webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 综合
分數不夠
213 Chs

Sidekick

Pagdating ng Zurgau, nagulat si Enzo ng makita sa airport sa di kalayuan sila Miguel at Anthon. Mukhang nagbabangayan na naman.

Anthon: "Bakit andito, ka at anong pakay mo?"

Naiinis na tanong nito.

Miguel: "Gaya ng pakay mo!"

Anthon: "Teka, teka sandali lang, ako ang asawa baka nakakalimutan mo? Kaya natural lang sa akin na hanapan ko ng hustisya ang nangyari sa kanya!

E ikaw? ... Sino ka ba sa buhay nya?"

Miguel: "Ano ngayon kung asawa ka nya! Sa salita lang naman yun! Hindi pa naka rehistro ang kasal nyo kaya hindi pa kayo legal na magasawa!"

"Saka .... sino ka para pigilan ako sa gusto kong gawin?"

Kumukulo na ang dugo ni Anthon sa kausap pero batid nyang may alam ito kung saan pupunta dahil mas malawak ang koneksyon nito. Hindi kagaya nya na magsisimula pa lang magumpisa.

'Pag hinayaan ko ito tyak mas mauunahan nya ako!"

Anthon: "Ayaw kong makipagtalo sa'yo Miguel, tutal pareho naman ang pakay natin bakit hindi na lang tayo magsabay?"

Nababasa ni Miguel ang nasa isip ni Anthon.

'Ang kapal din ng mukha ng taong ito, gusto ng shortcut!'

Enzo: "Anong ginagawa nyong dalawa dito?"

Sabay na palingon ang dalawa ng madinig ang boses ni Enzo pero hindi ito huminto. Dirediretso lang syang dumaan sa gitna nila at nilagpasan sila.

Anthon: "Pre, hindi ko alam pupunta ka rin pala dito, sana nagsabay tayo!"

Habol ni Anthon sa papalayong si Enzo.

Miguel: "Sira! Magkakasabay talaga tayo, magkakaiba lang ang inupuan natin Kaya hindi tayo nagkita! Saka iisang eroplano lang ang nag landing!"

Sinabayan na rin nya ng lakad ang dalawa.

Anthon: "Bakit ka ba nakikialam, naguusap kami, di mo ba nakikita? Saka bakit ka ba sumusunod sa amin?"

Miguel: "Kelan naman kayo naging close na dalawa?"

Pero hindi sila pinapansin ni Enzo, tuloy tuloy lang ito sa paglakad hanggang sa makalabas ng airport. Luminga linga ito at ng hindi makita ang hinahanap, kinuha ang cellphone at tumawag habang patuloy sa pagbabangayan ang dalawa sa likod nya.

"Shhh shhh Shhh!"

Saway nito sa dalawa.

Enzo: "Asan ka na?.... Bilisan mo!"

Pagbaba nya ng phone nagulat syang nakatingin pareho sa kanya ang dalawa.

Enzo: "Alam kong pakay nyong pareho sa pagpunta dito pero .....

mas malaki ang atraso nila sa akin, kaya pwede ba ibalato nyo na sa akin ito?"

Miguel: "Naintindihan ko pare! Halika kumain muna tayo, mukhang wala pa naman ang sundo mo!"

At inakbayan nito si Enzo at isinama sa isang restaurant duon.

Anthon: "Hoy, teka naman antayin nyo ako!"

******

Sa restaurant..

Miguel: "Anong plano mo?"

Tiningnan sya ni Enzo.

Miguel: "Pangako hindi ako makikialam pero gusto kong tumulong! Sapat na sa akin na makita kung ano ang sasapitin nila!"

Anthon: "Ako din hindi makikialam pero wag nyo naman akong iwan!"

Enzo: "Hindi ka namin iniiwan dahil sa umpisa pa lang hindi naman tayo magkakasama!"

Anthon: "Ambilis nyo kasi dahil maliit lang ang dala nyong bag!"

Enzo: "Bakit ba ang dami mong dala magbabakasyon ka ba dito?"

Napatingin si Anthon sa bagahe nya at sa dala nilang isang backpack na tila walang laman sa gaan.

Anthon: "Gusto ko lang maging ready!"

Hindi kasi nya tyak kung hanggang kailan sya dito sa Zurgau kaya marami syang dala.

Enzo: "May itatanong ako sa inyong dalawa, sa tingin nyo ba matutuwa si Issay sa ginagawa nyong ito?"

Anthon: "Pre naman, pwede mo naman wag sabihin eh!"

Enzo: "Hindi ako makapaniwala kung papaano ka magisip! Kaya siguro nilayuan ka ni Issay!"

Anthon: "Teka? Ba't ako lang? Ayan si Miguel andito din, pareho lang kami ng pakay nyan!"

Miguel: "Wala akong malay sa sinasabi mo!"

Anthon: "Aba't ..."

Enzo: "Anthon, minsan ko lang ito sasabihin sa'yo, hindi porket ikaw ang mahal ni Issay ngayon ibig sabihin hindi na mawawala ang pagmamahal na iyon!"

Anthon: "Anong ibig mong sabihin?"

Enzo: "Hindi ba't sya ang una nyang minahal bago ikaw?"

Sbay turo kay Miguel.

Miguel: "Nanahimik ako dito, bakit nyo ba ako dinadamay sa pinaguusapan nyo?"

Enzo: "Sige salamat sa hapunan! Andyan na ang sundo ko!"

Sabay tayo at lumabas ng pinto.

Pag tayo nya sumabay na rin si Miguel.

Anthon: "Oy, teka teka! Sinong magbabayad nito?"

Miguel: "Ikaw! Ikaw ang huli e!"

At lumabas na ito ng restaurant.

Anthon: "Teka sandali lang!"

Pero nakalabas na ang dalawa sa restaurant.

"Andaya ng mga iyon!"

Pero wala syang nagawa kundi magiwan na lang ng pera sa waitress at umalis na, hinabol ang dalawa.

Sa bahay ng mga magulang ni Nelda nagtuloy si Enzo kasama nya ang dalawa nyang sidekick na si Miguel at Anthon.