Simula ng umalis si Nicole sa Zurgau, marami na syang dinanas na hirap na hindi nya pa naranasan sa buong buhay nya.
Makailang beses syang palipat lipat ng trabaho at ng tirahan dahil walang magtiyaga sa kanya.
Pero unti unti syang naging pasensyoso at unti unti nyang natutunan ang hirap ng buhay.
Masasabing malaki na ang pinagbago nya. Wala na ang pagiging arogante at spoiled brat nito at makakakita ka na rin ng kababaan ng loob. Marunong na syang magingat sa mga taong nakakasalamuha nya.
Pero hindi ibig sabihin ay mawawala na rin ang kapilyahan nya at ang pagiging palaban lalo na kung alam nyang nasa tama sya.
Kaya kung minsan hindi maiwasan na mapagalitan ito ni Madam Zhen kapag nakikipagaway ito sa mga namimili. Pero kahit pinagagalitan sya nito hindi sya sumasagot o lumalaban sa boss nya.
Iba kasi pag pinagagalitan sya ni Madam Zhen, hindi nito pinararamdaman sa kanya na sya ang boss at tauhan ka lang na dapat makinig sa sasabihin nya. Bagkus ay para itong isang ina na pinakikita kung bakit sya nagkamali.
Ito ang dahilan kay sya nagtagal dito dahil masaya sya at nararamdaman nya na pamilya ang turing sa kanya.
Ang problema nya lang ngayon ay ang pambayad nya ng renta. Lagi kasi syang nade delay sa pagbabayad at lagi syang binubulyawan ng kasera nya bagay na yamot na yamot sya.
Hindi nya rin kasi maiwasan ma delay dahil hindi sya marunong magbudget. Pagdating ng pera kung ano ano ang binibili at nakakalimutan nya ang mga obligasyon nya kaya kinakapos.
Isang araw inutusan sya ni Madam Zhen na pumunta sa apartment nito dahil may iniutos ito sa kanya.
Ito ang paraan ni Madam Zhen na pagtulong sa kanya pag kinakapos ito. Uutusan nya ng kahit ano tapos ay babayaran nya ang pagod nito.
Palabas na sya ng makita nya si Issay na hinahatid ni Anthon. Napatigil ito.
Madam Zhen: "Hoy! San ka ba nakatingin?"
Nicole: "Ho? wala ho nagandahan lang ako sa kotseng dumating!"
Sinilip ni Madam Zhen ang tinutukoy nitong kotse.
Madam Zhen: Ahh!... Kay Anthon yan yung boyfriend nung isang umuupa ng apartment sa dulo!"
"O, sige na at gagabihin ka na, tapusin mo na agad yan para makapagbigay ka na ng upa sa kasera mo at baka palayasin ka na nun!"
******
Kinabukasan linggo.
Nagulat si Issay ng makitang may pinagagalitan si Madam Zhen.
Kilala ni Issay ang mga anak ni Madam Zhen dahil close ang mga ito sa kanya kaya lumapit sya dito sa pag aakalang isa iyon sa mga anak nya.
Madam Zhen: "Sabi ko sa'yo magbayad ka agad ng upa sa kasera mo kung ano ano ang inuuna mo!"
Sabi ni Madam Zhen habang pinipingot ang tenga ng bata.
"E, last day sale na po kasi yun at wala na po akong masuot!"
Issay: "Madam Zhen, tama na po!"
Agad na inihiwalay ni Issay ang bata sa kasera at nagulat sya ng makilala nya kung sino iyon.
Issay: "Nicole? Anong ginagawa mo dito?"
Madam Zhen: "Magkakilala kayo?"
Issay: "Kapatid po sya ni Nadine! Buti pa doon tayo sa loob ng apartment ko magusap!"
Pagdating sa apartment ni Issay,
Madam Zhen: "Oonga may hawig nga kayo ni Nadine!"
Issay: "Ano ho bang nangyari ba't sinasaktan nyo si Nicole?"
Madam Zhen: "Yan ang bago kong tindera at dun sya nangungupahan kay Melda! Kilala mo naman si Melda kung gaano kalupit sa boarder nya, pag hindi ka nagbayad tyak na itatapon sa kalsada ang mga gamit mo!
E, Nakalimutan na naman nitong magbayad kaya ayun nagtatalak dun, kaya pinakiusapan ko para hindi matutulog sa labas yan!"
Issay: "Bat hindi ka nakapagbayad?"
Tanong nito kay Nicole.
Pero hindi sya sinagot ni Nicole dahil hindi nito alam kung ano ang intensyon ni Issay.
Naalala pa nya ang mga ginawa nya dito nung nasa kompanya pa sya.
Madam Zhen: "Last day sales daw kaya ayun binili ng damit ang pera!"
"Hindi naman ako nagagalit dahil namili sya ng damit, totoo naman kasing wala na syang maisuot pero ayaw ko lang naman mawalan sya ng matitirhan!"
Hindi na kasi nabalikan ni Nicole ang ibang gamit nya sa dati nyang inuupahan dahil inaabangan sya ng mga kasamahan nya sa huli nyang pinagtrabahuhan. Sya kasi ang dahilan kaya nagsara ang restaurant na iyon at nawalan sila ng trabaho.
Pagkadinig ng paliwanag ni Madam Zhen, tumayo si Issay.
Issay: "Tara! Puntahan natin si Melda!"
Madam Zhen: "Teka Issay mag hunus dili ka!"
Pero wala na syang nagawa kundi sundan sila dahil hawak na nito ang kamay ni Nicole at papunta na sila sa bahay ni Melda.
Pagdating nila sa bahay ni Melda, nasa ibaba na ang mga gamit nito at handa ng iitsa sa kalsada ng may humawak sa kamay nya.
Issay: "Subukan mong gawin yan at magkakalintikan tayo!"
Napaurong si Melda ng makitang si Issay ang nasa harap nya.
Melda: "Issay, ano bang atraso ko sa'yo at nadito ka sa bahay ko?"
Issay: "Wala pa! Pero pagtinapon mo yan meron na! Gusto mo bang magka atraso sa akin?"
Umiling ito. Malaki ang takot nito kay Issay dahil alam nya kung paano magalit ito. Ang huling beses na sinubukan nyang saidin ang pasensya nito naubos ang pera nya at nalubog pa sila sa utang!
Issay: "Nicole, tingnan mo kung kumpleto ang gamit mo at sabihin mo sa akin pag kulang!"
Melda: "Kilala mo ang batang yan?
Yan lang talaga ang gamit nyan sigurado ako! Siya pa nga ang
malaki ang pagkakautang sa akin!"
Issay: "Magkano ba ang utang nya sa'yo?"
Melda: "Dalawang buwan pwera pa ang share nya sa tubig at ilaw!"
Issay: "Eto sinobrahan ko pa! Siguro naman wala na syang utang sa'yo mula ngayon?"
Kinuha na ni Melda ang pera. Hindi nya akalain na kilala pala ng batang ito si Issay, kung nalaman lang nya hindi nya tatanggapin ito.
Magkatulong si Nicole at Madam Zhen na inilalagay ang mga gamit nito sa isang bag.
Nagulat si Issay ng mapansin na iilan lang ang damit nito.
'Anong nangyari sa batang ito?'
Issay: "May kulang ba?"
Umiling si Nicole.
Madam Zhen: "Halika na umalis na tayo dito!"
Issay: "Aalis na kami Melda, sabihin mo na kung may problema ka pa sa kanya. Pagkatapos nito pag may narinig pa ako mula sa'yo malilintikan ka sa akin!"
Melda: "Wala Issay! Nakuha ko na ang utang nya kaya wala na tayong pagusapan!"
At tumalikod na sila.
Nicole: "Madam, san ako titira ngayon?"
Malungkot na sabi niya.