webnovel

LIGHTS, CAMERA, SCANDAL?

Biglang nagtrending ang tambalang Krisstine Sandoval at Blitzen Claus nang tumabo sa takilya ang pelikulang pinagbidahan nila. Dahil doon ay halos araw araw pinag-uusapan ang tambalan nila sa twitter at facebook. Naging top searched artists din sila sa google! Ang dahilan? Tumabo din kasi sa social media ang kumakalat na sex video diumano nila. Dahil doon ay nag-ala circus ang career nilang dalawa. Paano nila ngayon isasalba ang mga career na pareho nilang iniingatan? May dapat pa siyang patunayan sa kanyang pamilya habang si Blitzen naman ay kailangan pang hanapin ang pinakaimportanteng babae sa buhay nito! Inakala ni Krisstine na dahil sa pagkakadawit niya sa pangalan ni Blitzen ay career lang ang manganganib sa kanya ngunit nagkamali siya. Dahil sa dalawang linggong nakasama niya ito ay maging ang puso niya'y nanganganib na ring makuha ng binata. Hanggang sa dumating siya sa puntong kailangan na niyang mamili sa dalawa. Alin nga ba ang mas matimbang sa kanya? Ang puso o ang career niya? A/N : Pagtyagaan po, hindi ko maipopost ito ng isang bagsakan dahil kailangan ko pang i-edit. hehehe. Update sched? As long as hindi busy at nakapag-edit ako, post na yaaaan! hihihih :) Salamat agad sa magbabasa. Kung may feedback, may gustong ipagwelga, may gustong ipaalis sa Last Will and Testament ninyo o kung may gusto kayong ipatumba, sige, comment lang! HAHAHAHAH. Wabyu all! :*

EX_DE_CALIBRE · 都市
分數不夠
10 Chs

CHAPTER 5

"MA'AM!!" nagtititiling sigaw ni Yayo.

Napangiwi si Krisstine sa makabasag pinggang tili ng kanyang make-up artist. Yayo was finally back. Sa wakas, may makakausap na ulit siya. Isang linggo na rin silang busy-busy-han ni Blitzen sa kakalabas sa mga live interviews sa telebisyon. It's been a week yet they were still a hot topic. Dakila was right afterall, natabunan na nga ang naunang issue nila about sa sex video.

"Mabuti naman at naisipan mo pang magpakita sa akin," bati niya rito nang makalapit ito sa kanya. Yayo hugged her, still screaming and jumping like a child.

"Naku naman. Alam mo namang hindi kita kayang iwan. Andami ko pa kayang utang sa iyo," natatawang wika ni Yayo matapos kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"Ang tagal mo kayang nawala! Mahigit isang linggo kang nag-disappear."

"Ay, andami kong kwento. Bwisit kasi talaga yung bunso namin eh. Mangbubuntis na lang, anak pa ng pulis. Ayun, muntik pang naghimas ng rehas. Grabe, nangulot ang buhok ko sa pag-aayos sa problema ng pasaway na iyon. Buti na lang at nadala ko pa sa suhol na picture at pirma mo," nalolokang paliwanag nito. "Eh ikaw, alam kong marami kang kwento."

Napasimangot siya sa makahulugang ngisi nito. She hasn't told her about the fake relationship she had with Blitzen. Not yet. Naglakad siya paupo sa kanyang mahabang sofa. Sumunod sa kanya si Yayo at sumabay ng upo sa tabi niya. She sighed.

"Marami nga talaga akong kwento. Nakakapagtampo ka. Ni hindi mo ako kinumusta sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasangkutan ko," nagtatampong wika niya.

"Ay sorry naman, Ma'am. Nawindang nga kasi ako sa kaso ni bunso," paghingi nito ng paumanhin. When Yayo sensed her sadness, hinawakan nito ang kamay niya. "Seryoso na. Kwento mo sa akin ang lahat. Magkakampi tayo, 'di ba?" masuyo nitong wika.

Napangiti siya. "Namiss kita," she whispered.

Sobrang namiss niya ang magkaroon ng kaibigang mapagsasabihan ng mga nararamdaman niya. Yayo knew almost everything about her. Mas marami itong alam na bagay sa kanya kesa kay Rocky. Kapareho niya kasi itong babae. Nakakailang namang magkwento siya kay Rocky, kahit pa close din sila ng kaibigan at manager niya.

"Pero bago ka magkwento, linawin mo muna nga sa akin. Kailan pa nailipat ang pagsintang pururot mo kay Blitzen? Tuluyan na bang nabura si Dasher sa puso mo?" pang-iintriga nito. "Para kasing hindi ko ito mapaniwalaan," eksaheradang bulalas pa nito.

Alam nito ang matagal na niyang pagkahumaling kay Dasher. She'd been in loved with Dasher since time immemorial. Marami siyang mga nagawang kagagahan sa ngalan ng pagpapapansin kay Dasher noon. Napunta pa nga siya sa puntong naging stalker siya nito. Well, the "normal" kind of stalker, kung mayroon mang gano'ng klase. Ngunit nadurog ang puso niya nang malamang ikakasal na ito sa inupahan nitong secret agent. Napabuntong-hininga siya.

"Sa tingin mo ba ay totoong magkakagusto ako sa Blitzen na iyon?" iritableng ingos niya. "Alam mo naman kung ano'ng klaseng lalaki iyon, 'di ba?"

"Oo naman. Sobrang gwapo, maginoo, may sense of humor, mabango, macho, magaling umarte, mayaman, matinee idol at higit sa lahat, ang galing humalik. Echusera lang ang hindi mai-in love sa lalaking iyon," kinikilig na sagot nito.

Inis na binatukan niya ito. "Alam mo naman kung gaano ako kainis sa lalaking iyon! Lagi niyang sinisira ang araw ko. Paano ko matatagalan ang ilang taong pagsasama namin, Yayo? Baka wala pang isang buwan eh mabaliw na ako."

"Oo nga eh. Naisip ko rin iyan. Paano kung mabaliw ka nga ng tuluyan? Nakakabaliw pa naman iyong si Blitzen. Ang bango bango, nakakagigil. Promise," ngisi nito.

"Ewan ko sa iyo!" sigaw niya.

Napahagalpak ng tawa si Yayo. "Chillax, Ma'am. Pinapatawa lang kita." Mayamaya'y nagseryoso ito. "Alam ko namang kaya mo iyan."

Hindi pa man niya naikukwento ng buo ang pangyayari ay batid niyang handa itong makinig sa mga reklamo niya sa hinaharap. That was Yayo, her shock, rant and anger absorber. Ni minsan ay hindi pa ito nagreklamo. Madalas ay pinapatawa lamang siya nito.

"I am so blessed to have a friend like you," madamdamin niyang wika. "I missed you so much, Yayo. Buti na lang bumalik ka na."

Mag-uumpisa na sana ang dramahan session nilang dalawa nang bigla niyang maramdaman ang panginginig ng aparato sa loob ng bulsa ng suot niyang shorts, hudyat na nagba-vibrate iyon. Kunot-noong hinugot niya iyon at binistahan kung sino ang tumatawag. Nang mapasimangot siya ay biglang napangisi si Yayo. She irately rolled her eyes.

"Oh bakit? Umagang umaga nang-iistorbo ka na naman," bungad niya sa telepono.

Nakakalokong umisod si Yayo palapit sa kanya upang makinig sa usapan nila ni Blitzen kaya padabog siyang tumayo upang lumayo rito. Narinig pa niya ang pahabol na reklamo ni Yayo bago niya isinara ang pintuan ng kanyang kwarto matapos niyang pumasok doon.

"Bakit ka naman nagdadabog diyan?" iritableng untag ni Blitzen sa kabilang linya. "Para sabihin ko sa iyo, hindi ko kagustuhang tawagan ka ngayon. Napag-utusan lang ako ni Dakila na tawagan ka para ipaalala sa iyo ang nakatakdang pagpunta natin sa gym ngayon."

Nanghihinang napahiga siya sa kanyang kama. "Gym na naman. Nakakainis. Pakiramdam ko ay mapupuno na ng muscle itong buong katawan ko," reklamo niya.

Isa iyon sa mga pinaka-ayaw niya sa buhay niya bilang isang artista. She had to maintain her body. She wasn't hailed as the Philippines' Sexiest Woman for nothing. Kailangan niyang ipakita sa lahat na karapatdapat siya sa posisyong ibinigay ng FHM sa kanya.

Dahil doon kaya para na siyang wrestler kung makapag-gym. Four times a week siya kung magpunta sa gym para maalis ang excess fats ng katawan niya. Bagamat nakakain niya ang lahat ng gustuhin niya dahil likas na mabilis ang metabolism niya ay kailangan niya pa ring mag-exercise para maging firm ang katawan niya.

Bilang isang artista ay puhunan niya ang kanyang katawan. She must do everything to look good, sapagkat sa kanyang mukha, kutis at katawan nakasalalay ang lahat ng mga product endorsements niya. Bukas nga ay nakatakda siyang magpunta sa klinika ni Dra. Vicky Belo para magpa-facial and body scrub. Hindi raw kasi sapat ang kaputian lang, wika nga ni Rocky.

Kailangan daw ay makinis talaga siya. Ultimo sa kasingit-singitan niya ay pinapaputi talaga at kailangan niyang alagaan. Para siyang human Barbie doll, mula sa buhok hanggang sa kuko niya sa paa ay kailangang maayos at maalagaan. Marami ang naiinggit sa buhay na meron sila bilang mga sikat na personalidad kasi alagang alaga daw sila. Kung alam lang ng mga ito.

"Oo na. Hindi ko naman nakakalimutan ang usapan natin," sagot niya. "Maghahanda na nga ako para pumunta doon eh. Hinintay ko lang iyong PA ko kasi kadarating niya mula sa probinsiya. Pero kailangang mauna ka na do'n. Hindi mo ako pwedeng pag-antayin 'no."

Narinig niya ang malutong na pag-ismid ni Blitzen sa kabilang linya. "I knew you would say that. Pero nagbago ang plano. Rocky just called, he instructed that I have to fetch you. Sabay daw dapat tayong pumunta sa gym since ito ang kauna-unahang pagkakataong makikita tayong magkasama in public maliban sa mga live interviews natin."

"Kailangan pa ba talaga iyon? Pwede naman tayong magdahilan na may nauna lang appointment kaya nalate ako, 'di ba?" reklamo niya.

"Ewan ko do'n sa manager mo. Napakaparanoid."

She rolled her eyes. Rocky has never changed. Kahit kailan ay napaka-control freak talaga nito. Dahil batid niyang wala na rin naman siyang magagawa para mapagbago ang isip ng kanyang manager ay nagpatianod na lang siya. Hindi naman porke nasa Malaysia ito at kasalukuyang sinasamahan si Luciana Mortero, iyong bagong alaga nitong artista, ay hindi na nito malalaman na sinuway niya ito. Hindi niya gusto'ng nag-aaway sila.

"Fine. Hihintayin na lang kita dito sa condo," she sighed.

"Bumaba ka na after ten minutes. Para doon na lang tayo sa lobby magkita," bilin nito.

"Ayoko nga! Dapat ay sunduin mo ako mula mismo dito sa unit ko."

She could almost hear the gritting of his teeth. Napangisi siya. Wala itong magagawa kundi ang sumunod sa mga pag-iinarte niya dahil sa kanilang dalawa ay siya ang nasa upper hand, being a girl, that is. Who run the world? GIRLS.

Bilang sagot ay binagsakan siya nito ng telepono. Napahagalpak tuloy siya. Well, mukhang kahit 10 percent ay mag-eenjoy naman siya sa kasunduang iyon.