webnovel

LIE TO ME.

Alam niyang mali, pero nagsinungaling pa rin siya dahil iyon lang ang alam niyang dahilan para mapalapit sa taong napupusuan ng kanyang batang puso.

jadeatienza · 现代言情
分數不夠
6 Chs

Jersey

Chapter 3. Jersey

       

      

ERI got her crush' phone number but had never sent him a text message. Wala siyang lakas ng loob na i-text ito at magpakilala.

It had been five days since the Athletic Meet has started. It'd last for two weeks. Championship na next week at nakapasok sila sa semifinals.

"O, bakit ka nandito?" tanong ng kaklase niyang si Leon. Pumasok kasi siya dahil wala naman silang game ngayong araw. Kahit pa nga excused sila sa klase, pumasok pa rin siya dahil alam niyang nahuhuli na siya sa klase. Mercy didn't go to school at all. Magpapahinga raw muna ito.

"Walang game. 'Tsaka, rito naman ang game mamayang hapon."

"Sabagay," sagot nito. "I'll watch the basketball game. Gusto mo bang manood? I'll be with Flare. You know her, right?"

Tumango siya. She knew her. Matalik na kaibigan ni Leon na nasa ibang section.

After lunch, dumiretso sila sa gymnasium. Nagsisimula na ang, basketball nang makarating sila ni Leon.

"Nasaan iyong kaibigan mo?" she asked.

"I'm still texting her. Hindi sumasagot sa mga tawag ko, e," anito. "Umupo na muna tayo habang hinihintay si Flare."

"Okay, sige."

Tinutok niya ang paningin sa basketball court. St. Benedict Academy at St. Vincent High School ang magkalaban. Namangha siya sa players ng SVHS dahil karamihan sa mga ito ay nakakapuntos. Pumapalakpak na pala siya nang hindi niya namamalayan.

"Ang galing nila," bulong nila.

Second half na nang nag-time out ang SBA.

"Substitution," anang referee.

Napanganga siya nang si Martinez ang ipinasok ng mga ito. He's wearing their school jersey. Gaya ng sa kanila'y may pula sa jersey ng mga ito at kulay-ginto ang tatak nito sa harapan na may logo ng school ng mga ito. Sa likuran nama'y naka-print ang apelyido ng player at number.

Martinez 01

"Hey, do you know him?" bulong ni Leon. Hindi namalayang malapit ito sa kanya.

Nang humarap siya rito ay halos dumampi ang mabango nitong hininga sa kanya, mabilis naman itong lumayo.

"H-Ha?"

"I was asking if you know that Martinez guy. Kanina pa kasi siya nakatingin sa iyo," nakangisi nitong tanong.

"H-Hindi,"

"Then why are you blushing?" Lumapad ang pagkakangisi nito.

Nag-iwas siya ng tingin dito at nagtama ang mga mata nila ni Captain ng SBA Basketball Team. Halos matunaw siya sa paraan ng pagtitig ni Ram. Ngunit ipinagtataka niya kung bakit tumalim ang tingin ng huli.

The referee blew the whistle amd the game resumed. Lamang ng labing-isang puntos ang SVHS.

Mabilis na nabawi ng SBA ang puntos. Halos mapanganga siya sa sobrang pagkamangha nang si Ram ang bumawi sa puntos ng mga ito.

Hindi na naalis ang paningin niya rito. May mga pagkakataong tuwing pasok ang bola nito ay lilingon sa banda niya.

Bigla siyang inakbayan ni Leon at bumulong, "Susunduin ko lang si Flare, hindi niya tayo mahanap."

Biglang pumito ang referee.

"Foul! Martinez..."

Biglang tumawa si Leon bago umalis. Wala sa sariling napalingon siya kay Ram at matatalim ang mga tingin na pinupukaw nito sa papalayong si Leon.

Nakabalik ito at kasama na si Flare. Umupo ang huli sa tabi niya. Hindi man sila magkakilala nang lubusan ay nakakwentuhan naman niya ito kahit paano. Ngunit saglit lamang iyon dahil pinukaw ni Ram ang buong atensiyon niya rito. Wala na siyang ibang player na sinundan ng tingin kundi ito lamang.

Naging maayos na ang laro ni Ram sa buong durasyon ng game. Hanggang nang sa matapos ang laro ay panaka-naka rin ang pagtingin nito sa kanya.

She saw how he smirked proudly at her when the game ended. Lamang ang team ng SBA ng walong puntos na halos si Ram ang gumawa.

"Ang yabang, ah. Kunsabagay, may ipagmamayabang naman." komento ni Flare.

"O-Oo nga," nauutal niyang sagot. Hindi niya mapigilan ang mga bubwit na nagtatakbuhan sa kanyang dibdib kahit pa nga hindi na siya nakatingin kay Ram.

"Let's go," yaya ni Leon.

Tumayo sila at pumagitna si Leon sa kanila ni Flare at inakbayan silang pareho.

"Kain tayong snacks. My treat."

"Sa likod na tayo dumaan," sambit ni Flare nang halos igiya sila ni Leon na dumaan sa court.

"Dito na, nandito na tayo, e," katwiran nito.

Dumaan sila sa nagsasayang mga estudyante ng SBA, hindi niya napigilang lingunin ang mga ito at gusto niya iyong pagsisihan dahil nahanagilap niya ang ma matatalim na na tingin ni Ram sa kanya.

Why was he looking at her that way? Did she do something wrong? Napabusangot siya.

Ekis na agad ako sa kanya. Ni hindi pa nga kami magkakilala.

Inalis ni Leon ang pagkakaakbay sa kanya ngunit hindi kay Flare.

Napansin niyang gumaan ang tingin ni Ram sa kanya ngunit kapansin-pansin pa rin ang pagkunot ng noo nito.

Nag-iwas siya ng tingin dito nang makalagpas na sila.

"Mauna na ako," paalam niya sa dalawa.

"Why?"

"N-Napagod ako," dahilan niya.

"Sige, ihahatid ka na namin sa sakayan," alok ni Flare.

"Naku, huwag na. Diyan lang naman sa labas."

"Ihahatid ka na namin," pamimilit ni Leon.

Pumayag na siya at hindi siya iniwan ng mga ito hangga't hindi nakasakay ng tricycle. She just texted her mom and told her not to fetch her anymore.