webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 综合
分數不夠
213 Chs

Pangitain

Gabi madilim.

Nagising si Issay sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya.

Wala syang makita sa sobrang kadiliman.

Maya maya ng masanay na ang mga mata nya sa dilim, saka lang nya napansin na tila nasa isang garahe pala sya na walang bintana at isa lang ang pinto ngunit nakasara ito at hindi nya alam kung paano buksan dahil walang door knob.

Pinilit nyang maghanap ng paraan para makalabas pero wala syang makita. Tanging maliit na siwang lang ang napansin nya.

Sinubukan nyang sumilip sa siwang para malaman kung nasaan sya o kung may tao ba sa labas, pero wala.

Tila nasa isang abandonadong lugar sya.

Pagsilip nya ulit napansin nyang parang may gumagalaw sa malayo. Hindi nya masyadong maaninag ito pero mukhang palapit dito. Kinakabahan sya pero gusto nyang malaman kung ano ito.

Gumagalaw ang tila anino ng isang tao at habang papalapit, napansin nyang tila parang pamilyar sa kanya ang hugis ng mukha at kilos ng aninong ito.

Nang tamaan ng liwanag ng buwan ang mukha ng anino, doon nya napagtanto kung sino ito.

"Anthon?"

Natuwa sya ng makita si Anthon.

"Anthon, Anthon!"

Sigaw nito, pero parang hindi sya naririnig nito. Me kalayuan kasi.

'Anong gagawin ko para malaman nya na andito ako?'

Sumulip ulit sya at napansin nyang parang may isa pang aninong sumusunod kay Anthon.

"Si...sino yon?"

Sinilip nyang mabuti ang kasunod ni Anthon at hindi nya namumukhaan ito. May hawak itong palakol at sinusundan ng dahan dahan si Anthon.

"Jusko, si Anthon! Anong gagawin ko?!"

Natataranta na sya at tila hindi na makahinga ng makita nyang itinaas ng sumusunod kay Anthon ang palakol nya.

Nagsisigaw si Issay pero walang lumalabas na tinig sa bibig nya. Patuloy sya sa pagsigaw kahit walang lumalabas na tinig.

Pakiramdam nya para syang nalulunod sa kasisigaw.

"Issay, Issay!"

Natatarantang sigaw ni Vanessa sa kanya.

Kanina pa nya ito niyuyugyog para magising.

"Haahh... haaahh... haaah!"

Humihingal si Issay pagkatapos maidilat ang mata.

Dali daling kumuha ng tubig si Nicole na nagising na rin sa mga ungol ni Issay kanina.

Nang mahimasmasan, napansin ni Issay na umiyak pala sya habang natutulog.

Ngayon lang sya nagkaroon ng ganitong kasamang panaginip.

'Ano ba iyon, isang bangungot o isang pangitain?'

Vanessa: "Okey ka na ba Sis?"

Sumagot lang ng tango si Issay dahil ramdam nyang wala pa syang lakas kahit magsalita.

Nababalutan pa rin ng takot ang buo nyang katauhan kaya pagkatapos noon ay nahiga ulit ito para magsibalik na rin sila Vanessa at Nicole sa pagtulog, pero hindi na nya muling magawang ipikit ang mga mata nya.

'Isang buwan na mahigit na hindi ko sya nakikita at kahit anong paramdam ay wala! Bakit kaya?'

Oo aminado syang hindi pa nya kayang makita ng malapitan si Anthon, pero hindi ibig sabihin hindi sya nagaalala.

Mahal pa rin naman nya ang taong yon at umaasa pa rin syang darating ang panahon na magagawa din nyang maging maayos sila kahit papano.

'Ano na ang nangyayari sa'yo Anthon? Bakit ka pumapasok sa panaginip ko?'

Inisip nya ng inisip ang napanaginipan nya hanggang napagod sya sa kaiisip at muling nakatulog. Tinanghali tuloy sya ng gising. Pero paggising nya, nakalimutan na nya ang masamang napanaginipan nya.

Issay: "Bakit hindi ninyo ako ginising?"

Tanong nito kay Nicole na iinat inat pa.

Nicole: "Sabi po kasi ni Ate Vanessa huwag ko kayong gisingin para makapahinga raw po kayo ng maigi!"

Issay: "Asan si Vanessa, nakaalis na ba?"

Nicole: "Opo, Nanay Issay!"

Simula ng naging close na si Issay at Nelda, ito na ang tinawag nya kay Issay. Utos ito ng Mama nya sa kanya.

Issay: "Anong oras ba ang dating ng Ate Nadine mo?"

Nicole: "Alas kwatro daw po!"

Pagtingin nya sa oras, magaalas dose na.

'Tanghalian na pala itong kinakain ko!'

Issay: "Sige, maliligo na ako para makapaghanda na, ikaw maghanda ka na rin!"

Hindi pa kaya ni Nelda na magbiyahe at madali itong mapagod. Kaya lagi pa rin syang nasa bahay at ang kapatid nyang si Egay ang tumutulong sa kanya sa trabaho nya sa opisina.

Si Enzo naman ay ayaw nyang payagan na sumundo kay Nadine kaya sila Issay at Nicole ang pinakiusapan ni Nelda.

Labag man sa kalooban ni Issay dahil madami syang ginagawa, pumayag na rin ito. Nahalata nya kasing na nakakaramdam ng takot si Nelda ngayong magkikita na silang mag ina.

Kahit na nagka ayos at nagkaka usap na ang mag ina sa video chat, iba pa rin ang pakiramdam ngayong magkikita na ulit sila. Magka halong pananabik at takot ang nadarama nya.

"Sana maging maayos na ang relasyon naming mag ina!"

Minsang sabi ni Nelda kay Issay.

"Magiging maayos ang relasyon ninyo kung hindi ka magiging praning!"

Sagot nito kay Nelda.

Issay: "Nicole, bilisan mo na dyan at baka matrapik tayo! Iiwanan na kita!"

Nicole: "Teka po Nay, huwag nyo po akong iwan!"

Dali dali itong tumakbo pababa ng hagdan para habulin si Issay.

Pagagalitan pa sana ni Issay si Nicole pero biglang bumukas ang pinto kaya napatingin sila pareho.

Sabay silang nagulat at hindi makapaniwala ng makita kung sino ang biglang dumating.