Sabi nila kabataan ang pagasa ng bayan
Yan ang sabi ng karamihan
Ngunit paano magiging pagasa ng bayan Ang kabataan kung di nagagabayan ng tama
Ang kabataan.
Kabataan sa henerasyon ngayon ay higit na mapupusok at mapangahas
Subok ng subok sa kung anong uso
Nakikisabay sa ihip ng hangin
Parang tuyong ipa
Na sa agos ng hangin ay nagpapadala.
Sarap nga ay madarama ngunit hirap sa bandang huli
Sa kababaiha'y mabubuntis ng maaga
Sa kabinataa'y magiging batang ama
Isipan ay di pa hinog
Laro pa ang nasaisip
Mga may gatas pa sa labi.
Kabataan, oh mga kabataan...
Pakinggan nyo himig kong nagsusumamo
Di sa lahat ng pagkakataon ay sa saliw ng tugtog ay sasayaw
Sapagkat di laging ang nauuso ay para sa ikabubuti, kundi nakakasama rin minsan.
Sa panahon ngayon kapag may tugtog
Madilim
May iba't ibang kulay na ilaw
May alak
May balak
Di tulad noong dakong una madampian lang ng mga labi ang kamay ay pamumulungan na
Jusko po sa ngayon
Porke gwapo ay crush na
Porke naghi
Ang kasunod na kataga ay maykasintahan ka ba?
Tapos... sa bandanghuliTAYO na!
Ang buhay ng tao ay tulad ito nang tubig na umaagos
Kung saan-saan patungo
Kahit anong linis ng tubig ngunit kung ang dinadaluyan naman nito ay marumi
Wala rin itong silbi.
Bagamat gayon nariyan ang poong Maykapal.
Lumapit ka lang sa kanya.
Humingi ka ng tulong
Huwag mong sarilinin yaong suliranin
Sapagkat nariyan sya't handang tumulong
Manalig at kumapit ka lang
Magsisi ka ng buong puso
At handa ka nyang patawarin.
Iyan ay pangakong di mapapako!
Mga salita nya ay tunay at mapagkakatiwalaan
Nakatala sa isang aklat
Tila isang espadang magkabila ay talim
Nanunuot sa isipan, puso at kalamnan
Ito' walang iba kundi ang Bibliya.