webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 综合
分數不夠
213 Chs

Pagsabog

Sa tuwing magpapa annual check up si Belen lagi syang binibiro ng duktor nya. Si Doc. Drew.

Matagal na nyang duktor si Dr. Drew kaya alam nitong binibiro lang sya ng duktor at kung minsan sinasakyan nya ang biro nito.

Dr. Drew: "Madam seryoso ako buntis ka!"

Belen: "Pero pano nga nangyari yun Doc? Ipaliwanag mo!"

Napakamot sa ulo si Doc.

'Kailangan ko ba talaga ipaliwanag yun hindi pa ba nya kabisado kung paano ginagawa?'

'Kaloka 'tong si Madam!'

Doc Drew: "Madam, ganun ho talaga pag madalas kayong nag e-exercise ng partner nyo sa kama, nag bubunga ho talaga yan!"

Gustong magtago ni Belen sa kahihiyan ng maintindihan ang ibig sabihin ni Doc. Saka lang sya naniwalang buntis sya.

Doc Drew: "Madam, hindi ba kayo natutuwa? Magandang balita ito!" Matagal nyo ng gustong magkaanak diba?"

Tama si Doc, matagal na nyang gustong maranasan maging isang ina! Ang mag silang at magkaanak na matatawag nyang kanya!

Naluha sya sa galak ng marinig ito pero natakot sya sa huli. Kaya pa ba ng katawan nya?

Belen: "Doc makakaya ko ba? Nakunan na ako minsan pano kung ...."

Doc. Drew: "Malaki nga ang risk pero makakaya nyo pa naman Madam, hindi pa kayo gurang! Saka mas makabubuting mag bed rest kayo para hindi kayo ma stress!"

'Pano ito? Pano ko sasabihin kila Issay na kailangan kong tumigil sa trabaho? Makakaya na ba ni Issay mag isa ang kompanya?'

Anong gagawin ko?'

Napansin ni Doc na nagpa panic si Belen.

Doc. Drew: "Wag kayong magaalala Madam, mas moderno na tayo ngayon, pero mas makakabuting malaman din ng kapartner nyo ng sa ganun makapag ingat ito kapag nag e exercise kayo!"

"Sino po ba yung lucky Daddy to be?"

Napakunot ang noo ni Belen ng maalala si Gene.

*******

Sa isang restaurant sa kamaynilaan, may nagaganap na isang okasyon mula sa Ledesma Corp.

Isa itong charity event na pinamumunuan ng bago nilang presidente na si Ortiz.

Bilang pagsuporta, naruon din sa kaganapan lahat ng board members nila at pati may matataas na posisyon sa Ledesma Corp.

Ito ang naisipan nilang gawin para gumandang muli ang pangalan ng Ledesma Corp.

Malaki ang ibinaba ng sales simula ng lumabas ang issue ni Roland at patuloy pa ito sa pagbaba. Kaya kailangan may gawin sila para hindi madamay ang kompanya.

Nasa ayos ang lahat maliban na lang sa isang maliit na bagay. Si Rowena Lopez ang anak ni Roland.

Walang nakakaalam ni isa sa kanila na mag ama sila ni Roland kaya madali nitong nakuha ang loob ng buong board. Nagawa din nitong mapalitan ang matagal ng assistant ni Ortiz, kaya alam lahat nito ang pina plano ng boss nya at kung minsan sya pa ang nagbibigay ng suhestyon gaya nitong charity events na ito.

Dahil sa tiwala ang buong board, sa kanya pinag katiwala ang pagpaplano sa nasabing okasyon.

Walang nagduda sa kanya na may iba din syang pinaplano. Siniguro nyang anduon ang lahat para mas matagumpay ang kalabasan nito.

Walang kamalay malay ang lahat ng naruon ng biglang may sumabog, at ang kaninang masasayang tawanan ay nawalang bigla.

Walang natira sa buong building, gumuho ito lalo na ang bahaging pinagmulan ng events at walang makapagsabi ng tunay na dahilan.

Malapit lang sa opisina ni Issay ang pagsabog kaya naramdaman din nila ang pagyanig.

Issay: "Anong nangyari? Lumindol ba?"

Tess: "Parang hindi may usok sa banda ron!"

Turo nito sa lugar ng pagsabog.

Nag me meeting sila ng mga oras na iyon para sa paghahanda sa darating na anibersaryo ng LuiBel company.

Agad na nagbukas ng TV si Edmund.

"Breaking news: May pagsabog sa kamaynilaan na naganap ngayon at inaalam pa kung sino ang mga nakaligtas. Inaalam pa rin kung ano ang pinagmulan ng nangyaring pagsabog."

Issay: "Edmund, magpatawag ka ng engineer para tumingin sa building natin saka Tess kailangan natin ng bagong venue!"

Belen: "Saan tayo hahanap sa mga oras na ito? Dalawang linggo na lang anibersaryo na!"

Issay: "Kung wala kang makita kahit sa malayo rito sa Maynila kahit sa isang resort sa bulacan o sa pampangga basta masiguro lang natin ang kaligtasan ng lahat!"

Breaking News: "May isang natagpuan nakaligtas sa pagsabog at kasalukuyan itong dinala sa ospital para matingnan."

"Napagalaman din na isang charity events ang nagaganap na pinamumunuan ng Ledesma Corp., sa nasabing restaurant at hindi pa natitiyak kung ano ang pinagmulan ng pagsabog."

Kinabahan ang lahat ng madinig korporasyong pagaari ni Roland. Hindi nila maiwasan magisip kung may kinalaman ba dito si Roland.

Kinabukasan, nasa balita, na ang bagong presidente ng kompanya na si President Ortiz at lahat ng board members pati na mga ibang matataas sa pwesto ng Ledesma Corp ay namatay sa pagsabog at ang sinasabing posibleng dahilan ay sa kapabayaan.

Nagmula daw ito sa isang microwave oven na sumabog at lumaki dahil sa mga naka bukas na kalan.

Marami ang namatay at karamihan ay mga bata.

Ang nakaligtas na si Rowena Lopez ay nagkataong lumabas nuon dahil inutusan daw sya ng boss nya na bumili ng cake dahil hindi nakarating ang mga magician na inimbitahan.

Ayon sa kanya papasok na sya dala dala ang biniling cake ng biglang may sumabog at umitsa sya sa labas kaya nagtamo ito ng sa ulo at kasalukuyan na ginagamot pa sa ospital.

Kinilabutan silang lahat ng madinig ang balita at kahit na sabihing kapabayaan ang dahilan hindi nila mapigilang magduda kay Roland.

Edmund: "Kailangan doblehin natin ang pagiingat sa anibersaryo! Pano kung gumawa na naman ng kalokohan si Tito Roland?"

Natakot si Belen ng maala ang baby nya kaya biglang sumakit ang tyan nito at inilusob sya sa ospital.

Doc Drew: "Madam, sabi ko naman sa inyo magiingat kayo, delikado yang pagbubuntis nyo!"

Edmund, Issay, Tess: "Buntis ka???!!!"

Doc Drew: "Oh, wag nyo kong tingnan ng ganyan hindi ako ang ama nyan?"

"Sino?"

Doc Drew: "Aba malay ko kung sinong kasama ni Madam mag exercise!"

"????"

Pakiramdam ni Belen gusto nyang maglaho ng mga sandaling iyon. Gusto nyang maghukay ng butas at ibaon ang sarili nya sa kahihiyan.