Walang alam si Congressman sa nangyayari kay Isabel. Ang buong akala nya ay sinunod ng mga tauhan nito ang utos nya.
Congressman: "Nasaan na ang bata?"
Ito ang una nyang tinanong pagkadating nila sa hideout.
"Malapit na raw sila doon, Boss!"
Kinabahan si Yasmin.
'Sino ang tinutukoy nilang bata? Dinukot din ba nila ang baby ko?'
Yasmin: "Sinong bata ang tinutukoy nyo? Huwag nyong sabihin ang anak ko?"
Hindi sila sumagot. Nakatakip pa rin ng itim na supot ang ulo nito para hindi sila nito makilala.
Lalong tumindi ang kaba nito ng hindi sya sinagot ng mga kausap.
Buti pa kanina na may kasama sya.
Humagulgol ito sa pagiyak. Hindi na mapigilan ang emosyon at ang matinding takot nito.
Kahit na itinatali nila si Yasmin sa isang poste, patuloy pa rin ito sa pagiyak.
Iniwan na nila ito at umakyat sa taas. Nasa isang basement sya ng isang lumang factory.
Bago isara pinto, muli syang tiningnan ni Congressman.
Congressman: "Ngayon Anthon, tingnan ko ang galing mo kung paano mo hahanapin ang mag ina mo!"
Bumalik sa alala nya ang mga panahon na halos mabaliw sya sa paghahanap kay Winnie. Sinuyod nya ang lahat at ginamit nya ang koneksyon nya para makita ito.
"Boss, nanduon na raw ang bata!"
Congressman: "Magaling!"
Nangingiti nitong sabi.
At isinara na nya ng tuluyan ang pinto at iniwan si Yasmin na hindi tumitigil sa pagiyak sa loob.
Kanina, sa restaurant..
Habang nagkakagulo ang mga tao sa pagkawala ni Issay at Yasmin, saka naman kumilos ang isa sa mga tauhan ni Congressman na isang waiter.
Totoong waiter sya at isa sa bagong empleyado ng restaurant kaya kilala sya ng karamihan dito.
Binigyan nya ng isang mangkok na ice cream ang batang naiwan nagbabantay sa bata.
At ng wala na ang lahat, dahil abala sa nangyayari sa labas, kinuha nya ang bata at nilagay sa isang lumang kahon.
Papalabas na sya ng restaurant ng sinita sya ng gwardiya.
Guard: "Ano yan?"
Waiter: "Basura Sir, itatapon ko lang!"
Lumapit ang guwardya para tingnan ang laman ng kahon. Kinakabahan na sya kaya hinanda na nya ang maliit nyang kutsilyo na hawak nya sakaling pigilan sya nito.
Nang hawak na ng guwardya ang takip ng kahon para silipin ang laman, bigla nilang narinig ang isang malakas na sigaw na nagmula sa loob. Sabay sabay silang napatingin sa direksyon ng sigaw.
Guard: "Ano yun?!"
Agad na humakbang ng kaunti ang waiter para maalis ang pagkakahawak ng takip saka nya isinara ang kahon.
Waiter: "Sir, tingnan nyo baka kung ano yun?"
Nagdadalawang isip ang guwardya kung iiwan ang waiter na may dalang kahon.
Waiter: "Sir mukhang may nagiiyakan na dun?"
Nadidinig din ito ng guwardya.
Guard: "Dito ka lang babalikan kita!"
Waiter: "Yes Sir!"
At naupo pa ito para ipakita sa guwardya na magaantay sya.
Pero ng wala na sa paningin nya ang guwardya, agad itong tumayo at mabilis na umalis.
Isinakay nya ang bata sa isang pasadyang delivery compartment na ginagamit sa pag deliver ng pagkain. Nilagyan niya ito ng maliit na bintana para may pumapasok na hangin sa bata.
Eksakto lang bata sa loob, at iniwanan nya ng gatas para kung sakaling magising ay hindi ito umiyak.
Sa loob ng sampung minuto, nagawa nya ito at nakalayo na ng restaurant.
Pagdating nya sa di kalayuan, pumasok sya sa isang garahe.
Doon nagaantay ang mag asawang magdadala sa bata sa pinagusapang nilang pagdadalhan.
Pinalitan muna nila ng damit na pambabae ang bata bago sila umalis para kung sakaling magkaroon ng check point.
At ang waiter na nagdala sa bata ay bumalik sa pinagyarihan gamit ang ibang motor at muling naupo sa inuupuan nya kanina, dala muli ang kahon na pinuno nya ng basura na parang walang nangyari.
Mabilis nilang nagawa ito dahil nung gabi pa lang, tinakpan na nila ang mga CCTV camera sa lugar at iniba nila ng direksyon.
Huli na ng malaman ito ng kapulisan. Ngayon lang kasi nagkaroon ng ganitong katinding krimen.
Congressman: "Nagkaroon ba ng problema?"
"Wala Boss, pati yung tao natin mabilis na nakabalik sa restaurant!"
Pinabalik nila ang waiter para magespiya kila Anthon.
At ang bata...
Wala na syang planong ibalik ito dahil mayroon na syang buyer para dito. Ang kailangan na lang ay mailabas nya ito ng bansa.
Kung paano nya gagawin iyon?
Naka plano na ang lahat.