webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 综合
分數不夠
213 Chs

Biyaya

Dahil sa hindi alam ni Belen ang gagawin sa sobrang kahihiyan, nagtalukbong ito ng kumot. Nakapikit ang mata at nagiisip na sana umalis na ang mga ito.

'Lord please, pakiusap! pauwiin nyo na po sila!'

Usal ni Belen habang nasa ilalim ng kumot.

Tila nadinig naman ang dasal ni Belen ng mapansin sya ng duktor nya.

Doc Drew: "Tama na po muna yang mga tanong! Alam kong lahat tayo gusto nating malaman kung sino si Daddy to be, pero kailangan ng mag pahinga ni Madam!"

"Makakasama sa kanya ang ma stress lalo na sa sitwasyon nya ngayon! At hindi rin makakabuti sa baby pag stress si Mommy, kaya mas mabuting iwan nyo na muna sya!"

Nagkatinginan ang tatlo. Kahit wala ni isa sa kanila ang nagsalita, halatang iisang pangalan lang ang nasa isip nila.

Edmund: "Ate Isabel kayo na muna ang bumalik ng opisina, maiwan na ako dito para magbantay kay Tiya Belen!"

Napansin ni Issay ang pagaalala sa mata ni Edmund.

Issay: "Mas makakabuti siguro kay Ate Belen na huwag na munang pumunta ng opisina! Makakasama sa'yo Ate at sa baby mo ang byahe ng byahe. Sa bahay ka na muna at kami na ang bahala sa opisina!"

"Wag kang magalala kaya namin ito! Simula ngayon si Tess na muna ang papalit sa pwesto mo!"

Natuwa si Belen sa sinabi ni Issay. Nawala ang isang bagay na bumabagabag sa kanya pero hindi nya sinagot si Issay at hindi pa rin ito nagalis ng kumot.

Nagpaalam na sila kay Belen at ihinatid naman sila ni Edmund sa labas ng ospital.

Iniwan nila si Belen na nakatalukbong pa rin ng kumot.

Doc Drew: "Madam, wala na po sila, pwede na po kayong lumabas dyan!"

Saka lang nagtanggal ng kumot si Belen at nakahinga ng maayos.

Doc Drew: "Madam, kailangan mo munang mag stay sa ospital para masigurado natin ang safety nyo at ni baby! Saka may nakausap na akong ob gyne na tititigan sa'yo at sa baby mo pero isa lang ang maipapayo ko sa inyo ngayon: Please, pakiusap! Bawal muna ang exercise! Hmmm!"

Sabay ngiti nito.

Belen: "Doc, nakakarami ka na sa akin!"

Nakakunot ang noo na sabi nya.

Doc Drew: "Madam, bakit po ba kayo nahihiya sa sitwasyon nyo? Ang pagbubuntis ay isang biyayang hindi ipinagkakaloob sa lahat! Isa itong regalong tanging sa mga babae lang ipinagkaloob!"

Tama si Doc. Isa itong biyaya na hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon.

Noon nanghihinayang sya dahil namatay ang asawa nya na hindi man lang sila nabiyayaan ng anak, kaya ngayon, ano bang iniinarte mo Madam?

Sa mga oras na yon tila natauhan si Belen. Inakap nya ang tyan na may kaunti ng bukol na mararamdaman.

"Gagawin ko ang lahat para maging maayos ka, pangako!"

Saka nya naalala si Gene.

'Hmp! Manigas sya!'

Doc Drew: "Ayan, mukhang maayos na ang pakiramdam nyo!" "Sa sitwasyon ninyo Madam, kailangan nyo ng mga taong tutulong sa inyo para maging maayos ang pagbubuntis nyo, gaya ng pamilya at mga kaibigan nyo!"

Belen: "Salamat Doc!"

****

Nang kumalat ang balita sa nangyaring pagsabog, nagpatawag si Anthon ng meeting sa mga kapatid nya at sa pagkaka taong ito isinama nya si Issay.

Issay: "San tayo pupunta?"

Tanong nya kay Anthon ng bigla itong magyayang mag out of town.

Anthon: "May kailangan tayong puntahan!"

Issay: "Dahil ba ito sa nangyaring pagsabog?"

Ito ang bagay na hindi nya gusto kay Anthon, ang pagiging praning nito. Masyado sya kung mag isip at magalala sa mga pwedeng mangyayari.

Minsan pakiramdam nya gusto na syang isilid nito sa isang kahon para lagi nyang nakikita at madali nyang mabitbit kahit saan. Hindi man nya aminin pero nasasakal na sya.

Anthon: "Oo tungkol dun at saka meron ka kasing dapat malaman!"

At hindi na sila nagusap hanggang sa makarating sa pupuntahan.

Pagdating nila sa isang bahay naruon din ang mga kapatid ni Anthon na si Gene at si Joel at si Vanessa.

Vanessa: "Friendship buti andito ka!"

Sabay akap kay Issay.

Issay: "Mabuti at narito ka, na mi miss na kita!"

Pero pilit ang ngiti nito.

Napatingin sya kay Anthon. Kilala nya si Issay, naiintindihan nya ang ibig nitong sabihin. Napilitan lang ba syang pumunta dito?

Vanessa: "Mabuti pa sa loob tayo para makapagpahinga ka! Mukhang napagod ka sa byahe!"

Anthon: "Mabuti pa nga at mamya may paguusapan tayo!"

Napabuntunghininga ng malalim si Issay na napansin ni Vanessa at ni Joel.

Joel: "Buti pa magpahanda na ako ng makakain at pagkatapos saka tayo magusap!"

Anthon: "Kahit mamya na! Mas mabuting makapagpahinga muna si Issay at mukhang napagod sa byahe!"

Pagaalala nito.

Pero hindi talaga pagod si Issay kundi nayayamot ito.

Gene: "Hindi pwede Bro! Hindi ako pwedeng magtagal dito, marami pa akong dapat gawin kaya kailangan kong makaalis agad!"

Napansin din nyang hindi kumportable si Issay pero mukhang hindi naiintindihan ni Anthon. Hindi naman nya masisi si Anthon, ngayon lang ito nagkaroon ng karelasyon. Hindi pa nito naintindihan ang ganitong kilos ng babae.

Naiinis si Anthon sa mga kapatid. Pakiramdam nya pinagkakaisahan sya ng dalawa.

'Hindi ba nila naintindihan na gusto ko lang makapagpahinga muna si Issay ng hindi ito mabigla sa paguusapan nila mamaya?!'

'Hmp!'