Ang paglaho ng baging ay tila kumuha sa ilog ng espiritwal na enerhiya na sumusuporta dito at sa isang malaks na tunog, sumabog ito. Na gumulo sa espiritwal na enerhiya na nasa paligid ng folded space, na nagiging sanhi ng buong folded space na magwala.
Nadama ang kaguluhan sa espirituwal na enerhiya, si Luo Xuanqing at ang iba pa ay natigilan ng ilang sandali. Tiningnan nila ang kanilang paligid bago mabilis na bumalik sa paggulpi sa gourd.
Peng peng peng peng!
Dahil sa apat na eksperto ng Saint 7-dan na gumagamit ng iba't ibangng uri ng mga paraan at sandata laban dito, maging mga espada, saber, sibat, martilyo, hindi nagtagal bago tuluyang nakalapag ang gourd sa lupa, na tila nasa huling hininga na nito.
"Ang gourd ay mamamatay na kung ipagpapatuloy niyo pa ito. Bakit hindi muna kayo Magpapahinga ng ilang sandali bago magpatuloy?" Ang naalarma na si Zhang Xuan ay nagmadaling sumugod upang hikayatin sila na huminto.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者