PAK!
PAK!
Hindi na napigilan ni Congressman Sanchez ang kanyang sarili.
Binigyan nya si Winnie ng magasawang sampal.
Sa sobrang lakas ng mga sampal napaupo si Winnie.
Nakatayo lang ang mga bodyguard at tauhan ni Congressman, walang gustong tumulong.
Pare pareho nilang alam na sumobra na sa kabaliwan nya si Winnie. Dahil ang isa sa ayaw ni Congressman ay ang nadadamay ang pamilya nito.
Mahal na mahal ni Congressman ang mag iina nya kaya hindi nito pinaaalam ang mga illegal nyang transaksyon.
Ayaw niya silang madamay at ayaw din nyang masira ang magandang imahe nya sa kanyang magiina.
Natakot si Winnie. Nagtataka sya kung bakit galit na galit ang uncle nya sa kanya.
Winnie: "Ba..bakit ba Uncle?"
Umiiyak itong nakasapo sa pisngi nyang sumasakit dahil sa dalawang malakas na sampal sa mag kabilang pisngi nya at mapapansing may naiwan pang hugis ng mga daliri sa mga pisngi nito.
Simula pagkabata ni minsan ay hindi sya nito sinaktan, lahat ng naisin nya ay binibigay sa kanya ng uncle nya kaya nagtataka sya kung bakit sya nito sinampal.
Anong naging kasalanan nya.
Congressman: "Bakit?"
"Dahil sakim ka at iniintindi mo lang ang sarili mo!"
"Hindi mo ako binigyan ng halaga pati ang asawa at mga anak ko ipapahamak mo pa!"
Walang naiintindihan si Winnie sa sinasabi ng uncle nya.
Winnie: "Uncle, wala akong kasalanan sa'yo! Huhuhu! At kelan ko ipinahamak sila Auntie at mga pinsan ko?"
"Huhuhuhu!"
Congressman: "Tapatin mo ako! Bakit mo sinuway ang utos ko?"
"Ang utos ko isoli si Isabel at huwag na huwag syang sasaktan, bakit ka kumilos ng hindi ko alam?"
Winnie: "Dahil gusto kong gumanti! Dahil gusto kong mawala na sya sa paningin ni Anthon!"
Congressman: "ANO?!"
Natawa si Congressman sa dahilan ni Winnie.
"Ang ibig mo bang sabihin simula pa nung una si Isabel na ang gusto mong paghigantihan hindi si Anthon?"
Winnie: "Oo! Dahil sa babaeng yun hindi ako napapansin ni Anthon kaya kailangan na nyang mawala para mapunta na sa akin ang mahal ko, para mapansin na nya ako!"
"Hahahaha!"
Lalong natawa si Congressman. Natatawa sya dahil hindi nya akalain na ginamit lang pala sya ng pamangkin sa sarili nitong interes.
Congressman: "Umaasa ka pa rin na pag nawala si Isabel papansinin ka ni Anthon?!"
Winnie: "Bakit hindi! Ako lang ang mas karapatdapat kay Anthon!"
Congressman: "Hindi ka ba talaga nakikinig sa mga sinasabi ko sayo? Nuon pa man ilang beses ko ng sinabi na may asawa na si Anthon at si Yasmin yun hindi si Isabel! Kaya kahit na mawala sa paningin ni Anthon si Isabel hindi ka pa rin papansin nun!"
Winnie: "Hindi! Hindi totoo yan! Ako lang ang dapat para kay Anthon! AKO LANG!"
Congressman: "Gusto mo bang malaman kung bakit hindi ka pinapansin ni Anthon? ...Ha?"
"Kasi ..."
"BASURA ANG TINGIN NYA SA'YO!!!"
Mas masakit pa sa sampal ang narinig ni Winnie.
"Hindi! Hindi totoo yan!
Huhuhuhu!"
Para na itong nababaliw.
Congressman: "Kung ayaw mong maniwala bakit hindi mo sya tanungin?"
"Nandito sa basement ang asawa nya at malamang, alam na ni Anthon ang lugar na ito. Bakit hindi mo antayin at ikaw mismo ang magtanong!"
Umalis sila at iniwang magisa si Winnie.
Wala ng pakialam si Congressman sa pamangkin nyang ito.
*****
Samantala...
Lando: "Bayaw, false alarm ang signal! Natunugan siguro nila kaya itinapon dito sa may talahiban!
Ikaw? Asan ka na?"
Sa inis ni Anthon na hampas nya ng malakas ang manibela.
Anthon: "Nawala ang signal ni Yasmin! Papunta na ako sa huling lugar kung saan ito nawala!"
Enzo: "Pre, nagpalagay na ng mga check point si Major kaya huwag kang magalala makikita rin natin ang anak mo!"
"Saka andito na rin sa Zurgau ang kapatid mong si Joel!"
Nabuhayan ng loob si Anthon madinig na isa sa pamilya nya ang dumating.
Maya maya may nag text sa kanya kaya nagpaalam na ito sa kanila.
Isa lang ang nakalagay sa text, lumang factory at address nito.
Walang nakalagay kung kanino ito galing pero natitiyak nyang si Miguel ang may gawa nito.
Pagdating nya sa lumang factory, may nakita syang babae na nakaupo hawak ang dalawang binti at nakayuko.
'Sino 'to?'
'Hindi ito si Yasmin at mas lalong hindi rin sya si Issay!'
Pareho kasi ang pangagatawan ni Issay at Yasmin kaya natitiyak nyang ibang tao ito. Halatang may katakangkaran ang babae dahil sa mahahabang binti nito.
Kinuha nya ang flashlight at lumapit.
Si Yasmin kaya iyon pero bakit iba ang suot nya
Naramdaman ni Winnie ang liwanag at may papalapit sa kanya kaya sya nagtaas ng ulo.
'Winnie?'
Dirediretso lang si Anthon at nilagpasan sya.
Tuwang tuwa naman si Winnie ng makita sya. Agad itong tumayo at lumapit kay Anthon.
Winnie: "Anthon! Anthon! Mabuti at dumating ka!"
Habol nito kay Anthon.
Napaatras si Anthon ng malapit na si Winnie sa kanya at parang diring diri itong iniwasan sya.
Anthon: "Hindi ikaw ang pinuntahan ko dito, si Yasmin!"
Winnie: "Walang Yasmin dito ako lang! Nagpunta ka dito para sunduin ako diba?"
Anthon: "Pwede ba tigilan mo ako nandito ako para sa asawa ko at wala akong pakialam sa mga taong katulad mo!"
At pumasok na sya sa loob ng factory. Madilim sa loob dahil pinapatay ni Congressman ang switch.
Tinawagan nya si Joel.
Anthon: "Bunso..."
Joel: "Ano yun Kuya?"
Anthon: "Kailangan ko ang building plan ng lumang factory."
Dahil sa building plan, madali nitong nakita ang main switch. Pero nagulat sya pagbukas nya ng ilaw si Winnie ang makikita nya at may dala itong baril. Nakatutok sa kanya.
Winnie: "Kung hindi ka rin lang mapupunta sa akin, mas mabuti pang magsama na lang tayo sa kamatayan!"
Pero tininingnan lang sya ni Anthon na may pagka dismaya.
Dumating ang shadow guard ni Issay na kanina pa nasa labas at nagmamatyag. Dahan dahan itong lumapit kay Winnie at pinukpok sya ng dalang kahoy sa ulo sabay agaw ng baril saka itinali nila si Winnie.
Anthon: "Salamat!"
Tumango lang ng bahagya ang shadow guard. Hindi sya tutulong kungdi sinabi ng boss nyang si Miguel.
Hinanap nila sa buong building si Yasmin pero hindi nila nakita.
Shadow guard: "Baka nasa basement!"
Pagbukas nila ng basement, doon nila nadinig ang mahinang hikbi.
Anthon: "Yas?"
"Yasmin!"
Nagulat si Yasmin. May nadidinig syang tumatawag sa kanya.
Yasmin: "Si....Si... Anthon?"
"Si Anthon nga!"
Bulalas nito.
Simula ng ikinasal sila ngayon lang sya nasiyahan na makita ang asawa nya.
"Anthon!"
"Anthon!"
Nadinig sya ni Anthon kaya madali siya nitong nakita.
Kinalagan sya ni Anthon at ng maramdaman na muli ni Yasmin na naigagalaw na nito ang mga kamay nya, agad nitong inakap si Anthon. At humagulgol ng iyak.
Yasmin: "Anthon, ipangako mo sa akin! Ipangako mo, ililigtas mo si baby Gab! ililigtas mo si baby Gab!"
Please read my new novel
My Beautiful..... Me!
here's the link:
https://www.webnovel.com/book/15200899405384805/40804617126211558?utm_source=writerShare&utm_campaign=4301634036