webnovel

LANTIS (COMPLETE)

It all started with a dog named Fujiku, a dirty grave and one broken glass jar. Dahil sa mga iyon ay nagkaroon ng bagong housemate si Ember-si Lantis Arcanghel. He was hot, he was beautiful, he was a little persistent and above all, he was dead, Ito ang may ari ng puntod katabi ng puntod ng parents niya. Oh yes! Multo ang bagong housemate ni Ember ngunit ayaw nitong magpatawag na "multo". Phantom daw ito. At may kailangan sa kaniya ang panty-este phantom. Gusto na nitong tumawid sa linyang naghihiwalay sa mundo ng mga buhay at yumao na at si Ember ang masuwerteng nilalang na napili ni Lantis na tutulong dito. "P-Paano kung...kung ayoko?" tanong ni Ember sa mumu. Inilagay ni Lantis ang kamay sa isang tabi ng ulo niya, pagkatapos ay ang kabila na naman. Na-trap siya sa mga braso nito, na-sandwich sa pagitan ng bookshelf at katawan-este kaluluwa nito. "Then I guess you have to get used to my presence," sabi nito sa boses na hindi niya mawari kung nag-uutos, nanunudyo o nananakot. "Titira ako sa bahay mo. I'll watch you sleep, watch you bathe. I'll watch you dress and undress...I'll talk to you when you're in public places, I'll shout in your ears, I'll follow you anywhere you go...I'll embrace you, I'll sleep beside you...in short, I'll haunt you. Hindi. Kita. Patatahimikin." Anak ng tipaklong! Ito na nga ang may kailangan, ito pa ang may ganang pagbantaan siya! Walang choice si Ember kundi tulungan si Lantis. Magtagumpay kaya siya? O forever nang mananatili ang guwapong multo sa tabi niya?

Cress_Martinez · 奇幻言情
分數不夠
33 Chs

6

"A-AKALA ko wala ka na. I mean...you know, na tumawid ka na sa 'linya'." Nag-quote-unquote sa ere si Ember. Linya. Linya na naghihiwalay sa mundo ng buhay at pumanaw na. Nag-e-exist ba 'yon? Hindi niya rin alam kung totoo ba ang "light" na sinasabi nila na umano'y nakiKita at sinusundan ng mga kaluluwa patungo sa...ewan niya. Saan nga ba pumupunta ang mga kaluluwa kapag nilisan na niyon ang katawang-lupa? Sa Limbo? Sa ulap? Sa rainbow?

"That's what I also thought," wika ni Lantis na naka-lotus position sa ibabaw bilog na mesang may pink floral-printed na mantel. Katatapos lang dagsain ng mga estudyante ang tindahan niya. Nag-ring na ang bell sa loob ng campus. Mamayang alas diyes na naman dadagsa ang mga ito. Sila lang ni Lantis ang naroon kaya malaya siyang kausapin ito nang hindi napagkakamalang may sayad.

Kumuha uli siya ng painkiller at isinubo. Kape ang ipinangtulak niya ro'n. Kanina nang inspeksiyonin niya ang sarili sa CR, naKita niya na may pasa siya sa kaliwang balakang at may gasgas sa siko. Kung hindi nasuportahan kanina ni Lantis ang pagbagsak niya, hindi lang ang mga iyon ang matatamo niya. Baka nabasag pa ang bungo niya.

Hindi pa rin siya makapaniwala na naroon na naman ang poging multo, kausap niya. At iniligtas siya kanina. Nagawa siya nitong hawakan. Iniisip niya na marahil ay adrenaline rush ang nangyari. May tendency na makagawa ng isang hindi pangkaraniwang bagay ang mga tao kapag nasa gitna ang mga ito ng aksidente pero...may adrenaline pa ba ang pumanaw na?

"This is really strange," sabi pa ni Lantis. "Yesterday, when I vanished, I thought my days here on earth were over. When I opened my eyes, I was lying above my tombstone. I remember closing my eyes again. And then I heard your voice. The next thing I knew, I was beside you in your car."

"So...napunta ka sa puntod mo at hindi sa...sa kabilang dako?" Kung saan man 'yon.

"Yes."

"Ano'ng nangyari sa'yo after mong...mamatay? Saan pumunta ang spirit mo? Paano ka namatay?"

Hindi agad nakatugon si Lantis. Tumingin ito sa kawalan, may gatla sa noo. Bumuntong-hininga ito at pinasadahan ng daliri ang buhok. Kahit hindi niya nahahawakan—at mahahawakan—ang buhok na iyon, alam ni Ember na malambot 'yon. Habang tumatagal na tinitingnan niya ito, mas lalong ayaw maniwala ng isipan niya na patay na ito. He looked so solid, for once. And so alive. Well, baka sa paningin niya lang iyon. Isa pa iyon sa bumabagabag sa kaniya. Siya lang ang nakakaKita rito. Kanina, habang dagsa ang mga suki niyang estudyante, nakaupo si Lantis sa ibabaw ng counter. Walang sinuman sa mga bagets ang nagpaKita ng anumang indikasyon na nakiKita o nararamdaman ng mga ito na may guwapong mumu sa tindahan niya.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong hindi ko maalala kung paano?" Napanganga si Ember. Maniniwala ba siya? Ewan niya. "In fact, I don't remember much about me. About my life when...when I still have a life."

"Sinasabi mo ba na may amnesia ka? May ghost bang may amnesia?"

"I'm not a ghost." Defensive ang boses nito. "I'm a...a phantom."

Pinaikot niya ang mga mata. "Ghost, phantom, spirit, soul...pare-pareho lang ang mga iyon." Pare-parehong wala nang buhay. Pare-parehong hindi na nabibilang sa mundong kinabibilangan niya. Pare-parehong hindi niya dapat kasama roon, let alone ay kinakausap.

"Magkaiba ang mga 'yon," giit nito. Hindi na siya nakipagtalo. "I remember some stuff about me. Alam ko kung ano ang pangalan ko. Alam ko na patay na ako. Alam ko kung gaano kahalaga sa akin ang jar ng paper airplanes, na kailangan ko 'yung protektahan. Alam ko na may nanay ako, na may lolo at kapatid—"

Napapitik sa ere si Ember. "NaKita mo ba ang kapatid mo kanina? Isa siya sa tumulong sa akin. NaKita ko rin siya sa sementeryo."

"Si Kenan?" Gumuhit ang pait sa anyo ni Lantis. "Really? Dinalaw niya ako? How thoughtful of him." Mas mapait pa sa ininom niyang painkiller ang boses nito.

"Sinasabi mo ba na ni minsan, hindi ka niya dinalaw?"

"Hindi ko alam. Hindi ko narinig ang boses niya. Not even once."

"Boses?"

Bumuntong-hininga ulit ito. "This is a little hard to explain. Kahapon, habang nasa ibabaw ako ng puntod, saka ko lang na-realize kung ano ang nangyari sa akin sa loob ng anim na buwan." Umayos ng upo si Lantis at pumihit paharap sa kaniya. Napatingin siya sa pang-upo nito. Nakapagtataka na hindi iyon tumatagos sa ibabaw ng mesa. "The last thing I remember was the night of my grandfather's birthday. I went home and sleep. When I open my eyes again, I was surrounded by fogs. I can also hear voices, crying, calling for my name. I followed the voices, I looked for the owners but I...the fogs...they're so thick. Wala akong makitaa kundi ang hamog. At first I thought I was in a dream. Sabi ko, magigising din ako. Mawawala rin ang mga hamog pero..."

Pero hindi nawala ang hamog. At hindi na ito nagising. Nahabag siya sa binata. Bakas ang lungkot, pait at paghihirap sa mukha nito.

Nagpatuloy si Lantis kahit pa tila hindi na nito kaya. "Araw-araw, may naririnig akong boses, kinakausap ako. Pamilyar ang mga boses hanggang sa unti-unti, hindi ko na makilala ang mga 'yon. They talked to me or talks about me. Through that, nalaman kong patay na ako." Mapakla ang pagkakasambit nito ng huling pangungusap. "It was incredulous. Unacceptable. I thought it was just some kind of a bad joke. It's so ridiculous that I laughed and laughed. Everytime I hear the voices, I mocked them, I laughed at them until I can no longer laugh. Wala nang nakakatawa. Hindi na nakakatawa ang mga nangyayari. Their cries and their voice became a slap in my face, waking me, forcing me to accept the reality. I'm dead. Lantis is dead. And eventually, I was forgotten. Pakonti nang pakonti ang mga dumadalaw at kumakausap sa akin. Hanggang sa wala na, ni isang boses, pamilyar man o hindi ay wala na akong naririnig." Inalis nito ang mga tingin sa sahig at inilipat sa kaniya. Sumikdo ang puso ni Ember nang maramdaman ang intensidad ng mga tinging iyon. Hindi lang ang anyo ni Lantis ang buhay na buhay kundi maging ang mga tingin nito. Nakaka-conscious iyon, nakakatuliro. "And then I heard your voice. Kinakausap mo ako. You even utter my name and promised to clean my grave."

Naalala ni Ember ang tagpong iyon. "Nilinis ko nga ang puntod mo. Iyong aso ko kasi, umihi ro'n. Pasensiya ka na." Napapahiyang nginitian niya ito.

Kumibot ang isang sulok ng mga labi ni Lantis. "I saw your dog, the brown chihuahua. NakiKita rin niya ako."

"Really? So totoo nga, nakakaKita ng spirits ang mga aso."

Bigla siyang kinilabutan. Naalala niya minsan na may kinakahulan sa isang sulok ng kuwarto niya si Fujiku pero wala naman siyang nakiKitang kung ano ro'n. Paano kung multo pala iyon? Paano kung totoo ngang haunted ang bahay na iyon?

Haunted nga 'yon, lukaret, nasusuyang sabi ng boses sa isipan ni Ember. Hayan nga oh, at may kaharap kang ghost.

Napaisip saglit si Ember. Base sa kuwento ni Lantis, all this time ay naroon lang ito sa puntod nito. Nakakulong lang doon ang kaluluwa nito. Tama rin ito, nakalimutan na ito ng mga taong malalapit dito, ng mga taong iniyakan ito. Araw ng mga patay noong isang araw pero ni isang tangkay ng bulaklak, walang nag-alay sa puntod nito. Nasaan na ang mga taong araw-araw ay dumadalaw dito?

"Sabi mo narinig mo ako. Pero paano mo akong nasundan? Paano mo ako naKita?"

"The fogs suddenly vanished. I saw the trees, the tombstones, the lights from the candles, the darkening surrounding and then I saw it—my grave, the tombstone. I've been dead for half a year." Umiling-iling ito. "I heard your dog barking. That's when I saw you. Nakaupo ka sa lupa, may pinupulot."

Napasinghap si Ember at napatayo. Nanginginig ang daliri niya nang ituro iyon kay Lantis. "Ikaw 'yon. Ikaw 'yong naKita kong nakatayo sa tabi ng crucifix, nakatingin sa akin. Sobrang natakot ako sa'yo no'n kaya umalis agad ako. At sinundan mo ako."

"Dahil dala mo ang paper airplanes ko."

Na-gui-guilty na nakagat niya ang pang-ibabang labi niya. "Wala naman talaga akong balak na tangayin 'yon. Nabasag ko 'yung garapon, pasensiya na. Pero napalitan ko na 'yon, naisauli ko na rin sa grave mo. So okay na, wala nang rason para multuhin mo pa ako."

Hindi umimik si Lantis. Nakatingin lang ito sa isang sulok, halatang malalim ang iniisip. Binuksan niya ang kaha at binilang ang pera, pilit na inignora ang presensiya ni Lantis. Nananalangin din siya na sana lumayas na ito. Habang tumatagal kasi na naroon ito, mas lalong lumalaki ang question mark patungkol sa katinuan ni Ember. Nadaragdagan din nang nadaragdagan ang mga tanong sa isip niya. Such as, bakit niya ito nakiKita at nadidinig? May sixth sense ba siya? Kung oo, bakit ngayon lang iyon lumabas? At bakit si Lantis lang ang nakiKita niya? Paano kung matagal na palang "activated" ang sixth sense niya at ngayon niya lang nadiskubre iyon? Hindi mukhang multo si Atantis, paano kung ganoon din ang ibang multo? Paano kung ang ibang taong araw-araw niyang nakakasalamuha ay mga espiritu na lang pala?

Nang balingan niya ulit si Atantis, wala na ito sa kaninang kinatatayuan nito.

"Nasaan na ang mumu na—aysusmaryusep!" sigaw niya nang paglingon niya ay nabungaran niya si Lantis na nakatunghay sa ginagawa niya. Dumampi ang ilong niya sa pisngi nito. Para siyang hinilamusan ng nagyeyelong tubig. "Puwede ba? Huwag kang didiLantis nang ganiyan sa akin!" asik niya kay Lantis habang hinihimas ang braso.

Halatang na-offend si Lantis. Malamang noong nabubuhay pa ito ay wala pang babae ang lumayo nang ganoon dito.

"I think, alam ko na ang sagot sa tanong mo kanina. Kung saan napunta ang espiritu ko no'ng mamatay ako," medyo pabulong na sabi ni Lantis. Misteryoso at nakakaintriga ang dating no'n. Na para bang isang malaking sekreto ang susunod nitong sasabihin.

"Saan?" tanong niya sa parehong tono.

"Sa loob ng jar. I think I was trapped there."

Napaawang ang mga labi ni Ember pagkatapos ay isinara niya rin agad iyon. Napakunot-noo siya, napaisip. He was trapped inside the jar daw?

"Ano 'yon? Parang 'yong nangyari kay Genie sa Aladdin? Na-trap siya sa lampara dahil isinumpa siya ng kalaban niyang genie. Parang si Anna sa Anna Dressed in Blood. Na-trap ang ghost niya sa haunted Victorian house dahil isinumpa siya ng nanay niyang witch. Isinumpa ka rin ba?"

"No. But I felt like I was accursed. I can't rest. For a year, I'm surrounded by that goddamned fog. I'm dead but I can't remember how I died. Nor what kind of life I lead when I was still alive. Ano ang trabaho ko? May asawa ba ako? May mga anak? Ano'ng hitsura nila? Saan ako nakatira?" Hinampas nito ang bookshelf sa likod ni Ember. Sabay silang napangiwi nang tumagos ang kamay ro'n ni Lantis. "Shit! Damn it!" Parang bata na nagta-tantrum ang poging multo. "I wasn't supposed to be here anymore!" Napayukyok ito sa isang sulok, nakasaklot ang mga kamay sa buhok. Kahit ayaw ni Ember, nahabag siya nang husto kay Lantis. Naroon ang urge na lapitan ang binata at i-comfort ito. Pero paano ba niya i-co-comfort ang multo? Paano niya ito yayakapin? O tatapikin man lang sa balikat?

"Sorry," sinserong sabi niya. "Sana may magagawa ako para matulungan ka."

Nang tumingin si Lantis sa kaniya at makitaa ang kakaibang kislap sa mga mata nito, alam ni Ember na mali na sinabi niya ang bagay na 'yon.

Lumapit si Lantis, napatayo siya, napaatras pero patuloy lang si Lantis sa pag-abante hanggang sa tumama ang likod niya sa isa pang bookshelf. Awtomatikong nag-krus ang mga kamay niya sa tapat ng dibdib niya. Yeah, ghost na lang si Lantis pero hindi ibig sabihin ay hindi siya nito kayang saktan o galawin. Maraming puwedeng gawin ang mga tulad nito. At saka may mga nabasa na siya tungkol sa spirit na nanggagahasa ng babae. Ano na nga ang tawag do'n? Incubus? Pero mga babaeng tulog lang ang ginagahasa ng mga Incubus. Whatever. A ghost is still a ghost. Hindi niya kauri.

"When you broke the glass jar, I was set free. You set me free, December." Nakagat niya ang loob ng bibig. Ang lamlam ng mga mata ni Lantis, parang nanghihipnotismo. At ang boses nito, ang pagkakasambit nito ng pangalan niya...ang sarap sa pandinig.Yumukod si Lantis hanggang sa magkapantay ang mga mukha nila. Nahigit niya ang hininga nang maramdaman na naman ang lamig nito. Hindi na yata siya masasanay sa temperatura nito. "Help me. I'm asking you again to help me move on."

"P-P-Pero..." Kandautal si Ember. "Paano ko naman gagawin 'yon? Gaya ng sinabi ko kahapon, wala akong special powers or something. Hindi ko alam kung bakit ako lang ang nakakaKita sa'yo. Hindi ako ang taong makakatulong sa'yo. Psychic ang kailangan mo, or medium. Iyong mga expert sa paranormal phenomena gaya nito." At siya naman ay kailangan na ng psychologist. Malapit na siyang mabaliw. Baka bukas makalawa, nanghuhuli na siya ng langaw at kinakausap iyon.

"Tulungan mo akong hanapin sila."

Aba, mahusay! Bibigyan pa siya ng trabaho! "P-Paano kung...kung ayoko?"

Inilagay ni Lantis ang kamay sa isang tabi ng ulo niya, pagkatapos ay ang kabila na naman. Na-trap siya sa mga braso nito, na-sandwich sa pagitan ng bookshelf at katawan—este kaluluwa nito. "Then I guess you have to get used to my presence," sabi nito sa boses na hindi niya mawari kung nag-uutos, nanunudyo o nananakot. "Titira ako sa bahay mo." Umarko pataas ang isang sulok ng kulay mansanas nitong mga labi. "I'll watch you sleep, watch you bathe. I'll watch you dress and undress...I'll talk to you when you're in public places, I'll shout in your ears, I'll follow you anywhere you go...I'll embrace you, I'll sleep beside you...in short, I'll haunt you. Hindi. Kita. Patatahimikin."

"Pagkatapos Kitang pakawalan mula sa banga, ganiyan ang igaganti mo?"

"I'm sorry, but I have no other options."

"Meron! Sa iba ka humingi ng tulong. Surely, hindi lang ako ang...ang may ganitong kakayahan." Hindi pa rin niya matanggap na may gano'n siyang abilidad. Sakit sa ulo ang dala no'n.

"You found me, so you have to keep me," katwiran pa ng tinamaan ng kulog.

Pinakatitigan niya ito sa mga mata, nababasa niya ang determinasyon sa mga iyon. Parang gustong lumupasay sa sahig. Kung alam niya lang na ganoon ang mangyayari, hindi na lang sana niya pinakialaman ang puntod nito!