webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 综合
分數不夠
213 Chs

Pusa

Kinabukasan.

Nagising si Belen sa bisig ni Gene. Nagulat sya ng maramdaman na wala itong suot na damit.

'Anong nangyari sa akin?'

Sinuntok nya si Gene na nuoy natutulog pa.

"Gumising ka! Ano na naman ang ginawa mo sa akin?!"

Tininingnan sya ni Gene at saka ngumiti.

Agad na bumangon si Belen dala ang kumot at binalot sa katawan.

Nanlaki ang mata nya ng makita ang buong katawan ni Gene na walang damit.

Gene: "Bakit ganyan ka makatingin? Parang ngayon mo lang 'to nakita!"

Belen: "Hmp!"

Nagbihis na ito at nagmamadaling iniwan si Gene na tumayo na at nagbihis na rin.

Kaso nakalailang hakbang pa lang sya ng may magpaputok sa kanya,

Si Oscar!

Oscar: "Hmm... Mukhang hindi pa patay ang pusa at mukhang nakahanap pa ng kalaro! Magaling, magagamit ko pa sya! Hehehe!

Nagtago si Belen at bumalik kay Gene at kinuha ang baril nito sabay habol kay Oscar.

Gene: "Oy! Teka, teka, antayin mo ako!"

Pero hindi sya pinakinggan ni Belen at hinabol lang si Oscar na maya't maya pinaputukan sya.

Oscar: "Naiirita na ako sa matandang 'to!"

Hindi nya alam na sinasadya ni Oscar magpahabol.

Takbo tago, takbo, tago ang ginawa ni Belen para hindi sya tamaan ng bala.

Malapit na sya sa baba ng bundok ng mapansin may mga armadong lalaking nagaabang sa kanya. Alam nyang wala na syang ligtas. Sa di kalayuan nakita rin nya ang mga tauhan nya.

Oscar: "Sabi ko na may magaantay sa akin dito, malamang mga tauhan ng Saavedra ang mga ito!"

Tumakbo na si Oscar patungo sa mga tauhan nya. Maubusan na sya ng bala at kailangan maabutan sya ni Belen bago sya makita ng mga armadong lalaking ito.

Kumaripas na ito palayo sa kanila at ng pormang tatalon na ito, bigla syang binaril ni Belen sa balakang at sa braso na may hawak ng baril.

Napanganga si Gene ng makita kung paano bumaril si Belen.

'Wow! Ang ganda ng tindig nya, pati sa pag hawak ng baril! Nakaka in love!'

Hindi na nagawang gumanti ng putok si Oscar. Nabitawan nya ang dalang baril at ng subukan nyang kunin nakalapit na sila Belen.

Oscar: "Hehehe! Mukhang na miss mo ako ah!"

Malamang gusto mo na akong patayin ngayon pero hindi mo magawa dahil natatakot ka?"

"Hahaha!"

"Sige nga iputok mo nga, hehe!

Ba't dimo pa ko patayin?"

Belen: "Wala akong planong patayin ka!

Para ano?

Para matakasan mo ang batas?

Kailangan mo pang mabuhay para pagbayaran ang mga kasalanan mo!"

Kung gusto mo talagang mamatay bat dimo gawin? Bat kailangan may gagawa pa sa'yo?"

Sabay ngisi ni Belen.

Alam nyang hindi magagawa ni Oscar magpakamatay dahil duwag ito. Pero hindi nya rin gusto ang makulong sa mga kasalanang ginawa nya.

Nabigo si Oscar sa plano nya na kapag na sukol sya si Belen ang gagamitin nya para patayin sya nito. Hindi nya inaasahan sa huli na bubuhayin sya ni Belen.

Sa di kalayuan nadinig ng mga armadong lalaki ang putok ng baril at nakita nila si Belen at Oscar. Agad na nagtungo duon ang tiyuhin ni Miguel para tulungan si Belen.

Belen: "Tito, kayo na po ang bahala sa kanya siguraduhin nyong mabubuhay pa sya para pagbayaran ang mga kasalanan nya!"

Pagkatapos ng mga pangyayari hindi na muling nakalakad si Oscar at nahatulan sya ng habang buhay na pagkabilanggo.

******

Sa kabilang dako.

Nagkalat na sa social media ang video ni Winnie at nakarating na rin ito sa tiyuhin nya.

Sunod sunod na tawag ang natanggap nya para matiyak ng mga taong nakakakilala sa kanilang magtiyuhin ang nagtatanong kung si Winnie nga ba iyong nasa video.

Galit na galit si Congressman ng makita ang video.

"Hindi man lang nya ako binigyan ng kahihiyan pati pamilya ko!" "Hinahayaan ko na nga syang gamitin ang pangalan ko para takasan ang mga kalokohan nya tapos eto pa igaganti nya sa akin! Walanghiyang babaeng yan!"

Natuwa naman ang mga babaeng inabuso nuon ni Winnie. Hindi lang pala si Vanessa marami sila.

Pagkakataon ito para makaganti sa kanya. Pinasa nila sa marami ang video para hindi agad ito mawala sa trending at sinigurado nilang paguusapan ito ng matagal.

Nakarating na rin kay Anthon at Issay ang video. May nag share na isang kaibigan ni Anthon na piloto pero hindi na nila pinansin.

At si Congressman, hindi pa rin makontak si Winnie kaya nagpadala ito ng tauhan para hanapin sya at para maiuwi ng Maynila.

Pero mas mabilis si Gob. inalis nya agad sa isla si Winnie at dinala sa isang clinic. Hindi pa oras para magkita sila ng tiyuhin nya.

Kung makukulong man si Winnie dapat sa distrito nya kaya isinama nya ito paalis para siguradon hindi ito makakatakas.

Anthon: "Mukhang pwede na tayong pumunta ng Davao!"

Nakangiti nitong sabi kay Issay.

Wala na silang gagawin dito at hahayaan na lang nya ang batas sa kaso ni Winnie.

Bago umalis tinawagan ni Issay si Vanessa at Tess at nalaman nya ang panggugulo ni Roland.

Issay: "Wag mo syang intindihin, hayaan mo syang magingay! Yan nga ang gusto ko para sya mismo ang maglubog sa sarili nya!"

Hindi na nya ikinuwento ang nangyari sa kanya at baka magalala pa sila, wala pa kasi silang balita kay Belen at ayaw nyang makadagdag pa sa alalahanin nila.

Pero bago makarating ang mag kasintahan sa Davao, nalaman din nila Vanessa ang nangyari kay Issay.

Nang hindi makita ni congressman ang pamangkin, nagaalala na ito lalo't nalaman nya na asawa ni Gob. Santiago ang nasa video.

Nagpalabas sya ng statement na hindi nya alam ang ginagawa ng pamangkin at gusto nya itong tulungan pero hindi nya makita dahil bigla itong nawala at hindi alam kung nasaan. Kaya humingi sya ng tulong sa mga tao na hanapin sya.

Dahil sa pahayag na iyon ni congressman marami tuloy nagisip na baka tinatago ng asawa ni Gob ang pamangkin nya.

Agad naman naglabas ng statement ang Chief sa maaring dahilan ng pagkawala ni Winnie. Sinabi nito na kasalukuyang pinaghahanap nila si Winnie sa dalawang kaso. Ipinakita din nila ang mga ebidensya na magdidiin sa kanya.

Walang magawa congressman si kung hindi manahimik. Lalo syang masisira kapag nagpatuloy pa sya. Mahal nya ang pamangkin pero sobra na itong ginawa nya. Kailangan din nyang isipin ang pamilya nya na naapektuhan na ng pangyayaring ito.

At habang nangyayari ang lahat ng ito, papuntang airport na si Issay at Anthon. Pupunta silang Davao kung saan may malaking sorpresa si Anthon para kay Issay.