Talagang hinukay ni Zhang Xuan ang kanyang sariling libingan ngayon. Ang pagpapaamo ng ilang spirit beast ay magbibigay sa kanya ng mga panibagong baraha na magagamit sa oras ng kagipitan, pero masyadong maraming spirit beasts... Hindi kailangan ganung karami.
Pero mapilit ang mga ito na kilalanin siya na kanilang amo, wala ni isa sa kanila ang gustong umatras. Kung tatanggihan niya ang mga ito, baka mag-aklas ang mga ito. Isang malaking kahangalan kung sisirain lang din niya ang lahat ng kanyang pinaghirapan sa pagpapakalma sa buong Cloudmist Ridge.
Sa madaling salita... wala siyang ibang magagawa kung hindi tanggapin ang lahat ng mga spirit beast na ito.
Nakakainis! Nakakainis talaga!
Anong ba tong nangyayari?
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者