___________________
__________
This is a work of Fiction. Names, places, characters, business, places, events and incidents come from the Author's imagination. This story is originally from the Author. Any resemblance to actual persons, living or dead is just fiction. Sorry for the wrong Grammars, errors, spellings. This is not edited.
Hey, don't accuse of copying if you haven't yet read the whole, whole story. I have my own imagination and i really work hard for this as well for my other stories.
PLEASE APPRECIATE THE OTHER STORIES.
__________________________________
___________
SIMULA
"Elaiza!"
"Huwahhh"
*Footsteps*
"Kamusta?"
"Akin 'yan!'
"Good morning ma'am!"
Huminto ako sa main entrance ng building ng campus na papasukan ko simula ngayon at inikutan ito ng tingin.
"Woah" Bulalas ko. Hanggang ngayon ay maganda pa rin siyang tignan. Ang DSLU (Doman South Li University).
Ang ibang estudyante ay malamang na pinagtitinginan ako. Palibhasa' y bumalik lamang ako sa school na pinapasukan ko noong Elementary hanggang grade 7. Ang iba 'y paniguradong kilala ako dahil matagal na rin akong nag-aral dito noon. Hindi ko nga alam kung bakit inilipat ako ulit ni mama dito sa DSLU.
"Good morning po." Binati ko ang isang guro at tumungo bilang paggalang.
Ang DSLU ay isa sa pinakasikat at mayamang paaralan sa buong mundo. Halos ng nag-aaral dito ay mula sa mayayamang pamilya at may katungkulan sa bansa. Ang scholars naman na tinatawag na Social group ay ang at madalas noong...Nabubully.
Hindi ko alam kung may nagbago ba simula noong umalis ako nung grade 7. Hindi ko na ikekwento at may...Tsk...Naaalala lang akong hindi ko na dapat maalala pa.
"Uy, Ikaw na ba 'yan Lei? Huwahhhh halika pa-hug!!!" Nagulat ako nang may biglang nag-approach sa aking hindi ko kilala.
"Ako si Tessi, from the Family of Samonte, the president of our council grade 12 student. Here!" May Inabot siya sa aking isang page ng brochure at akin namang binasa iyon.
Sinasabi na since this is the first day pa naman ng school year ay maaaring mag ikot-ikot muna. May libreng pagkain sa cafeteria at bukas ang park ngayon doon.
Hindi pa rin nagbabago ang school. They don't need to be the highest level sa Acads. Because they are! Lahat ng nag-aaral dito ay hindi nandito para matuto. Pera. Katungkulan, sports, at payamanan.
"Come 'on James, wait I forgot my bag!"
"Here, Veron."
"Thanks, let's go!"
Lipstick, make ups, bags, accessories, money, and instinct. Iyon ang mayroon dito sa School na ito.
Napahinga ako ng malalim. Nararamdaman ko pa ang presence. Ang presensya ng nakagawian na sa eskwelahang ito.
"Booooooooh!"
"Woahhh!"
"Ouch"
"Ha! Talaga namang hinahamon mo ako ah!" *Pak*
*BOGSH*
*BOGSH*
Unang araw, ito ang bubungad sa akin. Nakakasawa. Freshmen palang ako noong nasilayan ko ang ganitong uri. Starting from our batchmates. Until ginaya na ng mga kuya at ate namin. Hanggang sa namana ng mga baguhang estudyante.
"T-Ta-TAMA NAA!"
"Hindi ka talaga titigil----"
"Kenji!" sumigaw na ako at doon natigilan silang lahat. Ngumiti ako kay Kenji at humarap sa tapat niya. Susuntukin na sana niya ang lalaking binubully niya pero sumigaw ako.
"Hahahaha...Yow Christine!" lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"You're big na huh! kamusta. Ahh wala ito, this is a little mess---"
"Tumayo ka." Lumingon ako sa lalaking nakaupo sa sahig at may dugo na sa ilang parte ng katawan.
"Hayy, Christine ano ba. Naglalaro kami dito oh hahahaha" Tinignan pa niya yung kasama niya para agreehan siya.
*PAK*
Hinampas ko siya ng malakas sa balikat at nginisian.
"Ganito ba ang pag welcome back mo sa kapatid mo ha, Kenji?"
I was with Kenji eating foods sa cafeteria.
"Mabuti at bumalik ka?" After what he did may gana pa siyang ngumiti. Hays.
"Kung hindi ako bumalik hindi ko makikitang ganoon pa rin ang nangyayari rito sa University." Tumusok ako ng pancake at kinain iyon.
"Tsh. Wala, ganito pa rin hanggang ngayon."
"Tumigil ka na Kenji."
"What?"
"Tumigil ka na. Tigilan niyo na."
"Hahaha...Alam mo naman kung sino ang nagsimula hindi ba, hindi ko iyon mapipigilan. Wala akong karapatan" itinaas pa niya Ang dalawang kamay niya.
"Christine Lei!!!!!!" Someone's caught my attention. I looked at him. I gritted my TEETH. IT WAS AN UNEXPECTED. This man I don't want to see on my first day of school. Si Jeno. Arghh kainis!
"HAHAHAHAHAHAHA how are you? Oh Kenji. Ouch!" Napahawak pa siya sa dibdib niya na Akala mo ay nasaktan talaga. "Ikaw pa ang unang nakita nitong si Christine."
"Are you alone?" Someone asked. The man beside Jeno. Ang yabang ng aura.
"Yes" Lumingon ako kay Kenji para magpaalam na.
"Nice to see you again Kenji, and stop doing that things."
"Oh, alam ko 'yang things na iyan ha! HAHAHAHAHAHA"
Tumayo na ako para umalis pero si Jeno ang ingay-ingay sa likod ko. Sinundan pala niya ako.
"...HAHAHAHA and yung isang girl naman umiyak because she doesn't want to have s*x with me---"
"You know------"
"Wow, sa wakas! Ang dami kong dada rito ha Christine, tsk tampo na ako."
"Hays Jenooooo, doon ka na!" Sinabi ko pero gusto ko na siyang itulak palayo. Hindi ko masusulit ang first day ko niyan eh. Hays
"Aray-aray oo na HAHAHAHA" Pagkatulak ko ng malakas sakaniya ay mabilis akong tumakbo.
Nakakainis talaga. Wala akong nagawa kundi magpunta sa Classroom ko dahil dito rin naman na ako napadpad. Section B sa third building ng campus. Mas marami pang nag-aaral sa dati kong school na public kaysa rito pero mas malaki ang campus na ito kumpara roon.
Pumasok ako ng hindi pinapansin kung sinong makakasalubong ko. Naka pout akong umupo sa upuan sa tabi ng isang lalaki na natutulog sa armchair. Sa gilid malapit sa pintuan.
*Sigh*
Napahinga ako ng malalim. Sobrang harsh ko ba kay Jeno? Arghhhh nakakainis. Oo! Kaibigan ko naman siya. Pero...Ayokong magkaroon ng koneksyon sa kaniya, sa kanila! Nakakainis!
"H-hehehe Hi!" Lumingon ako sa tabi kong naistorbo ko ata sa pagtulog dahil nagwawala na ako rito! Char.
"Oh, Luhan?" Ngumiti lang siya pero nakapikit pa. Hindi minumulat ang mata. Pagkatapos ay bumagsak ulit ang ulo para matulog. Hays nevermind. Kinuha ko ang isang notebook at ballpen sa bag at lumabas para umikot pa. Wala akong magagawa sa Classroom kung hindi ang tumunganga lang kung hindi ko susulitin ang libreng paglilibot sa campus. Wait, ano namang silbi ng hawak kong ballpen at notebook eh hindi naman ako magsusulat ng diary?
"Maybe...Writing the similar and differences from the past? Sa kasalukuyan?"
Naglalakad-lakad lang ako hanggang sa pasukin ko ang isang lugar na walang tao. Garden area? Sa likod ng Campus. Gumanda lalo!
May mga bleachers sa tabi ng puno. At mula sa dulo ng damuhan ay makikita ang malawak na City. Tumakbo ako at pumunta sa dulo. Nilanghap ang sariwang hangin. I remember my childhood here. Playing around with hmp! *Iling* *Iling* I don't want to remember.
I played here...With my friends nung elementary. Masasabi kong masaya ang Childhood ko kahit papaano. Ang ganda ng view!
"Wow! Ahhhh grabe!" Napasigaw tuloy ako at nag pa ikot-ikot. Bumalik ako kung saan ako pumasok kanina at tinignan ang paligid. Napalingon ako sa isang pader. Sa isang punong hindi masyadong mataas. Lumapit ako rito at hinawakan. Binasa ko ang nakasulat sa ilalim.
"Lila?"
Sumigaw ako ng sumigaw na akala mo 'y nakakuha ng mataas na marka sa isang game show. Sobrang saya ko. Si Lila. Ang isang halaman na tinanim ko noon dito. Ang laki na! Hinawakan ko ang kahoy nito at niyakap. Mabuti nalang at walang langgam.
"Grabe! Ang saya ko!!! Mabuti nalang at may nag-aalaga sa iyo hahahaha Lila!!!!" Hinaplos ko ang mga dahon nitong kulay berde. Ang paborito kong kulay.
Lumingon pa ako sa ibang halaman at nginitian ito ng malawak. Nangati ang leeg ko at inilagay dito ang kamay ko. Hindi hadlang iyon para hindi ko alisin ang tanaw ko sa mga ito. Napalingon ako sa likod ko-----
------
Ay g*go!
May...May nakatingin sa akin mula sa bleachers sa hindi kalayuan. Nakahiga siya at nakatingin talaga sa akin. Nagkatitigan kami. Naestatwa ako at hindi maalis ang tingin ko sakaniya.
*Dug* *Tug*
*Dug* *Tug*
*Dug* *Tug*
Tila ang hangin ang siyang gumising sa akin sa katotohanang nakita ko siya. Oo siya! Nakita ko siya! Gusto kong umiyak. Bakit ko siya nakita. Bakit ngayon pa.
Mabilis kong binaba ang kamay ko at naglakad ng mabilis paalis. Nakakahiya pati ang lakad ko 'y hindi tuwid. Paglabas ko sa pintuan ng garden---oo may pintuan Ang garden--- ay sumandal ako sa pader at napahawak sa dibdib.
*ENHALE*
*EXHALE*
"B-bakit ko siya n-nakita roon. Nakakainis!" lahat ata ng pigil hininga ko kanina ay naibuga ko na ngayon.
Kainis! Halos lahat ng inis ko ngayon ay lumalabas. Gayon pa man ay mas malakas ang tibok ng puso ko na mas lalong nagpa-inis sa akin.
"Ay palaka!" Nagulat ako ng bigla siyang sumulpot sa harap ko. Naiangat ko pa ang kamay ko at sa pangalawang pagkakataon ay naestatwa.
"A-ahh" Pati ang boses ko ay tila napaos. Anong nangyayari sa 'yo Lei. Akala ko ba wala na.
"HAHAHAHAHA A-andyan ka pala hahaha sige." Umalis ako pero natigilan din ng banggitin niya ang pangalan ko.
"Christine Lei."
Lumingon ako sakaniya.
"Naiwan mo." Ang notebook kooooo!
Lumapit ako sakaniya para kuhanin sana iyon ngunit itinaas niya. Napalingon ako sakaniya at sa mga mata niya. Napalunok ako at hindi nagpatinag. Kinuha ko pa rin ang notebook kahit na alam kong mas mataas siya sa akin at hindi ko iyon makukuha kaagad. Tinulak niya ako pasandal sa pader at saka siya ngumisi.
"Bumalik ka na nga talaga."
"E-eh ano naman."
"Miss mo siguro ako, noh!"
"Ang kapal. Miss mo mukha mo!"
"Hahahaha"
Sa tagal ng panahon. Ngayon ko lang ulit nasilayan siyang tumawa ng ganito, nawala Ang kaniyang mga mata sa tawa niya. Kinuha ko ang gamit kong nasa kamay niya at nag-iwan ng mga salita bago umalis.
"Akin na nga 'yan, Kadiliman!"
"Tsh. Babaeng Payatot."
______________________________
Next
(WATTPAD)