•••
Hindi na ako nakatulog ng nagdaan na gabi. Kaya ko namang hindi makatulog ng isang araw o higit pa, pero sa ngayon… may dahilan ako kung bakit hindi man lang ako dinalaw ng antok.
Natatakot ako, kinakabahan ako sa magiging kahihinatnan ni Ryouhei kapag nagising siya.
Ilang beses akong bumalik-balik sa kwarto ko upang malaman kung gising na ba siya, ngunit hindi. Ilang segundo ko siyang tinititigan at habang ginagawa ko 'yon ay para lang siyang mahimbing na natutulog, para bang walang nangyari sa kaniya, na parang normal lang ang nangyari sa nagdaan na araw.
Hindi ko lubos maisip na gagawin ni Ryouhei ang bagay na 'yon kahit na nakita na mismo ng dalawa niyang mga mata ang dahilan ng mga nangyaring pagpatay nitong nakaraang araw.
Ito ba ang gusto niya mismong makita ng dalawang mata niya? Kung 'yon naman pala… bakit? Bakit gusto niyang makita? Dahil para masabi niyang may dahilan ang lahat?
Maganda bang dahilan 'yon kung halos mamatay na siya sa ginawa niya? Bampira ang nakita halos ng dalawa niyang mga mata pero hindi ko alam kung bakit kailangan niyang sumugod na lang bigla. At para saan? Para tulungan ang taong mamamatay na rin? Wala na kaming magagawa kung gagawin niya 'yon… hindi niya rin maililigtas ang taong 'yon.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong iniisip ni Ryouhei, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit niya 'yon ginawa…
Kahit na anong isip ko ay wala akong mahanap na sagot mula doon.
Sa ngayon ay pinagmamasdan ko si Ryouhei na natutulog pa rin sa kama ko. Mataas na ang sikat ng araw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Nagsisimula na akong kainin ng takot na buong gabi kong pinigilan.
Bakit kasi kailangan niya pang mapunta sa ganitong sitawasyon? Kung hindi siya bumitaw sa pagkakahawak ko, hindi sana mapupunta sa ganito ang lahat. Napatingin ako sa kanang kamay ko…
Hindi rin sana ako makakapatay ng isang Bampira.
Huminga ako ng malalim at muling bumalik sa kusina, umupo ako sa isa sa upuan doon at pinakatitigan ang cellphone na nakapatong sa lamesa. Dahil si Ryouhei ang pumupuno sa isipan ko ay nakalimutan ko bigla ang mga sinabi ni Hajime sa akin kagabi.
Marami pa akong tanong na gustong sabihin sa kaniya, dahil gulong-gulo pa ako. Ang dami kong gustong malaman mula sa kaniya… para akong isang batang sabik na sabik sa mga impormasyon at mga bagay-bagay na malalaman ko mismo galing sa kaniya.
Hindi na rin ako pumasok sa pinagtatrabahuhan ko dahil hindi ko pwedeng ilagay muli ang buhay ni Ryouhei sa kapahamakan. Wala na rin akong balak pumasok ngayong araw, bakit pa ba ako nag-aaral eh tapos ko na rin naman 'yon matagal na.
"Bakit naman ang tagal mong tumawag, Hajime…" Mahina kong bulong habang hawak-hawak ang telepono sa kamay ko.
Hindi ko na alam kung anong iisipin ko sa mga oras na ito, para na akong mababaliw sa kakaisip ng mga bagay na hindi ko alam kung magkakaroon pa ba ng kasagutan. Sa buong buhay ko ngayon ko lang ulit naranasang mag-isip ng mga kasagutan sa problema ko pero lahat ng 'yon ay walang kwenta.
Ganito rin ba minsan iniisip ng mga tao?
Ilang segundo pa akong naghintay… pero naubusan na ako ng pasensya. Tumayo ako sa pagkakaupo at kumuha ng panibagong artificial blood sa loob ng fridge at agad itong ininom, hindi ko gusto ang lasa nito pero wala naman akong ibang choice kundi ang uminom. Dahil kung hindi… baka lumabas nanaman ang totoong anyo ko.
Hindi ko pwedeng hayaang mangyari 'yon, dahil may posibilidad na may makakita sa akin. Matatapos na ang mga maliligayang araw ko.
Habang umiinom ng dugo na hindi swak sa panlasa ko ay naisip ko ang Bampirang pinatay ko kagabi. Hindi ko alam na kaya ko palang pumatay ng gaya nila. Nang gawin ko 'yon ay isa lang ang nasa isip ko… si Ryouhei.
Biglang nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang kakaibang tibok sa puso ko. Napahawak ako doon at pinakiramdaman ang nagrururhumintado kong puso sa loob ng dibdib ko.
Shit? Anong ibig sabihin nito?
Agad kong inalis ang mga kakaibang iniisip ko, hindi ko pwedeng pag-isipan ng ganun ang taong walang malay ngayon.
Ang mukha ng Bampirang 'yon ang kauna-unahang nakita mismo ng mga mata ko. At napansin ko na kakaiba rin ang mga mata nila… pulang-pula ito kung ikukumpara sa akin at kay Hajime. Pulang-pula ang mga mata nito at walang ibang gagawin kundi ang ubusin ang dugong dumaladaloy sa magiging biktima nito.
Pero napatigil ako dahil sa naisip ko. May kakayahan ang mga Bampirang pagalingin ang mga sarili nila gamit ang sarili nilang mga dugo. Dahil ang dugo ng tao ang nagbibigay sa kanila o samin ng mga kakayahang hindi alam ng mga tao. At isa sa kakayahan namin ay ang pagalingin ang sarili namin.
Kung nagawa kong patayin ang Bampirang 'yon, may kakayahan rin siyang pagalingin ang sarili niya.
Ibig sabihin… buhay pa rin siya hanggang ngayon.
Nabitawan ko ang hawak-hawak ko habang nanlalaki ang mga matang kinuha ang telepono sa lamesa at dere-deretsong naglakad papunta sa pinto. Ilang oras na ang nakalipas matapos ang nangyari… kailangan kong puntahan ang lalaking 'yon, dahil kung hindi… may posibilidad na buhay pa rin siya hanggang ngayon!
Pagbukas ko ng pinto ay isang bulto ng tao ang nakita kong nakatayo roon. Nang tingalain ko ito… si Hajime ito. May hawak-hawak siyang cellphone at tila ba may tatawagan na.
"Oh? Sakto pala ang pagbukas mo ng pinto. Tatawagan na sana kita para—teka! Saan ka pupunta?!" Sigaw niya dahil agad-agad akong umalis sa harapan niya.
"Ikaw muna ang bahala kang, Ryouhei! May pupuntahan lang ak—" Nagulat na lang ako ng mabilis pa sa alas-kwatro niya akong nahila pabalik at saka malakas na isinandal sa dinding.
"Ano bang pinaplano mo?" Tanong niya na nagpataka sa akin.
Kung hindi ko agad magagawang puntahan ang lugar na 'yon, may posibilidad na nagsusumbong na ang taong 'yon sa mga ikinauukulan tungkol sa akin. Dahil nakita na niya ang totoong itsura o anyo ko.
"A-Ano bang sinasabi mo? May pupunga ako! Hindi mo ba naiintindihan 'yon?" Nagtataka kong tanong mula dito.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at itinaas iyon sa uluhan ko. Sa gulat ko ay hindi ako nakapalag ng ilapit niya ang mukha niya sa akin.
"Hajime! Ano bang ginagawa mo?! Bitawan mo ako ano ba!" Sigaw ko dito pero parang wala siyang narinig.
"Saan mo balak pumunta?"
"Ano bang pakialam mo? May pupuntahan nga ako!"
Hanggang sa makita ko na lang ang biglang pag-iiba ng kulay ng mga mata niya. Nagsimula akong makaramdam ng takot dahil sa ipinapakita niya sa akin. Pero bago pa man niya magawa ang gusto niyang gawin ay parehas kaming napalingon sa bukas na pinto ng apartment ko dahil narinig ko ang isang pamilyar na boses na nagmumula doon.
"Anong ginagawa mo kay Yuki?"
Agad na nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.
Gising na siya? Nagising na siya!
Ilang segundo kaming nakatitig sa isa't-isa hanggang sa maramdaman ko ang dahan-dahang pagbitaw ni Hajime mula sa mga kamay ko. At dahil doon ay mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya at sa isang iglap lang ay muli kong naramdaman ang init ng katawan niya.
Naramdaman kong nagulat siya sa biglaan kong pag-yakap mula sa kaniya pero wala akong pakialam doon. Dahil ngayon… gising na siya. Nandito na ulit siya… hindi na ulit siya mawawala.
Naramdaman ko ang pagbalot ng braso niya sa balikat ko, kaya mas humigpit ang yakap ko mula sa kaniya.
"Yuki," after he said my name, I let out my sob… he's totally awake… he's in front of me now.
Lahat ng nararamdaan kong takot at kaba simula kagabi hanggang ngayon, lahat ng 'yon ay nawala na lang bigla. Hindi ako makakapayag na basta-basta na lang siyang mamamatay ng ganun-ganun na lang, hindi 'yon pwede dahil gagawa at gagawa ako ng paraan para bumalik siya ulit… para mabuhay siya ulit.
"H-Hey? Shit? Bakit ka umiiyak? Teka nga?" Pilit niya akong itinutulak palayo sa kaniya upang tignan ang mukha ko.
Pero pilit kong ibinanon muli ang mukha ko sa dibdib niya.
Hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak.
Siguro dahil sa masaya ako? Damn. Ganito pala pakiramdam kapag masaya ka, nakakaiyak.
"Bakit ka ba umiiyak? Madudumihan mo 'yung damit ko!" Natatawang sambit niya.
Ang kapal ng mukha nito! Damit ko 'yung suot-suot niya!
Pinunasan ko naman ang mukha ko at saka ko ito tinignan.
"Ang kapal ng mukha mo, damit ko yang suot mo." Pagtatama ko dito.
Bigla naman siyang tumawa dahil sa sinabi ko. Ngayong nandito na siya sa harap ko, maayos at nakakatawa na… masasabi kong… nakayanan ng katawan niya ang nangyari sa kaniya ng nagdaan na gabi.
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang nakatitig sa kaniya. Kaya bigla siyang tumigil at ginulo ang buhok ko.
"Kung ganitongg pagbati sa umaga ko ang sasalubong sa akin," mahina niyang sambit sabay lapit ng mukha niya sa akin. "Araw-araw maganda ang gising ko."
"Ehem!" Parehas kaming napatigil ni Ryouhei, kaya napalingon ako at hindi ko alam na nandoon pa pala si Hajime.
Tinignan niya kami parehas ni Ryouhei, pero bigla na lang akong hinila ng isa papunta sa likuran nito at tila pinoprotektahan ako.
"Anong ginagawa mo dito? Anong kailangan mo kay, Yuki?" Tanong ni Ryouhei kay Hajime.
Pero bigla na lang itong ngumiti at tumingin sa akin. Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Ryouhei ang palapulsuhan ko at pilit akong itinatago mula sa likod niya.
"Sabihin mo—"
"Parang nagkakamali ka ata ng taong pinagtatanungan, Ryouhei. Mukhang si Yuki ang may kailangan sa akin." Dahil doon ay parehas silang tumingin sa akin.
Napalunok akong tumingin sa kanilang dalawa. May mga kailangan pala akong malaman mula kay Hajime, at isa na doon ay kung paano niya nagawang iligtas si Ryouhei.
"Anong kailangan mo sa kaniya, Yuki?" Seryosong tanong ni Ryouhei sa akin.
Napabuntong-hininga ako at muling tumingin kay Hajime.
"Pumasok ka na sa loob, kakausapin ko lang si Ryouhei." Sabi ko rito na tinanguhan naman ng isa.
Magrereklamo sana si Ryouhei ng hawakan ko ang kamay nito. Sa pagkakataong ito ay kailangan ko munang malaman kay Ryouhei kung may naaalala ba siya sa mga nangyari kagabi o wala.
Nang makapasok si Hajime sa loob ay mabilis akong hinarap ni Ryouhei sa kaniya.
"Ano bang ginagawa mo? Pinapasok mo 'yung taong 'yon sa apartment mo?" Naiinis niyang tanong sa akin.
Tinignan ko siya sa mga mata niya saka hinawakan ang dalawa niyang kamay na nasa balikat ko.
"Kumalma ka muna—"
"Paano ako kakalma?! Sige nga, sabihin mo nga sa akin?" Tanong niya.
Huminga muna ako ng malalim at muling tumingin sa kaniya.
"May naaalala ka ba sa mga nangyari kagabi?" Seryosong tanong ko dito.
Nakita kong bigla siyang naguluhan sa tanong ko. Bigla akong napakuyom.
"Anong naaalala? Sagutin mo muna ang—"
"Sagutin mo ang tanong ko, Rouhei. May naaalala ka ba sa mga nangyari kagabi o wala?" Muli kong tanong dito.
Hinihintay kong sabihin niya na meron siyang naalala, na alam na niyang may nakita siyang dalawang Bampira at isa ako sa mga 'yon. Hinihintay kong sabihin niya na halos ibuwis na niya ang buhay niya para lang iligtas ang babaeng 'yon, hinihintay kong sabihin niyang nakita na niya ang totoong anyo ko, hinihintay kong sabihin niyang natatakot siya sa akin at lalayuan na niya ako simula ngayon.
Nakita ko ang leeg niya, nawala na doon ang kagat ng lalaki sa kaniya… wala na rin akong nalalanghap mula sa kaniya na masangsang kagaya ng ng nalanghap ko kagabi.
Nakaligtas nga talaga siya.
"Naalala? Wala akong naaalala kagabi. Ang naaalala ko lang ay 'yung pumunta ako dito sa apartment mo." Sagot niya na mas ikinakuyom ko.
"'Yon lang?"
"Anong 'yon lang?" Ulit niya sa tanong ko.
"Kung 'yon lang ang naaalala mo." Muli kong sabi dito.
Nakita kong nag-iisip siya hanggang sa sagutin na niya ang tanong ko. Dahil doon ay parang nawalan ako ng lakas ng loob na… sabihin sa kaniya ang totoo.
"Hanggang doon lang ang naaalala ko. Bakit? May nangyari ba na hindi ko maalala?" Tanong niya pabalik sa akin.
Umiling ako dito at saka ko na siya hinila papasok sa loob. Ibabaon ko na lang sa limot ang mga nangyari kagabi, siguro ito rin ang dahilan ng dugo na nainom niya mula kay Hajime.
Pagpasok namin ay narinig ko ang ingay na nagmumula sa TV. Nakita kong nanonood si Hajime doon, ilang segundo ko siyang tinitigan hanggang sa magtagpo ang tingin naming dalawa. Walang nagbago sa ekspresyon ng mukha niya, dahil ng makapasok kami… ang balitang tungkol sa pangatlong biktima ang ibinabalita na ngayon.
Dumeretso ako sa kusina habang hila-hila si Ryouhei, ipinaupo ko siya sa bakanteng upuan at saka ko siya pinaghain ng makakain niya. Nang mailapag ko 'yon sa harap niya ay aalis na sana ako upang puntahan si Hajime ng maramdaman ko ang pagpipigil niya sa akin gamit ang paghila sa damit ko.
"Bakit? Kumain ka na lang muna—"
"Ano bang gusto mong malaman mula sa kaniya?" Tanong niya na hindi ko kayang sagutin.
Hindi mo maiintindihan kahit sabihin ko sayo. Wala kang maiintindihan sa lahat ng 'Yon.
"May itatanong lang ako sa kaniya kasi may sinabi rin siya sa akin one time, at aalis rin siya mamaya." Pagsisinungaling ko dito.
Dahil ramdam kong ayaw niyang nandito si Hajime.
Nakipagtitigan muna ako sa kaniya, bumuga siya ng hangin at saka bitawan na niya ang damit ko.
"Bumalik ka agad,"
"Hindi naman ako aalis,"
"Alam ko. Ayoko lang na... kinakausap mo siya kahit nandito ako." Nakasimangot na sambit niya.
Maliit na ngiti ang sumilay sa akin bago ko hawakan ang buhok niya at guluhim 'yon. Pero nawala rin iyon bigla... bakit wala kang maalala Ryouhei? Bakit hindi mo maalala? At ang salamat na sinabi mo? Bakit?
Pagpunta ko doon ay alam ko na kung anong gusto niyang sabihin sa akin.
"He forget didn't I?" Mahina niyang tanong sa akin.
"How did you know?" Tanong ko ngunit isang ngiti lang ang sinagot niya sa akin.
"Somehow, it can affect his memories. But don't worry, malay mo isang araw bigla ka na lang tatanungin kung Bampira ka ba talaga o hindi." Sagot niya bigla kong ikinakaba.
Nananakot ba siya?
"Paano mo naman nasabi? Babalik ba ang mga ala-ala niya?" Tanong kong muli dito.
Tumayo siya at nakita kong tumingin siya sa bandang kusina, alam kong pinapakiramdaman niya si Ryouhei doon. At saka siya seryosong tumingin sa akin.
"Yuki, kung iniisip mo pa rin ang mga nangyari kagabi at gusto mong maalala ni Ryouhei ang lahat ng 'yon, mas magandang wag na lang nating hilingin na maalala niya pa ang mga nangyari." Bigla niyang sagot.
"Bakit? Hindi ba magandang dahilan na rin 'yon na malaman niyang hindi lang sila ang naninirahan dito? Para malaman rin niyang iba ako sa kaniya." Sagot ko naman.
Ano ba kasing sinasabi niya at para saan naman ang mga 'yon?
"Ano bang dahilan mo? I'm sure you're doing this because you want something in return." Ani niya.
Napayuko ako ng maalala ko ang nag-iisang dahilan na 'yon, nag-iisang dahilan na matagal ko ng gustong mangyari.
"Gusto kong layuan na niya ako ng tuluyan kung malalaman man niya ang totoo. Gusto kong kamuhian niya ako dahil ang mga gaya ko ang pumapatay sa mga gaya niya." Mabilis at walang preno kong sagot.
Nasasaktan ako, oo. Pero ito ang isa sa dahilan na gusto kong malaman niya.
Huminga siya ng malalim at hinawakan ang balikat ko.
"Lalayuan ka niya, pero hindi lang 'yon… may posibilidad na hindi lang siya ang lumayo sayo at kamuhian ka. Kundi lahat na ng tao sa paligid niyong dalawa. Isipin mo Yuki, ang mga kagaya natin ay isang sikreto lang. kung gusto mong malaman ni Ryouhei ang totoo, hayaan mo siyang maghanap ng kasagutan sa mga tanong niya. Kung matatanggap man niya… kung sino ka. Mas magiging maayos ang lahat." Sagot niya at sabay sumilay ang ngiti sa labi niya. "Pero kung hindi… umalis ka na agad sa lalong madaling panahon. Malayo sa kaniya."
Hanggang sa makaalis na siya ay ang mga sinabi niyang 'yon lang ang umiikot sa isipan ko. Nakatitig lang ako kay Ryouhei hanggang sa matapos siyang kumain.
Pero kung hindi… umalis ka na agad sa lalong madaling panahon. Malayo sa kaniya.
Malayo sa kaniya.
Nasasaktan ako. Pero wala akong ibang choice.
Kung maalala mo man at kung hanggang dito na lang… aalis akong magpapasalamat sayo.
"Yuki," Napatingin ako sa kaniya ng tawagin niya ako.
Mamimiss ko ang isang kagaya niya.
"Pwede bang magpasama sayo?" Tanong niya.
Tumango naman ako. "Saan ba yan?"
"Bonding lang kasama 'yung tatlo." Sagot niya at naalala ko 'yung tatlo niyang kaibigan na sina Jiro, Kin at May.
"Sige sige, wala naman akong gagawin. Pero sana kapag wala akong shift para free ako." Sagot ko dito na ikinatango naman niya.
"Salamat. Sa ngayon anong gagawin natin?" Muli niyang tanong.
"Magpahinga ka na lang muna ulit," Sagot ko na ikinabusangot niya.
"Kung tatabi ka sa akin sa kama—"
"Ang kapal mo!" Sigaw ko at sabay alis sa kusina.
Iniwan ko siya doon na tawa ng tawa.
Remember everything Ryouhei, so that I can peacefully bid my goodbyes to you.
•••