webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 综合
分數不夠
213 Chs

Nagpanting

Habang nangyayari ang lahat ng ito, nasa tapat naman ng apartment ni Issay si Anthon. Nagaantay sa kanyang pagdating.

Kanina, sa apartment ni Issay, kinausap na sya ni Madam Zhen at sinabi nito na wala si Issay at hindi daw uuwi, para hindi na sya magtagal.

Isang oras at kalahati ng nagantay si Anthon at naiilang na si Nicole dahil kanina pa itong nakaupo sa sala at parang walang planong umuwi. Inaantok na sya. Sinamahan sya ng anak ni Madam Zhen sa pagtulog dahil iyon ang bilin ni Issay.

Ipinakita ni Madam Zhen ang text ni Issay kay Anthon na may biglaan itong lakad sa Tagaytay kaya hindi makakauwi ng ilang araw, para maniwala ito.

Kaya walang nagawa si Anthon kung hindi ang magantay sa kotse nya. Hindi sya naniniwala na pupunta si Issay sa Tagaytay.

Magdamag itong nagantay pero hindi dumating ang inaantay.

Pagbukas ng gate ni Madam Zhen, nagulat sya at si Nicole ng matanaw sa tapat ng apartment si Anthon.

'Anong ginagawa ng taong ito dito? Nagantay ba sya ng magdamag?'

Ramdam nilang may ibang nangyayari pero ayaw nilang makialam. Maraming mamimili ngayon at kailangan na nilang magmadali.

Hindi na nila inintindi si Anthon at dumiretso na ang dalawa sa prutasan.

Nang sumikat na ang araw at kumakalam na ang sikmura nya saka lang nya natanggap na malamang may plano ngang hindi umuwi ni Issay ng ilang araw.

Ang kaba nya na hindi na naalis sa dibdib nya ay tila sasabog na ang dibdib nya sa pagaalala. Pero bakit ginagawa sa kanya ito ni Issay. Hindi nya maintindihan.

Simula ng nangyari sa Boracay hindi na nawala ang takot nya. Bawat oras nadadagdagan ang pagaalala nya pag wala si Issay sa tabi nya.

Pano kung may mangyari sa kanya?

Pano kung may dumukot sa kanya?

Paano kung maaksidente sya?

Mga "PAANO" na walang katapusan at hindi nya alam ay nilalamon na sya ng takot na ayaw man nyang aminin pero unti unting naghahari na sa buong pagkatao nya.

Sa isip nya normal lang ito dahil kailangan nyang protektahan ang mahal nya. Kung pwede nga lang ikulong nya sa isang kwarto masiguro lang nya ang kaligtasan nito.

'Masama ba iyon?

Masama bang isipin ko lagi ang kaligtasan nya?

'Hindi ko sila maintindihan!'

Tinawagan nya si Gene.

Anthon: "Alam mo ba kung nasaan si Issay?"

Gene: "Hindi ko alam Bro! Si Joel, alam mo na bang nasa ospital?"

Anthon: "Pag may balita ka kay Issay sabihin mo sa akin!"

Gene: "Hindi mo man lang ba tatanungin kung anong lagay ng bunso nating kapatid?"

Naiinis ito na tila wala syang pakialam kay Joel.

Anthon: "Kasalanan nya yan! Kung hindi nya ako pinigilan di sana hindi ko sya nasaktan at sana naabutan ko sila Issay!"

Gene: "Kasalanan? Bakit nya naging kasalanan?"

Anthon: "Dahil hindi nya sinunod ang gusto ko! Pinaalis nya sila Issay kahit na sinabi kong wag silang aalis, pinigilan nyang habulin ko yung dalawa at pinagbawalan din yang sumunod ang mga tauhan natin sa kanila at pati ang signal nila issay inalis din nya! Ngayon hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin!

Nanggigil nitong sabi.

Si Joel ang pinuno ng organisayon ito na binuo ng ama nya para matulungan ang mga sundalong nawala sa serbisyo.

Lahat ng tauhan nila malaki ang respeto kay Joel, hindi lang dahil sa sya ang pinuno kungdi dahil

lahat sila malaki ang utang na loob sa kanya dahil minsan nailigtas nito ang buhay nila.

Kaya sa kanilang tatlo si Joel lang ang pinakikinggan nila at alam iyon ni Gene at Anthon.

Gene: "Ibig mo bang sabihin na ang dahilan kaya mo ginulpi si Joel ay dahil sa hindi nasunod ang gusto mo?"

Unti unti ng naiintindihan ni Gene si Joel, may nagbago na nga kay Anthon.

Anthon: "Kung hindi nya ako pinigilan di sana hindi nawawala si Issay! Hindi nyo ba naisip kung gaano kadelikado na mawala sya sa tabi ko?! Pano kung may mangyaring masama sa kanya?!"

Gene: "Pero hindi na bata si Ate Issay alam na nya ang dapat gawin!"

Hindi na ito nagsalita at ibinaba na ang phone.

"Bakit tila pinagkakaisahan nila ako?"

"AAAARRRHH!! KAINIS!!!"

"Kailangan kong malaman kung nasaan si Issay!"

Bigla nyang naisip kung nasa ospital si Joel malamang pupunta duon si Vanessa at maaring andun din si Issay.

Tinawagan ulit nito si Gene.

Anthon: "Bro San ospital nandun si Joel?"

******

Sa ospital.

Joel: "Honey love na miss kita! Buti andito ka! Bored na ko dito gusto ko ng umalis!"

Vanessa: "Anong aalis ni hindi ka nga halos makabangon dyan! Syempre darating ako matitiis ko ba naman ang Honey babe ko!"

Sabay haplos nito sa katawan ni Joel.

Napalunok si Joel.

'Jusko wag dyan wala pa akong lakas!' Pero masarap sya!'

Vanessa: "Bakit Honey babe may masakit ba sa'yo? Saan banda?"

Natataranta nitong sabi ng makita ang nalukot na mukha ng nobyo.

Joel: "Hindi Honey love okey lang sige ituloy mo lang sya ng dahan dahan..."

Vanessa: "Ganito ba Honey babe....."

Hinaplos nya ng dahan dahan ang dibdib nito.

Joel: "Oo Honey love..... pakibaba mo pa ...!"

Sabay hampas ng malakas ni Vanessa sa tyan nya!

Joel: "Aww! Dahan dahan naman Honey love!"

Vanessa: "Hmp! Puro ka kalokohan!"

Nang biglang ...

Blag!

Bumukas ang pinto at nagulat sila ng pumasok si Anthon.

Pagpasok nito nilinga ang paligid. May hinahanap. Tapos ay nagtungo sa banyo.

Sinundan lang ng dalawa ng tingin ang ginagawa ni Anthon.

Nang hindi makita ang hinahanap saka hinarap ni Anthon ang dalawa.

Anthon: "Nasaan si Issay?"

Nagpalitan ng tingin ang magkasintahan.

Joel: "Wala sya dito Kuya! Nakikita mo naman diba?"

Hindi nya pinansin si Joel at dumiretso ang tingin kay Vanessa.

Anthon: "Nasaan si Issay?"

Vanessa: "Hindi ko alam kung nasaan sya!"

Joel: "Kuya wala dito si Ate Issay! Kung wala ka ng sasabihin makakaalis ka na!"

Pero hindi ito umalis bagkus ay lumapit ito ng dahan dahan kay Vanessa.

Naalarma si Joel at sinubukan tumayo para protektahan ang nobya.

Anthon: "Kung hindi mo sasabihin sa akin kung nasaan si Issay pwes isasama kita para ituro mo kung nasaan sya!!!"

Sabay hawak sa pulso nito.

Joel: "Kuya ano bang ginagawa mo? Bitiwan mo si Vanessa!"

Nasasaktan si Vanessa sa pagkakahawak ni Anthon pero nataranta ito ng makitang nagpupumilit makatayo ni Joel para protektahan sya.

Vanessa: "Honey babe wag kang tumayo mahina ka pa, bumalik ka sa higaan mo makakasama sa'yo!"

Sabi nito habang hinahatak ang kamay nya sa pagkaka hawak ni Anthon.

Vanessa: "Bitawan mo 'ko!!!"

Sabay sampal kay Anthon

Pero hindi sya binitiwan nito at mas lalo pang hinigpitan ang hawak.

Vanessa: "Hindi ko alam kung nasaan si Issay at kung alam ko man hindi ko rin sasabihin sa'yo!!!"

Nagpanting ang tainga ni Anthon sa nadinig. Galit na galit na hinahatak nya palabas si Vanessa tila nasasapian na.

"Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa 'kin at ituturo mo kung nasaan si Issay!"

"MALIWANAG!!!"