Napansin ni Issay ang palitan ng tingin ng magkakapatid.
Issay: "Hindi ako pagod, kaya kung ano man ang sasabihin nyo sabihin nyo na ng maka balik na tayo pare pareho ng Maynila!"
Marami din syang iniwang trabaho sa opisina para lang pagbigyan ang hiling ni Anthon. Nagaalala pa sya sa kalagayan ni Belen at plano nitong bumisita kundi lang nangulit ang fiancé nya.
Anthon: "Okey sige, kumain na muna tayo saka tayo magusap!"
Issay: "Hindi magusap tayo habang kumakain!"
Anthon: "Teka, bakit ba parang nagmamadali ka? Kararating lang natin ah!"
Issay: "Haaay! Bahala na nga kayo!"
At hindi na ito nagsalita. Lumabas ito ng bahay at nagpunta sa hardin kasunod si Vanessa.
Hindi naman maintindihan ni Anthon kung bakit nagalit si Issay.
Vanessa: "Sis, relaks ka lang wag kang ma stress!"
Issay: "Pinipilit kong mag relaks pero hindi ko na magawa! Sunod sunod ang dumarating na problema sa opisina na kailangan ng solusyon!"
Vanessa: "May maitutulong ba ako?"
Issay: "May utang pa akong pabor sa'yo at hindi ko pa ito nababayaran nuh!"
Vanessa: "Basta andito lang ako pag kailangan mo ng tulong!"
******
Sa loob ng bahay.
Anthon: "Ano bang problema nyo ba't ba hindi ninyo ako maintindihan? Gusto ko lang naman maging maayos ang pakiramdam ni Issay bago nya malaman ito kaya bakit kinokontra nyo ako?"
Gene: "Bro, hindi ka namin kinokontra! Alam mo ang trabaho ko at alam mong kailangang kailangan ako ngayon duon! Maraming nagiisip sa pamahalaan na may posibilidad na gawa ng kalaban ang ang pagsabog kaya top priority ito ngayon!"
Joel: "Saka Kuya, ano ba ang pagkakaiba kung ngayon na tayo maguusap o mamya? Tyak din naman pareho ang kalalabasan!"
Mainit pa rin ang ulo ni Anthon sa dalawang kapatid pero naintindihan nyang may punto ang dalawa.
Anthon: "Okey sige, mas mabuti pang magsimula na tayo!"
Tinawag ni Gene sila Issay at Vanessa at dinala sa isang silid na parang conference room.
Naruon na si Anthon at si Joel naman ay pinahanda na rin ang makakain nila.
Anthon: "Ngayon andito na tayong lahat hindi na ako magpapaliguy liguy pa! Ang paguusapan natin ay ang nangyaring pagsabog at ano ang kailangan natin gawin para makapag ingat tayo!"
Gene: "Sa ngayon wala pa rin makuhang lead ang mga nag iimbistiga kung may foul play pero ayaw pa rin kaming tigilan ng Malacañan kaya nag imbita na ng mga eksperto mula sa ibang bansa!"
Hindi inintindi ni Issay at Vanessa ang sinasabi nila, patuloy lang ang mga ito sa pagkain.
Nasa isang sulok sila ni Vanessa malayo sa kanila at nagbubulungan.
Vanessa: "Masarap itong dahon na ito crunchy!"
Issay: "Fried kang kong yan! Gusto mo gawin din natin yan sa bahay!"
Napansin sila ni Anthon.
'Seryoso kami rito tapos sila .... '
Para syang isang istriktong teacher na nahuling nagdadaldalan ang mga estudyante.
"Ehem!"
Issay: "Bakit, may problema ba?"
Anthon: "Hindi ba kayo pwedeng makinig sa pinaguusapan namin! Para din naman ito sa inyo ah!"
Issay: "Haaay!"
"Okey sige ganito na lang! Para hindi tayo magkailanganan, kayo na lang muna ang magusap at pag katapos balitaan nyo na lang kami ni Vanessa pag tapos na kayo! Dun na lang kami sa labas!"
"Okey lang ba sa'yo friendship?"
Vanessa: "Okey lang!"
Sabay tingin kay Joel na tumango lang din sa kanya.
Hindi rin kasi gusto ni Vanessa na magpunta dito napilitan lang din ito.
Anthon: "Teka, bat kayo lalabas? Kailangan nyong makinig dahil para sa kaligtasan nyo ito!"
Issay: "Dinala mo ako sa lugar na ito dahil sa kaligtasan ko? Pwede mo naman sabihin yan sa Maynila bat kailangan pumunta pa natin dito?"
Nagkatinginan si Joel at Gene. Alam nilang pag di tumigil si Anthon malamang may hindi magandang mangyayari.
Gene: "Ang totoo nyan Ate Issay may gusto kaming sabihin sa'yo!"
Joel: "Oo Ate tungkol sa kinuwento ni Pinyong sa'yo, naikwento din kasi sa amin ni Kuya Anthon!"
Napaisip si Issay kung ano ang tinutukoy ng mga ito.
Anthon: "Teka sandali lang! Tapusin muna natin ito saka nyo sabihin yan!"
Naalala na ni Issay ang ibig sabihin ng dalawa.
Tungkol ito sa nangyari nuon kay Pinyong, nasaksihan nito ang pagsagasa ni Roland sa isang matanda.
Issay: "Kung tungkol dun sa nasaksihan ni Pinyong, sikreto naming dalawa iyon na hindi nyo dapat nalaman!"
Joel: "Pasensya na Ate kung nagimbestiga kami!"
Issay: "Okey lang! Wala na naman akong magagawa dun!"
Sa reaksyon ni Issay, mukhang may alam na ito. Kaya hindi na muling nagpumilit pa sila Gene at Joel na sabihin ang resulta ng kanilang imbestigasyon.
Gene: "Anong plano mo ngayon?"
Issay: "Kailangan kong makausap si Miguel!"
Biglang umusok ang tenga ni Anthon. Kanina pa sya binabalewala ng mga ito tapos ngayon madidinig pa nya ang pangalan ni Miguel.
Anthon: "Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?"
"Bat kailangan mong kausapin yung Miguel na yun?"