webnovel

Kabanata #12 Suspended

"Ikaw!? Totoo 'bato?"

Napasigaw ako sa nakita ko.

Medyo na kumbinse ako ng litratong pinakita niya, pero hindi parin ako naniniwala ng buo, dapat nga sigurong mapagkita ko silang dalawa upang ma-kumpirma ko ang lahat.

"Pumapayag ka ba na magkita si Gemma at ang sinasabi niyang kilala mong tatay niya, Gino?" tanong ni Ma'am Linda sakin.

Bakit naman hinde? Hindi naman ako masamang tao para ilayo ko ang mag-ama, pero wala paring kasiguraduhan kung tatay nya ba talaga si Tito Jeds.

"Oo naman po, kelan po ba?"

"Balak ko sana mamayang uwian, pwede ba?" mahinhin na tanong ni Gemma.

Bigla akong napaisip, teka, uwian?

Wala si Tito sa bahay pag uwi ko kahapon eh, baka wala kaming madtanan dun, kung madatnan man namin si Tito dun, tyak may kasama nanamang ibang babae yun, ayoko namang makita ni Gemma si Tito Jeds na ganun, hindi lng nakakahiya, ang sakit din nun tignan sa mata ng isang anak na may kasama at nilalambing na ibang babae ang tatay niya.

Tito kasi eh ba't ba kasi sobra ang pambabae mo? Bwisit ka eh.

"T-Teka lang ah, pwede ba sa ibang araw nalang?" sabi ko na merong pag aalinlangan.

Nagulat si Ma'am Linda at bigla namang simangot at yuko ni Gemma.

Pasensya na, para din 'to sayo.

"Kunin ko nalang phone number mo, Gemma, para matext kita or matawagan kita kung kelan mo pwede makita si Tito"

"Bakit ba kasi hindi pwede!?" naiinis na pasigaw na tanong ni Gemma sakin.

Kase...

Tito Jeds naman eh!! Pinahihirapan mo naman ako eh!!

"K-Kase..."

"Kase ano!?"

"K-Kase sa linggo pa uwi niya, g-galing sa t-trabaho yun eh" palusot ko.

Medyo kumalma naman ang inis ni Gemma ng marinig niya yung sinabe ko. Chill ka lang, ayoko magsinungaling sayo pero para din sayo 'to.

Matapos ang magulong paguusap naming tatlo, napagdesisyonan na ibigay ang number ni Gemma sakin, para macontact siya kung pwede niyang makita si Tito.

"Maari ka ng bumalik sa classroom mo, Gemma" mahinahon na sabi ni Ma'am Linda.

"Ok po, salamat Ma'am, salamat din Gino" sabay tayo at lakad palabas ng pintuan ni Gemma.

Tumayo na din ako at nag ayos na para makalabas na.

"Teka! San ka pupunta, Gino?" harang ni Ma'am Linda sakin. Natulala at nagulat nalang ako.

"B-Bakit p-po M-Ma'am?"

"Akala mo ata nakalimutan ko ang nangyari sa inyo ni Lennard sa hallway kanina"

"Ma'am, hindi po ako ang nauna, tinulak niya ho ako tapos-" paliwanag ko ng pinigil niya ko sa aking pagsasalita.

"Gino, hindi mo kaylangan magpaliwanag, ikinuwento sakin Gemma ang lahat"

Mabuti naman, kala ko nabaliktad na ko ni Lennard eh.

"Tama na dinepensahan mo ang sarili mo, ngunit hindi kita mapapatawad sa nangyari sa muka ni Lennard"

Sorry, kasalanan ko bang na carried away ako sa nangyari at nadurog ko yung muka nya? Hihe

"Pasensya na po"

"Suspended ng ilang linggo si Lennard sa ginawa niya, ikaw naman, meron ka nang isang warning slip"

Pag nakatatlong warning slip ako at hindi nakausap ang guardian ko, maari din akong masuspend gaya ni Lennard.

Ingat ingat na.

Matapos ang ilang sandaling paguusap, pinabalik nadin niya ako sa room ko. Habang naglalakad sa hallway, nakasalubong ko ang adviser ko na hawak ang bag ni Lennard, ihahatid na ata sa gate para makauwi na.

Hindi makatingin sakin si Lennard dahil sa muka niyang namamaga at putok niyang labi.

May ilang linggo naman siya para pagalingin ang sinapit niya, medyo naawa ako pero kasalanan niya parin naman eh.

Kahit ako nagulat sa nagawa ko, madalas hindi ako nakikipag away, huli kong away nung elementary pa, nung binato nila yung tsinelas ko sa bubong ng school namin, ayun sinapak ko, pero hindi ganto karahas.

May sumapi ata sakin.

Habang nagkaklase, nakakapanibagong wala ng maingay sa likod.

"Excuse class, bago tayo tumuloy sa lesson natin, may ipapakilala muna ako sa inyo"

Bagong kaklase? lalaki? sana babae.

"Class, meet Gael"

Payat, itim ang buhok, matangkad at ewan ko, mukang mayabang at manyakis.

Kaya siguro na suspend si Lennard, eto yung kapalit.

"Umupo ka sa tabi ni..."

Wag ako, wag ako.

"...Gino!"

Shit.