Habang nasa panganib si Issay at Belen, nakikita naman ito ni Roland na magandang pagkakataon para muling bulabugin ang LuiBel company.
Nagpa interview sya upang ipaalam sa lahat na siya ang tunay na may ari ng kompanya.
Roland: "Matagal na akong nanahimik pero kailangan ng lumabas ang katotohanan!"
"Eto ang katotohanan at kayo na ang humusga!"
Ipinakita nito sa kamera ang hawak nyang papeles.
Nagpupuyos sa galit si Edmund. Bakit ba sumasabay pa itong surot na ito.
Edmund: "Ang kapal talaga ng mukha nya!"
Mabuti na lang nasa tabi nya si Uncle Rem.
Uncle Rem: "Wag kang magalit apo! Tandaan mo ito, wag na wag mong ipapakita kahit kailan ang nararamdaman mo sa kaaway mo!"
"Ang mga taong katulad ni Roland ay hindi mahalaga kaya hindi na dapat bigyan ng atensyon!"
"At isipin mo ang mga mahal mo sa buhay bago ka kumilos!"
'Tsk, tsk, tsk!'
'Masyado pa talaga syang bata kaya madaling magpuyos ang damdamin! Kailangan ng gabay kung hindi mapapahamak sya at ang pinaghirapan ni Luis sa kinikilos nya!'
Huminahon si Edmund medyo napahiya sa Lolo Rem nya.
Edmund: "Naintindihan ko po Lolo Rem, salamat at nandiyan kayo!"
Uncle Rem: "Huwag mo syang sagutin at hayaan mo kay Issay ang lahat! Magtiwala ka sa kanya at alam kong may plano sya!"
Nang madinig ito Tess tinawagan nya agad si Isabel pero hindi nya makontak.
Kinakabahan na sya pati si Vanessa na andun din para tumulong kay Tess sa opisina.
Tess: "Matalik mong kaibigan si Ms. Isabel, kaya tatanungin kita, ano sa palagay mo ang gagawin niya?"
Nagisip si Vanessa, kilala niya si Roland na matagal ng namemeste sa buhay ng kaibigan pero kahit nuon pa man pinagiingat na nya sya dito.
Vanessa: "Hindi ko alam! Kaya mas mabuting antayin na natin si Issay!"
'Friendship, nasaan ka na ba? Nag aalala na ako!'
****
Nang matakasan ni Belen sila Oscar, naghanap ito ng matataguan para makapagpahinga. Kailangan nyang mapanumbalik ang lakas nya kahit kaunti. Hindi na sya ganuon ka bata madali na rin syang mapagod at wala pa syang kinakain maliban sa huling bunga na nakuha nya habang nagpapahinga sila.
Nadinig nya ang lagaslas ng tubig at sinundan nya kung nasaan ito.
Nang malapit na sya sa tubig nakita sya nila Oscar pinaputukan sya nito. Tumakbo sya at
nang makakita ng pagkakataon, gumanti si Belen ng putok, tinamaan ang tauhan ni Oscar saka tumalon sa ilog.
Sumabit sya sa isang sanga para hindi tuluyan maanod ng tubig ngunit nakita sya ni Oscar at pinaputukan ito.
Palakas ng palakas ang signal ng aparato habang bumababa si Gene sa bangin. Nakaramdam ng tuwa ang puso nya, pero nabigo sya pagkababa dahil wala duon si Belen.
Sinundan nya ang signal at dinala sya sa isang sanga na nakalawit sa ilog at duon nya nakita ang relo ni Belen na nakakapit sa puno.
Pero nasaan si Belen?
Nadoble na ang kaba ni Gene.
*****
Bumalik si Winnie sa hotel na tinituluyan nya at dumiretso sa silid nila Anthon at Issay.
Matagal na syang may duplicate key sa silid nila at ilang beses na syang labas masok dito.
Lagi na nyang ginagawa ito kay Anthon pag nagkakasabay sila ng hotel na lagi naman nangyayari dahil sinasadya nya.
Pag bukas ng pinto napansin nyang madilim dahil magaalas sais na at nakasarado pa din ang mga kurtina.
Bubuksan na sana nya ang ilaw pero mas minabuti nyang wag na lang para hindi sya makilala ni Anthon.
Nakita nya si Anthon na nakadapang nakahiga sa kama, natutulog.
Wala ng inaksayang oras si Winnie, pagkakataon na nyang maangkin si Anthon ngayon. Hinubad nya lahat ng damit nya at saka nahiga sa kama.
Ngayon lang niya nakatabi ng ganitong kalapit ang lalaking ng patibok ng puso nya.
Inumpisahan nyang hawakan at amuyin ang buhok nya tapos ang mga bisig nya.
Napansin nitong wala itong damit pantaas ng mapadako ang kamay sa may likuran nito.
Bigla itong umungol na tila naramdaman na may humaplos sa kanya.
Kinabahan si Winnie, paano kung malaman nyang hindi sya si Isabel?
Matagal nyang plinano na mapaghiwalay ang dalawa.
Kailangan mapasa kanya si Anthon at masira si Isabel sa paningin nya.
Ito ang kabayan ng mga babaeng malakas ang loob na umaligid sa lalaking mahal nya! Sa isip nya sya lang ang babaeng karapatdapat
para kay Anthon.
Sinubukan nitong gayahin ang boses ni Issay.
Winnie: "Gising ka na love!"
"Hmmm..."
Hinalikan ni Winnie ang mga bisig nito papunta sa likod.
Maya maya naramdaman nyang gumagalaw ang ulo nito at ng mapansin sya, agad na hinalikan.
Napapikit si Winnie ng maramdaman ang halik na iyon na matagal na nyang inaasam at ngayon ay pumupukaw sa buo nyang pagkatao.
Maya maya bumaba ang halik nito sa leeg, napahalinghing sya dahil may halong kiliti ang nararamdaman.
Nang mahalikan ang buong leeg nya bumaba ito sa dibdib. Hindi na nya maawat ang bibig nya sa mga ingay na nilalabas nito na parang sumasabay sa ginagawang sa kanya.
Ngayon lang nya naramdaman ang ganitong pakiramdam. Nakabaliw pala!
Hindi nya ikakaila na birhen pa sya at walang pang karanasan dahil kay Anthon nya lang ito gustong ilaan.
Hanggang sa nakaramdam sya ng sakit na parang dumududrog sa bawat kalamnan nya, tila hindi nya makaya ang sakit ngunit buong puso nyang tinanggap.
Dahil ito ang gusto nya!
Ang matagal na nyang pinapangarap.
Nangiti si Winnie.
Ngiti ng tagumpay!
Nang biglang ....
Bumukas ang pinto at nagliwanag ang paligid!
"Sino ka? at anong ginagawa nyo ng asawa ko?!"
Galit na tanong ng boses na hindi nya maaninag kung sino.
"Iniwan lang kita sandali may ginagawa ka ng kalokohan!"
Singhal nito sa lalaki.
"Hindi ko alam! Pag gising ko nasa tabi ko na sya!"
Hindi na nakapagsalita pa si Winnie dahil naramdaman na lang nya na may humila sa buhok nya at kinaladkad sya palabas ng silid hubot hubad!
Sa labas nagulat ang lahat sa ingay na naririnig nila. Napatingin ang mga tao na naroon at naglabasan pa ng silid ang iba para alamin kung ano ang nangyayari.
At nakita nila ang isang babae na walang awang sinasabunutan ang isang nakahubad na babae at pinagsaaampal ito.
Hiyang hiya si Winnie ng kaladkarin sya at ngayon ay pinagtitinginan ng maraming tao.
"Gusto kong tumawag ka ng pulis! Huling huli ko itong nakikipagtalik sa asawa ko!"
Sabi ng babae sa manager na parating.
Sinubukan kumawala ni Winnie sa sabunot ng babae kahit na makalbo pa sya. Hindi na nya kaya ang kahihiyan na ito.
Nang makawala, laking gulat nya ng makita ang babaeng sumabunot sa kanya.
Winnie: "Sino ka?!"