webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 综合
分數不夠
213 Chs

May Mas Maganda Akong Plano

Bago ang general meeting ng kompanya, naisipan munang ayain ni Anthon si Issay mag date.

'Kailangan ko muna syang masolo!'

Pagkatapos kasi ng general meeting magiging abala na siya dahil malapit na ang kaarawan ni Mama Fe, kailangan na nyang umuwi ng San Roque.

May usapan sila na alas sinko sya nito susunduin kaya pumasok muna si Issay sa opisina dahil may mahalahang kliyente ito ng araw na iyon.

At marami silang dapat tapusin ni Nadine para sa darating na general meeting.

Katatapos lang nilang magusap ng kliyente nya at sumabay na rin itong bumaba para mananghalian.

"Sige po, Mr. De Leon, marami pong salamat!"

"Ako ang dapat magpasalamat sa'yo, Ms. Isabel. Sige mauna na ko!"

At umalis na ito.

Naupo naman si Issay at tinawagan si Nadine na bumaba na para sabay na silang kumain.

Nagaalala syang baka magpagutom na naman ito dahil tutok na tutok na naman sa trabaho.

Issay: "Nadine, iwan mo muna ang ginagawa mo at bumaba ka na dito sa lobby. Bilisan mo na!"

Nung mga oras na iyon bumaba na rin sa lobby si Nicole para mananghalian at nagulat ito ng mamataan nya si Issay na nakaupo sa isa sa upuan na nasa lobby, tila may inaantay.

Hindi pa alam ni Nicole na isa si Isabel sa shareholder at may mataas na posisyon sa kompanya, kaya ng makita nya ito sa lobby na nakaupo, naiinis nitong nilapitan si Isabel.

"Hoy, ikaw!"

Singhal ni Nicole kay Issay sabay turo sa kanya.

Nagulat ang lahat ng naroon sa lakas ng boses ni Nicole. Pero mas ikinabigla nila ng makilala kung sino ang sinisigawan nito.

"Diba sinabi ko sa'yo 'wag ka ng babalik dito?!"

Mataray nitong sabi kay Issay.

Pero tumingin lang si Issay sa kanya at saka pinagpatuloy ang pagte text kay Anthon.

"Guard palabasin nyo nga ito!"

Utos ni Nicole sa mga gwardya na akala mo sya ang nagpapasweldo sa kanila.

Hindi siya inintindi ng mga guwardya.

"Hoy kayo!"

Sabay turo sa mga nasa reception desk.

"Palabasin nyo nga itong babaeng ito! Ano ba?! Magsikilos nga kayo dyan! Kung hindi, isusumbong ko kayo kay Edmund!

Inuutusan ko kayo! Palabasin nyo ang babaeng ito!"

Singhal ni Nicole sa mga empleyado na naroon na parang sya ang boss.

Napataas lang ng kilay ang mga inuutusan nya.

"Hmp akala mo kung sinong makapagutos!"

"Nakalimutan nya ata na nag O-OJT lang sya dito!"

Bulungan ng mga nasa receptionist.

Kaya walang sumunod ni isa man sa kanya bagkus ay kinunan pa sya ng video ng ibang empleyado na bumababa na rin para mananghalian.

Kilala nila kung sino si Isabel at inis naman sila kay Nicole dahil sa mayabang at aroganteng ugali nito na laging ginagamit na panakot ang pagiging malapit nila ni Edmund.

Pero hindi umalis sa pagkakaupo si Issay at wala syang panahong pansinin si Nicole dahil busy sya sa kanyang ginagawa pakikipag text kay Anthon. Kinikilig pa nga ito.

Nang mapansin ni Issay na tila, dumarami na ang nagmamasid sa kanila, saka lang nagsalita ito.

"Oy, tama na yan. Mag lunch na kayo! Anong petsa na hindi ba kayo nagugutom?"

Suway nito sa mga taong naroon at nakikusyoso.

"Opo Ms. Isabel!"

Magalang na sagot nila.

"Ikaw din Ms. Nicole mag lunch ka na rin."

Sabi ni Issay kay Nicole na hindi man lang sya tinitingnan dahil bumalik ulit ito sa ginagawang ag tetext.

Lalo naman nabwisit si Nicole.

Hindi man lang siya pinapansin ng mga tao duon pero sobrang galang naman nila kay Isabel.

At ngayon sya pa ang pinapaalis nitong babeng ito?!

Sa inis ni Nicole hinawakan nya ang kamay ni Isabel at kinaldkad ito palabas ng lobby.

"Halika nga dito!"

Gigil na gigil na sabi ni Nicole kay Issay sabay tulak palabas ng pintuan ng lobby na muntik ng ikahulog ni Isabel.

Mabuti at nadun ang security at sinalo sya.

"Dyan! Dyan ka sa labas at dyan ka nababagay!

Huwag ka ng babalik dito dahil blacklisted ka na dito!

Guard 'wag nyong papasukin ulit yan dito!"

Singhal ni Nicole.

Nagpupuyos ito aa galit.

Hinarangan naman ng mga guwardya si Nicole para hindi na nito malapitan si Issay na ikinagulat nito.

Saktong palabas naman ng elevator si Nadine ng makitang kinakaladkad ni Nicole ang boss nya.

Tumakbo ito palapit kay Nicole.

PAK!

Galit na galit nitong sinampal ang kapatid.

"Tama na! Tumigil ka na! Wala kang karapatang gawin yan sa kanya!"

Galit na sambit ni Nadine sa kapatid.

Nagulat naman si Nicole sa ginawa ng ate nya at sinapo ang pisngi na nasampal nito.

"Bakit mo ko sinampal?! Gusto mong isumbong kita sa Mama?!"

Pero sa pagkakataong ito, hindi nya nakitaan ng takot ang kapatid ng banggitin nya ang ina.

Galit na galit ito sa kanya.

Natataranta na si Nicole, hindi nya maintindihan kung bakit ganito umasta ang ate nya ngayon.

"Bakit ate? Bakit ganyan ka? Dahil ba may malakas ka ng kalandian ngayon kaya ang tapang mo na?!

Akala mo hindi ko alam ang mga pinaggagawa mo dito! Pinagtsitsismisan nila ang kalandiang pinaggagawa mo!"

PAK! PAK! PAK!

Hindi na makontrol ni Nadine ang galit nya.

Parang ibinuhos nya lahat ng kinikimkim nyang galit sa bawat binibigay nyang sampal kay Nicole.

Nilapitan na ni Issay si Nadine upang pigilan ito.

"Nadine, tama na! Tama na please!"

Inakap nya si Nadine para tumigil ito.

Takot na takot naman si Nicole sa ginawa ng ate nya, kaya ng may pumigil, tumakbo na ito palayo sa kanya.

Nang mahimasmasan si Nadine, umiyak itong humihingi ng tawad kay Issay.

"Mam sorry po! Sorry po talaga!"

At humagulgol na ito sa pagiyak.

"Shhhh! ...Tama na, tahan na!"

Sabay alo kay Nadine para tumigil na ito.

Nanginginig pa ang buong katawan ni Nadine dala siguro ng sobrang galit.

At hindi pa rin ito tumitigil sa pagiyak dahil sa inis at kahihiyang nadarama nya sa ginawa at sinabi ng kapatid nya.

Hinarap ni Issay ang mga tao na nag uusyoso duon.

"Magsibalik na kayo sa mga ginagawa ninyo!"

At inilayo na ni Issay palabas si Nadine upang mas mahimasmasan pa ito at upang sila ay makapagusap.

Ngunit hindi nila napansin na anduon din si Edmund, kabababa lang, at nakita niya ang lahat ng nangyari.

Tumawag ito agad sa HR, hiniling na paalisin na si Nicole sa kompanya at ipina blacklisted pa nya ito.

Tapos ay nagpatawag sya ng emergency meeting para sa lahat ng hapon ding iyon.

Nasa isang restaurant na sila ng maayos na ang pakiramdam ni Nadine.

"Ate Issay, hindi ko na po kaya, magre resign na po ako!"

Wala na syang mukhang maipapakita sa mga tao sa kompanya. Nahihiya sya s ginawa nya.

"Ayoko!"

Mariing tanggi ni Issay

"Pero Ate Issay, hindi ko na po kakayanin ang bumalik pa ng opisina! Hiyang hiya na po ako!"

Naintindihan sya ni Issay.

"Wagkang mag resign,

may mas maganda akong plano sa'yo! Magaral ka! Ang kompanya ang bahala sa pag aaral mo!"

Pinagisipan mabuti ni Nadine ang magandang suhestiyon ni Issay. Ayaw din naman nyang umuwi ng Zurgau dahil may gusto syang patunayan sa ama.

Kaya pumayag na rin sya.

Pero paano nya sasabihin sa magulang ang desisyon nya?

Biglang nabalot ng takot si Nadine ng maalala ang mga magulang.

'Malamang nakapagsumbong na si Nicole sa Mama!'

Nakita naman ni Issay ang pagbabago sa mukha nito.

"Kung makikita mo itsura mo ngayon malamang matatawa ka!"

Pangiinis nito kay Nadine.

"Buti pa, halika! Uuwi na tayo sa apartment ko! Samahan mo na lang akong magayos para sa date ko mamya!"