webnovel

Lost With You (Tagalog BL)

Sumabog ang sinasakyang cruise ship nina Cyan at nang lalaking pinangalanan niyang Red—nagkaamensia ito matapos makaligtas sa trahedya—na papuntang Japan. Kapwa sila nangangapa sa pagsubok ng survival sa isla. Magkatuwang sila sa paghanap ng pagkain, tubig at matutuluyan upang mabuhay habang naghihintay ng tulong. Lumipas ang mga araw, ang dating magkakilala ay napalapit sa isa't isa, kasabay nito ang pagtayo nila ng sarili nilang kastilyo sa paraisong sila ang namumuno. Bumuo ng pangako sa isa’t isa na ang isla ang tanging saksi. Dumating ang tulong na dati’y inaasam nila—pero ngayo’y kinakatakutan na nila. Bumalik din ang mga alaala ni Red, at natuklasan nilang pareho na nakatali na pala ito sa iba. Paano na ang mga pangakong binuo nila? Paano na ang pagmamahalan nila?

xueyanghoe · LGBT+
分數不夠
31 Chs

LOST: CHAPTER 4

Ilang araw na rin ang nagdaan. Apat. Lima. Anim? Bawat pagsikat ng araw ay dagdag na pasanin sa puso ni Cyan. Bukod sa takot niyang makakasurvive ba sila sa isla at ang pag-aalala sa pamilyang pinahahalagan niya ay kundi ang patuloy na hindi pagpansin ni Red sa kaniya.

Hindi niya matukoy kung kailan nagsimula ang panlalamig ni Red sa kaniya. Napansin niya lang na tuwing may tanong siya ay tango at iling lang sagot nito. Kung tatanungin naman niya kung may problema ba ito, wala naman itong tugon. At pag nagkwekento siya, umaalis ito bigla o gagawa ng ibang bagay.

Hindi siya manhid para hindi makapansin sa pagbabagong pinapapakita nito. Nasasaktan siya. Akala niya ay hindi magbabago ang tingin nito sa kaniya pagkatapos niyang ikwento ang sawing pagiibigan nila ni Skyrus. Akala niya ay naiintidihan siya nito. 'Yun na nga. Akala niya lang lahat.

Ikatlong araw nila noon sa isla, tinanghali siya nang gising at wala na si Red. Tanging ang hinigaang dahon nito sa loob ng kweba ang naiwan. Lumabas siya para hanapin ang kasama, natuwa siya dahil gawa na ang maliit na tree house sa itaas ng punong may mala-kastilyong tindig.

Gawa sa dahon ng niyog ang nagsilbing bubong niyon. Knitted para hindi makapasok ang init at ulan. Bilang pader, mga sanga ng iba't ibang klase ng puno ang pinagdikit-dikit gamit ang mga baging. Maganda ang pagkakagawa. Simple pero tiyak na komportable. May maliit na mesa ding gawa sa mga sangang pinagpatong-patong at tinalian ng baging para mas matibay. Sa ibabaw 'non ay may mga prutas at bukong ready na para inumin. Natuwa siya sa ginawa ng kasama.

Pero natapos ang buong araw ay hindi niya nakita si Red. O mas tamang sabihing hindi ito nagpakita.

Pagkagising niya kinabukasan, wala parin si Red. Nagaalala siya baka may kung anong masamang nangyari dito. Hinanap ni Cyan ang kasama sa kagubatan pero hindi niya ito matagpuan. Pati sa dalampasigan, kung saan sila unang nakatungtong sa isla ay wala din doon. Pero may indikasyon na naparoon ito dahil may mga balat ng prutas na naiwan at mga abo ng kahoy na ipinanggatong sa nagdaang gabi. Ang tanong, asan ito?

Buong araw niya itong hinanap, noong napagod siya ay bumalik siya sa kweba, wala din ito doon. Sa di kalayuan ay napansin niyang may umuusok malapit sa punong kinatatayuan ng tree house. Pinuntahan niya iyun at nandoon nga si Red nakaupo sa may ugat ng malaking puno nakaharap sa apoy na ginawa nito.

Napalingon ito sa gawi niya. Binigyan niya ito ng ngiti pero hindi ito ngumiti pabalik. Hinayaan niya lang. Umupo siya sa tabi into. Napansin niyang may inihaw na isda na nakapatong sa dahon ng saging. Natakam siya at biglang nagutom.

"Para sa akin ba iyan?" Nakangiting tanong niya. Tango lang ang tugon nito na nakatingin parin sa sumasayaw na apoy. Kinuha nalang ni Cyan ang isda at habang kinakain ito, ay palihim na pinipigilan ang maluha.

Katahimikan.

Matapos niyang kainin ang inihaw ay pinilit niyang wag nang magsalita. Nakiramdam. Doon niya rin napansin na naging masalita siyang tao simula noong mapadpad sila sa islang ito. Na kung ihahanlintulad noon, tahimik lang siya at nakakaya niyang walang kausap kahit pa sa loob ng isang linggo. Kahit pa nga noong sila pa ni Skyrus ay hindi siya makwento. Si Skyrus ang palaging nagsasalita at nagbubukas ng paksa, siya naman paminsan-minsan lang. At ngayon, hindi siya kinakausap ni Red ay nasasaktan siya, bakit?

Napatitig naman si Cyan sa umaapoy na tumpok ng kahoy. Habang tinitigan niya ito, lalong namumuo ang luha sa kaniyang mga mata. Siya man ay nagtataka sa inaakto niya.

Cyan, hindi na bago sa'yo ito. Umayos ka!

Inangat niya ang paningin. Gusto niyang makita ang langit, ang mga bituin at ang buwan. Pero natatakpan ito ng mayayabong at saganang dahon.

"Dito ka lang matutulog?" Tanong niya kay Red. Tumango lang ito. Napabuntong hininga siya. "Sa taas ako matutulog, ikaw, kung gusto mo, malaki naman 'yun doon. Akyat ka lang." Hindi ito sumagot.

Umakyat siya sa taas. Habang inaangat niya ang mga binti niya ay ang puso naman niya ay bumabagsak. Pinilit niyang maakyat ang puno kahit mabigat sa loob.

Pinanood niya ang kalangitan. Wala siyang nakikitang bituin, pero maliwanang naman ang buwan. Hindi man ito buo, pero batid niyang malapit na ang full moon. Paborito niya ang buwan. Lalo na ang full moon. Ang liwanag nito ang nagbibigay kasiyahan sa kaniya. Kailangan niya ito ngayon. Pero mukhang pati ito, hindi siya kayang pagbigyan.

What the heck, Cyan. Of course, may sinusunod 'yang cycle. Nakatulugan niya ang isiping iyun.

Dumaan ang dalawang araw, wala paring pagbabago sa trato ni Red sa kaniya. Ito nga ang naghahanda ng makakain at maiinom nila, pero hindi naman siya kinakakausap nito. Sa pagtulog, laging wala ito sa tabi niya. Kung sa tree house siya matutulog either sa baba ito ng puno o sa kweba. Hindi niya maintindihan. Hindi na niya kaya iyun. Lalo pa't alam niyang wala naman siyang nagawang mali. Kung meron man, ano?

At gaya ng paulit ulit na nangyayari, pagdating niya sa baba ay nakatingin lang si Red sa apoy at may inihaw na isda nang naluto para sa kaniya.

"Akin 'to?" sabi niya sa pinaka-aroganteng paraang alam niya. Kahit pa alam niyang sa kaniya iyun, tinanong niya parin. As usual, tango lang din ang sagot nito.

Tumayo si Cyan at inihulog ang inihaw sa apoy na ginawa ni Red. Napatingin ito sa ginawa niya. Nagtaka si Red sa inasal ni Cyan.

"Not so me, right?" Sarkastikong banat niya. Hindi siya sinagot ni Red pero nakatingin lang ito sa kaniya. Nakipagtagisan siya ng titigan kay Red. Walang expresyon ang mga mata nito habang ang kaniya ay halos tumulo na ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Pati puso niya ay nadudurog na.

Biglang kumawala ang mga luha sa mata niya. Nag-iwas siya ng tingin at humakbang papalayo. "Mas mabuti pa sigurong namatay nalang ako sa paglubog ng barko, kesa makasama kang, putangina, dito sa isla!" Puno ng emosyong wika niya.

Naglalakad siya at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga paa niya. Ang gusto niya lang ay mawala sa paningin niya ang lalaking nagpapasikip sa dibdib niya. Narinig niya ang pangalang sinisigaw nito. Hindi siya nakinig dito.

Nagpatuloy siyang maglakad, alam niyang nakasunod parin si Red sa kaniya.

"Tangina mo! 'Wag mo akong masundansundan!" Banat ulit niya. Wala siyang pakialam sa mga bagay na lumalabas sa bibig niya. Napuno na siya. "Bwesit ka. Sabi mo, okay lang. Sabi mo hindi mo ako huhusgahan. Gago ka! Katulad ka lang nila. Sana namatay nalang ako!" Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mga mata niya.

"Ikaw, alam mo ba ang pakiramdam na parang invincible? Ha?!" Pasigaw niyang sabi. Bigla siyang natawa. "Tanga! Tama, may amnesia ka palang gago ka!" Pinahid niya ang luha sa mga mata niya.

Madilim ang daan, at kada lakad niya ay sinasampal siya ng mga dahon at mga sanga ng kahoy na nadadaanan niya. Wala siyang pakialam sa mga nababangga niya sa dilim. Ang mahalaga sa kaniya ay mawala ang sakit na nararamdaman niya.

Naririnig paring niya ang mga tangis at sigaw ni Red na sumusunod sa kaniya. Malabo iyun, dahil mas naririnig niya ang kabog ng dibdib niya at ang poot na nararamdaman niya.

"Hindi mo ba alam na sa bawat iwas mo ng tingin, isang parte ng pagkatao ko ang nawawasak. Pinamukha mo lang saaking mas maiging mag-isa nalang ako. Puta! Simula noong bata pa ako, walang pumapansin sa akin. Pati ba naman dito?"

"Cyan! Pakinggan mo naman ako, oh!" Biglang luminaw ang boses ni Red na patuloy sa paghabol sa kaniya.

"Gago! Bakit ako, pinakinggan mo? Alam mo, dahil sa'yo naisip kong mas mabuti pang hindi na ako nabuhay. Mas mabuti pang namatay nalang ako. Dahil kung susumahin, makasurvive man ako sa islang ito. Pero sa labas, sa totoong mundo, may mga taong--putanginang--gaya mong huhusgahan ako. Gago ka!" Mabigat ang loob niya ng sinasabi iyun. Wala sa pagkatao niya ang mag-mura. Nagulat nalang siyang 'yun ang lumalabas sa dila niya.

Bigla siyang nakaramdam ng hangin sa mukha niya. Nasilayan niya ang malawak na karagatan at puting buhangin na kinain ng kadiliman. Nasa dalampasigan na siya. Tumakbo siya sa tubig.

Sa pagtapak ng mga paa niya sa tubig ay wala itong kasing lamig. Umakyat mula sa paa niya patungong batok niya ang kakatwang lamig na dinulot nto. Dead cold. Hinakbang niya ang mga paa niya. Sa bawat hakbang ay tila nabubuo ang nagpirapiraso niyang pagkatao. Nasa beywang na niya ang tubig nang marinig niya ang sigaw ni Red.

"Cyan!"

Lumingon siya. "Good bye, Island! Good bye, World!" Sarcastic niya ng sabi. Tumalikod ulit siya at nagpatuloy sa paglakad papalayo. Nasa leeg na niya ang tubig.

Nang biglang may mga brasong kumapit sa kaniya. Si Red. Nagpumiglas siya, pero malakas ang hatak nito kaya nadala siya nito sa dalampasigan. Binagsak siya nito sa buhangin. Agad siyang tumayo at hinarap ito.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Galit na wika ni Red. Biglang kumulo naman ang dugo niya sa narinig na reklamo mula dito.

"Sa'yo pa talaga nanggaling 'yan, ulol!" Sumbat naman niya.

"Oo, because I care!"

"What the fuck! You don't care at all! You're one of them! One of them! Gago!" Sigaw niya sabay suntok sa dibdib ni Red.

"Do not curse again or else," matalim ang titig na pinukol nito sa kaniya.

"Or else, what?" Napataas ang kilay niya.

"I'll kiss you."

Napaatras siya sa narinig. "Gag—"

Naputol ang sasabihin niya nang biglang hinawakan ni Red ang ulo niya at yumuko. Nandilat ang mga mata niya. Mabilis ang mga pangyayari.

Then it happened.