webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 综合
分數不夠
213 Chs

Mas Maiging Wala Syang Alam

Paglabas ni Anthon buhat, buhat ang biyenang babae ni Enzo papuntang sasakyan, nagulat na lang sya ng makita si Miguel na nilagpasan sya at dumiretso sa driver seat ng sasakyan.

Miguel: "Ano pang hinihintay mo dyan?"

Nang makasakay na sila agad na pinaandar ni Miguel ang sasakyan.

Anthon: "Hindi ba natin aantayin si Enzo?"

Miguel: "Sa itsura ng biyenan nya sa tingin mo maiintay pa natin sya?"

Kaya paglabas ni Enzo ng gate, nagulat sya ng makitang wala na doon ang sasakyan.

Enzo: "Grabe sila, hindi talaga ako inintay!"

Tinawagan nya ang dalawa para malaman kung saan ospital nila dinala ang biyenang babae.

Sa ospital.

Ayaw iwanan ni Enzo ang biyenan nyang babae hanggang sa hindi pa ito nagigising.

Pero...

Nalaman na rin ng ibang kamaganak ni Nelda ang nangyari kay Eddie at sa kanilang ina kaya nagpunta ang mga ito kasama ang ama nila.

Galit na galit ang pamilya ni Nelda kay Enzo at pinagtabuyan sya ng mga ito palabas ng ospital.

Miguel: "Pare, lika na, hayaan mo na sila! Nagawa mo na ang pakay mo dito kaya pwede na tayong umalis!"

Enzo: "Pero ...."

Miguel: "Huwag kang magaalala hindi naman sa lahat ng oras nandyan sila. Magaalisan din yang mga yan!"

Anthon: "Tama Pre! dun muna tayo magpalamig!"

Nagtungo sila sa isang restaurant na bukas 24oras na malapit sa ospital uminom ng kaunti at naghintay.

Nang magkamalay si Mamang, tinawagan nya agad si Enzo.

Nasa restaurant pa sila.

Agad na nagtungo ng ospital si Enzo at sa tulong ni Miguel, madali silang nakapasok dito.

Pagdating nya ng silid ng biyenan ang tanging naroon ay ang pamangkin ni Nelda na anak ni Egay na si Ginny.

Enzo: "Mang kamusta po?"

Mang: "Isama mo ako sa Maynila.. Gusto kong makita ang mga anak ko!"

Nang makita ni Ginny si Enzo, galit na galit ito. Tatawagan na sana nya ang Tito Eboy nya ng biglang kunin ni Miguel ang cellphone nya.

Mang: "Apo, bakit?

Ginny: " Kasalanan nya kaya nakakulong ngayon si Papa!"

Galit na galit nitong itinuro si Enzo.

Enzo: "Ginny, hindi ko gustong manatili doon ang Papa mo. Wala kasing pasok kaya hindi ko sya mapalabas. Pero nagutos na ako na palabasin na sya maaga palang ng lunes!"

Ginny: "Pero ikaw ang nagpakulong sa kanya!"

Mang: "Apo... sinong nagsabi nyan sayo?"

Ginny: "Sila Lolo po at si Tito Eboy! Sabi nila nakakulong daw si Papa dahil pinakulong ni Tito Enzo!"

At humagulgol na ito sa pag iyak.

Ginny: "Salbahe ka pala Tito Enzo, akala ko mabait ka!"

Miguel: "Teka sandali may tatawagan lang ako."

Enzo: "Ginny, hindi ko gusto na manatili sa kulungan ang Papa mo. Kaya lang wala akong magawa, wala kasing pasok ngayon kaya hindi ko mailabas si bayaw!"

Hindi naiintindihan ni Ginny ang ibig sabihin ni Enzo. Bata pa ito para maintindihan ang tungkol sa mga batas.

Maya maya iniabot ni Miguel ang cellphone nya sa bata pero hindi nito kinuha.

Pinindot ni Miguel ang speaker at ibinaba sa lamesa.

Miguel: "Magsalita ka!"

Egay: "Ginny anak..."

Ginny: "Pa?"

Egay: "Oo anak ako to! Sorry anak kung pinagalala kita at ang Mama mo!"

Ginny: "Pa!"

At umiyak na iyo ng umiyak.

"Ano po bang nangyari sa inyo Pa, bakit po kayo nakakulong?"

Egay: "Anak wag kang umiyak. Saka hindi ako nakakulong! Nasa custody ako ng mga pulis dahil iniligtas ko ang Tita Nelda mo. Hindi pa ako makakauwi dahil kailangan pa nila ako dito para mahuli lahat ng may kasalanan."

At binuksan nito ang video chat para maniwala ang anak.

Egay: "Kita mo hindi ako nakakulong! Hindi nga lang ako maka labas kasi bukas pa daw!"

Nagbago na ang mukha ni Ginny ng makitang nasa ayos ang ama.

Nagtataka si Enzo kaya tiningnan nya si Miguel.

'Malamang may ginawa ang taong ito kaya nailabas ng kulungan si Egay!'

Enzo: "Buti pa Egay, isasama ko sya at ang asawa mo pagbalik ko sa Maynila, para may kasama si Mamang!"

Egay: "Salamat bayaw at pasensya na sa lahat!"

Sabay tinging ni Enzo kay Miguel. Tumango ito ng bahagya bilang pasasalamat.

Miguel: "Kailangan makaalis kayo agad para walang aberya, pero paano nyo mapapapunta dito ang nanay nitong bata?"

Mang: "Teka kelan ba tayo aalis, iho?"

Enzo: "Ngayon na po sana Mamang!"

Hindi na nagtanong ang biyenan nyang babae kung paano magagawa ng manugang nyang makaalis agad dito.

Kinuha nito ang cellphone at tinawagan ang asawa ni Egay na si Giselle.

Mang: "Seling, si Mamang ito, kailangan ko ng mga gamot ko kaya dalhin mo dito!"

Seling: "Mamang, okey na po kayo? Teka pupuntahan ko po si Papang!"

Mang: "Seling, ikaw ang gusto kong makausap hindi ang Papang mo! Makinig ka!"

Pumunta ka dito sa ospital at dalhin mo ang gamot ko, pag may magtanong sa'yo sabihin mo dadalhin mo lang ang gamot ko at aabutin na sa'yo ni Ginny sa baba. Naintindihan mo! Isama mo na rin ang reseta para maibili mo ako nung pang umaga kong gamot!"

Seling: "Opo, Mamang!"

Hindi sinabi ng matanda ang totoong dahilan kaya kailangan nyang magtungo sa ospital.

'Mas maiging wala syang alam para walang magduda sa kanya!'

Pagbaba nya ng cellphone nakatingin sa kanya ang tatlo.

Mang: "Bakit ganyan kayo makatingin? Totoo naman na kailangan ko yung mga gamot ko!"

Nagkanya kanyang iwas na lang ng tingin ang tatlo.

Miguel: "May pinapunta na rin akong tao sa bahay nyo sakaling hindi si Seling ang magdala ng gamot."

Mang: "Si Seling lang ang pwedeng magdala nun pera na lang kung ...."

******

Sa bahay ng biyenan.

Nasa likod lang ang pinaka bahay nila Seling, karugtong ito ng malaking bahay ng biyenan na pinaayos at pinalaki ni Enzo. Isang pinto lang ang pagitan.

Ang pamilya ni Egay at Seling ang nagaalaga sa pangangailangan ng dalawang matanda. Sa pagkain, paglilinis ng bahay at marami pang iba pa. Para silang mga katulong dito na walang sweldo.

Hindi pumayag ang mga Kuya ni Nelda na si Eddie at Eboy na tumira ang pamilya ni Egay sa loob ng malaking bahay dahil baka daw angkinin nila ito pagnagtagal. Kaya pinagawan na lang sila ni Enzo ng maliit na bahay sa likod.

Si Egay din ang nagaasikaso ng maliit na negosyong ibinigay ni Enzo sa mga mga biyenan nya pero wala itong sweldo dito. Si Nelda ang nagbibigay sa kanya ng pera at nagpapaaral sa anak nya.

Pagpasok ni Seling sa malaking bahay, dahan dahan ito dahil baka magising ang biyenan nyang lalaki. Madali pa naman itong magalit pag nagising ng alanganin.

Dahan dahan ang kilos nya nagtungo sa kabinet kung saan nakatago ang gamot ng biyenan.

Habang abala sya na hinahanap at inaayos ang dadalhing gamot, hindi nya namamalayan na may aninong kanina pa naka masid sa mga kilos nya ... at ngayong ay papalapit na sa kanya.