webnovel

LAKAMBINI NG TONDO

Tondo unknowingly angered the Chinese Ming Dynasty. The envoy they sent to pacify the emperor made things worst. Soon the Rajah (king) found himself in a hopeless battle and lose everything he have: his life, his Ranee (queen wife) and his kingdom. The only thing he got was his only daughter who escape to faraway city-state: the Dayang-dayang (high princess) of Tondo, Suyen. Suyen escape the Chinese armies together with her aides and find her temporary shelter. Fueled by the loss of her parents, their home, and the unjustice they've got, she trained herself hard to enable herself with skill to avenge her parents and get back what was truly theirs. But what if love came in? And to a man who was her mortal enemy? The son of the now governor-general of Tondo?

BONITZ · 历史言情
分數不夠
7 Chs

Kabanata 4: Bagong Yugto

Pinatawag ako ni Gat Ibal at ngayon ay nasa loob ako ng pribadong tanggapan nito. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba at hindi makatingin ng deretso sa Rajah. Ito na ang panahon sisingilin niya ko at natatakot ako sa magiging kaparusahan sa akin, kay Onang at kay Basod.

Isang naka-rolyong papel ang ipinatong ni Gat Ibal sa mesa. Nang iladlad niya niya ang nilalaman niyon, pinanlakihan ako ng mata at hindi makapagsalita. Nakaguhit sa papel ang mukha ng isang babae na hindi maipagkakaila na sa akin. Katabi niyon ang mensahe na nakasulat sa titik ng baybayin.

"Ang batang ito ay anak ng Rajah ng Tondo, na dumusta sa pangalan at kapangyarihan ng Imperyo ng Tsina at Dinastiyang Ming. Isandaang pilak ang pabuya sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan niya para sa ikatatahimik ng buong Selurong (Luzon ngayon)."

"Kumakalat sa buong Camarines ang larawan mo, Suyen," sabi ni gat Ibal. Mula sa papel, umakyat ang tingin nito at tumimo sa akin. "O dapat ko bang sabahing… Dayang-dayang Suyen?"

Napasinghap ako. Sunod-sunod ang dating ng realisasyon sa akin. Katapusan ko na. Hindi ko na magagawang bawiin pa ang Tondo. Hindi ko na maipaghihigante ang kamatayan ng aking magulang. At kahit nasukol na ako, hindi ko pa rin magawang umamin, kahit sa paraan mang ito ay masabi na hanggang sa huli ay lumaban ako.

"Hindi ako ang batang iyan, gat Ibal. Nagkamali ho kayo. Maaaring kamukha ko lang siya at—

"Pwede ba! Itigil mo ang pagsisinungaling sa harap ko!" galit na sigaw ni gat Ibal.

Napaluha ako dala ng labis na takot at kaba na nararamdaman ko. Agad akong lumuhod at yumukod sa harap niya. "Pakiusap, huwag niyo po akong isuko sa mga dilaw. Kahit anong kaparusahan, huwag niyo lang akong ibibigay sa kanila," hilam sa luha na pagsamo ko. Isinusugal ko na ang lahat sa pag-amin kong ito. At umaaasa akong may matitirang kabaitan sa puso niya para making sa akin.

Sa pagtataka ko, tumayo siya at tumalikod sa akin. Tahimik na pinagmasdan niya ang ipinintang larawan ng bayang ng Ibalon at ang bundok ng Mayon na nasa pader. Humugot ito ng malalim na hininga bago muling nagsalita.

"Parang kalian lang, nang gulatin kami sa pagbisita ng Rajah ng Tondo sa Ibalon. Hindi naming inaasahan, lalong-lalo na ako, na makakaharap naming ang magiting at pangalang bukambibig ng lahat sa Selurong, ang iyong ama, si Rajah Maisog," pagkukuwenta niya sabay tingin sa akin. "Iyon ang una naming paghaharap ngunit di ko man lang siya nabigyan ng watong pagsalubong na nararapat lamang sa kanya. Sa halip, hiniling niya na itago ko sa lahat ang kanyang pagbisista.

"Hindi karaniwan ang makatanggap ng ganyang hiling, lalong-lalo na sa taong bagaman matagal ko nang kilala ay wala naman kaming ugnayan. Doon pa lang alam ko na, na may kinahaharap ang ama mo, SUyen, na mabigat na suliranin. Napakabigat na nakuha niyang humingi ng tulong sa isang estranghero kaysa sa mga kaalyado niya.

"Matagal nang natutuganan ng Rajah ang sabwatan ng mga bayan na nakapalibot sa kanya. Pinaigting iyon ng tahimik na pakikipagtulungan ng Sultanato ng Borneo. Lahat sila ay minimithing pabagsakin ang Tondo at ang paghahari nit o sa Dagat Silangan, sa kalakalan at politika."

Naikuyom ko ang mga palad ko. Hindi ko mapigilan ang pag-alsa ng galit ko na marinig na dahil lang sa kanilang makasariling dahilan, ilang daang inosenteng buhay ang nawala, ilang daang pamilya ang nawalan ng tirahan at napakaraming pangarap ang kanilang sinira.

"Pero nagging napakabilis ng mga pangyayari. Hindi ko inaasahan na ilang araw matapos an gaming pag-uusap ay agad na kikilos ang mga nagsabwatang bayan. Mas ikinagulat naming ang pagkakaroon ng ma malaking partisipasyon ng Tsina sa pagkilos, na isang kaibigan ng Tondo.

"Hindi na naming nagawang makapaghanda at makagawa ng pagkilos para tulungan ang Tondo. Aaminin kong nabahag ako na banggain ang higanteng dragon at habang buhay kong dadalhin ang kahihiyan na iyon.

"Nang makita naming kayo sa kakahuyan, hindi lang aksidente 'yon. Sa mga huling sandal, nagkaroon ako bigla ng lakas na loob na magpadala ng tauhan para mailigtas man lang ang prinsesa at reyna ng Tondo, at mapagbigyan ang iyon ama na pansamantalang maging inyong kanlungan ang Ibalon. Pero huli na kami, at ikinalulungkot ang nangyari sa iyong ina, Suyen."

Napayuko ako at muli na naming pumatak ang luha ko pagkarinig sa aking ina. Nakakalungkot, na sa ibang tao ko pa mahahanap ang pagtulong na inaasam naming, sa taong hindi naman naming kadugo at hindi naming inaasahan na gagawa ng ganito.

Pinagsarhan kami ng Namayan. Pinagtabuyan kami ng Urdaneta. Hindi kami pinansin ng Banaag. Pero tinanggap kami ng Ibalon at labis-labis ko yong ipinagpapasalamat.

"Simula sa araw na ito, ituring mo nang iyong sariling tahanan ang Ibalon, Suyen," isang ngiti ang iginawad nito sa akin. "Malaya kang makapanirahan hanggang kalian mo gustuhin. Ngunit may kondisyon: simula rin sa araw na ito, gusto kong ituring mo ako bilang iyong ama," ginagap niya ang aking palad at marahang pinisil iyon.

"Maraming salamat sa kabaitan niyo, Gat Ibal," isang ngiti din ang ibinigay ko sa kanya. "bakit niyo poi to ginagawa?"

"Dahil iisa kami ng pinapangarap ng iyon ama. At kahit namatay man siya, nariyan ka pa rin na magbibigay ilaw sa mga pangarap na iyon. Balang araw, kahit hindi ko man maabutan, sana dumating ang puntong iyon at maranasan mo ang ganoong klaseng buhay, ng aking mga anak at mga taong naghahangad ng pagbabago."