webnovel

PINITENSYA

Marami ngayong nagpipinitensya lalo na't mahal na araw dito sa Pilipinas...

Mayroong 3 uri daw ng nagpipinitensya ayon sa Lola ko

Pahiga

Padapa

At kagaya ng kay Jesus

Maraming nagsasabing panata na nila iyon dahil natupad ang kahilingan nila lalo na yung mga himala na laang kung gagaling pa sa sakit o mga kahilongang tila imposible na makamtan.

Ang iba naman ay may hinihingi.

Mayroong nagsasabi na paraan nila iyon ng pagsisisi sa mga nagawang kasalanan.

Ngunit ayon sa Isaias 53:1-12

Sumagot ang mga tao, "Sino ang maniniwala sa ibinabalita naming ito? Kanino mo ipinakita ang iyong kapangyarihan?

Kalooban ni Yahweh na matulad sa isang halaman ang kanyang lingkod, parang ugat na natanim sa tuyong lupa. Walang katangian o kagandahang makatawag-pansin, walang taglay na pang-akit para siya ay lapitan.

Hinamak siya ng mga tao at itinakwil. Nagdanas siya ng hapdi at hirap. Wala man lang pumansin sa kanya. Binaliwala natin siya, na parang walang kabuluhan.

"Tunay ngang inalis niya ang ating mga kahinaan, pinagaling niya ang ating mga karamdaman. Subalit inakala nating iyo'y parusa ng Diyos sa kanya.

Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap.

Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit ipinataw ni Yahweh sa kanya ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap.

"Siya ay binugbog at pinahirapan, ngunit hindi kumibo kahit isang salita; tulad ay tupang nakatakdang patayin, parang korderong hindi tumututol kahit na gupitan, at hindi umiimik kahit kaunti man.

Nang siya'y hulihin at hatulan upang mamatay, wala man lamang nagtanggol sa kanyang kalagayan. Siya ay pinatay dahil sa sala ng sangkatauhan.

Siya'y inilibing na kasama ng masasama at mayayaman, kahit na siya'y walang kasalanan o nagsabi man ng kasinungalingan.

" Sinabi ni Yahweh, "Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko; ang kanyang kamatayan ay handog para sa kapatawaran ng kasalanan. Dahil dito'y mabubuhay siya nang matagal, makikita ang lahing susunod sa kanya. At sa pamamagitan niya'y maisasagawa ang aking panukala.

Pagkatapos ng mahabang pagdurusa, muli siyang lalasap ng ligaya; malalaman niyang hindi nawalan ng kabuluhan ang kanyang pagtitiis. Ang tapat kong lingkod na lubos kong kinalulugdan ang siyang tatanggap sa parusa ng marami, at alang-alang sa kanya sila'y aking patatawarin.

Dahil dito siya'y aking pararangalan, kasama ng mga dakila at makapangyarihan; sapagkat kusang-loob niyang ibinigay ang sarili at nakibahagi sa parusa ng masasama. Inako niya ang mga makasalanan at idinalanging sila'y patawarin."

Opo, ang Panginoong Jesu-Cristo po ang tinutukoy da propesiyang iyan..."Ang Mesias". Siya ang Kordero ng Diyos, dugo nya ang syang inialay upang kabayaran ng ating mga kasalanan. Siya ay tinatawag na Anak ng Diyos na pinababa sa lupa upang tagatubos ng ating mga kasalan dahil sa habag at awa nya sa atin.

Ngayon ay ginugunita natin ang pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Jesu-Cristo sa buong mundo higit na ng mga Kristiano. Dahil iba-iba ang religion sa Pilipinas iba-iba rin ang tumatatak sa isipan ng mga tao at minsan naghahalo ang religion at tradisyon.

Tandaan po natinh malaya na po tsyo sa kasalan as long as tayo ay mayroong personal at espitual na ugnayan sa Panginoon sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo.

Kailangan lamang ay makinig, manalig, at magsisi lang tayo sa ating mga kasalanan. At sambitin ng ating mga labi na Panginoon natin at tagapagligtas ang Panginoong Jesu-Cristo, ako ay anak na ng Diyos, hindi na ako haha tulad instead ay inilipat na ako sa buhay na walang hanggan at pinapapasok ko sa puso ko at sa buhay ko ang Panginoong Jesu-Cristo. Sa isip, sa salita, sa gawa, sa kaluluwa at sa espiritu.

Kung ngayon palang kayo tatanggap sa Panginoong...

Ito ang inyong idasal...

Tinatanggap ko po ang Panginoong Jesu-Cristo bilang aking Diyos at tagapagligtas, humihingi po ako ng kapatawaran sa sking mga kasalanan at lubusang nagsisisi. Pinspapasok ko po ang Panginoong Jesu-Cristo sa aking puso at tinatanggap ko po bilang Panginoon ng buong buhay ko; isa na akong bagong nilalang, anak na ako ng Diyos at hindi na ako hahatulan instead inilipat na ako sa buhay mula sa kamatayan.

Dear: People in the world...

Hindi na po ninyo kailangang magpinitrnsya instead ay mataimtim po kayong manalangin sa may kapal at idulog nyo ang inyong concern. Kung may mabigat kayong dala, maaari rin kayong humingi ng tullng sa pananalangin sa kapatid sa pananampslataya, mas marami mas mainam. Kita naman ng Diyos ang puso ng bawat isa.

At lagi pong tatandaan natin na ang panalangin ay mayroon 3 kasagutan.

YES: OO: 네.

NO: HINDI: 아니/ 안돼요.

WAIT: SAGLIT LANG/ MAGHINTAY KA MUNA: 잠깐/ 잠깐만요.