webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 综合
分數不夠
213 Chs

Kunwari Pa

Nang madinig ni Gene na buntis si Belen, nataranta itong tumakbo upang makita si Belen.

'Yes! Tatay na ulit ako!'

Nang mapagod sa pagtakbo, saka nya lang naalalang may dala pala syang sasakyan.

Nakalimutan nya ang kotse nya na nakaparada sa tapat ng gate ng apartment kaya nagmamadaling nitong binalikan.

Medyo malayo layo layo pa ang kila Belen kung tatakbuhin nya at kailangan nya ng maraming energy para mamya. Hehe!

Pagkasakay ng kotse agad nitong tinawagan ang assistant nya upang i cancel ang flight nya papuntang visaya bukas ng madaling araw at susubukan nyang maghanap ng ka relyebo para magkaroon sya ng mas mahabang panahon kay Belen.

Pagdating sa gate ng subdivision, hindi na sya pinapasok ng mga gwardiya. May curfew kasi ang mga pumasok duon at nagbilin din si Madam Belen na hindi na sya tatanggap ng sino mang bisita ngayong gabi kahit na emergency, pwera lang kung nasa listahan ka.

Kaya walang nagawa si Gene kung hindi maghanap ng paraan para makapasok duon.

Inakyat nya ang mataas na pader ng subdivision para makapasok sa loob. Kung paano? hindi ko rin alam!

Kaso pagdating sa mismong bahay nila Belen, hindi rin sya pinapasok ng guwardya ng bahay nila.

"Sir, pasensya na po! Kabilin bilinan po kasi ni Madam, kailangan nya daw po ng mahabang pahinga kaya pinagbawalan nya po ang bisita!"

"Pakiusap po bumalik na lang po kayo bukas!"

Kahit anong pakiusap ni Gene wala syang nagawa kung hindi maghanap ng ibang paraan para makita ang ginigiliw nya.

Gene: "Huwag kang magalala Giliw ko, gagawin ko ang lahat para magkita tayo! Antay antay ka lang dyan Bebe ko, andyan na ako!"

Nakita nya ang isang puno ng acacia na malapit sa bintana ni Belen. Pero bago sya makarating sa punong iyon tatlong pang puno ang kanyang tatawirin.

Gene: "Mukhang kailangan kong mag ala Tarzan! Go, Gene! Hehe!"

Dahan dahan syang umakyat sa puno ng kapitbahay nila Belen saka buong ingat na tinawid ang mga puno hanggang makarating sa acacia.

Nang nasa puno na sya ng acacia kitang kita na nya si Belen at naligalig ang puso nya.

Gene: "Giliw ko andito na ako! Lumingon ka naman!"

"Pssst!"

Wala pa rin. Kumuha na sya ng barya at sinubukan na patamaan sya pero masyadong malayo.

Sinubukan nya ulit.

At ng makita ni Gene na lumapit ito sa bintana kumaway ito.

Gene: "Ayan na ang giliw ko! (kinikilig) Mukhang sabik na sabik din syang makita ako!"

Buong saya itong kumakaway.

Nang matanaw nyang punong puno ng emosyon si Belen ng makita sya, lumipat ito sa isang sanga na mas malapit sa bintana ni Belen pero mukhang hindi maayos ang sanga na ito kaya hirap na hirap syang magbalanse.

Gene: "Giliw ko ako 'to si Gene! Kamusta ka na? Na miss na kita!"

Belen: "Bwisit ka Gene! Tinakot mo ako! Anong ginagawa mo dyan bakit ka nasa taas ng puno?!"

'Mukhang nagaalala sa akin ang Giliw ko, natakot sya ng makita ako sa puno!'

Gene: "Hindi ako pinayagan na makapasok kaya umakyat na lang ako sa puno para makita ka!

Natuwa ka ba sa ginawa ko Giliw ko?"

Belen: "Anong natuwa na pinagsasabi mo? Naninilip ka siguro kaya ka andyan?! Hmp!"

Napangiti si Gene.

'Hmmm! Si Giliw ko kunwari pang hindi ako na miss! at nagdadahilan pang sinisilipan ko sya eh nasilip ko na naman lahat! ayeeiii nakaka kilig!'

Belen: "Umuwi ka na gabi na!"

Gene: "Ayoko nga! Ang hirap kayang umakyat dito!"

Sa paguusap nila ni Belen nadinig nya ang mga asong papalapit.

Gene: " Giliw, pwede ba papasukin mo ako! Hehe! Baka makagat ako ng aso eh!"

Belen: "Neknek mo manigas ka dyan!"

At nawalan na ito ng balanse at pagkatapos...

Crack!

BLAG!

Gene: "Aray, aray masakit!"

"Ang balakang ko, aruy, aruy!"

"Sir ano pong ginagawa nyo sa puno?"

'Loko 'to nagtanong pa hindi ba nya nakikitang masakit!'

Bumaba si Belen upang tingnan sya.

Belen: "Anyare?"

Nang madinig ni Gene ang boses ni Belen, agad itong tumayo na parang nagdadahilan lang na may masakit sa kanya kanina.

Gene: "Ah, wala Giliw, kinakausap ko lang ang mga tao mo tungkol sa safety, baka pasukin kayo ng magnanakaw!"

"Saka kailangan nating magusap!"

Nagmamadali itong pumasok sa loob ng bahay.

Belen: "Hoy teka sandali, hindi pa kita ....."

'Loko 'tong hinayupak na 'to naisahan na naman ako!'

'Pumasok agad ng walang pahintululot!'

'Hmp! Lagi na lang syang ganyan!'

Sinundan nito si gene sa loob ng bahay at natagpuan nya itong nakaupo sa sofa na pang isahan.

Belen: "Ano bang paguusapan natin? Sabihin mo na at kailangan ko ng magpahinga!"

Gene: "Maupo ka kaya muna dito sa tabi ko!"

Kahit na solo ang sofa, kayang maupo dito ang dalawang tao. Pero hindi doon naupo si Belen kundi sa mahabang sofa.

Kaya tumayo si Gene at tinabihan sya sabay hawak sa bewang nito kaya hindi na magawa ni Belen na makalipat.

Belen: "Magsalita ka na, tungkol ba saan ang paguusapan natin?"

Pero hindi nagsalita si Gene,

pinagmasdan lang sya. Tinititigan lang nya ang mukha nito tila kinakabisado ang bawat detalye.

Hindi mapakali si Belen sa mga titig na iyon tila may bumubulabog sa buo nyang pagkatao.

Belen: "Te ... teka .... bat mo ..ba ko tinititigan ... ng ganyan?'

Hinaplos ni Gene ang buhok nito tapos ang pisngi at ang kanyang mga labi.

Gene: "Gusto kong malaman mo na alam ko na?"

Bulong nito.

Nakiliti sya ng maramdaman lumapat ang labi ni Gene sa tenga nya at tila may init na pumasok sa katawan nya ng dumapo ang hininga nito sa tenga nya.

Belen: "A.. ang.. alin?"

Hinawakan nito ang puson niya at nagustuhan.

Belen: "Pa.. pa ..ano mo.. na..la..man?"

Gene: "Hindi na yun mahalaga!"

Panay ang usod ni Belen sa upuan, mayamaya naramdaman nyang nasa dulo na sya. Pero wala syang magawa, tila nawalan na sya ng lakas na lumaban dahil hindi na nya makontrol ang katawan nya.

Unti unti ng lumalapit ang mga labi ni Gene sa kanya.

Napalunok si Belen saka pumikit at maamo nitong inantay ang mga labi ni Gene.

Nang lumapat na ito para syang batang kumakain ng ice cream, sarap na sarap sya na parang kay tagal nyang pinanabikan ito.

"Ehem!"

Napatigil ang dalawa sa ginagawa nila.

Napatingin sila pareho kay Edmund na kadadating lang, galing ng inuman. Hindi nila napansin dahil abala sila.

Edmund: "May kwarto sa taas baka gusto nyong umakyat!"

Biglang kumawala si Belen.

Belen: "Andito ka na pala hindi kita napansin!"

Edmund: "...."

Gene: "Edmund, pwede ba kitang makausap?"

Edmund: "May gusto ka ba sa tyahin ko?"

Gene: "Oo, mahal ko sya!"

Edmund: "Handa mo ba syang panagutan?"

Gene: "Oo naman handa ko syang pakasalan!"

Edmund: "Pwes, wala na tayong dapat pang pag usapan!"

Gene: "Salamat Edmund!"

At kinamayan nya ito.

Edmund: "Wala pong anuman Tito Gene. Sige po matutulog na ako!"

Belen: "Hoy anong Tito?

Damuho kang bata ka inalagaan kita simula nung isilang ka tapos ipamimigay mo lang ako basta basta!"

"Hoy wag mo akong iwan dito!"

Edmund: "Tiya, ang bilin nyo sa akin, wag akong makikialam sa usapan ng matatanda."

"Saka Tiyang wag ka na pong maginarte, gusto nyo din naman yan, kunwari pa kayo!"

"Sige po maiwan ko na po kayo!"