ang balikat niya, "Akala ko may problema ka. Ang tahimik mo kasi mula pa kanina,"
Bahagya siyang ngumiti, "Iniisip ko lang po ang parating na event namin. Saka mahaba pa naman ang oras natin bago dumating sina Brielle. We still have enough time to prepare some good food for dinner later,"
Tumango si Shantal at itinuloy na ang ginagawa nito.
***
At Brielle's office, Adela knocks on his door.
"Come in!" Brielle said.
Agad na pumasok si Adela, bitbit nito ang regalong inihatid ng staff nila mula sa main lobby. "Sir may regalo po para sa inyo,"
Nagtataka si Brielle ng marinig niya ang sinabi ni Adela. Nag-angat siya ng mukha at tiningnan ang tangan nitong regalo. Inilapag ni Adela sa ibabaw ng working table niya ang dala nito.
"Open it!" inabot niya rito ang gunting.
Adela quickly unwrapped the gift. Nabitawan nito ang ilang confetti na itinakip sa ibabaw ng regalo. Gimbal ang mukha nito!
"What's wrong?" Brielle asked.
"Si---sir--yung---yung regalo---ay---"
Hindi na pinatapos ni Brielle ng pagsasalita si Adela. Mabilis niyang hinila ang regalong binuksan nito. Maging siya halos masuka ng makita ang patay na daga na may sariwang dugo pa at nakasabit sa leeg nito ang larawan nilang mag-anak noong kasal nila ni Ivana.
"Who sent this one?" Brielle growls.
"I--I --I don't know, sir! Hinatid lang ….po kasi ng staff natin mula sa main lobby iyan," bakas pa rin ang takot sa boses ni Adela.
"Throw it away! Fire the staff who receive it. And leave me alone!" He said.
"Noted sir!" Sa nanginginig na kamay, mabilis na dinampot ni Adela ang regalo at tumalikod agad ito. Si Brielle naman nanginginig na hinugot ang cellphone sa bulsa ng suot niya.
"Harold, send some security personnel to my house!" bungad niya.
"Ho?! Anong nangyari sir Brielle?"
"Nanganganib ang pamilya ko, may nagpadala ng regalo dito sa HUO GROUP. Larawan ng buong pamilya ko na nakasabit sa leeg ng patay na daga," galit ang boses niya habang sinasabi ito kay Harold.
"Oh my god! Sige po magpapadala ako ng dagdag na tao sa bahay ninyo. Kumalma lang po kayo,"
"Make it faster! I will be heading home now!"
He ended the call immediately and went home as fast as he could. Halos liparin ng kotse niya ang daan patungo ng bahay niya. Nag-aalala siya ng husto sa pamilya niya. Magkahalong galit ang pumuno sa isipan niya habang nagmamaneho pauwi.
Pagkababa ng kotse, patakbo siyang pumasok ng bahay. Nabungaran niya sa living room ang mga anak niya na naglalaro. Patakbo siyang sumugod sa mga anak niya at isa-isang niyakap ang mga ito.
"Eh...Daddy, why did you come home early?" puna ni Brianna.
"Dad...daddy...muah...muah!" ilang ulit na hinalikan ni Kyree ang pisngi ni Brielle.
"Dad, you look pale. Something wrong?" Brendon asked.
"No...I ...I just miss you kids!" naiiyak na tugon ni Brielle.
Agad na nahulaan ni Brendon ang dahilan ng pag-uwi ng ama. Tiningnan niya ang namumulang mga mata nito na halatang maiiyak na sa pag-aalala.
"Dad, we should transfer to another house. We are not safe here!" tugon ni Brendon.
Tumingin si Brielle sa panganay niya, "Yeah. We will. I know, you have some idea why I acted indifferently,"
Tumayo na siya at kinarga si Kyree. "Where is your Mom?"
"Nasa kitchen po kasama si Mommy La," tugon ni Brianna at tuloy ito sa paglalaro.
"Anong oras dumating ang Mommy La ninyo?"
"Kaninang umaga pa, Dad," Brendon said.
"Buti naman at may kasama pala kayo rito kanina habang wala ang Mommy ninyo,"
Ilang saglit lang dumating na rin ang mga dagdag security personnel nila. Kasama ng mga ito si James.
"Sir Brielle, inutusan ako ni Sir Harold na magdagdag ng security personnel," bungad nito sa kanya.
"Yes, James! Thank you at kumilos agad kayo,"
"No problem, sir! Babalik din po agad ako sa opisina. Marami pa kasi akong gagawin, alam mo naman ang Daddy mo, sobrang higpit eh!"
"I know! Sige bumalik kana, baka hanapin ka ni Daddy. Thanks, ulit!"
Tumalikod na si James. Sakto namang lumabas mula sa kitchen si Ivana.
Nagulat ito ng makita si Brielle sa living room na karga ang bunso nila. "Baby, why did you come home early?"
Ngumiti si Brielle sa kanya, "I will tell you tonight! Sige na ituloy mo lang muna ang ginagawa mo. Babantayan ko nalang ang mga bata. Ah...nga pala may dagdag tayong security personnel sa main gate!" aniya.
"I see. I suppose to tell you about it later, but I think you already got some idea that we aren't safe here!" Ivana said.
Lumapit si Brielle dito at humalik sa labi ng asawa. Naramdaman niyang kinurot ni Kyree ang pisngi niya.
"Little prince, I need to kiss your Mom, she's my wife!"
"Hahaha, seloso talaga itong bunso natin. Muah! Kiss mommy little prince!" natatawang tugon ni Ivana sabay halik sa pisngi ng anak.
Agad nitong itinaas ang munting braso at gusto lumipat kay Ivana, "Mo...Mommy...Mommy!"
"Kay Daddy ka muna anak, nagluluto si Mommy," lambing niya rito.
"Oh, he always loves your hug. Madalang talaga ito magpaalaga sa akin," natatawang tugon ni Brielle.
"Sanay siya sa amoy ko," Ivana said.
"Baby, may napansin ka bang kakaiba kanina?" tanong ni Brielle sa mahinang boses.
"Hush, huwag mong lakasan ang boses mo, baka marinig ka ni Mommy. Oo, kaninang bumaba ako ng kotse may naramdaman akong kakaiba. Tila may nagmamatyag sa bawat galaw ko. May nahagip akong ilang flash ng camera lights. Lumapit pa nga ako sa main gate at nagtanong sa gwardya natin kasi pakiramdam ko galing sa katapat natin na Villa. Sabi nila wala naman daw nakatira sa bahay na iyan. Saka si Mommy Shantal, ganon din naranasan niya. Brielle, natatakot ako para sa seguridad natin," aniya.
"I will take care of it. Tatanungin ko sa developer nitong Villas kung sino ang owner ng unit sa kabila,"
"Ibibigay ba nila ang impormasyon ng owner?" nagtatakang tanong ni Ivana.
"I dunno. But I will try. In the meantime, we will transfer to another house to keep our children safe. Hintayin lang natin makabalik ng Singapore sina Mommy. Tumahimik ka lang muna at huwag kang magpahalata kay Mom, dahil alam mo naman ang reaksyon niya lagi diba? Overprotective siya, mas maiging tayo lang ang aayos nito," Brielle replied.
"Brendon discovered something earlier. We will discuss it tonight once Brianna and Kyree went to sleep," she said.
Tumango lamang si Brielle at tinulak na siya nito pabalik ng kitchen.