webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · 奇幻
分數不夠
28 Chs

Chapter 12: Totally Conscious

Nakilala na rin ng batang si Evor ang mga iba pang mga summmoners sa lugar na ito lalo na ang mismong Village Chief o Chief ng nasabing nayon na ito na si Chief Dario habang nakilala niya rin ang mga Formers na sina First Former Aleton, Second Former Mario at Third Former Serion ngunit alam niyang hindi pa rin magaan ang loob ng mga ito sa kaniya. Tanging si Apo Noni lamang ang naging malapit sa loob niya.

Masasabi niya naman na hindi naman masama o literal na hindi maganda ang mga asal ng mga ito ngunit alam niyang isa pa rin siyang tagalabas sa mga ito. Ang isang estrangherong summoner rito ay talaga namang hindi karaniwan. Ang nayon na iyon ay isang malawak na lugar. Maihahalintulad sa isang bayan ang nayon at binubuo ito ng maraming mga Chiefs at isa pa ay may patriarch sila ang bayan ng Hercas na siyang isang lider na tumatayo sa buong nayon.

Ang Heyograpiya ng Nayon ng Hercas ay maituturing lamang na maliit na nayon at usually ay hindi magkakasundo ang mga chiefs dito dahil sa mga alitan sa pagitan ng mga ito.

Maging ang mga Patriach sa bawat nayon ay nag-aaway-away rin dulot ng pag-aagawa ng teritoryo o panggigipit ng mga ito sa isa't-isa. If you're not tough enough then you cannot own anything from them lalo na kung kayamanan, lupa o salapi ang pinagtatalunan ng mga ito.

Ngunit hindi naman ito inintindi ng batang si Evor lalo na at hindi niya ito prayoridad pa. There are somethings that his out of sense at mayrokng dapat siya pagkaabalahan at dapat gawin.

...

Magdadalawang linggo na ang nakalipas matapos siyang magising kaya napili nitong pumunta sa Summoner's River nang patago. Pamilyar na rin siya sa mga lugar dito sa nayon at mayroon siyang mapang binigay sa kaniya ni Apo Noni. Palagi rin siyang umaalis para mamasyal sa bawat lugar rito.

Hindi naman siya pinagbabawalan ng mga ito lalo na ni Apo Noni na gumala. Mabuburyo lamang siya sa isang tabi kung di siya mamamasyal kaya kung mawala man siya saglit ay hindi naman ito kaduda-duda.

Gamit ang kaniyang sariling kakayahan ay siguradong madali lamang sa kaniya na maghunt ng First Level Familiar habang plano niyang kumuha ng Second Familiar niya ng agaran. Tama naman kasi ang kaniyang paghahanda para rito ngunit hindi niya binabalak na kumuha ng ikatlong Familiar na siyang sabayan dahil baka mapaslang lang siya kung susubukan niya.

There are special methods and precautions to do unlike noon na kailangan niya lang magtawag ay naririto na.

To tame or to hunt down familiar ay isang malaking dagok na paano pa kaya kung gagamitin na ang abilidad ng mga ito at tatawagin na ang mga ito sa katawan niya. Such an ardous process could be really a tough battle for himself.

Habang tulog ang lahat at hindi pa sumisikat ang araw ay mabilis na naglakad ang batang si Evor palayo sa nayon. Gusto niyang pumunta sa isa sa malapit na Summoner's River rito. Alam niyang makakakuha siya ng familiar rito na nababagay sa lebel niya. Sa susunod na buwan na lamang siya maghahanap ng ikatlong Familiar niya.

Hindi nabigo ang batang si Evor at natakasan niya nga ang mga ito bitbit niya ang mga kinakailangan niyang gamit para makapaglakbay patungo sa pambihirang sapa.

Ilang lakad takbo ang ginawa ng batang si Evor nang mabilis niyang natanaw ang lugar na siyang ninanais niya. Napakalawal ng lugar rito at talaga nga namang kitang-kita niyang nakakalat ang napakaraming mga ownerless beasts sa paligid. Iba't-iba ang sukat ng mga ito at maging ang laki ng mga ito. Nasa First Level Familiar hanggang Third Familiar ata ang mga ownerless beasts na ito kung kaya't hindi na siya makapag-antay pang makakuha ng dalawang familiar na nababagay sa kaniya.

Ibang-iba ang mga ownerless beast na naririto at masasabing normal lamang na mga halimaw lamang ang makikita niya. Gustuhin niya mang makakuha ng ownerless heroes o di kaya ay iba pang ownerless creatures ngunit mukhang mailap ang mga ito. Malamang sa malamang ay nagtatago o kinukubli ng mga ito ang sarili nila sa gustong humuli sa kanila kaya naman hindi niya mahanap ang mga ito.

Nakita ng batang si Evor ang palapulsuhan niya. Mayroong dalawang bilog na mistulang namumuo na. Ito ang Summoner's tattoo niya na siyang paglalagyan ng nahuli o napaamo niyang familiar niya. Ang isang summoners tattoo niya ay hindi pa tuluyang nagmarka na siyang isang indikasyon na hindi pa siya maaaring makahuli ng pangatlo niyang familiar. Kung patuloy lamang siya sa pag-eensayo at pagcucultivate ng sarili niya upang lumakas ay maaari niyang magamit ito. Hindi madaling magpataas ng lakas lalo na sa pag-unlad. This is why he needs time to be able to get stronger. Wala na siyang ibang dimensyon na paglalagyan kagaya ng apat na nilalang noong nasa Magical World pa siya.

Kaya nga kailangan niyang magpalakas na naaayon sa edad at lebel niya. Alam niyang hindi siya makakaligtas kung magiging mahina na lamang siya palagi.

Espesyal ang Summoners Tattoo dahil maaaring magbago ang posisyon nito sa katawan mo lalo na sa balat mo. Halimbawa na lamang ay kung mawalan ka ng braso then it will appear in some parts of your body but if you die then your familiar will eventually be an ownerless again and it could be pass to someone who could tame if again.

Magkakalayo naman ang iba't-ibang mga ownerless beast sa kasalukuyan kaya mabilis na pinili ng batang si Evor ang isang Fire Fox sa hindi kalayuan.

"Talagang napakaswerte ko naman. Ang Fire Fox na ito ay may Fire Mark sa gitnang bahagi ng noo nito. If I could Tame it then it will be beneficial for me maging ito ay makikinabang rin." Masayang sambit ng batang si Evor habang makikitang tila gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. Mabilis siyang tumakbo papunta sa direksyon nang nasabing Fire Fox. Sa tingin niya ay lebel one pa lamang ito. It's tail is only one at hindi pa masyadong buo ang fire mark nito sa bandang noo nito. He could this chance to tame it or hunt it forcefully. Such a rare opportunity cannot be slip in his hands.

Agad naman niyang tinawid ang distansya nila ngunit nang ilang metro na lamang ang layo ng batang si Evor ay nakita niyang nakaramdam ng ibayong panganib ang Fire Fox at sinubukan pa nitong tumakas sa pamamagitan ng pagtakbo ng matulin papalayo sa kaniya.

Hindi naman makakapayag ang batang si Evor sa pangyayaring ito kaya mas binilisan niya pa ang pagtakbo niya. Napakaliit lang ng Fire Fox na ito ngunit mabilis pala itong tumakbo. Pansin niyang ginamit ng nasabing ownerless beast na ito apoy para mas bumilis ang takbo nito papalayo habang siya naman ay sumusunod sa yapak nito.

Hindi naman makakapayag ang batang si Evor na mas lumayo ang distansya nila kaya ginit niya ang gift na binigay sa kaniya ni nescafra na superspeed kaya agad niyang natawid ang distansya nila.

Napangiti naman ang batang si Evor at mabilis niyang hinablot ang maliit na nilalang na ito at itinuon sa kaniyang Summoner's Tattoo. Agad naman itong nawala ng tuluyan ngunit iyon ay dahil nasa loob na ito ng tatto niyang pabilog. It will convert as a Summoners Ball Cage that he could summon using it.

Nakita naman ng batang si Evor ang buong proseso ng pagkakakulong ng maliit na nilalang at naging pabilog na bagay na kulay pula na may marka at disenyo ng isang Fire Fox.

Kinuha naman ng batang si Evor ang nasabing namuong Summoner's Ball ng Fire Fox sa kanyang palapulsuhan at mabilis na inihagis ito sa ere.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Tila namuo ang magic circle sa ere sa mismong Summoner's Ball hanggang sa...

POOOFFFF!

Lumitaw ang isang maliit na nilalang siyang Fire Fox na siyang kauna-unahang Familiar niya bilang isang ganap na summoner. This prove that he is now officially a First Level Summoner.

Natawa naman ang batang si Evor dahil napaka-cute ng Fire Fox na ito. Siguradong lalakas din ito sakaling maisama niya ito sa personal training niya. You heard it right, ang mga familiar niya na mahuhuli ay pwede niyang imensayuhin upang mas umunlad at lumakas pa ang kakayahan nila. Magkakatalo lamang silang mga magkalebel na summoners sa mismong uri ng familiar nila at kung gaano kabilis matututo ang mga ito.

Natural na malalakas ang mga ownerless beast/creatures/ hero at nakadepende lamang ito kung paano mo pauunlarin ang mga kakayahan ng mga ito maging na ikaw mismo na siyang summoner. You share an energy to them at kung gaano katagal ang pamamalagi nila sa reyalidad sa labas ay nakadepende rin sa kakayahan mo. If you cannot withstand the energy lalo na kung sobra kang napagod o napinsala ay babalik ang mga familiar mo sa pagiging Summoner's Ball. Ilalagay mo ito sa Summoner's Tattoo mo upang magrecharge muli ang mga ito. This is really important if you want it to refresh their energy. Buhay ang mga ito at naka-bond sa iyo kaya dapat ay alagaan mo din ito ng mabuti. Baka one day ay baka makuha lamang ng iba ang Summoner's Ball mo ng hindi mo nalalaman. If you're bond ay mahina then it will be snatch away by anyone out there.

Buti na lamang at hindi na siya ignorante sa mga simpleng bagay o impormasyong ito lalo na at tinuro naman itong lahat ng trainer niya na siyang kasalukuyan niyang master na si Ginoong Sirno. Kaya pagkagising niya noon mula sa mahabang pagkakatulog ay marami na siyang alam sa mundong ito.

Mabilis namang naglakad ang batang si Evor matapos niyang ma-testing at maobserbahan ang unang familiar niya. Hindi naman siya nilalapitan ng sinumang mga ownerless beast dito at ang iba ay malalayo rin ang distansya mula sa kaniya kaya umalis na rin siya rito at lumipat sa ibang lugar para maghanap ng mga ownerless beast na maaari niyang makuha bilang pangalawang familiar.

Ang pangalawang familiar na dapat niynag hanapin ay hindi katulad ng naunang familiar niya. It must fit to his own body requirements. If it is not compatible to his body then it will eject forcefully into his body and the cage will broke thoroughly. Dapat ay nasa 50 year old na ang pangalawang familiar niya.

Sinubukan ng batang si Evor na hulihin ang ibang mga ownerless beast na kagaya ng Water Frog, Blue Canary at iba pa ngunit bigo siyang magawang pangalawang familiar ang mga ito dahil hindi compatible sa katawan niya maging sa abilidad niya sa kasalukuyan. Isa pa ay mukhang mga ownerless beast ito na hindi pa nakalagpas 50 year old ang mga ito kaya hindi niya maisilid ito sa pangalawang Summoner's Tattoo niya. Hindi niya matukoy ang edad ng mga ito dahil wala namang espesyal na tools ang sina Apo Noni upang matukoy ang mga ownerless creatures. Kaya mangangapa muna siya sa pagpipili randomly ng mga familiar niya sa pangalawang pagkakataon. After this, he could have an ability to determine the ownerless creatures aura maging ang mga familiar ng iba na mapa-summoned beasts o mga summoned hero man ito.

Ilang ulit pa ang batang si Evor sa pagpili ng mga magiging familiar niya ngunit bigo siya. As you can see, hindi talaga advisable na ang mismong summoner lang ang manghuhuli ng magiging familiar nito dahil una ay wala itong kalaban-laban kung sakaling atakehin siya ng napakaraming mga ownerless creatures dahil napakapanganib nito at pangalawa naman sa rason ay ang pinakanakakahiyang aminin pero kailangan mong may kasama dahil baka mangapa ka katulad ni Evor na kung ano-ano na lamang ang nakikita nitong mga ownerless beast ay sinusubukan nitong hulihin pero bigo pa rin siya. This is not a good thing.

Mula sa di kalayuan ay napansin ng batang si Evor ang isang kakaibang halimaw. He could say that it is really strange lalo na at ramdam nito ang enerhiyang inilalabas ng halimaw.

Ano pa ang ginawa ng batang si Evor kundi mabilis niyang sinugod ang direksyon ng nasabing halimaw. Kung di siya nagkakamali ay isa itong Stone Ox. Ito lang ang naiiba sa lugar na napuntahan niya sa Summoner's River at masasabi niyang malakas ang isang ito at ramdam na ramdam niya ito.

Inobserbahan niya ang nasabing Stone Ox. Alam niyang isang Earth Type Beast ito na kayang manipulahin ang lupa kahit maliit pa lamang ito. Such a title holder na isang uri ng beast ay siguradong pagkakainteresan niya talaga. Malakas man ang atake nito pero mas lamang ang manipulation ng lupa sa depensa kaya gusto niyang makuha ito.

Naramdaman naman ng batang si Evor ang pag-uga nang lupa nang ilang metro na lamang ang layo niya sa Stone Ox.

"Kung minamalas ka nga naman oh. Mukhang mapapalaban ako sa isang ito!" Seryosong sambit ng batang si Evor nang mabilis siyang tumalon papalayo sa kasalukuyan niyang tinatapakang lupa.

BANG!

Umalpas ang matulis na lupa papunta sana sa kaniya ngunit mabuti na lamang at nakaalis siya.

Ngunit nanlaki ang pares ng mga mata niya nang biglang sumabog ang tinatapakan niyang lupa.

BANG!

Tumilapon naman ang batang si Evor sa malayo na siyang hidni nito inaasahan ang mabilis pag-atakeng muli ng halimaw na Stone Ox.