Christmas sale noon sa isang mall at naroon si Riley para bumili ng regalo sa kaniyang nakababatang kapatid na si Nexus. Mahilig itong magbasa ng mga fictional novels at manga, kaya naisipan niyang dito mamili ng ireregalo dito.
Sa kalagitnaan ng kaniyang paghahalungkat ng mga libro, may napansin siyang mga estudyanteng tumatawa sa likuran niya. Na curious siya sa kung ano ang pinagtatawanan ng mga ito kaya agad niyang tinignan ang mga ito.
Nagtatawanan ang mga ito at tinutukoy nila ang isang binatilyong nagbabasa din ng libro. Tinitigan ni Riley kung ano ang problema bakit siya pinagtatawanan ng mga ito. Desente naman ito, mukhang mayaman din at wala naman siyang napapansing nakakatawa dito.
Hinayaan na lamang ni Riley ang isiping iyun, nagpatuloy siya sa paghahanap ng libro para sa kaniyang kapatid. Nang matapos na siyang makapili ay dumeretcho siya sa counter para bayaran ang pinamili.
Nasa unahan niya ang binatilyong pinagtatawanan kanina. Nahulog ni Riley ang kaniyang hawak na libro, napalingon ang binatilyo sa kaniya at pinulot ito. Habang pinupulot ito ng binatilyo, napansin niyang baliktad ang suot nitong shorts.
Doon niya napagtantong ito pala ang pinagtatawanan ng mga estudyante kanina. Inabot nito ang librong nahulog niya at nagpasalamat siya dito. Mahaba pa ang pila at hindi niya mapigilan ang sarili na hindi sabihin dito ang tungkol sa shorts nito. Ngayong, malapit na sila sa queue, gusto na niyang sabihin dito, baka kasi may lakad pa ito at patuloy pa na mapahiya.
"Excuse me…" tawag ni Riley dito.
Bahagyang napalingon ito sa kaniya. Inilapit ni Riley ang mukha niya sa binata at ibinulong niya dito ang kanina pa niya dapat sinabi.
"Napansin ko kasi, baliktad yung suot mong shorts,"
Agad humarap sa kaniya ang binatilyo na dahilan para maglapit ang kanilang mga mukha. Mamumula ang mukha nito at gulat na gulat sa sinabi niya. Napatitig si Riley sa mata nito at napapatitig siya sa kabuuan ng pagmumukha nito. Hindi niya batid kung bakit biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso.
"Bayaran mo muna, babalikan kita." At bigla nitong ipinasa sa kaniya ang hawak nitong libro at kumaripas na nang takbo.
Nakahinga ng maluwag si Riley at napailing na lang sa sarili. Siya na pala ang susunod na mag babayad. Binayaran na rin niya ang mga librong iniwan sa kaniya ng binatilyo. Nang matapos niyang bayaran lahat, hinintay niya ito doon.
Napangiti si Riley nang makitang papalapit na ang binatilyo, base sa expresyon nito ay nahihiya ito sa nangyari.
"Salamat nga pala, nakakahiya talaga." Wika nito na bahagyang nakayuko.
"Ito nga pala ang mga libro mo," inabot naman nito ang bayad sa kaniya. At agad namang tumalikod para umalis.
Mabilis itong maglakad at hinabol iyun ni Riley, "Excuse me, ano palang pangalan mo?"
Lumingon ito sa kaniya. "Cyan. My name is Cyan Dale…" sagot nito sabay takbo papalayo.