webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 综合
分數不夠
213 Chs

DANGER

"Ikaw ang bodyguard ni Nelda?"

Tanong ni Issay sa lalaking tumulong sa kanila upang maisakay si Nelda sa sasakyan.

Hindi nya ito kilala, ngayon lang nya ito nakita. Ang kilala lang nya ay ang bodyguard nya at ni Vanessa.

Hiningi nito kay Issay ang susi ng sasakyan upang sya ang magmaneho.

"Opo Mam, ako po si Ardo. Ako po ang inutusan ni Sir Enzo na mag bantay kay Mam Nelda!"

Issay: "Alam ba ni Nelda na ikaw ang bodyguard nya?"

Ardo: "Hindi po Mam! Lihim po syang pinasusundan ni Sir!"

Napansin ni Issay na gustong magsalita ni Nelda pero pinigilan sya ni Issay.

Issay: "Mas mabuting wag ka ng magsalita para hindi maubos ang lakas mo!"

Pero kinakabahan si Issay, hindi nya kilala ang taong ito, paano kung kasamahan ito ng mga goons na gustong kumidnap kay Nelda at nagpapanggap lang na bodyguard?

Kanina, habang binibitbit ng isang goons si Nelda, hindi ito lumapit para pigilan ang goons. Pero ng nabaril si Nelda, saka lang nito nilapitan ang goons at saka ginulpi.

Kaya hindi maiwasan ni Issay na hindi magduda.

Tinawagan nya ang kaibigan.

Issay: "Enzo, papunta kaming ospital, may tama si Nelda!"

Habang kausap si Enzo, sinusubukan din ni Issay na kausapin si Vanessa na naka pwesto sa likod ni Ardo habang hawak hawak ang sugat ni Nelda, pinipigilan ang pagdurugo.

Nag aral ng sign language si Issay dahil kay Pinyong at tinuruan din nito si Vanessa.

D A N G E R

Ito ang mensahe nya kay Vanessa.

Enzo: "Bakit? Anong nangyari?"

Natatarantang tanong nito.

May humarang sa amin tatlo sa parking area at sya ang pakay. May ideya ka ba kung sino?"

Isa lang ang nasa isip ni Enzo na maguutos nun, ang biyenan nya.

Ang ama ni Nelda.

Hindi na nakapagsalita si Enzo.

Issay: "Enzo?.... Hello?"

Pero wala pa din sagot.

"Dun na tayo magkita sa ospital, i tetext ko na lang sa'yo kung saan!"

Vanessa: "Anyare?"

Issay: "Mukhang nabigla sa sinabi ko, hindi na nakapagsalita!"

Pero habang kausap ni Issay si Vanessa, unti unti nitong nilalabas ang stun gun nyang kulay pink habang nag tetext naman si Issay kay Enzo.

Issay: [Kasama namin si Ardo ang bodyguard daw ni Nelda!]

Nagulat si Enzo ng mabasa ang text ni Issay.

Enzo: [Wala akong kilalang Ardo!]

Napansin ni Ardo ang pamumutla ni Issay.

Ardo: "Bakit po Mam?"

Issay: "Kabisado mo ba ang Maynila?"

Ardo: "Opo Mam, wag po kayong magaalala!"

Tumango lang si Issay at tumingin kay Vanessa.

Itinapat ni Vanessa ang stun gun sa braso ni Ardo at nagsimula itong mangisay.

Gumewang gewang ang sasakyan nila kaya agad na hinawakan ni Issay ang hand break pero nagulat ang kasunod nila sa bigla nilang pagpreno at naabutan ang likod ng sasakyan ng bahagya.

Lumabas si Vanessa humingi ng tulong.

Vanessa: "Tulong! Tulong!"

Nagsisigaw si Vanessa habang binubuksan ang pintuan para palabasin si Ardo.

Natakot ang kasunod nila kaya bumaba ito upang alamin ang pinsala ng pagkakabangga at nagulat ng makitang nangingisay ito pababa ng sasakyan, hindi makatayo.

Ginamitan kasi ulit sya ng stun gun ng hindi nya ito maialis sa upuan.

Napalunok ang driver na nakabangga sa kanila ng makita ang nangingisay na si Ardo lalo na ng mapansin nyang duguan ang babaeng kaharap, natakot ito.

'Hindi naman malakas ang pagkakabangga ko bakit sya duguan at bakit nangingisay ang driver?'

"Miss, pasensya ka na hindi ko sinasadya!"

Natatarantang sabi nuto

Vanessa: "Wag kang magaalala hindi ikaw ang may gawa nito sa amin, sya! May gustong kidnappin ang kaibigan namin at kasamahan nila yan ginamitan ko sya nito!"

At ipinakita ang stun gun at muling itinapat kay Ardo.

Natakot naman ang nakabangga sa kanila sa sinapit ng lalaking nangingisay.

'Jusko, ano ba itong napasukan ko?'

Habang kausap ni Vanessa ang nakabangga sa kanila, tinawagan naman agad ni Issay si Joel para humingi ng tulong.

Joel: "Sige Ate Issay malapit na dyan si Leon!"

Nagaalala nitong sabi habang nadidinig nito ang boses ni Vanessa sa background.

Issay: "Sis, bilisan mo si Nelda!"

Vanessa: "Sige Mr. Pogi, kailangan na namin umalis dahil may tama ng baril ang kaibigan namin kailangan madala agad sya sa ospital!

Huwag kang magaalala hindi ka namin sisingilin sa bangga! Kami ang may kasalanan, pero sana tulungan mo kami dito sa goons na ito. Pakibantayan mo sya hanggang sa dumating ang hiningan namin ng tulong na syang magdadala sa kanya sa pulis!"

At kinuha nito ang calling card nya at ibinigay kay Mr. Pogi.

Tumango tango lang ang kausap sa takot na baka sa kanya itapat ang hawak nito kapag humindi sya.

Sabay sakay sa kotse ni Vanessa at bago pinaandar nagpasalamat pa ito sa kausap.

Vanessa: "Pasensya na sa abala!"

Saka pinaharurot ang sasakyan.

Wala pang limang minuto dumating na si Leon at sya na ang nagasikaso sa lahat. Dinala nya sa presinto si Ardo at inareglo na rin nya ang nakabangga aa kanila na hanggang ngayon hindi pa rin nya maintindihan kung anong kamalasan itong sumapit sa kanya.

Pero laking tuwa nya na ang sinabi nyang kamalasan ay swerte pala ang dating sa kanya.

Pinalitan ni Issay ang nasira nitong sasakyan at binigyan din sya ng konting pera.

Pagdating ng ospital, andun na si Enzo at Joel nagaantay sa kanila.