webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 综合
分數不夠
213 Chs

Gusto Kong Maging Masaya Ka

Nalilito man, kasama si Tito Joel nya, nagtungo sila sa ospital para damayan ang ama.

Nasa gitna pa ng operasyon si Belen ng dumating sila.

Si Gene, na sanay silang makita sa clean cut image nito lalo na pag naka uniporme, ay hindi mo makikitaan ng ganun ngayon.

Mukha syang tumanda ng sampung taon at ni hindi nakapagahit.

Joel: "Kuya anong nangyari? Bakit dika tumawag ka agad para nasamahan ka namin?"

"Kamusta si Madam?"

Gene: "Nasa operasyon pa sya!"

Halata sa kanya ang sobrang pagaalala na ipinagtataka naman ni Jaime.

Joel: "Ano bang nangyari?"

Gene: "Biglang sumakit ng matindi ang tyan nya nung check up nya nung isang araw ... tapos kahapon... tumaas naman ang blood pressure nya ..Kaya bumalik kaming ospital.... at pagdating dito, hindi muna kami pinaalis ng ng duktor para ma monitor sya ... dapat sa isang linggo pa sya bibiyakin pero mas minabuti na ng duktor na ngayon na dahil baka maging delikado na daw pareho sa magiina."

Nalilito pa rin si Jaime, nag kakaroon sya ng hinala sa nangyayari kaya gusto nyang magtanong pero hindi nya alam kung paano nya itatanong na hindi magagalit ang ama.

Kinakabahan kasi sya sa itsura ng ama, ngayon lang nya nakita itong tila wala sa sarili.

Maya maya dumating si Edmund. Ang karibal nya sa puso ni Nadine.

Edmund: "Tiyo, bakit hindi nyo po ako sinabihan agad? Sana naka uwi ako ng mas maaga!"

Halatang naiinis ito pero may paggalang pa rin naman kay Gene.

Gene: "Pasensya kana ayaw ipasabi ng Tiya mo sa'yo!"

Ilang araw ng wala sa Maynila si Edmund nasa San Roque at kasa kasama ito ng matandang Perdigoñez upang itrain para maging isang magaling na negosyante.

Ayaw ni Belen na maistorbo ang training ni Edmund kaya inilihim nito ang nangyaring pagsakit ng tiyan nya nung isang araw.

Pero dahil sa desisyon ng duktor na biyakin na sya, kinakailangan ang consent nya.

Sya pa rin kasi ang tumatayong malapit kamaganak nito kaya sa bandang huli nalaman din nya.

Naintindihan naman ni Edmund ang Tiya nya dahil ganito talaga sya sa kanya, kayang tiisin ang sakit bago ipaalam sa kanya.

Pero... may kirot sa puso ni Gene ang nangyari. Dahil sa hindi sila kasal ni Belen, sa ganitong sitwasyon, masasabing wala pa rin syang karapatan sa kanya.

Punong puno man ng kalungkutan ang mukha ni Gene pag naiisip iyon, pinipilit pa rin nyang ipinapakita sa lahat na okey lang sa kanya. Handa syang magantay, dahil ganun nya kamahal si Belen.

Hindi na muling nagsalita pa si Edmund pinagmasdan na lang ang pinto ng delivery room.

Pero, hindi nya maintindihan, kung bakit parang may nakatingin sa kanya.

Kaya iginala nya ang mata sa paligid at napansin nya ang isang pares ng mata na masamang nakatitig sa kanya.

'Anong problema ng taong ito bakit ganito sya makatingin sa akin?'

'May atraso ba ako sa kanya?'

Pinilit nyang ngumiti kahit simple bilang pagbati pero lalong tumalim ang titig nito na parang gusto syang patayin sa mga titig nya.

'Haaist! Para syang nakaka lalaki ah!'

'Inaano ko ba sya?'

Naiirita na sya kaya kumunot na rin ang noo nya at nakipagtitigan na rin kay Jaime.

'Kala mo ikaw lang ang may kakayahang makipagtitigan!'

Si Jaime na kanina pa napipikon dahil sa kawalan nya ng alam sa nangyayari, lalong nainis ng makita si Edmund.

'Ang angas talaga ng taong ito! hmp!'

Hindi na nito mapigilan ang inis na nararamdaman at gusto nya itong iparamdam kay Edmund.

'Kala mo kung sinong makaasta! Ang yabang!'

Ngunit mas lalo syang napikon ng makita nyang gumaganti din ito ng masamang titig sa kanya.

'Nangiinis ba sya?'

Pikon na pikon na sya at kumukulo na ang dugo nya kay Edmund at malapit na nya itong sapakin.

Nang biglang.....

"UHAA .... UHAA... UHAAAA!!!

Sabay sabay silang napatingin sa iisang direksyon at tila nawala ang tensyon sa paligid.

Pero hindi sa loob ng delivery room kung saan naroon si Belen.

Hindi pa tapos ang laban nila. Hindi pa normal ang lagay ni Belen at bumabagal na din ang tibok ng puso nya.

Si Dr. Drew na kanina pa hindi tumitigil sa pagbibigay ng CPR kay Belen ay butil butil na ang pawis. Kinakabahan na sya.

"Hindi ka pwedeng mawala Belen!"

At si Belen ....

Nasa isang lugar sya na pamilyar sa kanya. Ito ang bahay nila ng asawa nyang si Wil.

"Anong ginagawa ko dito? Bakit ako narito?"

"Honey..."

Paglingon ni Belen nakatayo sa harapan nya ang asawa.

Belen: "Honey!"

Buong pananabik nya itong nilapitan at inakap.

Wil: "Halika doon tayo.."

Dinala sya ni Wil sa isang puno na may swing. Ito ang swing na ginawa ng asawa nya para sa kanya.

Masayang naupo si Belen sa swing habang nakatayo sa gilid sa tabi nito si Wil.

Ito ang na miss nya simula ng mamatay ang asawa at labis labis nyang hiniling na mangyari muli.

At ngayon nangyari na wala na syang hihilingin pa.

Nakangiti nyang pinagmasdan ang asawa habang idinuduyan sya. Ayaw nyang mawala sa paningin kahit isang saglit.

Wil: "Masaya ka ba?"

Belen: "Oo Honey, masaya akong lagi kang nasa tabi ko, napapanatag ako."

Sa delivery room....

Tuuuuuuuuuuuuuuut.....

Sabay sabay silang tumigil ng madinig na nag flatline ang pasyente maliban kay Dr. Drew.

Dr. Drew: "Kunin nyo ang AED (defibrillator)! DALI!!!"

"Hindi maari ito, hindi ka pwedeng mamatay!"

Sumisigaw na si Dr. Drew. Gusto nyang marinig ni Belen ang sinasabi nya.

"Narinig mo yun? Iyon ang uha ng mga anak mo... Inaantay na nila ang Mommy nila!"

Belen: "Ano yun?"

( uhaaa ... uhaaa .... uhaa... )

Nagtataka sya ba't may naririnig syang uha ng bata. Mahinang mahina ito pero naririnig pa rin nya na tila tinatawag sya.

Nakaramdam sya ng pagaalala.

Dr. Drew: "Nangako ako sa'yo na gagawin ko ang lahat para mabuhay ka kaya wagkang bibitiw Belen!"

"CLEAR!"

*tsug*

"CLEAR!"

*tsug*

Dr. Drew: "Belen kaya mo 'to bumalik ka utang na loob bumalik ka!"

"Sinong magalaga ng mga anak mo?!"

"Ginusto mo ito diba tapos aalis ka! hindi pwede to, BUMALIK KA!!"

Kinuha ni Wil ang kamay ni Belen at hinalikan.

Wil: "Mukhang kailangan mo ng umalis..."

Belen: "Ha? Bakit Honey, ayaw mo na ba akong makasama? Gusto kong makasama ka!"

"Hindi ko na kaya na mawala ka pa sa buhay ko!"

Wil: "Honey, ... darating ang panahon na magkakasama din tayo. ... Pero hindi pa ito ang oras. Alam ko kung gaano mo ako kamahal kaya tandaan mo ito: Gusto kong maging masaya ka ..."

Belen: "Wil! Wil!"

"CLEAR!"

*tsug*

tuuut .....tuuut .... tuutut..!