webnovel

LET'S LOVE, IDOL!

Shina Young is perfectly honed to be the next CEO of Hundai Motor Company. She is hard working heiress who's only goal is to inherit the position of Chairman Chen Young II, her father. But one day, her serious and reputable life turned upside down when her father gave her a complicated task of marrying off her younger sister to a world star idol.

sweetrosenka · RPS同人
分數不夠
20 Chs

CHAPTER 4

JIN POV

"Jin trending ngayon ang mga pictures mo sa performance niyo kahapon sa AKBS. Nagkakagulo ang mga fans sa pagpapasilip mo ng abs," may panunuksong sabi ni Ate Flin, isa sa mga top stylists ng Fyne. Kasalukuyan niya akong binibihisan, kasama ang dalawang assistants niya, para sa shooting ng aming bagong music video.

"Kasalanan mo yun Ate Flin, pinasuot mo ako ng masyadong malambot na pantaas. Nadadala ng hangin pag tumatalon ako," kunway sumbat ko sa kanya. I'm not really embarrassed about what happened yet I'm also not comfortable about it. Isa pa ay hindi kasama sa image ng aming grupo ang madalas na pagpapasilip ng katawan.

"Naku napagalitan na nga ako ni Mr. Gun dahil diyan."

Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ay cool lang si Mr. Gun sa nangyari. Nakipagsabayan pa nga siya sa mga ka-member ko sa pangangantiyaw sa akin. "Sorry Ate Flin, napagalitan ka pala dahil doon. I'm partially at fault too because I wasn't mindful of my clothes lalo na pag nadadala ako ng pagsasayaw."

"Ikaw talaga Jin, ba't ka nagso-sorry. There's nothing to worry, mababaw lang naman magalit si Mr. Gun. Okay lang yun kahit napagalitan ako at least marami namang sumayang fans kahapon," ngiti niya.

Nag-ring ang aking cellphone at biglang kumabog ang aking dibdib pagkakita sa caller.

"Can you leave me alone for few minutes please. I need to take this important call," I requested to the stylists.

"Okay. Tawagin mo na lang kami kung tapos ka na makipag-usap," sagot ni Ate Flin.

Ilang sandali ko munang tinitigan ang aking telepono. Napakadalang ng ganitong pagkakataon na siya mismo ang tumatawag sa akin. I hope we won't argue this time.

"Dad..."

"You need to start dating. I already found a girl whom you can marry. She's the daughter of Chairman Young of Hundai." Diretsong sabi niya nang di man lang ako nagawang kumustahin muna.

Sabi ko na nga ba mukhang magtatalo na naman kami. "Dad you know it's impossible for me to date now. Paano ako magkakaroon ng oras para diyan kung pati sa pagtulog nga ay kulang na kulang na ang oras ko."

"Then when are you going to have time for that? Pag naubos na ang mga matitinong anak ng mga kaibigan ko sa negosyo? This is another rare opportunity at hindi ako papayag na palalagpasin mo ulit. Hundai is the top two company of our country. Mag trenta ka na, soon you're old enough to be in that boy band. Matagal ko nang pinagpapasensiyahan yang hilig mo so you better stop playing around!"

Napangisi ako. "Playing around? How can you say that when the worth of our entertainment company is already a billion dollars now because of our group? I'm earning more than enough money too. Kahit konti ba ay hindi man lang kayo maging proud sa kin? Your son is famous around the world now."

"What is there to be proud of? Na ang anak ko ay sumasayaw at kumakanta sa harap ng buong mundo sa halip na magkaroon ng seryosong trabaho at posisyon sa isang multi billion Fontte Corporation? People like us should be avoiding limelight. We don't chase fame, fame chases us. Stop bragging about your earnings. It's not even two percent of your share in Fontte. Remember I helped that entertainment company to support that stupid dream of yours kaya niyo narating kung nasaan man kayo ngayon but I had enough of that! You better start seeing women whom you can marry bago pa man maubos ang pasensiya ko!"

"At ngayong panahon kung kelan nakatutok sa amin ang mga mata ng buong mundo, you want me to date the Hundai chairman's daughter?" sarkastikong tanong ko. "Are you willing to take the risk of exposing her to the public and revealing my true identity. Aren't you being inconsiderate to the Hundai's chairman?"

"I'm not asking you to date openly in the public! Do it without ruining the image of both family. Pinasok mo yang ganyang buhay kaya panindigan mo nang hindi isinasaalang-alang ang responsibilidad mo sa pamilya natin! Pinagbigyan na kita sa lahat ng gusto mo, this time you must do what I told you to do kung ayaw mong ipakasal na lang kita sa babaeng hindi mo pa nakikita! I'm still giving you chance to marry the woman you choose that's why I'm giving you time to know and date her."

"That's impossible Dad..."

"One more thing! The rumor that you're gay is now circulating again within the shareholders! Do something about it! Prove them wrong and start dating girls!"

Binabaan niya na ako ng telepono bago pa man ako makapagpaliwanag. Problemadong tumingala ako at nakapikit na humawak sa aking batok. I knew sooner or later I'd receive this kind of call from my father. Gustuhin ko mang sundin siya ay imposible iyong mangyari. Aside from the risk of revealing my identity, maapektuhan din ang imahe ng aming grupo sa isang pagkakamali lamang. I have group members to reconsider too and thousand of employees who depend on us.