webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 综合
分數不夠
213 Chs

Balisa

Sa bayan ng San Roque, nataranta at hindi mapakali si Mama Fe.

Kanina pa syang balisa at kinakabahan, hindi nya mawari kung bakit.

Mama Fe: "Tawagan mo si Anthon, si Gene, si Totoy!"

Pabalik balik ito sa sala at maya't maya hinahawakan ang dibdib na parang nahihirapan sa paghinga.

"Lola kanina ko pa po tinatawagan, pero ni isa sa kanila wala pong sumasagot!"

Boses iyon ni Jaime ang apo ni Mama Fe kay Gene.

Paluwas na sana sya ng Maynila kaso hindi nya maiwan ang Lola nya na ganitong kalagayan.

Mama Fe: "Si Issay, si Vanessa, si Zhen tawagan mo din!"

Jaime: "Hindi ko rin po makontak si Ninang Issay at Tiya Vanessa! Si Madam Zhen po hindi raw po alam kung nasaan sila!"

Mama Fe: "Jusko! Asan ba ang mga iyon? Sabay sabay hindi makontak!"

Jaime: "Lola, maupo muna po kayo at kumalma at baka kung mapaano po kayo!"

Inalalayan nya ito sa sofa para maupo ng tumunog ang cellphone.

Mama Fe: "Ayan bilis, sagutin mo at baka isa na sa kanila yan!"

Jaime: "Hello?"

"Sir Jaime si Asul po ito, nasa ospital po si Sir Joel at hindi ko po makontak si Sir Gene!"

Mama Fe: "Sinong nasa ospital?"

Wala ng nagawa si Jaime dahil magkalapit silang maglola kaya narinig na ni Mama Fe.

Jaime: "Subukan mo ulit kontakin ang Papa at wag mong tigilan!"

At binaba na nito ang phone at hindi na tinanong ang detalye sa kausap dahil baka kung ano pa ang madinig ng Lola nya.

Mama Fe: "Anong sabi? Sino daw yung nasa ospital?"

Jaime: "Si Tito Joel daw po, pero wag po kayong magaalala Lola, kailangan lang ng kamaganak kaya hinahanap ang Papa!"

Mama Fe: "Ihanda mo ang sasakyan! Luluwas tayo ng Maynila!"

******

Nang makontak ni Asul si Gene, na kila Belen ito at pagkaraan ng dalawampung minuto nasa harapan na nya.

Sa isang ospital sa labas ng Maynila niya dinala si Joel kaya iniisip ni Asul na lumipad ito papunta rito.

Gene: "Magpaliwanag ka!"

Asul: "Sir, pinigilan po ni Sir Joel si Sir Anthon para habulin sila Mam Issay at Mam Vanessa! Sa galit po ni Sir Anthon nagulpi nya si Sir Joel pero hindi po ito lumaban! Kahit na mahina na si Sir Joel pilit pa rin nyang pinipigilan si Sir Anthon hanggang sa nawalan ito ng malay! At saka lang tuluyan nakaalis si Sir Anthon!"

Gene: "Nasaan si Ate Issay at Vanessa ngayon? Alam na ba nila ang nangyari?"

Asul: "Sir, sabi po ni Sir Joel wag daw po namin sundan sila kaya hindi po namin sigurado ang lokasyon ng dalawa! Saka hindi ko rin po makontak ni isa sa kanila!"

Gene: "Sige makakaalis kana!"

Hindi magawang pumasok ni Gene sa loob ng silid. Kailangan muna nyang magisip.

Bakit nangyari ito sa kanila?

Ano ang dahilan ni Kuya Anthon at nagawa nya ito sa bunso naming kapatid?

Anong bang pumapasok sa isip nya?

Maya maya tumunog ang cellphone nito.

Gene: "Jaime? akala ko kanina pa ang flight mo?"

Jaime: "Sorry Pa, pero nasa byahe pa ako pa Maynila at kasama ko si Lola! Hindi sya magpaiwan ng malaman na naospital si Tito Joel!"

Gene: "Sige magingat kayo sa byahe!"

Sumasakit ang ulo ni Gene.

Anong mangyayari pagnalaman ni Mama Fe na ang dahilan kaya naospital ang bunso nya ay dahil sa panganay nya.

Sa loob ng silid nagkamalay na si Joel at alam nyang nasa labas ang Kuya Gene nya. Masakit pa ang buo nyang katawan at kumikirot ang tadyang nya pag huminga sya.

Hindi rin sya makabangon.

Maya maya narinig na nyang pumasok si Gene.

Gene: "Bakit hindi mo na lang sya hinayaang gawin ang gusto nya?"

Tiningnan nya ng matalim ang kapatid.

Joel: "Kuya hindi mo ba nakikita ang ginagawa ni Kuya Anthon?

Sa tingin mo ba tama pa ang kinikilos nya?!"

Gene: "Alam mo naman nagseselos lang yun kaya ganun!"

Joel: "Kuya, hindi lang ito tungkol sa pagseselos nya at alam mo yun! Hindi na normal ang pinapa gawa nya sa atin!"

"At si Ate Issay, nakikita mo na naman na kulang na lang lagyan nya ng kadena yun tao para hindi mawala sa paningin nya!"

Gene: "Pero kahit na! Mahal na mahal nya si Ate Issay kaya hindi nya yun sasaktan!"

Joel: "Sigurado ka?

Kasi ako hindi na ko sigurado Kuya!"

"Nilalamon na ng matinding takot si Kuya Anthon kaya hindi na nya magawang magisip ng tama!"

Hindi na nagsalita pa si Gene.

Sa kanilang tatlo si Joel ang pinaka sensitibo ang pakiramdam kaya sya ang unang nakapansin sa pagbabago ng panganay nila.

Gene: "Nasaan sila Ate Issay at Vanessa? Alam mo ba?"

Joel: "Hindi!

Hindi ko alam kung nasaan ang phone ko baka kinuha ni Kuya Anthon! Siguro iniisip nya baka tumawag si Vanessa sa akin!"

Gene: "Paano natin sila makokontak ngayon?"

Joel: "Asan ang jacket ko kanina ko pa hinahanap?"

Hindi pa nya magawang makakilos kaya si Gene ang naghanap.

Nakita ni Gene ang jacket nito sa isang maliit na cabinet at saka iniabot sa kapatid.

Sa isang secret pocket nito naroon ang isang maliit na phone binuksan nya ito saka tumawag.

******

Sa ospital kung saan naroon sila Issay at Vanessa, mag katabi ang dalawa sa sofa habang pinagmamasdan ang natutulog na si Emily.

Vanessa: "Pano tayo tutuloy ng tagaytay ngayon Sis?"

Issay: "Pasensya na Sis, hindi ko sya kayang iwan!"

Vanessa: "Wag kang magaala naintindihan ko!"

Issay: "Ba't parang balisa ka?"

Vanessa: "Hindi ko alam Sis kanina pa akong kinabahan?"

Issay: "Wag mong sabihing nagaalala ka pa dahil akala mo nakabangga ka!"

Pagbibiro nito sa kaibigan.

Vanessa: "Hindi Sis, iba ito e!"

Hindi na sya muling biniro ni Issay dahil kita sa mukha nito ang kaba.

Maya maya.

Issay: "May naririnig ka bang tumutunog?"

Pinakinggan din ni Vanessa ang tumutunog at hinanap nila itong dalawa.

Nakita nila ang isang maliit na cellphone sa isang bulsa ng bag ni Vanessa.

Vanessa: "Paano napunta yan sa bag ko?"

Issay: "Bakit hindi ba sa'yo yang cellphone na yan?"

Vanessa: "Cellphone ba yan? Akala ko laruan?"

Issay: "Sira! Sagutin mo na nga at baka magising pa si Emily!"

Vanessa: "Hello?"

Joel: "Honey love!"