webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 综合
分數不夠
213 Chs

Pain

"Mama Fe baka po busy si Issay."

Paliwanag ni Vanessa kay Mama Fe ng magpumilit itong magpunta sa hotel para dalhan si Issay ng lugaw.

Mama Fe: "Ibibigay ko lang ito sa kanya pero hindi tayo magtatagal. Mukhang maselan ang sikmura ni Issay nitong mga nagdaang araw kaya ko sya pinagluto ng lugaw."

May ngiti sa labi si Mama Fe. Nasa isip nito na baka buntis si Issay kaya laging walang ganang kumain.

Pero iba ang nasaisip ni Vanessa at Joel, ramdam nilang dalawa na may malala itong karamdaman. Kung hindi lang matigas ang ulo ni Issay, nadala na sana nila ito sa duktor kanina.

Vanessa: "Sige Mama Fe, dumiretso na lang po tayo sa silid nya, binigyan naman nya ko ng duplicate. Hindi po kasi sya sumasagot sa mga tawag at text ko!"

Paglabas nila ng elevator, may nadinig silang tila sigaw ng isang babae. Hindi nila sigurado kung ano yun pero nagkatinginan silang dalawa at parehong kinabahan kaya nagmamadaling hinanap ang numero ng silid ni Issay.

Pagbukas nila ng pinto bumungad sa kanila ang nakakapangilabot na tagpo. Natulala sila.

Nakadagan si Anthon sa ibabaw ni Issay na nakatali, umiiyak at nagmamakaawa sa kanya.

Issay: "Hindi ko na kaya Anthon, maawa ka....aaahhh ... masakit talaga ang tyan ko ahahahaaaaa... aahhhh!!!

Pero tila walang naririnig si Anthon, patuloy lang ito sa pwersahan pag angkin kay Issay, hindi namamalayan na may pumasok na sa silid.

Nang mahimasmasan ang dalawa dahil sa tili ni Issay agad nilang nilusob si Anthon upang pigilan ito sa ginagawa nya.

Ang pinaglalagyan ng lugaw na dala nila ay paulit ulit na inihampas ni Mama Fe sa kanya. At ang sapatos ni Vanessa ang ginamit naman nya.

Tumigil si Anthon ng bumuhos sa katawan nya ang isang mainit na bagay, pero hindi pa rin tumigil sa pag hampas sa kanya si Mama Fe at Vanessa hanggat hindi umaalis ito sa pagkakadagan kay Issay.

Nainis si Anthon at susugurin na sana nya ng suntok ang mga pakialamero pero tumigil ito ng mapansin ang kanyang ina.

Nang makilala ang ina, saka lang ito bumalik sa katinuan at umalis sa pagkakadagan kay Issay.

Pagkaalis ni Anthon, agad na nilapitan ni Vanessa ang kaibigan at kinalagan ito sa pagkakatali habang pinagagalitan ni Mama Fe si Anthon.

Issay: " Sis, dalhin mo ako sa ospital, hindi ko na kaya! Ahhh!"

Napatigil sila ng makita ang pamimilipit ni Issay sa sakit. Hawak nito ang tiyan at umiiyak at nagmamakaawang dalhin sya sa ospital habang pagulong gulong ito, hindi maintindihan ang gagawin kung paano pipigilan ang nararamdamang sakit.

Issay: "Ahhh... a aaahhh h...."

Awang awa si Vanessa sa kanya.

Vanessa: "Oo sis dadalhin na kita sa ospital!"

Kinuha nito ang bathrobe at isinuot sa kaibigan at saka nya inakay ang kaibigan palabas ng silid.

Nang mahimas masan si Anthon, agad nitong kinuha ang damit at nagbihis para sundan si Issay pero pinigilan sya ni Mama Fe.

Mama Fe: "San ka sa akala mo pupunta? Kay Issay? Para ano, para saktan sya?"

Anthon: "Ma, nakita mo naman kailangan ako ni Issay!"

Sinampal nya si Anthon.

Mama Fe: "Kailangan? Hah?!

Kanina pa sya sa'yo nagmamakaawa pero pinansin mo ba? Hindi! Nagpatuloy ka pa rin sa kahayupan mong ginagawa!

Tapos ngayon sasabihin mong KAILANGAN KA NYA!!!

Tinanggap nya ang galit ng ina.

Gigil na gigil ito sa kanya.

Mama Fe: "Bakit Anthon?

Bakit mo ito ginagawa kay Issay?

Akala ko ba mahal mo sya?

Akala ko nirerespeto mo sya bilang babae kaya bakit mo ito nagawa sa kanya?"

Umiiyak na ito hindi matanggap ang ginawa ng anak.

Hindi tumitigil si Mama Fe sa pagsampal kay Anthon pero tahimik lang nya itong tinanggap.

"Anong klaseng tao?

Tao ka pa ba? Halimaw lang ang gumagawa ng ganyan!"

"Hindi kita pinalaking ganyan kaya bakit ka nagkakaganyan?

Wala kang karapatan maging asawa ni Issay kung patuloy mo lang syang sasaktan!"

Nagulat si Anthon ng madinig ito sa ina.

Anthon: "Hindi! Hindi Ma, bakit pati kayo hindi ninyo ako naiintindihan!"

Mama Fe: "Anong gusto mo hayaan ko ang kawalang hiyaan mo?!

Oo anak kita! Kaya hindi ko kukunsintihin ang mga kawalanghiyaan ginagawa mo kay Issay!"

Tumayo si Anthon at isinuot na ang natitirang damit. Hindi na sya makakatagal pa dito kailangan na nyang umalis upang sundan si Issay. Kung pati ang kanyang ina hindi na sya maintindihan, wala ng saysay na makinig pa sya.

Mama Fe: "Hoy saan ka pupunta? Hindi pa ako tapos sa'yo!"

Pero nilagpasan lang sya ni Anthon.

Mama Fe: "Ikaw ang papatay sa akin bata ka!"

Hinabol sya ni Mama Fe at hinawakan sa balikat para pigilan.

Mama Fe: "Tumigil k .....!

BLAG!

Nagulat si Anthon ng biglang bumagsak si Mama Fe sa harapan nya.

Anthon: " Ma! ... Mama! Gumising ka Ma!"

Kinarga nito ang ina at inilabas ng silid saka humingi ng tulong sa isang staff na nakasalubong nya.

Anthon: "Tulong, nawalan ng malay ang Mama ko!"

"Dalhin po natin sa Clinic para mabigyan ng lunas!"

Pagdating sa Clinic.

Anthon: "Nurse, pwede bang iwan ko muna ang Mama ko, kailangan ko lang sundan ang asawa ko!"

Nurse: "Sir hindi po pwede! Hindi po maaring manatili ang Mama nyo dito, kailangan na po syang madala agad sa ospital ang nanay nyo. Mukha pong na stroke sya!"

"Dito lang po kayo at samahan sya, tatawag lang ako ng ambulansiya!"

Natulala si Anthon sa nadinig.