webnovel

Magtiwala kay Zhang Xuan

編輯: LiberReverieGroup

"Kung hindi ako nagkakamali, mga combat master sila, diba?"

Paghinga niya nang malalim, naalis na ang tensyon sa katawan ni Zhang Xuan, at ang pagod na namuo mula kanina ay lumabas na.

Kahit na mukhang madali lang siyang nanalo sa laban kay Lu Cheng, kinailangan niyang magpokus nang maigi dahil hindi siya pwedeng makagawa ng kahit maliit na pagkakamali. Kaya, kahit na ilang minuto lamang ang itinagal ng laban, inubos nito ang enerhiya ni Zhang Xuan.

Tumango si Dong Xin. "Ang magtaglay ng ganitong galing sa pakikipaglaban sa murang edad, at sa iba't ibang master teacher robe na mayroon sila, talagang sila ay mga combat master."

Nakapagbasa siya ng maraming libro, at alam niya kung gaano nakakatakot ang mga combat master. Hindi niya talaga ito inisip noon, pero nang banggitin ito ni Zhang Xuan, bigla niya itong napagtanto.

Maaaring ang dalawang iyon ay talagang mga combat master!

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者