Ilang minuto lamang ay ramdam ng binatang si Evor ang tila malaking pagbabago sa katawan niya. Nakita niya kung paanong kumislap ang isang summoners ball sa loob ng summoners tattoo na siyang nakaukit sa brasong pinaglalagyan nito.
Kulay asul ang nasabing summoners ball habang mayroong mumunting kulay puting marka ang palibot nito.
Hindi niya lubos maisip na tunay ngang napakamisteryoso ng mundong ito at maraming naglalakasang mga nilalang ang maaaring namumuhay at gumagala rito.
Kasama sa nabubuhay sa mundong ito ang mga Summoners habang kapwa silang nag-eexist dito ng mga Summons o mga kakaibang nilalang na maaaring makuha ng mga Summoners.
Agad na rin niyang ipinawala sa isip niya ang mga bagay na ito.
Sa isang iglap ay mabilis niyang kinuha ang bagong familiar niya na nasa loob ng Summoners Ball at mabilis na ibinato sa ere.
Woosh!
Isang malaking kulay lila na Magic Circle ang lumitaw sa ere kasabay ang nagliliwanag na pigura ng isang nilalang. Hindi niya aakalaing kakaiba talaga ang nilalang na ito. Di mo alam kung isang summoned hero ba ito o beasts pero upon his observation ay alam niyang summoned hero ito. Kakaiba kasi ang nilalang na ito.
Wala itong natural na parte ng mukha kagaya ng tao. Tanging ang mata nitong kulay puti habang mayroon itong pabilog na bagay na nagliliwanag sa noo nito.
Kaibahan kanina ay maamo na itong tingnan at hindi gumagalaw sa ere.
Kapansin-pansin rin ang tila enerhiyang nakapalibot sa katawan nito.
Marami mang tanong ang binatang si Evor ay Isinawalang bahala niya lamang ito.
Sa mundo kasing ito ay itinuturing pa rin silang bata dahil sa edad nila ngunit alam niyang binata na siyang talaga.
Agad na sinubukan ng binatang si Evor ang lakas na taglay ng kaniyang pangalawang familiar.
Gamit ang isipan niya ay mabilis niyang inutusan itong gumawa ng ice shards kagaya kanina at walang ano-ano pa ay gumawa nga ito.
BANG!
Napabilib ang batang si Li Xiaolong dahil tama nga siya ng hinala, sobrang lakas nga ng atake ng baging familiar niya. Hindi lamang iyon dahil isang Ice-type ito na summoned hero.
Hindi niya napansing nawili ito sa pag-eensayo at pagsubok ng mga kakayahan ng kaniyang bagong familiar kaya hinfi nito namalayan ang paglipas ng mga araw.
...
Natapos ang tatlong araw na pagbubukas ng Opening Portal. Ramdam ng binatang si Evor ang halos lahat ng mga nakikita niyang mga batang nagsasanay sa gilid ng Summoner's River. Talagang makikitang tila ba naghihintay rin ang mga ito sa pagbabalik ng mga kasamahan nila.
Nakita ng binatang si Evor ang tila iba't-ibang emosyon ng mga naririto mapabata man o matandang dumarating lalo na at alam nitong ang iba'y nabigo, ang iba naman ay nagtagumpay ngunit halos karamihan sa mga sumubok ay nangapaslang sa loob mismo ng Opening Portal na siyang lagusan at lugar ng mga summons.
Ramdam ng binatang si Evor ang labis na pagbabago ng atmospera. Hindi niya man alam ang buong detalye ng mga nasawi ay ramdam niyang may kinalaman ito sa mga kakaibang nangyayari sa loob ng Opening Portal.
Agad na hinanap ng mga mata niya ang kasama niyang pumunta rito na sina Apo Noni, Village Chief Dario maging ang tatlong Formers na sina First Former Aleton, Second Former Mario at Third Former Serion.
Hundi naman siya nabigo dahil nakita niya sa hindi kalayuan ang hinahanap niya. As usual na kita niya naman ang ugok na si Marcus Bellford na nagsasalita. Halata naman ng binatang si Evor na nagyayabang naman ang kupal na inaanak ng isa sa mga formers.
Hindi na rin nagtagal ay nakarating na siya sa gawi kung saan naroroon ang mga hinahanap niya. Unang nakapansin sa kaniyang paglalakad patungo sa kinaroroonan ng mga ito ay si Marcus Bellford na kaedaran niya lamang.
"O andito ka na pala Evor. For sure ay bigo ka na namang makakuha ng bagong familiar mo whahahahaha!" Puno ng panghahamak na sambit ni Marcus Bellford habang nakatingin sa direksyon ni Evor.
Sino pa ba ang pinapatamaan nito kundi siya. Magsasalita pa sana siya ngunit nagsalita na miamo ang isang nilalang na katabi lamang nito.
"Marcus pwede bang tumahimik ka muna? Kanina ka pang ganyan." Seryosong saad naman ni Village Chief Dario habang nakatingin kay Marchs Bellford ng matiim.
Wala talagang pakundangan ang inaanak ni First Former Aleton sa pagsasalita nito. Halatang gusto nitong lamangan ang binatang si Evor. Magkaedaran lamang ang mga ito ngunit parang aso't-pusa ang mga ito.
"Ano'ng masama sa sinabi ni Marcus, Village Chief Dario? Tama naman siya eh, palaging kabiguan at kamalasan lamang ang dala niyan. Nag-iisip ba ng tama ang isang iyan?!" Pangmamaliit na sambit ni First Former Aleton habang nakatingin ng matalim sa kinaroroonan ng binatang si Evor.
Palibhasa kasi ay kinukonsenti nina Village Chief Dario at Apo Noni ang katigasan ng ulo ng binatang si Evor kaya para sa kaniya ay lumalaki ang ulo nito. Talagang hindi niya aakalaing pagkatapos ng lahat ay alam niyang bigo pa rin ito, wala ng bago para sa kaniya.
"Masama ang sinasabi niya Aleton. Wag mong kampihan ang masamang pag-uugali ng inaanak mo. Mula sa loob ay putak ng putak ang pamangkin mong iyan." Seryosong saad ng Village Chief Dario habang makikitang hindi ito natutuwa sa inaasal ni Marcus Bellford mula pa kanina.
"Kahit pumutak pa ng pumutak si Marcus ay alam mong mapoprotektahan nito ang sarili niya. Hindi parehas sa lampa at mahinang iyan na kinukonsenti niyo!" Inis na saad ni First Former Aleton habang hindi nito mapigilang magsalita pabalik.
"Talaga ba? Porket nakatatlong familiar na si Marcus ay ganon na ang pagpapahalaga mo sa kaniya Aleton? Alalahanin mong mas marami pang mas talentadong summoners kaysa sa inaanak mo. Tandaan mo yan!" Inis ring sambit ni Village Chief Dario halatang ayaw nitong madehado ang binatang si Evor.
Alam niyang may puso pa rin si First Former Aleton ngunit medyo sumusobra na rin kasi ito. Wala naman kasi siyang problema rito ngunit laging pinag-iinitan ng pamangkin nito si Evor.
Tahimik lamang ang binatang si Evor habang nagkakaroon ng sagutan sa pagitan ng mga ito.
"Hayaan mo na sila Village Chief Dario, sabihin nila ang dapat nilang sabihin. Pero nasaan si Apo Noni?!" Sambit ni Evor habang iniba nito ang usapan ng mga ito.
"Natural ay hinihintay ka. Kanina pa kaming naghahanap sa'yo. Kung di ka pa nagpakita ay aalis na talaga kami." Supladong wika ni Marcus Bellford na halatang hindi nito kasundo si Evor ngunit pinagtitiisan niya lamang.
"O siya umalis na tayo at ng makapagdaos tayo ng piging." Sambit ni Village Chief Dario habang hindi na nito tinanong kung matagumpay bang nakahanap ng bagong familiar ang binatang si Evor at ayaw niya ring makipagsagutan pa kay First Former Aleton at sa inaanak nitong si Marcus Bellford. Palibhasa ay kinokunsenti ang pagiging mapanghamak ng pamangkin nito kaya nagiging suwail ito. Hindi niya na rin problema ito dahil alam niyang titino pa rin ito kahit na masama ang pag-uugali nito sa kasalukuyan.