"Akala ko ba one week ka lang sa travel mo?" naiinis na wika ni Katya mula sa kabilang linya nang sinabi niyang mai-extend ang lakad niya.
"Katya, I found him!"
"Ha? Sino—Omg! Si Cyan Dale Baltazar?"
"Ang OA mo naman maka-react!"
"I mean, paano, saan, bakit?" nagugulang tanong nito. "Wait. Riley Estimo Domigo, akala ko ba mag babakasyon ka, bakit nahanap mo aber si Baby Boy?"
"Anong baby boy ka diyan, may pangalan yun—Cyan!"
"Oh, edi, Cyan! Pero bakit mo nga nahanap 'yan? Napakahirap ng trabahong iniwan mo sa akin, alam mo yun, Pinagtakpan kita kasi gusto mong magbakasyon, pero nariyan ka...hinahanap mo parin siya!"
"I'm sorry, Katya, but even me I'm shocked nang makita ko siya. I guess the universe conspired for us to meet again." Natutuwang kwento niya dito.
"Ang cheesy mo talaga, Ginoong Domingo!" natawa siya sa tinuran ng kaibigan.
"Hayaan mo na, imagine gaano ako kasaya nang nakita ko siya sa hindi ko inaasahang pagkakataon."
"Okay, I'm happy for you. Kumusta naman, nagbalikan ba kayo?"
"Balita ko may iba na siya. And all this time, he always believe I am still married." Nalungkot siya sa isiping iyun.
"Edi sabihin mo sa kaniyang nakipaghiwalay ka na kay Melania long time ago!"
"As if ganun ka dali, Katya. Isa pa, masaya naman na siya, bakit ko pa siya guguluhin?" Naalala niya ang mga panahon na hindi pa niya alam na may namamagitan kina James at Cyan at masaya ang mga itong naguusap.
"Yun naman pala, bakit mo naman ii-extend ang bakasyon mo kung wala ka naman palang aasahan diyan?" napaisip naman siya sa sinabi nito.
Napabuntong hininga siya sa tinuran nito. "Hindi naman kasi kailangang maging kami para mapatunayan kong mahal ko siya."
"Wow. Ang deep!" banat nito. "Anyway, anong plano mo ngayon?"
"Tatawagan lang kita kapag pauwi na ako, pero hindi muna ngayon."
Ibinaba na ni Cyan ang tawag at napabuntong hininga na lamang siya. Nakaharap siya sa payapang dagat, ang kaniyang likod na sinusuportahan ng makisig na puno habang nakaupo sa puting pinong buhangin. Tahimik ang paligid at masaya naman siya sa ganoong ayos.
Hawak hawak niya ang camera at tinitignan ang mga larawang kuha ni Cyan kaninang tanghali nang silang dalawa lang naiwan sa gitna ng lagoon. Pinilit niyang tagalan at damihan ang ang mga poses at angles para makasama ng matagal si Cyan. Sa ganoong paraan nalang din niya kasi masosolo ito.
Hinding hindi niya malilimutan ang inis ng mukha nito nang napansin nitong pinapatagal lang niya ang sandali. Ang mga kilay nitong naging isang linya at mata nitong sumingkit sa sobrang inis—namimiss niya ang larawang iyun ni Cyan.
"Dalian mo diyan," reklamo nito.
"Sige na, isa pa. Dito naman na angle."
"Last na 'to!" nagpangabot ang dalawang kilay nito.
"Pwede nakatalikod naman ako? Gandahan mo ha!" nakangising pakiusap niya dito.
"Bilis!" Cyan exclaimed.
"Magbilang ka naman para malaman ko kung tapos mo nang nakuha,"
"Ang dami mo namang demand!" naiinis nitong turan.
"Sige na,"
"Last na talaga ito, Red!" Nagulat silang dalawa sa nasabi nito. Agad nagbago ang reaksiyon ni Cyan matapos niyang nasabi iyon. Napangiti naman si Riley sa pagbanggit nito ng palayaw niya.
"Ulitin mo nga..."
"Ang alin?"
"Ang sinabi mo..."
"Last na talaga ito?"
"Hindi, kulang pa eh."
"Anong pinagsasabi mo diyan? Bilisan mo!"
"Sabihin mo muna pangalan ko."
"Riley. Direk Riley. Ano? Bilisan mo o itatapon ko 'tong camera mo!" Biglang tumaas ang boses ni Cyan.
"Ito naman... Sige na nga, basta mag bilang ka ha!"
"Bilis!"
"Teka lang kita mo namang nasa Bamboo Raft ako,"
"3... 2... 1... Tapos!"
"Salamat! Huy! Camera ko!!!" gumalaw na papalayo ang kayak ni Cyan.
"Doon mo nalang kunin ang camera mo sa dock." Sagot nito na hindi man lang siya nilingon.
"Teka lang, Cyan!"
"Ano na naman?"
"Magkita tayo bukas, please. Hihintayin kita sa Boardwalk, 5 AM."
"Para saan pa?"
"Basta hihintayin kita."
Tinignan niya ng paulit ulit ang mga larawang kuha ni Cyan. Umabot din ito ng 40 shots. Natawa siya sa sarili dahil ganoon siya kadesperadong makasama ito ng matagal.
"Oh, nandito ka pala?" wika ni Lorimel.
"Nagpapahangin lang." tanging sagot niya. Tumabi ito sa kaniya sa pagkakaupo sa buhangin. "Ikaw, bakit ka nandito?"
"Every Friday, 7 PM pumupunta ako dito."
"Would you mind explaining if I ask why?"
"Wag ka ngang mag-English English diyan, katulad lang kayo ni Cyan, eh!"
Natawa siya sa sinabi nito. "Pasensiya na, nakasanayan ko lang! Ano, pwede ko bang malaman?"
"Chismoso mo naman," natatawang banat nito.
"Alam mo, bilang isang director, it's really a must na matanong kami sa istorya ng ibang tao. Kasi pwede kaming makahanap ng inspirasyon doon eh."
"Sabagay," Biglang sumeryoso ang mukha ni Lorimel. Huminga ito ng malalim bago nagpatuloy. "Yung boyfriend ko, si Anton. Huling pagkikita namin dito mismo sa resort, Biyernes at alas siete ng gabi. Masaya kami noong nag uusap tungkol sa magiging anak namin, nalaman na kasi namin na lalaki ang magiging anak namin, at napagusapan din naming ang malapit na naming kasal...yung araw na iyun din pala ang huli naming pagkikita kasi kinabukasan noon, nalunod siya." Kwento nito.
"I'm sorry to hear that," alam na niya ang nangyari sa boyfriend nito noong nagkausap sila ni James, pero hindi niya alam ang buong kwento.
"Kaya pumupunta ako dito para alalahanin ang masayang sandali namin."
Katahimikan ang nanaig ng ilang minuto. Silang dalawa ay nakatingin sa malayo at pawang inaalala ang masasayang sandali na tanging ang karagatan ang may saksi.
"So, ano pala ang tinitignan mo sa camera mo?" pagbasag ni Lorimel sa katahimikan. Ibinigay niya dito ang camera. "Wow, sinong may kuha ng mga ito?"
"Si Cyan, nakisuyo lang ako kanina." Nakangiting tugon niya dito.
"Alam mo ba, napanood ko yung Theory Of Love, tapos isang character doon si Un, isa siyang photographer, tapos ang sabi nila kapag mahal mo yung taong subject ng photography mo, makikita mo sa larawan kung ano ang nararamdaman niya para dito."
"Napanood mo din pala ang Theory Of Love? Hindi ba LGBT themed yun?"
"Ano naman kung LGBT themed, ikaw judgmental ka, bawal na bang manood ang babae ng mga ganoong palabas? Stereotype ka din no!"
"Ako talaga sinabihan mo ng stereotype eh ikaw nga itong nasupalpal ni Cyan ng dalawang beses."
Natawa si Lorimel sa sinabi ni Riley. "Eh ikaw, bakit mo alam ang Theory Of Love? Nanonood ka din ng mga ganun?"
"Napanood ko naman, pero hanggang episode 1 lang ako."
"Hala bakit? Ang ganda kaya noon."
"Ayaw ko kasing manood ng mga series na may toxic male characters, eh diba, yung bidang lalaki, babaero? Alam ko na ang kahihinatnan ng storya, kaya hindi ko na tinuloy."
"Sabagay pero ang cute kasi ni Gun. Tsaka ang galing niyang umarte."
"Oo nga noh, yung Third ba pangalan 'non?"
"Balik tayo sa pictures mo...ano, agree ka doon na pag may feelings ang photographer sa subject niya, magrereflect ito sa kuha niya?"
Napatingin siya sa mga kuha ni Cyan sa kaniya. Gusto niyang matawa kasi halatang walang gana itong kumuha ng larawan, kundi blurred ay hindi nakuha ng tama ang focus o di kaya'y hindi nasunod ang Rule of Thirds.
"Hindi ko alam, hindi kasi ako familiar sa human photography, mas focus ako sa non-human kagaya ng mga bagay, nature shots o di kaya mga hayop."
"Wow, kuha mo 'to?" manghang wika ni Lorimel ng makita niya ang mga kuha niya ng iba't ibang ibong nakuhanan niya ng larawan sa lagoon.
"Yan lang ang nakaya ko, hindi na maabot ng lens ko yung iba. Pero natutuwa ako sa nakuha ko."
"Direk, maiba tayo...ano ang kaya mong gawin para sa pag-ibig?"
Natahimik si Riley sa narinig na tanong. Napaisip siya kung ano ang isasagot dito. Nakatingin siya sa malayo, sa kalmang dagat at tinanong ang sarili, ano nga ba ang kaya niyang gawin para sa pag-ibig?