webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 综合
分數不夠
213 Chs

Tantanan Mo Ako!

"Enzo, ba't ba lagi kang wala?"

Tapatin mo nga ako, may babae ka ba?"

Singhal ni Nelda sa asawa paguwi nito matapos mawala ng ilang araw.

Kinakabahan na sya dahil hindi ganito ang asawa. Sa tuwing aalis ito laging nagpapaalam pero ngayon basta na lang aalis at hindi na halos makausap.

Enzo: "Pagod ako Nelda, kaya pwede ba, tantanan mo ako!"

Sagot nito sabay talikod sa asawa.

Pero hindi sya tinigilan ni Nelda sinundan nya ito at tinalakan.

Nelda: "Bakit, masama na bang magtanong ngayon? Wala na ba akong karapatan na magtanong gayong ako ang asawa mo at ina ng mga anak mo?!"

Nairita na si Enzo lalo na ng madinig ang huli nyang sinabi

Enzo: "Gusto mong malaman kung nasaan ako?"

"Kung saan ako nagpupunta paguumaalis ako dito?"

"Pwes sasabihin ko sayo!"

"Nasa Maynila ako! Hinahanap ko ang anak ko, na hindi ko alam kung anak ba ang turing mo dahil ni minsan hindi mo man lang inaalala!"

Nagtaas na ng boses si Enzo.

'Sinong tinutukoy nito? Narito si Nicole kaya tiyak si Nadine yun!'

Nelda: "Bakit ako mag aalala kay Nadine? Ano na naman bang ginawa ng batang yun?"

Enzo: "Hindi mo alam? ...Hahh!"

"Magiisang buwan ng nawawala ang anak mo?"

"Naisip mo man lang ba na kamustahin simula ng umuwi tayo ni Nicole dito sa Zurgau?"

"Anong klase ka bang ina?"

Tama ang asawa nya, hindi nga nya ugaling tawagan o i-text man lang ang panganay nila kahit pa nuon, maliban na lang kung kasama nya si Nicole. Pero ngayong andito na ang bunso nya hindi na sya nagaalala kaya hindi na nya ito inaabala pa.

Nelda: "Bakit ba akong sinisisi mo sa pagkawala ng anak mo?! Anong kinalalaman ko sa mga kalokohang pinagagawa nya!"

Painit ng painit na ang ulo ni Enzo sa sinasabi ng asawa tungkol kay Nadine.

Enzo: "Kalokohan? Mga kalokohan?!"

"Ni hindi mo man lang inalam kung anong nangyari pero natiyak mo na agad na may ginagawa syang kalokohan?!"

Nelda: "Eh, di ba sabi mo nawawala, edi ibig sabihin naglayas yun!"

"Ngayon mo sabihin hindi kalokohan yun! Baka nga kung kani kanino lalaki lang sumama yun!"

Naalala nya ang sinabi ni Nicole na maraming tsismis na kumakalat sa opisina tungkol sa karumaldumal na ginagawa ng Ate nya.

Nagiinit na ang tenga ni Enzo, hindi na napigilan ang sarili. Sinampal nya si Nelda.

Enzo: "Hindi malanding babae ang anak ko!"

Nanlilisik ang mata nito sa galit ng tingnan ang asawa.

Nagulat si Nelda, ngayon lang sya sinaktan ni Enzo.

Nelda: "Bakit? Bakit mo ko sinampal?Anong kasalanan ko sa'yo?"

Enzo: "Ikaw ang dahilan ng paglalayas ni Nadine!"

Nelda: "Bakit ako? Anong kinalalaman ko dyan? Wala naman ako sa tabi nya at hindi ko alam ang mga pinaggagawa nya!"

Enzo: "Anong ginawa mo ng huli kayong magkita? Hindi ba sinaktan mo sya ng sinaktan!"

"Nang dahil sa kalupitan mo naospital ulit si Nadine kaya naglayas ang anak ko at hindi na muling nagparamdam simula nuon!"

Hindi ito alam ni Nelda. Buong akala nya nasa Maynila lang ito at maayos ang lagay.

Ni hindi nya alam na naospital na naman pala ito.

Nelda: "Ako ang nanay nya! Kung nasampal ko man sya dahil yun sa tinuturuan ko lang ng leksyon!"

"Dapat malaman ni Nadine

na sya ang panganay kaya responsibilidad nya ang kapatid nya! Obligasyon nyang ingatan si Nicole kahit anong mangyari, tapos malalaman ko sya pa ang unang mananakit sa kapatid nya!"

"At hindi dapat kung ano anong kalokohan ang pinagagawa nya! Hindi na sya nahiya lalo na kay Nicole!"

Enzo: "Tinuturuan o hinuhusgahan!"

"Ni hindi mo man lang tinanong ang bata kung anong nangyari, basta mo na lang sinaktan!"

"Anong klaseng katwiran yan?"

"Hindi mo alam ang buong kwento ni katiting na katotohanan wala kang alam sa nangyari hindi ba?"

"Kaya ikaw ang walang karapatang manakit dyan! At sa ginawa mo wala ka ring karapatan tawaging nanay nya!"

Galit na galit na sabi ni Enzo.

Sa ingay ng magasawa nadinig iyon ni Nicole at lumapit sya.

Nicole: "Pa, anong nangyari kay Ate?"

Nelda: "Nicole anak, anong ginagawa mo dito? Bumalik kana sa kwarto mo dali! Naguusap lang kami ng Papa mo!"

Pilit nitong itinataboy si Nicole sa palabas ng silid.

Pero lumayo si Nicole sa ina at lumapit sa Papa nya.

Nicole: "Pero Ma, gusto kong madinig kung anong nangyari kay Ate ba't ba lagi nyo na lang akong pinipigilan?"

Hindi nya maintindihan simula ng umuwi sila pinipigilan siya ng ina na lumapit sa ama. Lagi na lang syang pinapapasok sa kwarto nya. Pakiramdam nya para na syang preso simula ng bumalik silang Zurgau.

At nagtataka rin sya bakit hindi nya makontak ang kapatid.

Nelda: "Anak okey lang ang Ate Nadine mo, diba Papa?"

Nakikiusap ang tingin ni Nelda sa asawa.

Tiningnan ni Nicole ang ama gustong makasiguro sa sinasabi ng Mama nya.

Enzo: "Hindi ko alam, Nicole!"

"Wala akong balita sa kanya!" Isang buwan na syang nawawala! Ang huling lugar na nakita sya ay sa ospital pagkatapos saktan ng Mama mo!"

Nagtatanong nyang tiningnan ang ina.

Wala kasi sya nung nangyari yun nasa mall kaya hindi nya alam ang ginawa ng ina kay Nadine.

Lumapit si Nelda sa kanya at hinawakan ang kamay ng anak.

Nelda: "Wag kang magalala sa Ate mo, matibay yun kaya hindi basta basta maano yun!"

"Baka nga nasa mga kaibigan lang nya yun at nakikitulog!"

"Kaya sige na bumalik kana sa kwarto mo!"

At sinubukan ulit syang pwersahin palabas ng silid nila.

Pero kilala nya ang Ate nya hindi ito palakaibigan at si Edmund lang ang alam nyang kaibigan nya at hindi yun basta makikitulog dun.

Kaya san nagpunta yun?

Hindi pa rin sya umalis. Nagpumiglas ito sa ina at saka humarap sa Papa nya.

Nicole: "Pa, gusto ko pong malaman ang buong nangyari kay Ate Nadine!"

Enzo: "Halika!"

At sinama nito si Nicole palabas ng bahay palayo sa Mama nya.

Alam nyang humahabol si Nelda pero hindi sila makakapagusap ng maayos pag nasa paligid sya.

Kailangan nilang lumayo muna sa kanya, kaya dinala nya si Nicole sa bahay ng mga Lolo't Lola nya na magulang ni Nelda at Biyenan ni Enzo.

Enzo: "Pang, Mang, pwede ba namin kayong makausap? Importante lang ho!"

Bungad na niyang tanong sa mga biyenan.

Pang: "Tungkol ba saan? At nasaan si Nelda bat di nyo kasama?"

Mang: "Pumasok muna kayo at duon tayo magusap sa taas!"

Dinala sila ng magasawa sa "study room" dahil naramdaman ng biyenan nyang babae na mukhang napaka halaga ng pakay nila.

Pagkasara ng pinto.

Nicole: Pa, bakit nyo po ako dito dinala?"

Nagtakang tanong nya sa ama.

Enzo: "Dahil may kinalalaman ito sa Mama mo at kailangan ko ang permiso nila!"

Kinabahan ang mga biyenan nya. Nagkatinginan sila.

Ano ang ginawa ni Nelda?

Bakit galit ang nakikita sa mga mata ng asawa nya?