webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 综合
分數不夠
213 Chs

Koneksyon

"Kamusta naman ang love life?"

Tanong ni Ames kay Issay na ikinagulat naman ng huli. Hindi nya inaasahan ang tanong na ito.

Ames: "Kalat na sa San Roque na engaged ka na raw! Kelan ba ang kasal? Hmmm!"

Miguel: "Engaged ka na?

Hindi mo man lang ako inantay!"

"Sino! Sino yang damuhong yan na may lakas ng loob agawin sa akin ang girlfriend ko?"

Issay: "Baliw!

Ex girlfriend!

Ikaw kaya nakipagbreak sa akin tapos mong layasan!

Nakalimutan mo na ba?"

Miguel: "Ouch! Na hurt ako!"

Natawa si Issay.

Ames: "Alam mo kayong dalawa, bagay talaga kayo! Pareho kayong baliw!"

"Hahaha!"

Miguel: "Pero seryoso, sino ang lalaking nagpa amo sa mailap na puso mo?"

Issay: "Si Anthon."

Miguel: "Sinong Anthon? yung anak ng bodyguard ni Tito Bert?"

Ames: "Mismo!"

Issay: "Kilala mo si .. Anthon?

Ibig kong sabihin, magkakilala kayo ng personal?"

Nagtatakang tanong ni Issay dahil mismong si Anthon ang nagsabi sa kanya na hindi sila magkakilala ni Miguel ng personal.

Miguel: "Oo! Lagi syang sinasama ng Papa nya sa bahay nila Luis kaya madalas nakakakwentuhan namin sya at nakakalaro. At alam ko din na matagal ng may gusto sa'yo yun pero laging dinadaga!"

"Malaki ang takot nun sa katawan mula ulo hanggang paa! Malaki pa sa kanya!"

"Bakit ganyan kang makatingin?"

Issay: "May itatanong ako sa'yo

tungkol sa aksidente ng Nanang ko!"

Miguel: "Alam mo na?"

Issay: Oo, pero naguguluhan ako ngayon. Kung kilala ka ng personal ni Anthon bakit sinabi nya sa mga pulis na hindi nya kilala ang driver? E diba ikaw ang driver?"

Nagisip si Miguel. Pilit inaalala ang gabing iyon.

Ames: "Ikaw ang nakabangga sa Nanang ni Issay?!"

Miguel: "Sira! Kung ako ang nakabangga sa tingin mo makakaharap ako sa kanya!"

"Yung aso ang nabangga ko, tumakbo kasi ito ng sipain ni Anthon at hindi ko alam ang nangyari sa Nanang mo Issay!"

Issay: "Pagkatapos anong sumunod na nangyari?"

Miguel: "Sinigawan ako ni Luis na tumakas dahil alam nyang wala akong dalang lisensya at hindi ako pwedeng magkarekord! Paalis na kasi ako nun papuntang America!"

Ames: "Iniwan mo si Luis?!"

Miguel: "Hindi! Nagtago lang ako! Pero may nadinig akong ungol sa di kalayuan ng hanapin ko nakita ko yung bata tila naghihingalo! Dinala ko sa ospital!"

Ames: "Sino yung bata at sino ang nakabangga sa Nanang mo?"

Hmmm!"

Miguel: "Hindi ko kilala yung bata pero ibinigay sa akin ito ng nurse!"

At kinuha nya ang isang kwintas sa bulsa ng wallet nya.

Pamilyar kay Issay ang kwintas. Katunayan ito ang kwintas na ibinigay ng Tatang nya sa Nanang nya at lagi itong suot ng ina.

Kinuha ni Issay ang alahas.

Issay: "Si Pinyong yung bata at si Roland ang nakabangga sa Nanang ko!"

Ames: "Sinong Roland? Yung pinsan ni Luis?"

Issay: "Kilala mo si Roland?"

Ames: "Oo sya yung walanghiyang naka buntis sa kapatid ng kaibigan ko pero ayaw panagutan at kahit na may DNA test na hindi pa rin kinilala yung anak nyang si Rowena!"

Issay: "Rowena?"

Ames: "Oo, Rowena Lopez ang anak ni Roland!"

Napangisi si Issay.

'Mag ama pala sila. Hmmm....'

Ames at Miguel: "???"

Issay: "Nakita ko na ang koneksyon ni Roland kay Rowena Lopez.

******

Sa sasakyan.

Nagprisinta si Miguel na maghatid kay Issay sa apartment dahil may gusto itong itanong dito.

Habang nasa sasakyan..

Miguel: " Issay, gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko!"

Issay: "Tapos na yon kalimutan na natin saka mga bata pa tayo noon! Hindi kita sinisisi sa mga nangyari!"

Miguel: "Salamat Issay! Tungkol nga pala sa baby natin. Nasaan sya? Gusto ko syang makita at makilala!"

Buong ngiti at pananabik nitong sabi.

Issay: "Paano mo nalaman.....?"

Miguel: "Si Luis! Sya ang nagsabi sa akin na buntis ka ng umalis ako!"

Nung malaman ko huli na may asawa na ako nuon!

Hinanap kita pero wala ka na sa San Roque at walang makapagsabi kung nasaan ka!"

"Alam kong may alam si Luis pero ayaw nyang sabihin sa akin. Ayaw nyang guluhin ko pa ang buhay mo!"

"Ngayon nakita na kita, gusto kong makita ang anak natin, pwede ba? Gusto kong malaman nya na ako ang Papa nya!"

Buong ngiti nitong sabi na ikinataranta naman ni Issay.

'Jusko, pano ko sasabihin na nakunan ako!'

Miguel: "Sabihin mo sa akin, yung bang babeng nasa likod mo kanina, sya ba ang anak natin?"

Issay: "Sinong tinutukoy mo? Si Nicole?"

Miguel: "Nicole.... ang ganda ng pangalan nya. hahaha!"

Issay: "Paano mo naman nasabi na anak ko si Nicole?"

Hindi alam ni Issay kung matatawa o hindi sa sinabi ni Miguel.

Kumpara mo kay Issay,

matangkad si Nicole at malayo ang itsura sa kanya.

Nasa 5'2" lang ang taas ni Issay at nasa 5'6 ang taas ni Nicole. Kaya hindi mo talaga mapapagkamalan na mag ina sila.

Miguel: "Pareho kayo ng kilos at pagiisip! Naalala kita sa kanya nung bata ka pa!"

Issay: "Ano?" Sira ka talaga!"

"Hindi ko anak si Nicole!"

Miguel: "Ha? Kung hindi sya nasaan ang anak natin?"

Sumeryoso si Issay.

Issay: "Nakunan ako."

Nagulat si Miguel hindi nya ito inaasahan.

Simula ng malaman nyang buntis si Issay, pinanabikan na nya ang sandaling makita ang magina.

Miguel: "So.. sorry!"

Nalungkot sya. Hindi nya akalain na sobra sobra pala ang dinulot nyang sakit kay Issay.

Pano sya makakabawi.

Issay: "Hindi lang ikaw ang nagkulang sa baby natin pati ako! Hanggang ngayon pinagsisihin ko pa rin ang pagkawala nya.. pero.... may dahilan ang Diyos!"

At bumuntunghininga ito ng malalim.

Tila may tumusok naman sa dibdib ni Miguel ng makitang ganito si Issay kaya inayos na nito ang sarili at ngumiti.

Miguel: "Tama ka! At least may angel ka ng laging nakabantay sa'yo kaya wag ka ng pasaway!"

Sabay pingot sa ilong nito.

Issay: "Aray ano ba kainis ka!"

Ihinto mo na dyan at baba na ko!"

Bago bumababa..

Miguel: "Mukhang marami akong atrasong babayaran sa'yo!" "Salamat!"

Tiningnan sya ni Issay na tila may gustong sabihin pero hindi nya maisatinig.

Issay: "Miguel, maipapangako mo ba sa akin, sa sandaling kailanganin ko ang tulong mo darating ka?"

Hindi mawari ni Miguel pero kinabahan sya sa sinabi ni Issay.

May tila ipinahihiwatig ang tanong nya.

Miguel: "Ipinapangako ko!"

Pagkahatid kay Issay umalis na ito pero hindi pa sya nakaka layo ng may humarang sa sasakyan nya.

Si Anthon.